logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

RHWFY: 3

“O! Bakit ka umiiyak?” tanong nito. “May iba pa bang ginawa ang mga gago na iyon na hindi ko alam?” At kinuyom nito ang palad.
“Hindi. Di naman sila ang dahilan kung bakit ako umiyak. Na-miss lang kita. Two years ka kasing di nagpakita sa akin.”
Sa halip na magbakasyon sa hacienda, pinili nito na mag-volunteer sa archaeological sites sa South America. Si Senyora Gemalyn na lang ang dumadalaw dito sa Maynila. Pero di pumayag ang babae na di umuwi si Carson para sa kaarawan nito sa isang linggo.
Dalawang taon na nagkakasya na lang na mag-message dito sa Facebook o kaya ay mag-text dito na madalas ay di naman nito nasasagot dahil busy ito sa pag-aaral. Nami-miss niya ang kakulitan nito. Higit sa lahat ay ang pag-alalay nito sa kanya. Mula nang sagipin ng mga Arellano ang pamilya niya mula sa ama niya, lalong naging malapit sa kanya si Carson. Hanggang nang maging dalaga siya, alam niyang hindi kapatid ang turing niya sa binata. He was special. Itinangi niya ito sa puso niya at umaasa na sa muli nilang pagkikita, makita nito na hindi siya ang nene na kinukulit nito dati.
Tinapik nito ang ibabaw ng ulo niya. “Huwag ka nang umiyak, musang. Nandito na nga ako.”
Musang. His little muse. Or a pesky wild cat. Iyon ang term of endearment ni Carson para sa kanya.
“At nanggugulat ka pa rin hanggang ngayon. Napaaga yata ang dating mo,” komento na lang niya at kumalas sa pagkakayakap nito. “Akala ko sa isang linggo ka pa dadating.”
“Isasabay ko na kayo ng kuya mo pabalik ng hacienda. Susunduin natin siya sa review school.” Nagre-review para sa board exam ng Accountancy ang kapatid niya. “Isa pa, gusto ko munang mamasyal. Kapag bumalik agad ako sa hacienda, baka di na ako palabasin pa ni Mama.”
Hindi na nga ito bata. He was a grown man. He was already twenty-three. Noong una ay ayaw pa itong payagan ng ina na mag-aral sa Maynila. He spent a year at San Fabian University. Pinakuha ito ng Business Management ni Donya Gemalyn. Ayaw kasi na malayo ang binata sa hacienda. Kapag daw sa Maynila o kaya ay naging archaeologist ito balang-araw, baka iwan nito ang ina. Pero ipinaliwanag ni Carson na gusto nitong maging archaeologist gaya ng namayapang. He was thirsty for adventure. Walang nagawa si Donya Gemalyn kundi pagbigyan ang binata.
Hindi ito nagsama ng maid o katuwang sa bahay. Sa halip na sa isang apartment o condo, pinili ng binata na tumira sa isang dormitoryo. Tutol man, walang nagawa si Donya Gemalyn. Katwiran din ng nanay niya, mabuti nang maturuan si Carson na tumayo sa sarili nitong mga paa. Kaya naman kahit kaninang nakipag-laban ito sa grupo ni Hans di nito binanggit ang impluwensiya ng inang si Donya Gemalyn o ang kapangyarihan ng isang Arellano. He was just him. Ginamit lang nito ang utak nito para maisahan ang mga gustong manakit sa kanya. Hindi ito senyorito. Lalo lang niya itong nagustuhan.
“Hindi ko naman alam kung saan mo gustong mamasyal. Wala namang mall dito,” sabi niya sa lalaki. Malamang ay hinahanap nito ang malalaking mall at nagtataasang gusali sa Maynila. Wala silang ganoong pasyalan.
“Basta doon sa maraming magagandang babae mo ako dalhin.” Binigyan niya ito ng matalim na tingin. Talaga lang ha? Dalawang taon na niya itong na-miss at gusto pa nito na humanap ng ibang babae? Parang gusto niya itong hampasin ng folder ng drawing niya sa mukha. “O, huwag kang sumimangot. Alam ko na favorite mo ang chocolate. Ibinili kita ng favorite mo na Cadbury. Hindi ko nakakalimutan.” At inilabas ang malaking bara ng tsokolate na parang di niya mauubos kahit na isang buwan niyang papakin.
“Thank you, ha?” padarag niyang sabi at kinuha ang tsokolate mula dito.
“O, bakit parang di ka masaya sa chocolates? I thought you like it.” Nagsalubong ang kilay nito. “Huwag mong sabihin na ginagaya mo pa ‘yung mga babae na mahilig pa sa diet.”
“Kunyari ka pa na ayaw sa mga babaeng nagda-diet. Ikaw nga itong nagpapahanap ng maganda at sexy.”
“Selos ka naman,” anito at magaang pinisil ang pisngi niya.
“Hindi ako nagseselos,” tanggi niya at iniwas ang tingin dito. “Sigurado ako na magpapa-cute ka lang sa mga babae na iyon. Ide-date mo, paaasahin tapos ibe-break. Alam ko na mga style mo.”
Napamaang ito. “Ako? Sa palagay mo ganoon ako sa mga babae. Paninirang-puri iyan. Paano mo naman nasabi iyan?”
Itinuloy niya ang pagkain ng banana cue. “Sa kay Kuya Lance. Sinabi na niya sa akin ang modus operandi mo sa Maynila.. Ikinukwento mo raw sa kanya. Kaya maganda daw na mamulat ako sa gawain ng mga katulad mo para daw hindi ako mauto ng iba. Kaya nga hidni ko pinatulan si Hans dahil alam ko pareho lang naman ang karakas ninyo.”
Kinuha nito ang banana cue niya at kumagat. “Huwag mong sabihin na kapareho ko ang Hans na iyon. Oo, marami na akong naka-date. Pero di ko sila pinilit kahit kailan. Di ko pa naman naranasan na tanggihan pero kung sakaling may umayaw sa akin, di ko ipipilit ang sarili ko. Naiintindihan mo?”

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    bery nice

    8d

      0
  • avatar
    BasaEjayboy

    ggggg

    06/07

      0
  • avatar
    Lyka Jane Germo

    good story

    04/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata