logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER FIVE

KINABUKASAN…
RAMDAM na ramdam ni Warren ang pananakit ng ulo niya dahil literal na nilasing siya ni Kahlil para lang hindi niya maalala ang pinag-usapan nila nang nakaraang gabi. Iyon nga lang, hindi naman nagtagumpay ang binata sa ginawa nito sa kanya dahil natatandaan niya nang klaro ang mga sinabi nito sa kanya. He knows his friend is in love with someone, hindi nga lang ito makapagsabi ng totoo dahil inakusahan na ito ng napupusuan na isa itong bakla. Hindi nga lang niya alam kung paano nangyari iyon dahil sigurado siyang kahit saang anggulo tingnan si Kahlil ay masasabing lalaki talaga ito.
“Sir Warren, nandiyan ka pa po ba?” tanong ni Faye nang napansin nito ang pananahimik niya. “Pinapacheck ni Ma’am sa iyo kung tama ba ang ginawa niya sa curriculum map. Nasa screen share na ang gawa niya.”
Napatingin na lamang si Warren sa screen at nakita niya ang sinasabi ni Faye sa kanya. Nasa kalagitnaan na sila ng paghahanda para sa presentation kaya kailangan niyang magconcentrate para makatapos sila. Sa totoo lang ay hindi rin madali ang ipinagagawa sa kanila dahil tambak-tambak ang gawain nila. Hindi na nila masiguro kung tama pa ba ang ginagawa nila o hindi dahil halo-halo na rin ang mga ideyang pumapasok sa utak nila. Hindi rin nakatulong ang salitang pressure mula sa trainer nila dahil ramdam na nila ang stress nang sandaling iyon. Thankfully, nagagawa ni Faye na maging representative kapag kinakausap sila ng trainer nila para sa developments ng kanilang Gawain.
“Guys, after lunch presentation na natin kaya kailangan na nating matapos ito,” sabi ni Warren sa mga kasamahan nang napansin niyang iilan lamang silang gumagawa ng presentation. “Kailangan muna nating magsakripisyo ng lunch ngayong araw kung gusto nating makatapos.”
Hindi alam ni Warren kung kumbinsido ba ang mga kasama niya sa sinabi niya o hindi pero sa tingin niya ay wala na silang magagawa nang oras na iyon kundi ang magsakripisyo ng mga lunch nila dahil kailangan pa nilang magpresent. Hindi rin naman niya alam kung susunod ba sila sa suggestion niya dahil on and off naman ang mga camera nila. Tanging si Faye lamang ang sumagot sa binata na sang-ayon ito sa suhestiyon niya dahil marami pa silang gagawin.
“Sir, hindi ako makakonek via laptop kasi humihina ang net ko. Cellphone lang ang gamit ko ngayon sa zoom,” sabi ni Faye sa binata. “Pwede mo bang ikaw ang mag-edit ng curriculum map? Ididikta ko s aiyo ang mga babaguhin.”
“Walang problema, malakas naman ang net namin,” sagot ni Warren. “Just tell me kung saang part tayo magpapalit.”
“Focus tayo sa assessment at sa activities,” sambit ni Faye sa binata. “Kailangan kasing aligned iyon sa objectives na inilagay sa MELCs at CG.”
“Got it. Okay naman na tayo sa unang template natin, hindi ba?” tanong ni Warren sa dalaga.
“Tapos ko na iyon kaya diyan na tayo mag-focus,” sagot ni Faye. “Nakadistribute naman na sa ibang members ang gagawin para sa learning plan natin.”
Dahil na rin sa sinabi ni Faye ay mas napadali kahit papaano ang trabaho nila. Mabilis ang utak ng dalaga sa pag-iisip ng mga activities na pwedeng ipalit sa activities na hindi tumugma sa objectives. They are both calling the attention ng original na gumawa ng curriculum map para makapagtanong sila kung ano pa ang dapat nilang i-improve sa nasabing template.
“I guess this is more acceptable dahil nakadetalye na ang mga bagay na gusto nilang makita,” sambit ni Warren sa group. “Ma’am Faye, kaya mo naman na siguro itong i-present mamaya, hindi ba?”
“Tingnan ko kung kakayanin ng internet connection ko,” sagot naman ni Faye. “Mobile data lang kasi ang gamit kong connection, Sir.”
MABILIS na lumipas ang mga oras at naisalang na rin ang grupong kinabibilangan nina Faye at Warren. Sa umpisa ay kinakaya pa ng internet connection ni Faye ang pagrepresent sa group presentation nila. Iyon nga lang, sa hindi malamang dahilan, biglang nagloko ang mobile data connection niya na para bang naramdaman ng cellphone niya ang kaba kaya ang signal na mismo niya ang umatras sa pagkonek sa kanya sa zoom meeting. She has no other choice kundi ang magchat na agad sa mga kasamahan niya sa kanilang group chat tungkol sa sitwasyon niya hangga’t hindi pa sila tinatawag para sa next round ng kanilang presentation. Sadyang pasaway lang ang signal niya dahil maski sa chat ay hindi maganda ang ipinapakita nito. Para bang sinasadya na nitong tanggalan siya ng signal. And to make the matters worse for her, inilabas siya ng zoom sa webinar dahil sa unstable connection. Sinubukan niyang pumasok pero hindi kaagad siya makapasok. Napahampas na lamang siya sa noo niya nang sandaling iyon at sinubukan niya muling magchat para ipaalam sa lahat ang kalagayan ng koneksyon niya. Kailangan na talaga niyang humingi ng tulong sa kanila dahil kung walang makakapagreport ay siguradong masasayang lamang lahat ng pinagpaguran nila sa paghahanda ng presentation. Maski tiyan niya ay hindi mabibigyan ng hustisya.
“Ma’am/Sir, pasensiya na po talaga kung hindi ko na matatapos pa ang pagrereport, biglang nagloko ang internet connection ko,” sambit ni Faye sa group chat.
“Huwag kang mag-alala, to the rescue naman si Sir Warren,” sagot ng isa sa mga member nila. Napansin na ni Sir ang pagkawala mo kaya siya na mismo ang nagprisintang ireport ang curriculum map.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Faye nang sandaling iyon. She is grateful because she has someone like Warren na pwede niyan pagkatiwalaan para sa presentation nila.
“Do not worry, we got your back. Subukan mo na lang ulit pumasok para makapag-attendance ka. Mahigpit ang trainers natin sa attendances natin,” sambit ni Warren na nakatapos na sa presentation.
“Kumusta ang presentation? Tama ba ang ginawa natin?” sunod-sunod na tanong niya sa binata.
“Medyo tagilid tayo sa curriculum map kasi may ibang activities na hindi aligned,” sagot naman ni Warren. “Marami tayong iaayos dahil hanggang bukas lang ng umaga ang deadline natin para sa revisions.”
Nangunot na lamang ang noo ni Faye sa nabasa niya. Parang sasabog ang ulo niya dahil hindi niya alam kung ano ang babaguhin. Ang akala pa naman niya ay tapos na ang unang tatlong araw ng webinar nila.
“May record ako ng criticisms ni Trainer sa atin kaya masusundan na natin siya,” chat ni Warren. “Isa pa, sinuggest din niya na gamitin natin ang samples na ibinigay nila para mas mapaganda ang gawa natin.”
“Ano ang consequence kung sakaling hindi natin magagawang isubmit bukas ng umaga ang revised work natin?” tanong ni Faye sa binata.
“Ang sabi ni Ma’am ay masasayang lang ang pinagpaguran natin dahil hindi na nila tayo bibigyan pa ng certificate of participation at certificate na pang CPD units natin kung LET passer ka.”
Napahinga na lamang nang malalim si Faye. Malaking disadvantage para sa kanya ang hindi makatapos sa gawain nila dahil LET passer siya. Kakailanganin niya ang CPD units na ibibigay sa webinar para sa renewal ng kanyang lisensiya.
HINDI makapaniwala si Monika sa sinabi ni Faye na hindi ito makakasama sa kanya sa gimik dahil may usapan pa sila ng groupmates nito sa webinar na kailangan nilang magkita-kita sa group chat nila para sa revisions na gagawin sa gawa nila.
“Seriously, wala nang ipinapagawa pa ang trainers namin dahil tapos na ang presentation,” sambit ni Monika sa kaibigan. “Maaga pa ngang tinapos ang session namin dahil ang gusto nila ay makapagpahinga na kami pare-pareho.”
“Well, swerte mo at nakita na agad ng trainers ninyo ang paghihirap ninyo,” sagot naman ni Faye. “Unlike sa amin na kailangan pang magpasa ng revisions.”
Napanguso na lamang si Monika sa narinig, “Sigurado ka bang iisa lang ang webinar na pinasukan natin?”
“Malamang, magkakaiba lang ang ugali ng trainers natin,” sagot naman ni Faye. “Perfectionist ang napunta sa amin eh.”
“Paano na iyan? Cancelled na ba talaga ang lakad natin?” sunod-sunod na tanong ni Monika sa dalaga.
“Oo, kailangan kasing matapos na kaagad ang revisions para wala na akong alalahanin pa bukas,” sabi ni Faye sa dalaga. ”Alam mo namang may isa pa tayong webinar.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Monika nang sandaling iyon. Gusto man niyang patigilin ang kaibigan sa nais nitong gawin ay hindi na niya pinilit pa. Kilala naman niya kasi si Faye. Alam niyang hindi ito magpapaawat kapag trabaho na ang usapan. Sigurado siyang hindi nito papansinin ang pagtatampo niya kaya hindi na lamang niya ito aawatin pa. May ibang araw pa naman sila para sa kumain sa labas.
“Wala ka rin naman yatang sundo ngayong araw kaya pauunahin na kitang umuwi,” sabi ni Monika sa kaibigan. “Diretso sa bahay ah.”
Natawa na lamang si Faye sa sinabi ng kaibigan. Ni minsan ay hindi nya naisip magpunta sa ibang lugar pagkatapos ng trabaho niya, unless inaaya siya ni Kahlil na lumabas. Nagpaalam na siya sa kaibigan at nagpunta na siya sa sakayan para mag-abang ng jeep. Habang naghihintay siya ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang messages sa group chat nila.
Dahil sa dami ng dapat irevise ay muling nag-assign si Faye ng mga tao para sa specific tasks na gagawin nila. Dalawang tao na ang inilagay niya per task dahil sa tingin niya ay mas epektibo kung dalawang tao ang nag-uusap sa iisang task. Mas mapapadali ang revisions dahil alam na nila ang kanilang gagawin. Dahil sa busy siya sa pakikipag-chat ay hindi niya napansin ang pagtigil ng isang kotse sa harapan niya. Nagulat na lamang siya nang may biglang kumuha sa phone niya. Paglingon niya ay nakita niya si Kahlil na halatang binabasa na ang conversation sa group nila.
“Hindi na ako magtataka pa kung hindi mo nabasa ang message ko sa iyo,” may bahid ng pagtatampo ang boses ni Kahlil. “Busy ka kasi rito.”
Imbes na pakinggan ang pagtatampo ng binata ay hinablot lamang ni Faye ang phone niya, “Hindi pa kami tapos sa output kaya medyo busy pa ako. Sorry.”

Komento sa Aklat (44)

  • avatar
    POLIQUITCATH

    love it.

    11/07

      0
  • avatar

    sangat kesunduan

    30/05

      0
  • avatar
    TibayElvira

    the story it's so nice recommended this.

    24/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata