logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

RHWFY: 2

“Oo. Lalo na kung sa comics lang makikita ang boyfriend mo,” pang-aasar ni Boris at nahigit ni Nailah ang hininga nang makitang hawak nito ang folder niya na may naka-lettering iyon na Senyorito Carson. Naglalaman iyon ng mga drawing niya.
“Ibalik mo sa akin iyan,” utos niya at tinangkang bawiin iyon.
Subalit mabilis na ipinasa ni Boris kay Hans ang folder at binuklat-buklat ng lalaki. “Hans. Isang batang archaeologist. At bumabalik siya sa nakaraan ng Korea para makuha ang Espada ng Kapayapaan? Ang galing naman ng boyfriend mo.”
“Ilusyon lang pala,” anang si Gilbert at nakakainsultong nagtawanan ang mga ito. Iniisip siguro na nababaliw na siya. O hindi siya magkaka-boyfriend kung hindi lang dahil sa isang ilusyon.
“Pwede mo namang totohanin na magka-boyfriend. Ako na lang,” nakangising alok ni Hans. “Date na tayo?”
“Ayoko talaga sa iyo,” tanggi niya at pilit na inagaw dito ang folder.
Sinambilat nito ang braso niya. Bakas ang pagka-insulto sa anyo nito. “Bakit ba masyado kang maarte? Ano ba ang ipinagmamalaki mo, ha?”
Pumiglas siya. “Bitiwan mo ako!”
“Kung hahalikan mo ako, ibabalik ko sa iyo ang drawing mo.” Sinubukan nitong ilapit ang mukha sa kanya.
Nahindik siya. “Ayoko sa iyo!” At tinapakan ang paa nito.
Nabitiwan siya nit. “Fuck!” Natulala siya nang itaas nito ang kamay upang sampalin siya.
Gusto niyang sumigaw o kaya ay umiwas pero nanigas ang buong katawan niya. Bumalik siya sa panahon nang nanghihingi ang tatay niya ng pera sa nanay niya at siya ang binalingan nitong saktan.
“Oras na dumapo ang palad mo sa kay Nailah, babaliin ko ang kamay mo.”
SAKA lang nakagalaw si Nailah nang marinig ang tinig ng tagapagligtas niya. Nilingon niya ito. Matangkad ang lalaki, di bababa sa anim na talampakan. Nakasuot lang ito ng plain white T-shirt, pantalong butas pa sa bandang tuhod, Converse na sneakers at cap na tumatabing sa mukha nito. Nakasukbit ang backpack sa balikat nito. Mukhang naligaw lang ito doon para mamasyal dahil naka-uniform silang lahat.
“Huwag ka ngang makialam dito. Sino ka ba?” angil ni Hans.
Inangat nito ang cap. “Carson Arellano. At girlfriend ko lang naman ang gusto mong saktan.”
“Carson?” mahinang usal ng dalaga habang nakatitig sa moreno nitong mukha. Hindi agad niya ito nakilala dahil mas mahaba na ang buhok nito na nakaikom sa baba nito. Laging naka-brush up ang buhok nito sa mga post sa internet kaya nakakapanibago.
Anong ginagawa nito doon? Ang akala niya ay sa isang linggo pa ito dadating mula sa Maynila.
“Ilan kayong lalaki pero pinagtutulungan ninyo ang nag-iisang babae. Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili ninyo?” sermon ni Carson sa mga ito. Parang di ito nasisindak samantalang tatlo ang kaharap nito. At wala itong ideya kung ano ang dahilan kaya naghahari-harian si Hans sa eskwelahan nila.
“Bro, pamangkin si Hans ng mayor dito. Kaya kung ako sa iyo, huwag kang makialam. Baka mapasama ka,” sabi ni Gilbert at isinuntok pa ang nakakuyom na kamao sa palad.
Lumapit ang lalaki at tumayo sa mismong harap ni Hans nang walang takot. That was really Carson. Wala itong kinatatakutan. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang bahagyang umurong si Hans. Mas matangkad kasi si Carson dito.
“Kung gusto mo magharap kami ng tito mong mayor. Siya ang mapapasama kapag nakulong ka dahil sa harassment. Ano sa palagay mo?” nakangising tanong ni Carson at saka luminga sa paligid. Nagtitinginan na ang ibang tao sa kanila. Kumaway si Carson sa mga ito. “Hoy! ‘Yung pamangkin ni Mayor nangha-harass ng babae. Kuhanan daw ninyo siya ng video at gawing viral. Di daw siya natatakot ipakita sa mundo kung gaano siya kabastos sa babae.”
Kanya-kanya namang labas ng cellphone ang mga estudyante. Kahit anong klaseng tsismis ay di palalampasin ng mga ito.
Biglang binitawan ni Hans ang kamay ni Nailah at nakangising humarap sa mga tao. “W-Wala ito. N-Nagpa-practice lang kami sa play namin.” Kumaway pa ito sa mga tao. “Manood kayo ha?”
“Booo!” sigawan ng mga tao.
“B-Bro, uuwi muna ko sa amin. May family emergency lang,” anang si Boris at nagtatakbo palayo.
Maingat na inilapag ni Gilbert ang folder ng drawing niya sa mesa. “S-Sige, Hans. Mag-CR muna ako ha? Kita na lang tayo mamaya sa klase.” At tumalilis agad at nagtungo sa ibang direksyon.
Napalunok si Hans nang makitang mag-isa na lang ito. Iniwan na ito ng mga kaibigan nitong animo’y lintang nakadikit dito kapag may mapapakinabangan. Pero tatakasan naman ito sa oras ng problema.
Alanganin ang ngiti ni Hans nang harapin sila. “Pasensiya na, boss. Nadala lang ako ng eksena.”
Humalukipkip si Carson. “Sa akin ka lang hihingi ng pasensiya? Hindi naman ako ang sinaktan ang hinarass mo.”
“Nailah, pasensiya na,” yukong-yuko na sabi ni Hans. “B-Biro lang naman t-talaga iyon. Di ka na mabiro. S-Sorry na. Basta huwag lang kayong magsumbong sa uncle ko. B-Baka putulin niya ang allowance ko. Anong gusto mong gawin?”
Nabaligtad ang sitwasyon. Kulang na lang kasi ay lumuhod ito sa harap niya at sambahin siya. She suddenly felt powerful. Ano kaya ang pwede niyang iutos sa pinakahambog niyang kaklase?
“Mag-sorry ka sa Facebook account mo. Mag-sorry ka sa lahat ng kasalanan mo di lang sa akin kundi pati sa ibang babae,” anang si Nailah habang itinatapik ang daliri sa baba. “Madali lang iyon ‘di ba?”
“Baka pwedeng iba na lang…” apela pa nito.
Inilabas ni Carson ang cellphone. “Kung I-post ko na lang kaya ang ginawa mo sa Facebook account ko? Tapos magbibigay ako ng reward sa mga magbibigay sa akin ng video sa ginawa mo kay Nailha. Ano sa palagay mo?”
Nanginginig din na inilabas ni Hans ang cellphone. “G-Gagawin ko na. M-Magpo-post na ako. M-Magso-sorry na ako.”
Ngumiti si Nailah kay Carson. Nagawa nitong ayusin ang problema nang hindi ginagamit ang impluwensiya ng pamilya nito. Higit sa lahat ay pinrotektahan siya nito. He was her hero.
“Fool! Mga wala naman palang ipagmamalaki, akala mo kung sino nang maghari-harian! Tssss!” usal ni Carson matapos paalisin si Hans na mangiyak-ngiyak sa kahihiyan. “Di na uso mga sira ulo ngayon.”
“Carson?” Nakatitig siya dito. Ni ayaw niyang kumurap. Baka kasi mamaya ay epekto lang ito ng imahinasyon niya. Gusto niyang haplusin ang guwapo nitong mukha para patunayang di ito ilusyon pero baka maglaho lang ito. At sa huli ay mapapalitan ng karima-rimarim na anyo ni Hans.
Hinawakan nito ang balikat niya at biglang sumilay ang pag-aalala sa anyo. “Are you okay?” Napailing ito. “What a silly question. Paano ka magiging okay matapos ang pananakot ng mga bugoy na iyon sa iyo?” Hinawakan nito ang nanlalamig niyang kamay. “Gusto mo ba ng coffee? Saan ba may cafe dito?”
“Carson!” sigaw niya sa pangalan nito at mahigpit itong niyakap. Bigla siyang bumulalas ng iyak. “Carson!”

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    bery nice

    9d

      0
  • avatar
    BasaEjayboy

    ggggg

    06/07

      0
  • avatar
    Lyka Jane Germo

    good story

    04/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata