logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Writerzoned: 7

Di na niya nai-park nang maayos ang sasakyan at tinakbo na niya ang bahay. Dinalawang-hakbang niya ang hagdan at pinasok ang nakabukas na pinto ng banyo. Nakaluhod sa pinto ng banyo si Manang Wilma na humahagulgol ng iyak. Kawaksi na nila ito buhay pa ang ama pero ngayon lang niya ito nakitang umiyak at natakot nang ganito.
“Si Krisha po??” tanong niya. Di ito sumagot kaya kinatok niya ang pinto. “Krisha! Open the door! Let’s talk.”
“Ayoko! I wanna die. I wanna die,” pahagulgol na sigaw nito.
He took it as a good sign. Malakas pa ang sigaw nito. Ibig sabihin ay di ito nasaktan o di pa nito sinasaktan ang sarili.
“Ano bang nangyari? May nanakit ba sa iyo? May nakaaway ka ba? May crush ka ba at inagaw sa iyo? May nanloko ba sa iyong lalaki?” Nanginginig na ang boses niya sa huling tanong. Walang lalaking pwedeng gumago o manakit sa kapatid niya. Babalatan niya nang buhay, ipapagulong sa bread crumbs at ipiprito.
“Kasalanan mo! Ayaw mo akong payagan na manood ng advance screening ng Red Room.”
Ihinilamos ni Sev ang palad sa mukha. “That is an adult movie. Rated eighteen. You are just sixteen. Di ka papapasukin ng sinehan.”
“I told you I will find a way.”
“Ano? Pepekein mo ang ID mo? That is not right, Krisha. At sa palagay mo ba ganoon kaganda ang movie na iyon na magpapakamatay ka kapag di mo napanood? Like seriously? Is is so worth your life?” angil niya.
Anong kababawan ito? Maiintindihan pa niya ang mga taong nababaliw sa pag-ibig o kaya naman ay may problema sa grades. Pero dahil lang isang pelikula ay nagpapakasira ito? Kalokohan!
“You don’t love me. I wanna die! I wanna die! Ayaw mo akong sumaya!” akusasyon ng kapatid sa kanya.
“Buksan mo na itong pinto. Kapag di mo ito binuksan…”
“Kapag binuksan ko, sasaktan mo ako,” animo’y nahihintatakutang sabi nito.
Sinapo niya ang noo. “Takot kang saktan kita pero okay lang sa iyo ang magpakamatay? Ano ba ‘yan, Krisha?” Hindi na talaga niya maintindihan kung ano ang gusto nitong mangyari.
“Sawa na akong saktan ng ibang tao. Ayoko na.”
“Look. Hindi kita sasaktan. Kahit kailan ba napagbuhatan kita ng kamay?”
“Si Papa pag nagagalit siya sinasaktan ako kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya.”
Nanginginig siya. Sinira ng lalaking iyon ang pamilya niya. “Hindi ako ang papa mo. Don’t even dare compare me to that man.”
“You hate my papa. You also hate me.”
“Krisha, I don’t hate you. If I hate you, bakit pa ako babalik ng Pilipinas para alagaan ka lang? Kung di ka importante sa akin, sana pinabayaan na lang kita sa tiyahin mo na kapatid ng tatay mo na addict. Iyon ba ang gusto mo?” Di ito sumagot. “Kung magpapakamatay ka, susunugin ko lahat ng mga poster at merchandise na nandito. Ano kayang uunahin kong sunugin?” Naniningkit ang mga mata niyang tiningnan ang mga eyesore na posters sa dingding ng kuwarto ng kapatid. “Si Daniel Padilla, James Reid, Enrique Gil o ang mga pinabili mo sa akin noong nasa Korea ako? ‘Yung BTS ba? ‘Yung Seventeen? Si Lee Min Ho?”
Narinig niya na yabag nito kasunod ng pag-click ng lock. Humihingal pa ito nang buksan ang pinto, nanlilisik ang mga mata. “Huwag na huwag mong kakantiin ang mga boyfriend ko, Kuya! Don’t you even dare!” At ihinarang nito ang sarili sa mga poster na nakadikit sa dingding.
Amused na humalukipkip ang binata. “Wow! Mabuti naman naisipan mong bumalik sa mundo ng mga buhay. Mabuti pa ‘yung poster at merchandise inaalala mo. Samantalang halos atakihin kami dito ni Manang sa pag-aalala sa iyo.”
Yumuko ito. “Sorry po, Kuya. Ikaw kasi…”
“Stop blaming me, young lady,” aniyang pinipigil na magtaas ng boses. “Huwag mo nang uulitin iyon. Look. I am trying my best to be a good brother to you. Na ibigay sa iyo ang lahat ng kailangan mo. But you can’t do this to yourself. Di mo pwedeng pagbantaang saktan ang sarili mo. Huwag mong labagin ang mga patakaran para lang mapasaya ang sarili mo.”
“Gusto ko lang talagang mapanood ‘yung Red Room. ‘Yung ibang friends ko nandoon na. Nakanood na sila. Ako na lang ang wala,” anito at humikbi. “S-Sasabihin nila na mahina ako.”
“At dapat bang ipagmalaki na nakapanloko sila ng kapwa nila? Gumamit sila tiyak ng fake IDs. Kapag nahuli sila, alam mo ba na pwedeng ipatawag ang parents nila at makarating iyon sa school? Gusto mo ba ng kahihiyan? Okay lang sa iyo na samahan ang ganoong klaseng kaibigan?”
“S-Sila lang kasi ang nakakasama ko. Lagi kang wala. Kapag wala ka sa book signing, nagsusulat ka o kaya may ka-date na ibang babae.” Humagulgol ito ng iyak at umupo sa kama. “I just miss my Mama. Hindi ako magiging ganito kalungkot kung kasama ko lang sana siya.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (24)

  • avatar
    Cindy Pablo

    🙂👍

    5d

      0
  • avatar
    Poinganpairisa Galanto

    😻😻

    12/07

      0
  • avatar
    Jimuel Guillo

    Ang Ganda ng story

    25/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด