logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Seven

Binilisan ko ang pagtakbo dahil ayaw kong maabutan ng mga ito. Medyo may kabigatan nga lang ang box na bitbit ko kaya nahihirapan ako sa pagtakbo. Halos napuno ko na kasi ang laman nito.
"Sana pala sinama ko na ang cart. Hindi sana ako nabibigatan ngayon," sabi ng isip ko.
Malapit na ako sa pintuan papuntang rooftop nang matanaw ko ang grupo ng mga zombie. Kinakalampag nito ang pintuan dahil sa kagustuhan na makapasok. Kaya, labag sa loob ko na lumihis ng direksyon. Siguradong mahihirapan akong tumakas sa mga ito. Dahil hindi dapat ako huminto sa pagtakbo para isa-isang tirahin ang mga zombie. It's a wrong move for me.
"Harrrr," ungol ng mga humahabol sa akin.
Pinagdarasal ko na lang na makahanap ako nang matataguan dahil anumang oras bibigay na ang mga tuhod ko.
"Nasaan na ba kasi ang elevator dito?" inis na tanong ng isip ko.
Hindi rin nagtagal natanaw ko na rin ang elevator kaya nabuhayan ako ng loob. Pagkalapit ko sa elevator agad kong pinindot ang button. Bumukas din ito kaagad kaya dali-dali akong pumasok. Binaba ko ang dalang supplies at pinindot ang close button pero nadismaya ako nang hindi ito sumara.
"Damn!" ani ko na dinugtungan pa ng malutong na mura.
Tumingin ako sa direksyon ng mga zombie at napamura muli. Hinanda ko ang crossbow at tinapat ito sa nagtatakbuhang mga zombie.
"First headshot," bulong ko at pinakawalan ang arrow.
Tinamaan sa ulo ang zombie kaya bumagsak ito sa sahig. Muli akong naglagay ng arrow at tinira ang zombie na malapit na sa elevator.
"Second," bulong ko nang bumagsak iyon.
Nakailang tira pa ako bago sumara ang pinto ng elevator. Kaya, nakahinga na ako nang maluwag. Sumandal ako sa dingding at nilapag sa sahig ang crossbow. Tiningnan ko ang wrist watch at nanlaki ang mga mata dahil mahigit 30 minutes na ako sa loob ng mall.
"Baka umalis na sila. Baka naisip nila na I failed," usap ko sa sarili.
Wala sa sariling pinindot ko ang call receiver ng wristwatch at nagulat na lang sa narinig.
"Cross! Cross! Can you hear me? Please, answer if you hear me. Cross!" bungad sa akin kaya sinagot ko ito kahit na hinihingal pa ako.
"Yes," ikli kong sagot.
"Oh my god! Cross, are you okay? Where are you girl?" bulalas niya sa kabilang linya.
"I'm fine, Sword. I'm inside the elevator," sagot ko.
"Good. Everyone is worried. Especially, him. Where are you heading right now?" ani Sword.
"I don't know. Wait, who's him?" nagtataka kong tanong.
"Blaster, halos magwala na kanina dahil hindi ka pa dumarating. We can't go inside because zombies are blocking the door," sagot ni Sword kaya napangiti ako.
He's worried huh? Pero, inuna niya pa si Dagg. I'm amazed.
"I was there Sword. Hindi na ako tumuloy dahil maraming zombie ang nakabantay sa pintuan," ani ko.
"We're very sorry, Cross," paumanhin niya
"Nah, it's okay. I thought you left me guys," sabi ko.
"No, we couldn't do that. We're family and family will never abandon a member," senserong sabi ni Sword.
"Thank you," ngiti kong sabi kasabay ng pagbukas ng pinto.
"Lalabas na ako ng elevator, Sword," paalala ko.
"Be careful, Cross. Lumabas ka ng mall. Doon tayo magkita," ani Sword na sinang-ayunan ko naman.
Mabilis akong naglakad at hinanap ang exit ng mall. Hindi na dapat ako magtagal pa roon dahil kakaunti na lang ang mga arrow ko. At, siguradong maraming zombie ang nakaabang sa paligid.
"Cross, nasa labas na kami ng mall. Nakalapag din ang helicopter. Bilisan mo," sabi ni Sword sa kabilang linya.
"Copy," sagot ko.
Hindi nagtagal nahanap ko rin ang exit. Sinubukan ko itong buksan pero hindi mabuksan.
"Harrr," ungol sa 'di kalayuan.
"Bloody sh*t," mura ko nang matanaw ang paparating na mga zombie.
Tinaas ko ang hawak na crossbow at sinentro ito sa direksyon ng mga zombie. Isa-isa itong bumagsak sa sahig. Pero, naubos din kaagad ang mga arrow kaya nainis na lang ako. Tiningnan ko ang crossbow at ang exit door which is made of glass. Nakaisip ako ng paraan para makaalis doon. Hinawakan ko sa pinakadulo ang crossbow at hinampas ito sa pinto. Nabasag iyon kaya lalong na-trigger ang mga zombie sa paghabol sa akin. Dumaan ako roon at tumakbo palayo. Natatanaw ko na ang mga Trainee. Pero, hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. Dahil sa ginawa kong ingay nagsilabasan ang ilan pang mga zombie.
"Cross, faster!" sigaw ni Sword kaya binilisan ko ang pagtakbo.
Umalingawngaw ang putok ng mga baril na hawak nila.
"Bloody shot, Lord help us!" sigaw ng isip ko.
Pero, bigla akong natisod kaya bumagsak ako sa semento.
"Awww!" daing ko dahil sa kirot.
Nabitawan ko ang mga supplies dahil doon. Tumakbo sa kinaroroonan ko si Blaster.
"Kayeen, are you okay?" alalang tanong ni Blaster at hinawakan ang kaliwa kong paa.
Napaaray ako dahil doon.
"Sh*t. Can you walk?" ani Blaster.
Umiling lang ako kaya kinuha niya ang kaliwa kong kamay at pinatong sa balikat niya.
"It's okay. You'll be safe," paninigurado ni Blaster at binuhat ako.
"Paano ang supplies?" ani ko.
"Sword will take it for you," sagot ni Blaster at sakto naman ang pagdating ni Sword.
"Guys faster!" sigaw ni Dagg kaya nagmadali na kaming lumapit sa helicopter.
Kaagad kaming sumakay at pinalipad na ang helicopter.
"Cross, okay ka lang?" alalang tanong ni Thumper.
"Hindi. Ang paa ko masakit. Hindi ako makalakad nang maayos," sagot ko kaya nag-react si Dagg sa akin.
"Ang sabihin mo papansin ka lang para mabuhat ka ni Blaster," pagpaparinig niya.
Sumeryoso ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Nagkatinginan naman sina Sword at Thumper.
"Hindi pagpapapansin iyon Dagg. Natisod ako nang hindi sinasadya. Aksidente ang nangyari. Baka ikaw ang nagpapapansin. Nahiwalay ka nga kina Sword. Ano 'yon 'di sinasadya o sinadya mo lang para makasama si Blaster?" sabat ko kaya nanlaki ang mga mata nina Sword at Thumper.
Hindi naman nakapagsalita si Dagg dahil hindi niya inasahan na malalaman ko iyon.
"That's enough," sabat ni Blaster dahil hindi na maganda ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
(Hydra Corporation)
"Congratulations Project Cross you advance to Stage 3!" bati ni Jackhammer kaya napangiti ako.
Another achievement na naman sa akin at masaya ako para roon.
"Thank you Jackhammer," tugon ko.
"So far, your performance in Stage 1, 2 and 3 is outstanding. You're the best Project, Cross," puri ni Jackhammer kaya napangiti ako nang malawak.
Kinikilig ako dahil napahanga ko ang idol ko.
"Akala ko talaga hindi na ako makakaligtas," ani ko.
"Of course, makakaligtas ka. Lapitin ka yata ng suwerte," natatawang sabi ni Jackhammer.
"Sana nga. Sana hindi ako maubusan ng suwerte," ani ko.
Next day...
"Your mission now is to get more headshots. But, it will not be easy. Hydra wants to have the best trainee who even in bad situations is still so reassuring. A Trainee who does not give up lightly and is unshakable in complex situations. I hope you can show it better now, Cross. Wish of luck," wika ni Flame bago ako iniwan sa loob ng isang room.
Pang-apat na araw ko na ngayon bilang isang Project. Kahit na pagod na ang buo kong katawan at paika-ika ako maglakad. Pinipilit ko pa ring palakasin ang sarili. Dahil gaya ng sinabi ni Flame, ang isang Trainee ay hindi kaagad sumusuko.
"Project Cross proceed to the Training Room now!" sabi ng computer kaya nagmadali akong lumabas ng Cyber Room at nagtungo muna ng Weaponry para kumuha ng weapon.
Pero, napamura ako sa isip ko dahil hindi ito mabuksan.
"Paging Project Cross! Your time is running out! Proceed to the Training Room now!" anunsiyo ulit ng computer kaya wala na akong nagawa.
Nagtungo pa rin ako ng Training Room kahit na labag iyon sa loob ko. Inaalala ko kasi ang posibleng mangyari kapag wala akong bitbit na kahit anong weapon.
"Bakit naman nila sinara ang Weaponry? What if umatake ang mga zombie roon tapos wala akong dalang weapon?" bulong ko sa sarili.
"Welcome to Training Room Project Cross!" bungad na sabi ng computer nang bumukas ang pinto.
Nasurpresa ako dahil sa biglang pagbati ng computer sa akin. Wala naman kasing ganoon nang unang araw ko sa Training Room.
"Nag-upgrade siguro ang system," bulong ko sa sarili.
Kagaya ng Stage 1, walang katao-tao sa loob ng Training Room. Kaya, may idea na ako sa mission niya.
"Like what happened in my first mission, may darating na zombies tapos may lalabas na weapon sa wall," sabi ko sa sarili habang naglalakad papunta sa gitna.
Pagkarating ko sa gitna may lumitaw na mga box mula sa floor. Kaya, nanlaki ang mga mata ko.
"So, idadaan naman nila sa sahig ngayon. Ano kayang trip nila?" bulong ko na naman sa sarili.
Bumukas ang box at bumulaga sa akin ang iba't-ibang uri ng bow at arrow. Kumislap ang mga mata ko dahil sa nakita.
"Project Cross, Hydra wants you to use these amazing bows and arrows for your today's mission. May the weapons help you to finish the task. Good luck!"
Hinawakan ko ang favorite weapon ko which is crossbow. Tiningnan ko rin ang iba pang bows maging ang mga arrow. Sa tanang buhay ko, never pa akong nakahawak ng kahit anong uri ng bow at arrow maliban sa regalo ng daddy ko sa akin at ang mga ginamit ko sa nakaraang mission. At ngayon, nang dahil sa Hydra nakakahawak na ako.
"Warning! Warning! A huge wave of zombies is coming!"
Tuluyan kong kinuha ang crossbow at pumosisyon. Pinakiramdaman ko ang paligid. Hindi ko kasi batid kung anong wall ang bubukas.
"Focus," bulong ko sa sarili.
Maya-maya, bumukas ang wall sa likuran ko. Kaya, agad akong humarap dito at tinutok ang bow at arrow sa nakabukas na wall. Natatanaw ko na ang paparating na mga zombie kaya hinanda ko ang arrow na papakawalan na sana. Nang biglang namatay ang ilaw.
"Bloody sh*t!" mura ni Kayeen.
Wala akong makita kun'di kadiliman lamang.
Bigla akong pinagpawisan at nanginginig ang mga kamay ko.
I'm thinking of the possibility that zombies will bite me.
"Ayoko pang maging zombie!" sigaw ng utak ko.
 Nanatili akong nakatayo at pinakiramdaman ang nasa paligid ko. Pinakinggan ko ang ingay na nanggagaling sa mga zombie.
Maya-maya, bumalik din ang liwanag sa loob ng Training Room. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang bumulaga sa akin ang zombie na dalawang metro na lang ang layo. Hindi ako nagdalawang isip na tirahin ito ng arrow.
"That was close!" bulalas ko.
Muli akong kumuha ng arrow at pinatumba ang isa pang zombie na tatlong metro naman ang layo sa akin. Nagpatuloy ako sa pagpapatumba sa mga zombie nang bigla na namang namatay ang mga ilaw.
"What the hell?!" mura ko.
Pinaglalaruan na naman ako ng Hydra.
Hindi nagtagal bumalik din ang liwanag kaya pinagpatuloy ko ang pagpatay sa mga zombie. Pero, pumapatay sindi na ang mga ilaw sa loob ng Training Room. Parang horror movie ang dating sa akin. Kaya, hindi ko maiwasang matakot. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa tuwing namamatay ang mga ilaw. Baka kasi makagat ako nang hindi ko namamalayan.
"So, this is what Hydra challenges the aspiring Trainee?" komento ko sa utak ko.
"Harrrr!"
Bigla na namang namatay ang ilaw kaya nagsitayuan na naman ang mga balahibo ko. Pero, mas natakot ako nang ma-realize na wala akong hawak na arrow. Tanging bow lang ang nasa kaliwa kong kamay!
"Bloody sh*t! I'm doomed!" sabi ko.
Hinawakan ko ang bow sa pinakadulo para gawing pamalo. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Naririnig kong nagkukumawala na ito sa loob ng rib cage.
"Chillax Kayeen," bulong ko sa sarili.
Itinaas ko ang bow nang makaramdam ako ng panganib sa paligid. Nanginginig ang kanang kamay ko na humahawak sa bow.
Maya-maya, bumalik ang liwanag sa loob ng Training Room. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko dahil bumulaga sa akin ang zombie na kalahating metro na lang ang layo sa akin.
Dahil sa adrenaline rush, pinalo ko ito sa ulo kaya bumagsak ito sa harapan ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil muntikan na ako roon.
"Papatayin yata ako ng Hydra sa gulat at takot," bulong ko at kumuha ng arrow.
"Stand by! Stand by! Zombies are coming! I suggest you hide or run. You can't survive this mission!"
"You're bullsh*t!"
'Di ko napigilan ang magmura dahil parang minamaliit ng computer ang kakayahan ko.
"Project Cross, you're going to die here!" sagot ng computer kaya lalo akong nainis.
Hindi ko na-expect na magiging rude sa akin ang computer system ng Hydra.
"I will finish this task without getting a bite. I will survive!" sabat ko at tinira ang mga zombie.
"Project Cross, you are not eligible to be a Trainee!"
"You're wrong! I will become a Trainee!" sigaw ko.
Hindi ko na pinansin pa ang negative words ng computer. Bagkus ay tinuon na lang ang atensyon sa mga zombie.

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Yram Yparraguirre

    Thats good story

    18d

      0
  • avatar
    morillojay

    nice

    22d

      0
  • avatar
    Rhym Valentin Agustin

    it's was amazing

    06/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata