logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Try Again - VILLA DEL PRADO Series #1

Try Again - VILLA DEL PRADO Series #1

coldcashl


PROLOGUE

Agad akong bumaba sa sasakyan at tinakbo ko na ang distansya namin ni Mama, pati na rin ng mga kapatid ko. Hindi ko na nahintay si Kuya na bumaba sa kotse dahil sa sobrang kasabikan ko sa yakap ng pamilya ko.
"Oh my gosh Ate!" sigaw ng kapatid kong babae at tumakbo na rin siya palapit sa akin.
"Anak!" nagsisisigaw na si Mama nang makita niya ako. Hindi rin niya inaasahan ang biglang pag-uwi ko.
I'm from Italy at ngayon ko lang naisipang umuwi after how many years? Usually kasi ay sina Mama ang pinapapunta ko sa Italy but today is different.
"Bakit hindi mo sinabing uuwi ka? Akala ko sa new year ka pa makakauwi!" ani Papa nang makawala kami sa yakap ng isa't isa.
"Eh kasi kapag sinabi ko, syempre hindi na surprise yon!" natatawang sabi ko.
Mama looked at my sister.
"Pumasok ka sa loob Eliana at maghain kana para makakain na ang Kuya at Ate mo. Mahaba rin ang nabiyahe ng mga 'to" ani Mama kay Eliana na siya namang tinanguan ng kapatid ko.
"Ikaw Elias! Bakit ikaw lang ang nakakaalam ng pag-uwi ng kapatid mo, ha?" naiinis na wika pa ni Mama kay Kuya.
"Kaya ka pala nagmamadaling umalis kanina ay para sunduin ang kapatid mo. Sana man lang ay alam ko at nang makasama ako sa pagsundo" nagtatampong wika ni Papa.
"Actually Ma, Pa, hindi po dapat alam ni Kuya na uuwi ako, eh kaso nung tinawagan ko siya noong isang araw eh nadulas na ako kaya sinabi ko na lang din para naman may sumundo sa'kin sa airport" tumango-tango sina Mama at Papa bago ulit ako niyakap.
Pumasok na kami sa bahay para kumain. Sa lagay ng pagkain ay mukhang alam nila na darating ako sa sobrang dami ng nakahain sa lamesa.
"Dahil sa mga pinapadala mo anak, tumataba kami lahat..." wika ni Mama bago inilapag ang plato sa tapat ko.
Napatawa naman ako habang sumasandok ng kanin mula sa kaldero.
Napatigil ako sa pagsasandok nang mapansin kong nakatitig sa akin si Eljay.
"May problema ba, bunso?" malambing at nakangiti kong tanong sa kapatid kong lalaki.
We are four siblings. Ako, si Kuya Elias, si Eliana at ang bunsong si Eljay.
Ngumiti siya ng mapait at kahit nahihiya ay nagawa niyang masabi ang nais niyang sabihin.
"Ate dadalawin mo din ba si Kuya Lonzo?" malungkot na aniya.
My smile faded. Kahit sina Kuya at Mama ay hindi rin nakaimik. Bakit ganito? Matagal ko na dapat ibinaon iyon sa limot. Dapat ay naisama ko na sa panahon ang mga memoryang iyon para naman hindi na ako naaapektuhan ng ganito.
"Eljay, gusto mong chicken? Ito oh! Sayo na lang 'yan!" pag-iiba ni Eliana bago niya inilagay ang chicken na kanina'y nasa plato niya.
Habang si Kuya naman ay malungkot na nakatitig sa akin. Siguro'y hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin na siya ang responsable sa nangyaring hiwalayan namin ni Lonzo, dahil kung hindi nangyari ang bagay na iyon ay baka hanggang ngayon ay nasa isang matibay na relasyon pa rin kami ni Lonzo.
Mahirap, mahirap pagsabayin ang dalawang bagay lalo pa't kung alam mo sa sarili mo na parehas mo silang prayoridad sa buhay. Napapa-isip na lang din ako kung minsan na kung hindi ba iyon ang naging desisyon ko, magiging masaya kaya ako?
But later on, you will realized the moral of what you did and didn't. Maaaring sa dalawang desisyon, naroon ang ikakasaya mo at ikakasaya ng ibang tao.
Pero ako-bilang ako, mas pinili ko ang desisyon na makakapagpasaya ng iba, kaysa sa mismong sarili ko.
Kung minsan kasi kapag hindi mo pinili ang desisyon kung saan makakapagpa-saya ng iba, syempre isisisi nila sa'yo ang maaaring kamalasan ng desisyon na sinunod mo.
Kaya para hindi na mas maging komplikado, isinaalang-alang ko ang iba, para lang mailigtas sila.
Eliana initiated to wash the dishes. Ngumiti naman ako at hinayaan siyang hugasan ang mga plato na pinagkainan. I'm so proud of Eliana, lumaki siya nang may pagkukusang-loob. Atleast, nabawasan ang mga konsumisyon nina Mama at Papa, si Eljay na lang siguro ang pasaway sa kanila.
"Ate..." lumapit sa akin si Eliana at umupo sa katabi kong duyan.
"Hmm?" naka-ngiti pa rin ako nang ibinaling ko ang aking atensyon sa kapatid ko.
"Huwag mong mamasamain pero, masaya ka ba?" seryosong tanong ni Eliana sa akin.
I look at her straight in her eyes. Nagbabaka sakali akong sa kaniyang mga mata ako makakahanap ng sagot.
"Oo naman, masaya ako" sabi ko at nag-iwas ng tingin.
I heard her sighed and look at the wide yard in front of us. Lupain din namin ito na binili ko para sa kanila. Dati ay maliit lamang ang lupang pag-aari namin kaya binili ko na ang katabing lupa para kahit papaano ay may taniman ng gulay si Papa.
"Okay lang naman na hindi ka masaya, ang masama ay iyong nagpapanggap ka" ani Eliana.
I smiled deep inside of me. Eliana is really growing up and I'm so proud of her process.
"Masaya ako Eli, lalo pa at nakasama ko kayo ngayon" I assured her.
Tumango naman siya bago ngumiti sa akin.
"Pumasok kana sa loob at tingnan mo ang mga pinamili kong pasalubong para sa inyo, magpapahangin muna ako rito. Namiss ko ang probinsya eh" wika ko.
Eliana just nodded. Alam kong hindi siya desidido na iwanan ako rito pero gusto ko talagang magpahangin at mag-isip isip muna.
Tumayo si Eliana mula sa duyan bago iniwan akong mag-isa.
Naka-upo rin ako sa isa pang duyan na siyang nakatali sa puno ng mangga.
Napangiti ako nang maalalang sa puno ng mangga na ito kami naglalaro ni Kuya Elias dati. Palagi pa kaming napapagalitan ni Papa dahil uuwi kami na puro galos ang siko at tuhod dahil lang sa pag-akyat sa punong ito.
Kung minsan pa nga ay pinagbabawalan na kami ni Mama na pumunta ulit dito dahil lagi kaming umuuwi na may kagat ng langgam sa binti at mukha.
"Pasimuno ka Elias! Kung saan-saan mo na pinaglalaro ang kapatid mo. Tingnan nyo ang mga itsura nyo! Mukha kayong anak ng ibang tao sa sobrang dungis nyo!" sigaw ni Mama nang minsang umuwi kami na maraming galos at kagat ng langgam.
Palagi ko pa iyong kinakamot kaya nagsusugat ang balat ko na lalong kinaiinisan ni Mama.
"Ang hirap alagaan ng mga balat nyo pagkatapos ay uuwi kayong may galos!" sigaw pa ni Mama habang nilalagyan ng lotion ang bagong ligo na si Kuya.
Hindi pa namin alam na buntis si Mama noon kay Eli kaya hindi kami masyadong nag-aalala sa pagsigaw at pagiging stress niya sa amin noong mga bata pa lang kami.
Sa aming lahat na magkakapatid ay higit na inalagaan ni Mama ang balat ko kaya naging makinis kahit pa morena ako.
Si Eljay lang ang nakakuha ng kaputian ni Mama, ang kaso lang ay palaging natutumba sa pagba-bike si Eljay kaya marami siyang sugat at peklat sa binti, samantalang kami namang tatlo ay nakuha namin ang kulay ng balat kay Papa.
Napapitlag ako sa gulat nang tawagin ako ni Kuya Elias.
"Eri!" sigaw ni Kuya habang nakatanaw sa akin.
Tumayo ako mula sa duyan bago tumakbo at lumapit kay Kuya.
"Pumasok ka sa loob at may kailangan kang ipaliwanag sa amin" seryosong wika ni Kuya kaya naguluhan ako.
Nauna na si Kuya sa loob ng bahay kaya sumunod ako. When I entered our house, I gulped when I saw him with his father.
"What are you doing here?" may pagtitimpi'ng wika ko.
"This isn't your house anymore. You're trespassing our property" matigas ang tonong wika ni Lonzo.
It seems like he's mad at me for something. Parang ngayon niya nailabas lahat ng sama ng loob niya sa akin. Ano ba'ng kasalanan ko sa lalaking ito? Parang gusto na niya akong patayin sa klase ng titig na iginagawad niya sa akin.
"What do you mean that we are trespassing your property? Sa pagkakaalam ko ay binili ko na ang lupang ito pati na rin ang nakapalibot na lupa na siyang kinatitirikan ng bahay namin!" giit ko.
Nagpapalpitate ang labi ko sa sobrang inis ko sa mag-ama na 'to. Pumasok ba naman sa teritoryo namin at sabihing trespassing kami? They are just making scene here, ngayon ay madami ng tanong sa utak ng mga magulang ko dahil sa letseng palabas na ito.
"Look, if you want to fool around then this is not the best place to play and we are not the best person to play with. Kaya kung maaari ay iwan nyo muna kaming magpapamilya rito at lumabas na kayo!" I said as I demonstrate the open front door.
"We are not here to play with you," gigil na turan pa ni Lonzo.
Kung siya rin lang naman ang makikipag-usap sa akin ay bakit niya pa isinama dito ang kaniyang ama? Kailangan niya ba ng moral support?
"Then what? Kindly clarify things to us kasi kahit ako ay walang maintindihan sa pinagsasasabi mo!" I said as I slightly massaged my head.
Ganito ba ang bungad ng Pilipinas sa akin? Paanong alam ng mga 'to na darating ako gayong sariling pamilya ko nga ay hindi alam na uuwi ako.
"We don't need to do that. Malinaw pa ang pandinig mo kaya alam kong naintindihan mo ang mga sinabi ko" Lonzo looked away from me.
Bakit tila na-estatwa naman yata ang tatay niya? Wala ba talaga siyang maiiambag sa anak niya?
"Hay naku! Umalis na nga kayong mag-ama at baka mahataw ko pa kayo ng kaldero" naiinis na wika ni Mama at bahagyang itinulak-tulak ang mag-ama.
Nang nasa tapat na sila ng pinto ng bahay namin ay masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Lonzo.
"I'm coming back and I will return what's mine.." titig na titig siya sa akin nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
©ash

Komento sa Aklat (29)

  • avatar
    UngosSantina

    vcfgyjjbfhmmkk

    27d

      0
  • avatar
    Raffy Esperanza

    lupit

    15/08

      0
  • avatar
    SilaganHeinz

    ala wabalo patotoya

    23/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata