logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

January The Beginning

January The Beginning

Edmingard


Kabanata Isa

Tatiana's POV
Laking mahirap ako sa bayan ng Diwata. Isa itong lugar na malayo sa syudad. Isa akong nagtitinda ng isda, dahil nga ang bayan namin ay nasa tabing dagat lamang. Napakalayo sa kabihasnan. Kung gugustuhin mo mang pumunta roon sa syudad ay sasakay ka pa ng bangka upang makaabot sa kabilang nayon. Isa lamang akong simpleng dalaga na nangangarap na isang araw ay uunlad din at makakapunta sa syudad. Isang maybahay lang ang aking ina at dalawa lang naman kaming nakatira sa munting bahay namin. Isa kasi akong anak sa pagkadalaga ng Nanay ko. Nabuntis siya noon ng isang amerikanong dayuhan at pinangakoan ng kung ano-ano dahil nga sa dahilang bata pa noon si Nanay at bihira lang ang katulad nitong gwapong binata na dumarayo rito at nabihag nga niya ang puso ni Nanay. Masaya naman kaming dalawa ng Nanay at nakakaraos kami sa pang araw-araw. Naka gradweyt lang ako ng high school at hindi na ako nakapag-aral sa kolehiyo dahil bukod sa wala kaming pera ay malayo.
Nandito kami ni Nanay Patricia ngayon sa may tabing dagat at nag aabang ng mga bangkerong pumalaot. Ala-singko pa lang ng madaling araw. Marami rin ang mga kasamahan naming nag aabang. Ilalako ko ito sa kabilang bayan. Si Nanay naman ay dini-display niya sa palengke.
Nag-ingay na ang mga tao ng makita namin ang mga bangkerong padaong na.
Agad na kaming tumakbo ni Nanay at inabangan ang suki naming mangingisda. "Mang Pablo! marami bang huli?" tanong ko kay Mang Pablo na kakadaong lang at kasama nito ang anak niyang si Miguel na kababata naman niya.
"Basta't naghihintay ka Tiana eh! marami talaga kaming huli!" biro ni Miguel sa akin. Isa ito sa mga nanligaw sa akin noon pero agad kong binasted. Hindi dahil sa hitsura nito dahil gwapo naman si Miguel at lalong hindi dahil sa kanyang katayuan sa buhay. Hindi naman ako nangangarap na makapag-asawa ng mayaman. Gusto ko lang na maranasan ang makapunta sa syudad.
"Hay naku! Miguel, huwag mo na akong bolahin pa!" sabi ko rito sabay irap dito. Natawa na lamang ito sa akin.
"Ito namang si Tiana hindi na ma biro!" sabi nito at sabay kindat sa akin. Natawa naman ako.
"Ewan ko sayo Miguel! ano na marami bang huli?" tanong ko ulit at tiningnan ang box na lalagyan ng huling isda. Nagning-ning ang mga mata ko ng makita ang huli nilang isda.
"Wow naman Miguel! ang dami niyong huli!" bulalas ko. Napakamot ito sa batok niya.
"Sabi ko naman sa iyo eh! ayaw pang maniwala!" mahina nitong sabi pero umabot pa rin sa pandinig ko.
Siniko ko ito.
"Ikaw talaga! sige na at bibilhin na namin 'yan ni Inay," sabi ko at agad kong inilagay ang balde na lalagyan ng isda na ilalako ko mamaya.
"Hintayin mo ako Tiana, sasamahan na kitang mag lako," sabi ni Miguel.
"Nako! huwag na at alam kong pagod ka sa pangingisda," sabi ko rito at agad na inabot ang bayad sa kanya.
"Oh! hayan na wala na akong balanse sayo ah!" sabi ko, kinuha naman nito ang bayad.
"Basta sasamahan kita! huwag ka ng makulit pa!" sabi nito at agad na tumakbo sa kanilang bahay para magbihis ata.
Napailing na lang ako sa kanya.
Tiningnan ko si Nanay Patricia ng tumikhim ito.
"Oh! Nay tulungan na kitang bitbitin yan," sabi ko.
"Huwag na anak at tumawag na si Mang Pablo ng trysikel," sabi ng Nanay at agad ko namang namataan ang trysikel na sinabi ng Nanay. Bumaba kaagad si Manong Ben at kinuha ang baldeng may isda.
"Naku Mang Ben! salamat po," sabi ko at agad nang sumakay si Nanay sa trysikel.
Aalis na sana ako ng makita ko si Miguel na patakbo papunta sa akin.
"Aalis ka na ba?" tanong nito.
"Oo, huwag ka na lang kasing sumama eh!" sabi ko sa kanya. Kinuha nito ang balde at binitbit niya. Wala na akong nagawa at sinundan na lamang ito.
Sumakay kami ng trysikel para makarating sa kabilang bayan. Hindi naman ito kalayuan eh. Siguro nasa dalawapung-minuto lang ang biyahe bago makarating doon. Nang makababa kami ay agad akong nagbayad.
"Ako na sana ang nagbayad Tiana," mahinang sabi ni Miguel.
"Ano ka ba! sinamahan mo na nga ako rito tapos ay ikaw pa ang magbabayad?" sermon ko rito.
"Okay lang naman 'yon minsan lang naman eh!" sabi pa nito.
"Anong minsan? halos araw-araw mo nga itong ginagawa Miguel!" sabi niya.
Alam naman kasi niya kung bakit niya ito ginagawa. Pero matagal ko nang sinabi na wala itong mapapala sa akin dahil marami pa akong pangarap sa buhay. Bente-uno anyos pa lang naman ako.
"Oo na po!" natatawa nitong sabi. Alam niyang hindi ako titigil kakasermon sa kanya.
"Sige na at magtinda na tayo," sabi ko rito at sinimulan na ang pagsigaw ng isda.
"Aling Sonia! isda po?" tanong ko sa isa sa mga suki ko.
"Ay! Tiana nandyan ka na pala, halika hija!" sabi ni Aling Sonia. Araw-araw ay kumukuha ito ng isda sa akin.
"Preskong-presko po itong mga isda ko Aling Sonia!" sabi ko rito.
"Hala! tamang tama at may parating akong mga bisita galing Maynila at ito ang ihahanda ko sa kanila!" masaya nitong sabi.
"Sige po, ilang kilo po ba sa inyo?" tanong ko habang hinhanda ang timbangan.
"Ilang kilo lahat iyan hija?" tanong naman ni Alinh Sonia.
"Sampung kilo lang ho ito Aling Sonia," sagot ko.
"Hala! pakyawin ko na 'yan hija! marami kasi sila eh at baka hindi magkasya," sagot nito. Masaya ako sa narinig. Tamang-tama at maaga akong makaka-uwi upang tulungan si Nanay sa palengke.
"Isang libo at limang daan lang po 'yan lahat Aling Sonia," sabi ko rito.
"O heto, ang bayad hija, maraming salamat ah!" sabi naman nito.
"Naku Aling Sonia ako nga po dapat magpasalamat at pinakyaw mo lahat ang paninda ko," ngiti kong sabi rito.
"Naku! ikaw talagang bata ka! kung mayroon lang akong anak na lalaki irereto talaga kita," masayang sabi ni Aling Sonia sabay biro. Lahat kasi ng apat niyang anak ay babae.
"Wala pa 'yang balak na magkaroon ng nobyo Aling Sonia," sabi ni Miguel na sa akin nakatitig. Walang ekspresyon ang tingin nito at parang nagalit ata. Hindi ko na lang siya pinansin. Alam ko namang minsan ay over protective ito sa akin.
"Sige Aling Sonia at mauuna na kami, sa uulitin po sana," sabi ko at agad ng nagpaalam dito. Kinawayan lang ako ni Aling Sonia.
"Wow! ang swerte naman natin ngayon Miguel!" masaya kong sabi rito.
"Swerte mo kasi kasama mo ako parati!" sagot naman nito.
"Hmp! ayan ka na naman!" sabi ko sabay irap dito. Tinawanan lang niya ako.
"Bilisan mo na at magluluto ako sa bahay, doon ka na mag hapunan," sabi ko rito sabay yaya ko sa kanya.
"Talaga? sasabay ako sa inyong maghapunan?" masaya nitong sabi.
"Huwag mag-isip ng kung ano-ano!" sabi ko rito at pinandilatan ko siya ng mga mata.
"Masaya lang naman akong makakapag hapunan ako mamaya sa inyo ah!" depensa nito. As if naman hindi ko alam ang gusto niyang iparating.
"O siya! magpahinga ka na lang muna ngayon," ssabi ko naman.
"May trysikel na!" sigaw niya habang kumakaway sa isang trysikel.
"Sumakay ka na Tiana," sabi nito.
"Salamat," sabi ko.
Nang makarating kami sa palengke ay hindi ko na ito pinababa pa. Gusto pa sanang kumontra pero tinakot kong hindi ko na siya yayayain sa hapunan mamaya kaya kakamot kamot na lang itong sumakay uli sa trysikel pero hindi na ako naka angal na siya na ang mag babayad dito.
Konti na lang din ang isda ni Nanay.
"Nay!" sigaw ko rito.
"Oh! anak ang aga mo ata ah?" sabi niya agad sa akin. Humalik muna ako sa pisngi niya.
"Inubos kasi ni Aling Sonia ang isda Nay!" masaya kong sabi rito.
"Talaga anak?" di makapaniwalang sabi nito.
"Opo Nay, may bisita kasi siya galing Maynila kaya 'yon po ang ihahanda niya," kwento ko rito.
"Anak, bakit ba ayaw mo pang sagutin si Miguel? ang bait naman nung tao sayo eh!" sabi ni Nanay. Napabuntung hininga ako alam kong botong-boto si Nanay kay Miguel pero wala talaga akong maramdaman sa kanya hanggang kaibigan lang talaga.
"Nay, alam niyo pong may pangarap pa ako diba?" sabi ko rito.
"Alam ko naman 'yon anak, pero alam mo namang umaasa 'yong tao sayo," sagot ni Nanay.
"Sinabi ko naman sa kanyang huwag ng umasa eh! kulit lang talaga!" sabi ko kay Nanay.
"Ikaw ang bahala anak, malaki ka na at alam mo na ang tama sa mali," sabi ni Nanay.
Nang maubos ang aming isda ay agad na kaming umuwi ni Nanay sa bahay. Naghanda na ako ng pagkain namin. Matapos ang gawain ko ngayon ay papasok na ako sa silid ko at matutulog muna. Mabuti na lang talaga at hindi na si Nanay nag asawa pa at hindi na nadagdagan ang sakit sa ulo. Para sa akin kasi ang mga lalaki minsan sakit lang sila ng ulo. Nagalit din naman ako sa tatay ko sa pag iwan niya sa amin ng Nanay ko. Mabuti na lang at mabilis akong nakatulog.

Komento sa Aklat (80)

  • avatar
    Kris Cornelio Gamosa

    masaya

    07/07

      0
  • avatar
    Quennie Reyes

    uuujjjjjj

    28/06

      0
  • avatar
    Mark Jerico

    Nice story

    26/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata