logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 6: I Do

Kabanata 6
I Do
Kalat na ang dilim habang bumibiyahe sa lugar na pupuntahan. Street lights are glimmering on the streets. Marami ang mga sasakyan at abalang-abala pa rin ang kalakhan ng kalsada. Matatayog na buildings, mga bukas na establisyeminto, at mga naglalakad na mga tao sa gilid nito. It's just a normal way that people should socialize around their place. Bumuntong-hininga ako. Sa iba siguro oo, pero mailap kasi ako. Bibihirang makihalubilo.. I was raised being a prim and proper... conservative... and aloof...
Tahimik, kahit ang tunog ng sasakyan ay hindi marinig. Nakatunghay lamang ako sa labas ng bintana at tulalang nakatitig sa labas. Bawat madaanan ay binibigyang buhay ng isip.
Why is that God give me these kind of challenges? Bakit, dahil ba gusto niyang sukatin ang katatagan ng isip? Napagsamantalahan na nga, nagbunga pa? And I đon't have a choice. Kahit gaano ko kagustong bitawan ang batang nasa sinapupunan hindi naman kaya ng konsensiyang patayin siya!
I closed my eyes for those bad things that keeps running on my mind...
Kung kasing sama ko lamang sana ang kanyang ama! Kung kasing tigas lamang nito ang aking kaluluwa!
Nagrerebelde ang utak ko sa mga pinag-iisip. I should clear and cleaned my mind for the sake of my conscience...
Humimpil ang sasakyan sa isang matayog na building. Natatanaw ko ang mga magagarang sasakyan sa labas ng mataas na gate.
I turned my head to ask Aldric...
Sinisipat niya ang sout na relos habang kalmadong binubuksan ang pintuan ng sasakyan. Umigting ang kanyang panga sa magaang pamamaraan. I looked away when he caught me staring at him.
"Just on time." Usal niya. Tipid at may nakatagong ngisi.
Sinundan ko siya ng tingin ng lumabas ng sasakyan. Umikot.. then I heard the clicking sound of the door in my side. Nakalahad ang kanyang kamay ng pagbuksan na niya...
Stoic face, and cold stares. Matigas ang ekspresiyon. But then, Aldric is very gentle whenever he held me. I don't deserve his kindness.. pero, masasabi kong masuwerte pa rin ako kasi tinatanggap niya ako ng buong-buo...
I sighed deeply...
He tilted his head. He was looking at me intently. Napapaso ako sa klase ng titig na binibigay niya. Saglit na dinaanan ng kanyang mga mata ang bestidang nakalilis. Sumisilip ang balat sa pagkakalilis, aayusin ko sana kaso naunahan naman niya. I feel the warmth of his large hand. Pigil ko ang hininga kahit bahagya lang naman na nasagi ng kanyang mainit na palad ang aking balat sa hita.
"You okay?"
Pigil ko ang singhap at nahihiya na sa kanya. "Saan tayo pupunta?"
"You'll know later, c'mon.."
Kumalabog ang puso ng hawakan na niya. Hawak niya ang kamay ko. Walang paglagyan ang malakas na tibok ng puso!
"Saan tayo?"
Sa harapan ay natatanawan ang maliwanag na establisyemento. It's the Mayor's office. Anong gagawin namin dito?
Tumango ang security guard at imunuwestra ang nakasarang salaming pintuan. Aldric nodded at the guard. Nang nasa loob na, hindi ko mapigilang mamangha sa kagandahan ng lugar. Nasa unang palapag na kami. Mangilan-ngilan ang mga tao, abala ngunit hindi ko na sila masyadong napapansin at pinapakiramdaman na lamang ang katabi.
We stopped at the wooden door. Akmang bubuksan na niya ang pintuan nito pero pinigil ko.
"A-Aldric..." I am tensed. Bakit nasa Mayor's office kami? Humihingi ba siya ng tulong para sa mabilis na aksiyon sa mga taong nagsamantala?
At kapag nahuli na, agaran ang hakbang na gagawin at ipapapatay pa?!
I held the hem of his white long-sleeves... "Anong gagawin natin dito?"
"It's a surprise... just..." Nagkamot siya sa kanyang kilay. Tila tensiyonado. "Let's go..."
Nang buksan niya ito. Tila huminto naman sa pagtibok ang puso. Nagtagpo ang paningin namin ni Mama. Tumayo siya at nakangiting lumalapit. Tila naging slow motion ang lahat. Bukod kay Mama ay may lumapit pang isang babae. I am hearing my breath.. My heart pounded so loud and I can't control it. Bahagyang nilapatan ng kulay pulang lipstick ang aking mga labi. Nalilito ako habang tulalang nakatingin sa paligid, at bumalik sa normal na galaw ang oras ng makita ko pati ang aking amo!
My boss is wearing his suit. Tila pa ito hinugot sa isang importanteng meeting na dinaluhan at pinilit na pumarito, upang maging saksi sa araw na ito!
Naghahanap ako ng kasagutan!
At ng makita ko si Aldric na humihingi ng paumanhin sa alkalde ng bayang ito ay may napagtanto ako!
"Na-traffic kayo?" Si Mama na nakangiti at bahagyang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.
Napakagat ako sa ibabang labi. Kaya ba nakasuot ako ng puting bestida? Mariin akong pumikit..
Kagagaling ko lang hospital. Kamuntik ng malaglag ang batang nasa sinapupunan, at ngayon naman ikakasal?!
Ikakasal?!
Nayayanig ang buong sistema ko! Bakit walang may nagbahagi nito? At ayos lang kay Mama ito?
"Ma..." Lito kong saad. Malikot ang mga mata at nakita pa ang mga piling bisita.
May mga kasosyo pa ng amo ko na nandito. Nag-uusap sila sa tabi habang nakakatitig sa direksiyon ko.
"Hindi mo sinabi ito?"
Malungkot na ngumiti si Mama..
"Iniisip ko ang kapakanan mo nak, higit ang..." Tumitig siya sa tiyan ko. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata... "Kagustuhan ito ni Aldric. Hindi ito ang pinangarap natin.. pero anak..." Humawak siya sa aking balikat.  Ngayon ko lamang nakitang ganito si Mama... Nag-iwas ako ng tingin. Ayaw kong mapansin kami ng mga bisita na nag-iiyakan dito.
Konserbatibo siya. Ngunit, ang lahat ng ito ay kanyang tinatanggap. Sinusuportahan at binibigyang basbas.
"Alam kong nasa mabuting kamay ka anak... Wala man sa plano, pero nakatitiyak ako. Maibibigay niya ang seguridad na kailangan mo.. at magiging mabuti siyang ama sa anak ninyo..."
Sasagot na sana ako, but then there's a beautiful lady who just appeared between me and Mama. Nakangiti siyang lumapit at ini-abot sa akin ang kumpol ng mga bulaklak. It's a bouquet of red roses. Hindi ako nakapaghanda. Subalit kailangang ipakita na nakaplano na ito.. at ayaw kong mapahiya ang lalaking hindi nagdalawang-isip na manatili, sa kabila ng madilim na parte ng aking buhay.
Matamis kong nginitian ang babae. Higit siyang matangkad kaysa sa akin. She had a fair complexion. Mahaba ang kulay itim na buhok. Matangos ang ilong, malalantik ang pilik-mata and her eyes are gray... katulad na katulad ng kay Aldric...
"Hi..." Pilit niyang itinatago ang kasiyahan sa boses. "At last, nakita na rin kita." She smiled widely.
She's wearing a white dress too. Ang ipinagkaiba lang, mas revealing ang sa kanya. Hapit ito sa makurbang katawan niya. Maputi at makinis ang kanyang balat.. para siyang dyosang nakatapak sa kalupaan ng mga makasalanan.
"Parati kang ibinibida ni Kuya. Mabuti at napasagot ka niya. You know what? Pikot ang tawag dito.." And she giggled. Tuwang-tuwa sa pagtanggap ko sa kanyang kapatid.
Magkamukhang-magkamukha sila ni Aldric. Nakakahawa ang kasiyahang ipinamamalas niya. Ang tensiyon sa pagitan namin ni Mama ay nakalimutan ko na.
"It's time..."
May lumapit ulit. Iba naman ito. Pormal ang kasuotan ng babae at walang nag-imporma kung sino ito. May edad na at hindi ko mabasa ang ekspresiyon ng mukha.
Kumalabog ang puso ng makita ang ngisi ng aking amo. Dalawang-ulit niyang tinapik sa balikat si Aldric. Sa aking tabi ay ang mahihinang hagikhik ng kapatid ni Aldric ang naririnig.
Pumikit ako at tinatanggap ang lahat ng ito. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Mama bago ako inihatid sa kay Aldric.
Tahimik.
Kahit ang alkalde na magkakasal ay nanatiling pormal. Hawak sa kamay ang isang makapal na libro. Kahit kabado. Pinatatag ko ang sarili. Nanginginig ang kamay ng ipulupot ito sa braso ng katabi. Dinungaw niya ako at nag-angat ako ng tingin sa kanya. My heart beats rapidly.
Simula sa araw na ito. Tinatanggap ko na siya.. katulad ng pagtanggap niya sa akin. Hindi na ako buo, pero nanatili siya sa aking tabi.. iginagalang at patuloy na pinapahalagahan...
He was staring at my arm that's locked on his arm. Hindi yata makapaniwala kaya...
He held his breath and bit his bottom lip. He is rough. Lahat ng parte sa kanya ay hindi makikitaan ng kahinaan.. but whenever I see his lips... sa parteng ito lamang ako nakakasiguro, with his dark features his lips remains the softest part of him...
"Relax man..." Tukso ng aking amo. Nasa gilid ito at pinagmamasdan bawat galaw ng kaibigan.
"Hindi mo na kailangang maghintay na dumaan ang mga shooting star sa kalangitan, dahil ang mga kahilingan mo ay natupad na.. mas higit pa ang binigay niya..."
May mga bisitang nakitawa sa biro ng kanyang kaibigan. Para mabura ang kanyang pangamba, mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kanya...
His gray eyes remained on my arms that is holding his. Umigting ang kanyang panga kaya nilapit ko pa ang sarili sa kanya.
"Kinikilig si Kuya and it's a first time..."
Pinigilan ko ang ngiting gustong sumilay. It's our wedding day pero maririnig ang tukso ng mga kaibigan niya at ng kapatid.
"Ask her now Papa..."
Bumilis ang tahip ng dibdib. Napaluwag ang kapit ko sa hawak at parang natulala pa sa taong nasa harap!
Ang taong magkakasal sa amin ay ang kanyang ama?! Bakit walang nagsabi sa akin? Hinanap ko si Mama. Tinanguan niya.
"I'll proceed my duty. We can talk later hija..."
Dahil mas kabado, ang saglit na pagluwag sa hawak kanina, ngayon ay mas lalo pang humigpit!
Hindi ko makita ang pagkakatulad niya sa kanyang ama... Walang bakas, dahil hindi sila magkamukha! Sa ina niya kaya siya nagmana?!
"Aldric, will you take Sofia as your wife... for better or for worse?"
Hindi ko na pinansin ang direktang tanong. Parang babala sa anak ang mga katanungang ito ng ama. Matapang ang hitsura. And even with his eyeglasses makikitaan din ng awtoridad sa boses! His skin color is tan, taliwas sa mga anak ang kulay ng mga balat. Nakakapagtataka dahil walang namana isa man sa kanila. Ngunit isasantabi ko ang mga katanungang ito..
This is my wedding day... our wedding day. Dapat ito lamang ang iisipin sa ngayon.. ang lahat ng pangamba ng puso at isip ay ikukubli.
"I do Sir." Sabay na umigting ang panga ng mag-ama..
"In sickness and in health?"
"Yes Sir..."
Sa akin na siya nakatingin. Sa akin lang at tila na huminto ang oras ng kanyang pakatitigan. My heart hurt, not because I'm sad but because I am so happy... Hindi ko na hinintay na tanungin pa ng kanyang ama. Nagkusa na akong yumakap sa kanya...
I'll be a better wife... kahit dis-gusto sa batang dinadala ko pag-aaraalan kong mahalin ito, katulad ng pagtanggap ni Aldric...
He snaked his arms on my waist. Walang kantiyaw na narinig mula sa mga kaibigan, kahit ang panggigil sa boses ng kanyang kapatid ay hindi dumating...
"I do..." Malamyos kong sambit kahit walang katanungang narinig.

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Ness Galleto

    Interesting story! Highly recommended!😊🔥

    24/04/2022

      0
  • avatar
    Khollen Mansalapuz

    okay

    16/09/2023

      0
  • avatar
    Rose Gadbilao Ignacio

    noted

    30/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata