logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Chapter 6
“Bye babies, I'll see you later.”
Nakangiti kong paalam sa tatlo nang ihatid nila ako palabas ng bahay.
“Pasalubong for me? Please?” nagpapa-cute na wika ni Z habang nakayakap sa’kin. Ayaw pang bumitaw.
“Of course baby,” sagot ko at saka pinisil ang ilong niya, bago bumaling kay X. “Take care of the two, okay?” I reminded him since he was the oldest. Sana lang ay ‘wag siya ang magsimula ng gulo, ang ugali pa naman ng isang ‘to.
“Oh, gora na dai.”
Inismiran ko si Lily. “Bantayan mo silang mabuti Lily.” Nakataas ang kilay kong paalala sa kanya.
She salutes as if I was her commander. “Yes, ma'am!” Natatawang hiyaw niya.
Binigyan ko muna sila ng makahulugang tingin bago itinaas ang kamay para kawayan sila.
Tumalikod na ako papunta sa kotse ko. It’s time to work, mapupuno na naman ang araw ko na puro trabaho. Not that I hate it. In fact nakakatulong pa nga iyon to make my system busy at hindi ko na pakaisipin pa ang mga problema ko sa pinas.
Habang ipinagbubuntis ko ‘yong tatlo ay pinagpatuloy ko ang pagaaral ko dito sa states. Home schooling, but despite that nagawa kong makapagtapos ng business administration.
Nagsimula sa mababa hanggang sa nagkaroon na’ko ng sariling kompanya gamit ang sariling pagod ko. Nagawa kong makabangon ng walang tulong ni Daddy. Kahit ang tulong na binigay ni kuya ay hindi ko tinanggap. Tanging alalay lang ni lily.
Gusto kong makatayo sa sariling mga paa ng walang nagdidikta. And now that I succeeded, I'm partially proud.
Pagkarating na pagkarating ko sa building ay binati kaagad ako ng guard. Marami ring staff ang bumabati sa’kin.
Sumakay ako ng elevator at saka pinindot ang 16th floor. Nadatnan ko ang sekretarya kong nakaupo sa table niya.
Yumuko siya. “Good morning Miss Hernandez.” She's a Filipina and I personally assigned her para kahit pa-paano ay may makausap ako ng tagalog.
“Good morning Riza.”
Bati ko sa kanya pabalik bago pumasok sa office ko. As usual marami na naman akong pipirmahan at itatamang mga project na kailangan munang dumaan sa akin, pero ayos lang dahil pagkatapos nito makikita ko na naman ang mga anak ko. Para mabilis matapos, I shall start this tiring work.
“Riza, you can have your lunch.” baling ko sa kanya nang pumasok siya sa opisina ko.
“Kayo po, ma'am?”
Bumuntong hininga muna ako pagkatapos ay tiningnan ang orasan na nakasabit sa pader. Twelve thirty na pala.
“Mamaya na ako, tatapusin ko muna ‘to.” tukoy ko sa proposal na ginagawa ko.
“Noted, ma'am,” tiningnan ko siya ng may pagtataka ng bumalik siya. “Ma’am kung dalhan ko na lang po kayo? Diyan naman po kami sa malapit na restau na palaging niyong kinakainan, ipa-take out ko na lang po?”
I give her a smile. “Hindi na, hassle pa ‘yon sa’yo. Don't worry about me, bababa na rin ako.”
Nagaalangan pa siyang tumango kaya naman sinenyasan ko siyang umalis na. She's really a devoted secretary.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko. Masyadong maselan ang company na ‘to, but I didn't have a choice makakatulong ng malaki ang company nila sa akin.
Tinanggal ko ang salamin ko ‘tsaka kinusot ang mata. Nanakit na ang mga mata ko mahigit limang oras rin akong nakaharap sa monitor.
Natigilan ako ng tumunog ang company's telephone. Ako na lamang ang sumagot dahil wala si Riza.
“Hello. Xyz Company, how may I help you?” panimula ko pero ilang sandali pa ay wala namang sumasagot.
Akmang ibababa ko na sana. “This is La Mico! The hottest God of all—” ibinaba ko na ang tawag.
Salubong ang mga kilay ko. Baliw ba iyon? Sa panahon talaga ngayon pati rito sa ibang bansa ay may mga ganito na. I was about to sit when I stopped halfway. “Oh, fuck.”
Dali-dali akong tumawag ulit sa kaparehong numero. “Fuck you! Mico!”
“Ano ba, masakit sa ears you know?” rinig kong reklamo niya.
“What do you want?”
Seryosong tanong ko. I know there's a problem again. Iyong hindi niya pagtawag sa cellphone ko gayong alam naman niya ang number ko.
“Let's talk.”
“Err, we’re talking.” I sarcastically stated. Anong usap pa ba ang kailangan niya?
“I mean, in personal.”
“Tanga ka ba! Eh nasa pilipinas ka.” hindi ko alam kung palagi lang niyang naiiwan ang utak niya sa kung saan o sadyang sira na talaga ang kukote niya.
“That. We’re not sure.” Napairap ako, ang daming alam ng isang ‘to.
“Diretsohin mo na kasi.”
“Hah! Kakarating ko lang dito sa states kanina.” pagmamayabang niya na para bang ikatutuwa kong nandito siya.
“Gano’n ba kaimportante ‘yang sasabihin mo, at pumunta ka pa rito?”
He laughed. “Yup! So text ko na lang sa’yo address, and you must come here A.S.A.P.”
“Whatever Mico.”
Ano naman kayang sasabihin no’n.
Hindi maganda ang pakiramdam ko.
My phone rang. At ipinakita mula roon ang text niya kung saa’ng lugar. He marked it important at ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.
Dali-dali akong pumunta sa sinabi niyang address. Hindi na rin ako nagatubiling takbuhin ang mall.
I'm in the middle of running, at sa kamalas-malasan ay tumama ako sa isang napaka-laking tao.
“I'm sorry.” nagangat ako ng tingin sa lalaking naglahad ng kamay sa’kin.
Tyler?
No. kabisado ko ang physical features ng lalaking iyon. Kahit pa pinagbiyak silang bunga, I know he isn't him.
“Kyler.”
Nakatulala lang akong nakatitig sa kanya. Nang matauhan ay hindi ko inabot ang kamay niyang nakalahad sa’kin at dali-daling tumayo.
“Uh, I-Im sorry.” I stutter, dang.
Naningkit ang mga mata niya na para bang kinikilatis ako. Shit ‘wag naman sana.
“Hm, you look familiar.” nakahawak pa siya sa baba na para bang iniisip niya kung saan niya ‘ko nakita.
“I-I have to go.” bago niya pa ‘ko tuluyang makilala ay tumakbo na ‘ko palayo.
Heck that was close. Hangga’t maaari ayokong makakita ng kahit sino mang malapit sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng restaurant.
Siguraduhin lang niyang importante talaga ang sasabihin niya pinahirapan niya pa’ko.
Inilibot ko ang tingin sa buong restaurant. Thankfully madali ko naman siyang nakita.
Pansin ko ring pinagtitinginan siya ng ibang customer.
Sino ba namang hindi mapapatingin sa kanya, para siyang tangang wagas makakaway. Ikinakahiya ko talagang naging kapatid ko ‘to.
“Little sis!” nakakarindi niyang sigaw.
Akmang hahalikan niya ‘ko nang itulak ko ang ulo niya palayo. “Magtigil ka nga para kang baliw.” reklamo ko bago umupo sa tapat niya.
“Hindi mo ba ‘ko namiss?” nakangusong sabi niya napadaing siya nang pitikin ko sa nguso. Kadiri.
“Fine, na-miss na kita.” sumusukong ani ko.
Para namang sinisilihan ang puwit niya “Ihh!” Napatakip nalang ako sa tainga ko.
Plano niya bang basagin eardrums ko? Dinaig niya pa si lily kung makatili. Ang sagwa pa sa pandinig dahil malaki ang boses niya.
“Ewan ko sa’yo, sabihin mo na nga kung anong sasabihin mo.” iritableng wika ko.
“Mamaya na, order muna tayo.” Hindi na ako tumanggi ng tumawag siya ng waiter.
“At bakit hindi pa ngayon? Aber!”
Kinindatan niya ko. “Mamaya na para INTENSE,” Itinaas pa niya ang dalawang kamay niya habang sinasabi ‘yon.
Napairap na lang ako, gago talaga. Mabilis namang dumating ang mga in-order niya.
Sinimulan ko ng kumain. Pansin ko naman ang biglang pagtahimik. Hindi ko na lamang pinansin.
Hanggang sa matapos akong kumain, pansin ko pa rin ang pananahimik ni Mico.
“Ano nga iyong sasabihin mo?” tanong ko habang pinupunasan ng tissue ang mga kamay.
Nagtaka ako ng walang sumagot. “Ano nga iyong sasabihin mo?” paguulit ko.

Naiirita akong nagtaas ng tingin nang hindi pa rin niya ‘ko sagutin. Sinamaan ko siya ng tingin pero mukhang hindi niya ako napansin.
Sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya. Ano bang—Holy cow!
Agad ko siyang pinukpok sa ulo ng kutsarang nahawakan ko.
“Ouch,” Napahawak pa siya sa ulo niya. “Why did you hit me?” reklamo niya habang himas-himas ang ulo.
“Ang manyak mo talaga kahit kailan.”
Titig na titig kasi siya roon sa babaeng halos lumuwa na ang hinaharap.
“Ang sadista mo talaga.”
“Sasabihin mo ba ang sasabihin mo o hindi?”
Kinabahan ako ng bigla siyang sumeryoso. “Sasabihin ko na.” diretso ang tingin niyang ani.
“Dad wanted to see the triplets on his birthday.”
Ilang beses na nag-echo sa utak ko ang sinabi niya, sa kabila no’n ay tila hindi maproseso ng utak ko ang mga katagang iyon.
“What?” inis na sigaw ko.
“Iyon ang gustong regalo ni dad.”
Napabuga ako ng hangin, hindi makapaniwala sa tinuran niya. “No. That’s nonsense!” hampas ko sa lamesa bago tumayo.
“Misha!”
Walang sali-salitang naglakad ako paalis. I don't mind going to his fucking birthday after all, he's still my father.
Pero iyong hihilingin niya na isama ko ang tatlo pauwi sa bansang iyon ay labis na. Hindi ako papayag.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (194)

  • avatar
    MsPurple

    nice

    07/01

      0
  • avatar
    Mylene Mente Mallari

    ang gandaa

    28/12

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    09/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด