logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

YUMI ZHEE CLANDESTINE
"Yumi," sambit ni Sab pagkaupo niya sa passenger seat, kasama si Luke na pumasok naman sa driver seat. "Bakit naman umalis ka kaagad kanina?" Hindi ako kumibo.
"Sab, hindi ka pa ba nasanay kay Yumi?" Luke asked. "The three of us have known each other for years, right?"
Inirapan naman ni Sab si Luke. "Luke, I knew that. I know she is allergic to people, but..." She looks at me at the same time. "She can't be like that forever."
"Tama na, Sab. Umuwi na tayo." Luke started driving the car, until we got home. I looked at my wrist watch, it's 7:26 pm already. Ang bilis naman ng oras.
"Oh, how's school?" Bumaba si Mama Zarinah at niyakap kaming dalawa ni Sab.
"It was okay, Ma."
"Ikaw, Yumi?" Sabay tingin nila sa akin.
I smiled. "Okay lang din naman, Ma."
"Well, that's good," nakangiting sabi niya. Siya si Zarinah Sison, ang ina-inahan namin ni Sabrina. Ang nagkupkop sa aming dalawa, kaya sobrang thankful ko dahil napakabait niya sa amin. Napatingin siya kay Luke na nasa tabi ko. "Oh, Luke, you're here pala." Ngumiti lang si Luke. "Dito ka na mag-dinner, let's go."
Nagkatinginan kaming tatlo, saka sumunod na kay Mama papunta sa dining area. In-offer ako ni Luke ng upuan at umupo naman ako. Katabi ko siya, samantalang katabi naman ni Sab si Mama. Dumating naman si Ate Rizza dala ang mga pagkain.
"Rizza, come with us," sabi ni Mama. Tumango at ngumiti lang si Ate Rizza saka naupo.
Kinabukasan. Maaga akong nagising dahil syempre, maaga ang pasok. Pagkadating sa school, dumiretso ako sa locker room habang sina Luke at Sab naman ay dumiretso sa mga classroom nila.
After I close my locker then suddenly I felt someone behind me. I looked back, nagulat man ay hindi ko ipinahalata.
"Hi?" bati niya, pero hindi ako kumibo. Ni hindi ko man lang siya nginitian. "Um, I'm Maico Devilla," pakilala niya sa sarili at inilahad sa akin ang kanyang kanang kamay. Tiningnan ko lang siya. "Hey!"
What does he think he's doing?
"I'm sorry, I'm not interested in you," walang emosyong sabi ko. Saka naman dumating ang mga kaibigan niyang inalok ako ng upuan kahapon.
"Aw, not interested daw."
"Kaiyak naman."
Breaktime na namin ng nagkita-kita kami ni Luke at Sab sa cafeteria. Halatang kanina pa nila ako hinihintay. Nginitian lang ako ni Luke habang si Sab naman medyo masama ang tingin sa akin.
"Hm, have you ordered yet?"
Luke replied, "Yeah. Here, cassava cake, your favorite." He pushed a plate of cassava cake towards me.
"Hm, thank you." I took the fork on the side of it and cut it. I was about to eat this but I stopped and looking at Sab. "Is there a problem?"
She sighed. "Yes, and you are my problem, Yumi." Nag-iba ang boses nito at nagtaka naman ako."I'm sorry, I'm not interested in you." Paggaya niya sa sinabi ko kanina kay Maico. Nanlaki naman ang mga mata ko. How did she know?
"Huh? A-anong meron doon?" naguguluhang tanong ni Luke. Pero walang sumagot ni isa sa amin. "Okay fine. Kayo lang talaga ang may alam."
Napatingin kami bigla sa isang lalaking biglang nagdabog. Pinaalis niya ang dalawang lalaki na nakaupo sa isang table, para siya ang maupo. Ang yabang naman.
"Tsk! Si Zavier Lebantino." Napatingin naman kami kay Luke.
"Do you know him?" Sab asked.
"Yes."
"And how?"
"Ang totoo, nakabangga ko na ang lalaking 'yan kahapon. Hayaan niyo na 'yan, mayabang lang talaga 'yan. Balita ko nga rin, may isa siyang babaeng kinababaliwan. And no one but Avianna Xiavion our classmate, Sab."
Nagtama ang mata namin ni Zavier. Napangisi siya sa hindi ko malamang dahilan. Agad akong nag-iwas ng tingin, dahil wala naman akong pakialam.
"Sige na, Sab, Luke. Papasok na ako sa classroom ko," paalam ko sa kanila saka tumayo. 
"Teka, ang bilis naman. May 15 minutes pa naman, ah."
"Magre-review pa kasi ako, Luke, e. May quiz kami mamaya," pagdadahilan ko na lang.
"A, gano'n? Ihahatid na lang kita," prisinta niya. Agad ko siyang pinigilan.
"Hindi, huwag na. Um, kaya ko naman. Sige na." Tumango lang si Sab, at tuluyan na akong lumabas ng cafeteria.
Paakyat pa lang ako sa room ko nang may tumawag sa akin dahilan para matigilan ako at lingunin siya.
"Hey, Yumi." Zavier?
"Kilala mo ako?"
"Of course. How are you? Finally, nagkita rin tayo."
Ano raw?
Tinaasan ko siya ng kilay. "Huh?"
"Nakalimutan mo na yata ako, Yumi. Hays, nakakatampo ka naman. Nakalimutan mo na nga ako." Pinilit ko siyang inaalala, pero wala talaga. Hindi ko talaga siya kilala.
"Baka naman nagkamali ka lang. Hindi talaga kita kilala, e," naiinis kong saad at iniwan na s'ya roon. Maybe, trip lang ako ng lalaking iyon.
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako para buksan 'yon.
"Oh, Sab?" Sinara ko ang pinto, at nauna siyang naupo sa kama ko.
"Nakita ka namin ni Luke, kinakausap ka ni Zavier? Anong ginawa niya sayo, ha?"
"Wala naman siyang ginawa," sagot ko. "Nagkausap lang kami."
"At ano ang pinag-usapan niyo?"
"Kilala niya raw kung sino ako."
"Sab, Yumi, halina kayo rito sa baba. Kakain na tayo," rinig naming boses ni Ate Rizza. Sabay kaming tumayo ni Sab at lumabas ng kwarto ko.
MAICO DEVILLA
Hawak ko ang isang maliit na gitara. Nandito ako ngayon sa practice room. Hindi pa naman oras ng klase, dahil maaga ako pumasok. I was about to start playing guitar, then suddenly the door opened and Yumi was in it. We were both shocked at each other.
"Wait." Bago pa man siya makatalikod sa akin ay nagsalita na ako para pigilan siya. "Stay here for a while." Itinabi ko muna ang hawak kong gitara.
"Sorry. Mali 'yong practice room na napuntahan ko." Why does she have to give an excuse? Well, I know she really goes here.
"Hmm, kahit na. Dito ka muna."
"Pero..."
"Come on." She didn't do anything but sit in another chair. We don't know what to say and who will speak to us first.
"Ang sweet ng boyfriend mo sayo, 'no? We met yesterday, Sabrina introduced him to me." panimula ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, at iyon pa ang nasabi ko.
"What? Boyfriend?" Tumango naman ako, at natawa naman siya. Teka? Tumawa siya?  "Huh? I don't have a boyfriend, and I never had a boyfriend." She stopped laughing when she realized she was laughing, and I saw that.
"E, ano si Luke?"
"A, si Luke? He's my best friend. Best friend namin siyang dalawa ni Sab. Mula pagkabata, magkakilala na kaming tatlo."
"Ahh. Nice."
Hays. Mukhang napahiya ako roon, a. Tumango na lang ako, dahil sa hiya. Kung ano-ano kasi nasa isipan ko, e. Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa amin. Pero hindi niya alam, na nagpa-party ang buong organs ko dahil sa nalaman ko. At tumawa pa siya kanina.
"Can I ask?" Agad akong tumango. "Mahilig ka pala maggitara?"
I was about to answer her question, when suddenly the door opened, and Avianna was in front of us. She looked at me first, hanggang sa nagtama ang paningin nilang dalawa ni Yumi.
"Avi, why are you here?"
"What are you two doing here?" mataray niyang tanong.
Sabay kaming napatingin ni Yumi sa isa't isa. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at inilipat 'yon kay Avianna saka tumayo.
"We just had a practice."
"Ha!? Practice? Are you kidding me?" Nagsimula ng tumaas ang tono niya. "And you!" duro niya kay Yumi. "Ayaw ko ng makita pang lumalapit ka sa boyfriend ko! Did you understand?"
"Avianna—"
"What?!" she cutted me off.
"Let me tell you this. I'm not your boyfriend anymore."
"So, what now?! Yeah. I know you broke up with me, but you're still my boyfriend. Did you understand?!"
What? May gano'n ba?
Lumapit ako kay Yumi at kinuha ang mga gamit niya, sabay na hinila siya palabas ng practice room. Wala akong pakialam kahit pa naiwan doon si Avianna. Bahala siya mag-isa.
Binitiwan ko na ang kamay niya nang makarating na kami sa loob ng room. Lumapit sa amin ang mga kaibigan ko. Hays, ayan na naman sila.
"Saan kayo nagpunta, ha?"
"Kayo, a. Yiiie!"
"Nag-date kayo, 'no?" Binatukan ko si Patrick.
"Sabi na nga ba—" Bago pa maituloy ni Rylan ang sasabihin ay binatukan ko na rin siya.
Pareho naman silang napakamot sa ulo. Bumalik na sila sa kanilang mga upuan, nang dumating na ang teacher ng first subject namin.
"Pasensya ka na sa mga 'yon, a?" She just smiled at me and nodded.
Our class has started and we have a lecture to write today, but the problem is... I've been looking for a ballpen in my bag pero wala talaga. I think I left it at home.
"Psst!" mahinang tawag ko sa mga unggoy kong kaibigan. But unfortunately they don't hear or notice. Kainis naman. "Psst!"
"Mr. Devilla, is there a problem?" I automatically looked in front when I heard my subject teacher's voice.
"A-ah, wala po, Ms." Tumango lang siya at muling ibinalik ang tingin sa pisara.
Napatingin ako ulit sa dalawa kong kaibigan na bingi. At ayon sila, busy sa pagsusulat. Paano ako makakahiram nito ng ballpen?
Muli kong binalik ang tingin ko sa desk ko, at may ballpen na roon.
Napatingin ako sa katabi ko. "Hindi mahal ang halaga niyan, pero mahalaga 'yan sa buhay ko. Kaya sana, ingatan mo ang bagay na 'yan."
Tila ba pakiramdam ko may milyon-milyong boltaheng kuryente, ang nasa loob ng katawan ko. Nagpauli-ulit din sa isipan ko ang kanyang sinabi.
'Hindi mahal ang halaga niyan, pero mahalaga 'yan sa buhay ko. Sana, ingatan mo ang bagay na 'yan.

Komento sa Aklat (82)

  • avatar
    Hazel Ella B. Basco

    hazel ella kim hazel ella kim

    22d

      0
  • avatar
    AnnalexSandoval

    ang ganda ng story "sabi nga ng lalake"

    26d

      0
  • avatar
    Jhon Mhel Loreto Rollon

    nice

    29d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata