logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 02

Narito ako ngayon sa may badminton court. Hinihintay kong matapos si Alonzo sa pagtuturo ng badminton sa mga first year highschool at pati na rin sa mga freshmen. Wala na kasi siya rito next year since graduating highschool student na siya, kaya mapapalitan din ang coach ng mga badminton player.
Lagi pang bukambibig ng mga guro at estudyante ang malaking kawalan ng school sa batch nina Alonzo.
My forehead creased when I saw one of the badminton trainee whispered something to Alonzo which made him looked at my direction. Hindi naman masyadong malayo ang pwesto nila kaya rinig ko rin ang mahinang pagtawa noong lalaking trainee.
I saw Alonzo blushed then looked away from me. Ano na naman kaya iyon? What's with his reaction?
Sumigaw iyong lalaking trainee at tinawag ako. Hindi ko alam kung paanong alam niya ang pangalan ko. It's creepy when stranger know my name.
"Erysia! Nauuhaw na si Coach Alonzo! Baka may tubig ka pang natitira d'yan! Painumin mo naman, nakakaawa oh!" sigaw noong lalaki.
Naagaw tuloy ang atensyon ng ibang trainee kaya nag-komento na rin ang mga ito.
"Oo nga, at tsaka pawisan na si Coach oh! Mukhang wala rin siyang dalang towel!" agap pa noong isang trainee na lalaki.
Agad kong ibinaling ang tingin ko kay Alonzo habang siya naman ay hindi makatingin sa akin. Bumuntong-hininga ako bago kinuha ang puting towel sa loob ng bag ko pati na rin ang tumbler ko. I stood up and go near to Alonzo, wala pa man din ako sa pwesto niya ay rinig ko na ang pabirong pananampal ng mga trainee niya sa iba pa nilang kasamahan.
I handled him the towel pero ngumisi lang siya sa akin at hindi kinuha ang towel. I arched my eyebrows. Bakit parang nagkaroon siya ng lakas ng loob? Kanina lang ay nahihiya siya at hindi makatingin sa akin, ngayon naman ay para siyang nakainom ng alak sa sobrang lakas ng kaniyang loob.
"Punasan mo raw, Erysia" natatawang wika noong lalaking trainee. Inayos ko pa ang tupi ng puting tuwalya bago pinunasan ang mukha ni Lonzo.
I don't know what's with the boys dahil kanina pa silang naghahampasan roon habang nakatanaw sa amin ni Alonzo. Seryoso ko namang pinupunasan si Alonzo habang siya ay titig na titig sa akin. Bahagya pang namumula ang kaniyang balat, siguro ay dahil iyon sa init. Medyo mainit din kasi ang hulab dito sa badminton court, kahit ako ay naiinitan pero hindi naman sapat ang init para ako ay pagpawisan.
Pagkatapos kong punasan ang na-estatwang si Alonzo ay iniabot ko sa kaniya ang tumbler ko. Tinanggap naman niya iyon at ang akala ko pa ay sasalinan niya ng tubig ang taklub ng tumbler ko pero nakita ko na lang siyang umiinom sa mismong pinag-iinuman ko. Napa-iwas tuloy ako ng tingin at bahagyang pinaypayan ang sarili.
Nang ibalik niya sa akin ang tumbler ay hindi na ako makatingin sa kaniya. Kinuha ko naman iyon at ibinalik sa bag ko.
"Hintayin mo ako, tatapusin ko lang 'to at uuwi na tayo" aniya at tumango ako bago siya bumalik sa mga kasamahan niya.
Bahagya pa siyang inasar nang makalapit siya sa mga iyon. Hindi ko naman marinig ang kantyaw nila kay Alonzo dahil nakatalikod na ako at naglalakad papunta sa kung saan nakalagay ang gamit ko na kasama ng gamit ng mga trainee, katabi ng bag ko ay iyong bag ni Alonzo na halos wala namang laman. Tamad kasi iyong magdala ng gamit lalo na kapag alam niyang pwede naman niya akong hiraman sakaling kailangan niya.
Para maiwasan ang pagkabagot ay kinuha ko ang bag ni Lonzo at binuksan iyon. Wala namang ibang laman kung di mga extra na gamit na alam kong hindi naman niya magagamit.
Kinuha ko ang isang lalagyan niyang pouch doon na pambabae. Baliko ba ang bestfriend ko?
Sana hindi...
Nakalagay ang ibat ibang klase ng pang-pony tail doon pati na rin ang magagandang klase ng hair clips. Para kanino naman kaya ito?
Sinuri ko ang lalagyan at nakita kong may naka-burda doong pangalan.
'Erysia'
Kumunot ang noo ko at pasimpleng napatingin kay Alonzo na abala sa pagtuturo ng iba't ibang tactics sa mga trainee niya.
Bakit naman nagkaroon ng ganitong klase ng gamit si Alonzo? May iba pa ba siyang kilala na Erysia din ang pangalan?
Sana ako lang...
Agad kong ibinalik sa bag niya ang pouch at inayos ang lagay niyon. Nakita ko kasi siyang papunta sa pwesto ko kaya ko itinago iyon, baka mamaya ay mainis iyon sa akin dahil pinapakialaman ko ang gamit niya, ayaw pa naman nun ng pinapakialaman ang mga bagay na sa kaniya, pero hindi pa naman siya nagagalit sa akin kahit na palagi akong kumukuha o nakikialam sa mga personal na kagamitan niya.
"Tapos na ang training, tara uwi na tayo?" masuyong aya niya sa akin bago kinuha ang kaniyang bag at hinintay akong makapagligpit ng maayos.
Palabas na kami ng gate noon nang mapansin ko ang matulis niyang labi. Para siyang nagtatampo na naiiyak.
"Anong nangyari sa mukha mo? Bakit ganyan?" tanong ko at itinuro ang mukha niya.
Naiiyak na napatingin siya sa akin bago ngumuso ulit. His eyes are glistening for tears pero hindi naman niya hinahayaang tumulo ang mga luhang iyon. Hindi naman iyakin si Alonzo pero pansin ko lang na kapag ako ang kasama niya ay nagiging sensitive siya at madaling umiyak.
"Hindi kita mayayakap, Erysia!" nagtatampong aniya.
Napatawa naman ako at napailing-iling. "Bakit naman?" tanong ko pa.
"Pawisan ako, ayokong madumihan ka. Puti pa naman ang blouse mo at sigurado akong mahihirapan na naman ang maglalaba ng damit mo!" aniya at ngumuso.
I chuckled and tousled his hair. Kahit kailan talaga napaka-cute niya.
"Wag kang mag-alala, ako naman ang naglalaba ng damit namin dahil nanganak na si Mama. Kailangan ko nang maging ate talaga!" wika ko.
Pabilog na humulma ang kaniyang mga mata. "Nanganak na si Tita?" gulat na aniya.
Tumango naman ako.
"Kung ganon, bukas ay pupunta ako sa inyo. Wala naman tayong pasok nun!" aniya.
Kinabukasan nga ay ganoon ang nangyari. Maagang pumunta si Alonzo sa bahay para bisitahin si Mama at ang baby na si Eljay. Natutulog pa ito nang madatnan ni Alonzo kaya hindi pa niya raw masabi kung sino ang kamukha.
"Pasensya kana Alonzo ah at hindi muna kita maaasikaso, kakapanganak ko lang kasi at baka mabinat ako" wika ni Mama kay Alonzo.
"Okay lang po yun tita, magpahinga lang po muna kayo d'yan" ani Alonzo.
Sumilip ako sa bintana at natanaw si Papa na hinihimas ang mga alaga niyang tandang. Siguro ay may sabong na naman siyang dadaluhan kaya tinurukan na rin niya ang iba pa niyang mga alagang tandang.
May alaga rin siyang manok kaya kung minsang wala kaming pera ay ipinagbebenta niya ang manok o di naman kaya ay papatayin at siyang i-uulam.
Lumabas mula sa kusina si Kuya Elias at dumiretso sa kuwarto nina Mama. Maka-ilang minuto siyang nagtagal roon bago lumabas, siguro ay may sinabi si Kuya kay Mama kaya sumunod na lumabas ang iika-ika pang si Mama. Kaya na niyang maglakad, ang kaso lang ay mabagal pa at kailangang may pag-iingat. Masakit daw kasi ang tahi niya sa kaniyang pagka-babae kaya kailangan niyang mag-doble ingat.
"Eri, bantayan mo muna si Eljay ah? Pupunta lang kami sa center, isasama ko rin si Eli at ngayon ang schedule ng turok noon. Mukhang may pupuntahan rin yata ang Kuya Elias mo kapag natapos siyang magluto doon sa kusina" nanghihinang wika ni Mama. Medyo paos pa si Mama, resulta daw iyon ng sobrang pag-ire.
"Sige po, Ma" wika ko at dumiretso sa kuwarto nila Mama.
Naroon ang mahimbing na natutulog na si Eljay. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Alonzo at umupo sa dulong bahagi ng kama, ingat na ingat siyang huwag magising ang bata.
Nang makaalis sina Mama, Papa at Eli ay sumunod rin si Kuya. Tapos na yatang magluto. Mukhang may lakad si Kuya Elias ngayon—siguro ay naghahabol ng school works dahil sa pagliban niya sa klase noong nanganak si Mama.
Ibinaling ko ang atensyon kay Lonzo at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin kay Eljay na mahimbing na natutulog. Maraming unan ang nakapalibot sa kaniya para hindi siya mahulog sa kama.
Sa sahig na kasi natutulog si Papa para daw hindi masikip sa kama at para daw hindi mainitan si Eljay. Sana naman ay huling anak na nina Mama at Papa si Eljay dahil kung susundan pa nila ay maaga akong mauutas sa dami na ng responsibilidad ko—lalo na si Kuya Elias!
"Napansin ko lang... Kamukha mo siya Eri!" ani Lonzo at bahagyang hinaplos ang maliit na braso ni Eljay.
Eljay's skin is still sensitive kaya palagi kaming pinaglalagay ni Mama ng alcohol sa kamay bago pa namin mahawakan ang kapatid.
Thank goodness, Alonzo knows how proper hygiene works. Malinis kasi siya sa katawan ngunit hindi rin naman siya maarte kapag nadudumihan.
"Paano mo naman nasabing kamukha ko si Eljay? Mas kamukha niya kaya si Kuya Elias!" natatawang wika ko.
Umiling siya bago tumingin sa akin. Seryoso siya ngayon at titig na titig sa akin.
"Ilan ang gusto mong anak?" seryosong aniya.
Hindi ko alam kung matatawa ako o seseryosohin ang tanong niya pero kahit ganoon ay sinagot ko pa rin naman ng maayos.
"Depende," sagot ko.
Wala naman talaga akong balak kung ilang anak ang gugustuhin ko. Depende iyon hangga't kaya mong buhayin at pag-aralin. At depende rin iyon kung kaya mong maging isang magulang sa maraming bilang ng anak—nang hindi nagkukulang sa isa sa kanila.
"Ikaw ba?" pabalik na tanong ko sa kaniya.
He just shrugged and chuckled a bit.
"Depende rin," aniya.
"Bakit mo natanong? Gusto mo na bang magka-baby?" usisa ko pa.
Umiling siya at tumingin nang diretso sa aking mga mata.
"Kung sakaling magka-anak ako nang wala sa wastong gulang, syempre hihinto ako sa pag-aaral at mag-iipon para sa anak ko. Hindi ko hahayaang tumigil rin sa pag-aaral ang nanay ng magiging anak ko." aniya.
Napatingin kami pareho kay Eljay nang biglang umiyak ito at gumalaw nang gumalaw.
Tumayo ako at akmang bubuhatin si Eljay nang maunahan ako ni Alonzo. Dahan-dahan niyang binuhat si Eljhay at ni-hele ng mahinahon.
Nakangiti siya habang ginagawa niya ang pagheheleng iyon kay Eljay. He seems very fond of taking good care of a baby.
"Kung ikaw ang tatanungin, kailan mo balak magkaroon ng asawa at pamilya?" tanong niyang muli sa akin ngunit na kay Eljay pa rin ang atensyon niya.
"Kapag may trabaho na ako, may ipon at kapag handa na ako at ang magiging asawa ko" matapat na wika ko.
Tumango-tango siya bago nag-angat ng tingin sa akin.
"Ako, kapag handa kana..." aniya at ngumiti ng matamis sa akin. Naramdaman ko na lang na nag-iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
©ash

Komento sa Aklat (29)

  • avatar
    UngosSantina

    vcfgyjjbfhmmkk

    27d

      0
  • avatar
    Raffy Esperanza

    lupit

    15/08

      0
  • avatar
    SilaganHeinz

    ala wabalo patotoya

    23/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata