logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 03

Nagkasundo ang Supreme Student Government ng Highschool na magkakaroon ng thrilling booths pagkatapos ng program na hinanda ng mga guro. Dapat daw ay isang seremonya lang iyon, kaya lamang ay naisip nilang mawawalan na ng gana ang mga estudyante na mag-aral since tanghali pa matatapos ang program na iyon.
Isa si Alonzo sa officer ng SSG, ang kaso ay hindi na siya nakakasama sa meeting nila dahil ayon sa President ng SSG ay exception daw si Alonzo. Nakakarinig pa ako ng rumor na may gusto daw kay Alonzo ang presidenteng iyon ng Supreme Student Government kaya sagad ang paninipsip nito kay Alonzo.
Lalo pa at sekretarya din ng SSG si Cecil Bendito—iyong lintang babae na makapal ang mukha para sumabay sa amin noong isang araw. Nagsama-sama na sa SSG ang mga ahas at linta.
Hindi naman din ako nababahala sa kanila dahil mukhang hindi naman sila iyong tipo ni Alonzo. Ang tipo niya ay iyong mga babaeng sexy at maganda. Sayang nga at maganda lang ako, hindi sexy.
"May I excuse all the SSG Officers here for a meeting!" wika ng presidente ng SSG Officer na si Jane Orioso.
Wala naman si Lonzo dahil nagpa-practice sila ng badminton. Malapit na rin kasi ang intramurals, wari ko'y mga ilang araw lang ang bibilangin pagkatapos ng program bukas.
Napansin kong mahinhin ngunit may pagka-eleganteng tumayo si Cecil sa upuan niya bago lumabas ng room. Wala kasi kaming klase kaya malayang silang nakakapag-excuse ng estudyante.
Nagtataka pa ang iba kong kaklase dahil lumabas din ang president ng classroom namin kahit pa hindi naman siya SSG Officer.
"Pasaan yun?" tanong nila na kahit ako ay hindi ko masagot.
Tumunganga na lang ako sa bintana at maya-maya pa'y bumalik rin naman ang class president namin na may dalang itim na flashdrive.
"Saan ka galing?" tanong ng ilan sa kaniya.
"Nanghiram ako ng flashdrive kay Ma'am. Manonood tayong movie!" aniya at iwinagayway ang flashdrive na animo'y watawat.
Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa narinig. Ang iba sa mga kaklase ko ay gumawa na ng sariling kumpulan habang ang iba naman ay tulog at may nakatakip na panyo sa mukha habang nakahilig sa kani-kanilang mga upuan.
May katabi rin ako na nagtatayo na ng sariling parlor sa sobrang dami ng nagpapa-tali ng buhok, mapa-babae man o lalaki ay nakapila para sa kaniya, makapagpa-tali lang ng buhok.
Ang iba naman ay kaniya-kaniyang lagay ng liptint sa kanilang labi. Yung mga artist ay gumawa na rin ng isang hilera at nag-drawing sila ng kung anu-ano.
Di naman ako mahilig manuod ng movie kaya nakatingin lang ako sa bintana at tinitingnan ang mga SSG Officer na nagmi-meeting doon sa sementong lamesa sa labas kung saan tanaw ang mga badminton player.
Kita ko pa ang palaging pag-sulyap ni Jane at Cecil kay Lonzo na abala sa paglalaro at pag-eensayo sa mga kasamahan niya. Imbes na ituon ang atensyon sa kanilang gagawing event sa program ay inuuna pa nila ang pagsulyap kay Alonzo na animo'y kahit na anong oras ay mawawala ito.
Napailing-iling ako at natawa ng sarkastiko. Mga hangal.
Ang iba ay nag-eenjoy sa maghapong walang klase samantalang ako naman ay nababagot. Sobra na ang pagka-bagot ko kaya lumabas na ako ng room kahit pa pinipigilan ako ng class president namin.
Dumiretso ako sa badminton court at nakita ko roon ang pawisang si Alonzo, hindi niya ako kita kaya dumiretso ako sa lagayan ng pwesto ng bag niya para sana kuhanin ang towel niya at tubig pero paglingon ko ay naroon na si Jane at pinupunasan si Alonzo.
Nakatalikod sa akin si Alonzo kaya hindi niya gaanong kita ang ngayo'y madilim na ekspresyon ko.
Naiinis na ibinalik ko ang towel at tumbler niya sa kaniyang bag, bago umalis na at bumalik ng room. Hindi niya man lang napansin na pumunta ako roon.
Kakatapos lang pala ng meeting ng SSG Officer kaya siguro nagkaroon ng pagkakataon ang Jane na iyon para punasan ng pawis si Alonzo.
Dahil siya ang SSG President ay exception na naman sa meeting na iyon si Alonzo. Di ko alam kung paano at bakit nahalal iyan bilang pangulo ng SSG, wala namang kwentang lider!
"Talo ka?" bumungad sa pinto ng room ang naka-ngising si Vince.
Kumunot ang noo ko.
"Talo saan?" tanong ko.
"Kay Lonzo," he said and chuckled a bit.
He chuckled unmanly.
"Oh? Tapos?" wika ko at bahagyang itinagilid ang ulo, naroon pa rin sa labi niya ang naglalaro niyang ngiti.
Nagpapalpitate ang kilay ko dahil bukod sa naiinis ako kay Jane ay dumagdag pa sa inis ko si Vince.
Kinabig ko siya para makadaan ako at makapasok na sa room, dire-diretso akong naupo sa upuan ko. Mabuti na lang at hindi napansin ng iba kong mga kaklase ang bahagya kong pagdadabog.
Lahat sila ay abala pa sa panonood ng movie na hanggang ngayon pa rin pala ay hindi pa tapos.
Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Vince tsaka sya doon umupo sa bakanteng upuan sa unahan ko. Ipinaharap niya ang silya sa akin at pinagmasdan ako. Ano bang problema niya? He look like a creep.
"What?" tanong ko nang mapansing nakatitig lang siya sa akin na animo'y may gustong sabihin.
"I have something to tell you" seryosong aniya.
Kumunot ang noo ko.
"Go ahead," inilapit niya ang kaniyang upuan sa akin.
"Do you like Alonzo Del Prado?" kunot-noong aniya.
My lips parted. Bahagya pa akong nangapa ng salita ngunit nabitin lang iyon sa ere.
"Well... I like when h-he's around and---"
"You like him,"
"W-Well yeah.." I breathed.
I'm not close with Vince at minsan lang kami mag-usap. Tungkol pa iyon sa group project. We're also casual and acquaintance.
"Actually, I... like Jane, but it seems like she wants Alonzo" he said nervously.
"Oh... so, you want me to help you with it don't you?" I curved my eyebrows.
Tumango siya at nag-iwas ng tingin. I nodded slowly and looked at him.
"I won't," sabi ko bago narinig ang pagtunog ng bell.
"B-But why?" he asked, hopelessly.
"If Alonzo wants me the same way I do, then it's great, but I'm never gonna force myself to someone who won't" sabi ko bago kinuha ang bag at lumabas ng room, only to see Alonzo who's waiting for me.
Namumungay rin ang kaniyang mga mata at unang dumapo ang kaniyang paningin sa akin.
I cleared my throat and smiled at him.
"Tapos na pala kayo mag-practice?" I casually said, pertaining to obvious.
Marami na rin ang lumalabas na kaklase ko kaya tumabi ako para malaya silang makadaan. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Lonzo at nakita ang namumungay niyang mga mata.
He's doing nothing yet I'm nervous. Nakatitig lang siya sa akin at nagsusumamo ang kaniyang mga mata.
Come on, Lonzo... Gumalaw ka naman kahit konti lang!
"Uh, nag-lunch ka na ba o meryenda man lang?" I asked just to atleast ease the tension.
Still, no response.
Lumapit siya sa akin at huminto nang nasa tapat ko na. Matangkad siya kaya hanggang baba lang ako. I pouted when I realized our height difference.
Dahil gwapo siya at kilala siya sa pagiging matalinong estudyante bukod pa doon ang yaman ng pamilya niya at ang tatay niyang nasa politiko.
Halos ang lahat ng estudyante na dumadaan ay napapatingin sa amin.
My heart pound when he suddenly hugged me and burried his face on my neck. Para siyang bata na nagsusumbong sa ina!
I cleared my throat and put my hands slowly to his back.
"What's wrong?" tanong ko kahit pa kinakapos ako sa hininga.
He murmured something pero hindi ko rin naman iyon naintindihan.
"What?" tanong ko para sana ipaulit yung sinabi niya na hindi ko gaanong narinig.
Umiling siya bago kumalas ng yakap sa akin. Malamlam pa rin ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi man lang niya ibinaling sa ibang direksyon ang kaniyang mga mata at sa akin lang talaga nakatutok iyon.
Naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang sugat sa ilalim ng kaliwa niyang mata.
"Anong nangyari dyan?" tanong ko at itinuro ang kaniyang sugat.
Umiling siya.
"Wala lang 'yan" aniya at ngumiti.
Susubukan na naman niya na magsalita ng ibang topic pampalubag loob sa akin para hindi na ako magtanong pero alam niyang hindi ko papalampasin iyon.
"Ano nga?"
"Wala lang ito... Hindi naman masakit eh" aniya pa at bahagyang kinapa ang sugat niya.
"Ano nga ang nangyari at nagka-ganyan ang mukha mo?" halata na rin sa boses ko ang iritasyon pero hindi ko naman isinigaw iyon dahil marami na rin ang nakatingin.
Naaagaw kasi ni Alonzo ang atensyon ng iba, lalo na ng mga babae.
"Totoo, wala lang ito. Hindi naman siya mahapdi" aniya.
"Alonzo!---" pinanlakihan ko siya ng mata.
"Nadaplisan ng shuttlecock..." he gave up.
Lumapit ako at hinaplos ang parteng iyon na may sugat.
Hindi naman iyon malalim pero kailangan parin lagyan ng band aid.
Binuksan ko ang bag ko at naghanap ng band aid. Mabuti na lang at may mini emergency kit ako.
"Nang-asar ka na naman siguro ng kalaro mo kaya pinanggigilan ka sa practice nyo!" sabi ko habang nilalagyan ng band aid ang kaniyang sugat.
Hindi siya sumagot at ramdam ko rin ang pagpipigil niya ng hininga kaya napatingin ako sa kaniya.
He's staring at me intently.
"Ang ganda mo," biglang aniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
I cleared my throat. Tumawa rin ako para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.
He smirked at me when he saw my nervous reaction. Dahil sa gigil ay idiniin ko ang band aid sa sugat niya dahilan para siya ay mapalayo sa akin at ngumiwi.
"Ouch," he complained and touched his wound dramatically like he was stabbed there.
"Sabi mo hindi masakit?" I arched my eyebrows.
"Hindi nga," aniya at tumuwid ng tayo.
"Really?" I mocked him.
"May masakit pero hindi itong sugat ko" aniya.
Umiling-iling ako bago naunang maglakad papuntang canteen. Sumunod naman siya sa akin. Bumili lang kami ng pagkain bago pumunta sa likod ng badminton court. Mayroon kasi doon na garden.
Umupo ako at tumabi sa akin si Alonzo. Ganyan naman siya palagi, hindi na niya ako malubayan. Tuwing kakain o uupo man lang ay gusto niyang palagi akong katabi.
Naririnig ko pa ang minsan niyang pagdaing kaya napapa-kunot ang noo ko.
"Sumasakit ba ang sugat mo?" wika ko at nagaalalang tumingin sa kaniya.
"Hindi naman," aniya pero para siyang nahihirapan. Palagi rin ang paghaplos niya sa kaniyang binti kaya kinuha ko ang bag ko at hinanap doon ang pain reliever.
Isa pa 'to sa problema ko sa kaniya. Kahit minsang hindi niya ako kasama at nasugatan siya, mas gugustuhin din niyang hintayin ako at maging nurse niya.
"Itaas mo rito ang binti mo" utos ko at tinapik ang hita ko.
Agad naman niya iyong sinunod kaya nilagyan ko na rin ng pain reliever ang binti niya.
"Sa susunod, huwag mong pinu-pwersa ang binti mo" bilin ko.
"Pag hindi ko ginawa yon, wala na akong magiging dahilan para mahawakan mo ako katulad ng ganito..." aniya.
Nang matapos kong malagyan ng pain reliever ay dahan-dahan kong ibinaba ang binti niya at tsaka ako nagpatuloy sa pagkain.
Ngunit wala pa mang ilang minuto ay dumaing na naman siya sa akin.
"Erysia," nagmamakaawang tawag niya sa akin.
Lumingon ako sa kaniya at nakita ang nagsusumamo niyang mga mata.
"Kailangan ko ng pain reliever mo" aniya at ngumiwi.
"Saan masakit?" tanong ko at pinasadahan ng tingin ang buo niyang katawan. He looks okay now, though.
"Dito," aniya at tinuro ang kaniyang kanang pisngi.
Kumunot ang noo ko.
"Wala akong pain reliever para d'yan"
"Meron ka alam ko!" pagpupumilit niya.
"Alangan naman iyong pain reliever para sa binti ang ilagay ko sa mukha mo!"
"Mahapdi Erysia" he groaned.
"Wala nga kahit tingnan mo pa sa bag ko!" giit ko.
"Wala naman sa bag mo ang pain reliever!" aniya.
"Eh nasaan kung ganoon?"
"Nasa labi mo!" aniya at walang sabi-sabing inilapit ang kaniyang kanang pisngi sa aking labi para magmukhang hinalikan ko siya roon.
©ash

Komento sa Aklat (29)

  • avatar
    UngosSantina

    vcfgyjjbfhmmkk

    26d

      0
  • avatar
    Raffy Esperanza

    lupit

    15/08

      0
  • avatar
    SilaganHeinz

    ala wabalo patotoya

    23/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata