Pagkababa pa lamang namin ng sasakyan ni Zero ay bumungad na kaagad sa akin ang kanilang engranding mansyon. Hindi ko naiwasang mapamaang. Hindi ko naiwasang manliit sa sarili dahil paniguradong mayayaman din ang mga bisita nila, puwera nalang sa akin. "Let's go?" Tumango ako kay Zero nang inaya niya ako papasok. Nauna na sa amin si Ate Emi dahil kailangan din niyang mag-asikaso ng mga bisita. Akala ko sa loob ng mansyon gaganapin ang party, ngunit wala namang mga tao kami doong nadatnan, puwera nalang sa mga maid na naglalakad papunta sa kung saan. May pa-uniform pa ang maid! Tumingala ako at halos masilaw sa mga chandeliers na nakasabit sa kisame. Hindi ko alam na ganito pala sila kayaman! Naiisip ko palang ang bawat presyo ng mga chandeliers dito ay kinikilabutan na ako. Naglakad pa kami ni Zero hanggang sa unti-unti na akong nakakarinig ng ingay sa paligid at bumungad sa amin ang isang napakalawak na garden kung saan punong-puno ng mga dekorasyon. Nagkalat din ang mga bisita sa kani-kanilang table. Napalunok ako. Hindi ko akalain na ganito pala ka-engrande ang welcome party na 'to. "Your hands are cold. Nervous?" si Zero nang hawakan niya ang kamay kong nakakapit sa kaniyang braso. "M-medyo lang." Natawa siya sa akin. E kasi naman! Sino bang hindi kakabahan kung 'yong mga taong nakapaligid sa 'yo ay sumisigaw ng karangyaan? "Don’t be. They’re not going to eat you." Hinampas ko siya sa braso dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. "H’wag mo nga akong tawanan!" "Fine. Fine. Sorry." Nakahanap kami ng table na walang naka-upo kaya naman doon kami pumwesto. Medyo maingay ang paligid dahil na rin sa mga tao, idagdag pa ang musikang bumabalot sa lugar. "Gutom ka na?" Umiling ako sa kaniyang tanong. "Hindi pa naman." "Hey, Zero! Kamusta?" Napabaling ako sa lalaking lumapit bigla kay Zero. "Hey," bati ni Zero at nagbanggaan sila ng balikat. Naningkit ang dalawa kong mata roon sa lalaki dahil sa pamilyar ang hitsura nito sa akon. Saan ko ba siya nakita? "May kasama ka yata. Pakilala mo naman ako." Isang pagak na tawa ang lumabas sa bibig ni Zeke. "Hindi mo siya nakikilala?" Kumunot ang noo ng lalaki sa akin bago ako tuluyang pinaningkitan ng mata. Bahagyang lumapit sa kaniya si Zero at may kung ano'ng ibinulong. "It’s Zai." "What!? That lesbian?" Napatayo ako bigla sa sinabi niya dahil bahagya akong nainsulto roon. "Hoy! Hindi ako tomboy at saka sino ka ba!?" Mukha ba akong tibo sa hitsura ko?! Like hello! Ang girly ko ngayon! Umatras siya nang kaunti at itinaas ang dalawang kamay na animo'y sumusuko. "Woah! Woah! Easy. Nanibago lang ako sa ayos mo ngayon. Babaeng babae ka na," wika niya na ikinangiwi ko. Grabe! Close ba kami noon para sabihan niya ako ng ganiyan? "He’s Darren. Hindi mo ba siya naaalala?" tanong ni Zero na ikinasalubong ng aking kilay. Darren? Darren Espanto? "Wala akong kilalang Darren! Kung makapagsalita ka naman akala mo close tayo." Hindi ko naiwasang mapairap dahil sa pagkainis. Napahinto naman siya sa sinabi ko, tila hindi makapaniwala. Hindi ko siya pinansin at umupo nalang akong muli. Napansin kong hinila niya si Zero nang kaunti at nagsalita ng kung anu-ano na hindi ko naman naintindihan. Napapasulyap pa siya sa direksyon ko, ngunit iniirapan ko lang siya. Hindi nalang ako masyadong nag-isip at nakinig na lamang sa tugtog. Maya-maya ay bumalik na rin si Zero, habang ang kasama niyang si Darren ay umalis na. "I'm sorry. Mukhang hindi mo nga siya naaalala." Kumunot ang noo ko at napabaling sa kaniya. "Bakit? Sino ba kasi 'yon? Kung makaasta naman parang close kami." Napaismid ako. "Hindi mo ba naaalala? He's one of my gangmates three years ago. Knights Gang ang pangalan ng grupo namin, sina Eon naman ay Bulletproof Gang. Same school din siya tulad natin. Naalala mo ba noong time na nagka-punishment tayo dahil lang sa sinuntok ako ni Jones sa mukha kaya nagsimula ang gulo sa cafeteria?" Natuod ako ako sa aking kinauupuan dahil sinabi niya hanggang sa may imahe ang biglang sumulpot sa isipan ko. Noong tinapunan ako ng juice ni Vanessa dala ng sobrang galit niya sa akin dahil inagaw ko raw sa kaniya si Eon; noong binigyan kami ng punishments dahil sa gulong ginawa namin; noong mga panahong puro away lang sa eskwelahan ang inaatupag ng lahat; noong mga panahong maayos pa ang lahat... Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko dahil doon. Matagal na 'yon, ngunit hindi ko pa rin naiwasang alalahanin. "Zai." Napakurap-kurap ako nang pitikin ni Zero and aking noo. "N-naalala ko na." "You're crying." Napahawak ako sa aking pisngi, at napansin ko ngang basa iyon. W-wala. Napuwing lang." "Gandang palusot naman niyan." Yeah right. Napakandang palusot nga Zero. Pinaypayan ko nalang ang mukha ko para hindi na ako maiyak. Sayang naman ang effort ni Ate Emi na i-make over ang mukha ko kung matutunas lang dahil sa luha. "May I have your attention everyone, dahil magsisimula na po ang ating event. Mr. Zero Enriquez, inaanyayahan na po kayo sa stage," wika ng emcee kaya naman nagpaalam na sa akin si Zero na aakyat muna ng stage para i-welcome ang parents nila ni Ate Emi. Nanatili akong nakaupo at pinanood na kuhain niya ang mic sa emcee. Kitang-kita ko ang malawak niyang pag-ngiti bago siya tumingin sa akin at nagsimulang magsalita. "First of all, I wanted to say thank you for attending this party for the comeback of my parents. Second, for all of our relatives who have always there for us, and third—" Napahinto siya saglit at napatingin sa aking gawi. Hindi ko alam, ngunit bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa paninitig niya. "—for the special girl out there who's always there for me... in good and in bad times." Halos napatingin sa akin ang lahat ng bisita nang ituro niya ako. Napamaang naman ako sa kaniya at tila gusto ko nalang lumubog sa aking upuan dahil mga mga matang nakatingin sa akin. Bakit kailangan kasama pa ako?! "Please let us all welcome, my dearest parents Valentine Enriquez and Emanuel Enriquez!" Nagpalakpakan ang mga tao at napatayo ng umakyat sa stage ang isang babaeng maputi, matangkad at magandang babae. Nakakapit ang kaniyang kamay sa braso ng isang lalaking halos kamukha ni Zero dahil sa sobrang pagkakahawig nila. Parang pinagbiyak na bunga lang, siguro kung magkasing-edad lang sila ng papa niya ay hindi malayong mapagkamalan silang kambal. "Oh my God! Ang gaganda talaga ng mga lahi niyo Syntia. Pakilala mo naman ako ro’n sa anak ng Tita mo!" "Next time. Ipapakilala kita sa kaniya." Napukaw ang aking atensyon sa boses ng isang babaeng pamilyar sa akin. Lumingon ako sa aking kanang bahagi dahil doon ko narinig ang boses ng dalawang babae na nag-uusap. Medyo malayo ang table na kinaroroonan nila, ngunit halos nanlaki nalang ang dalawa kong mata nang nakita ko doon si Syntia. Oo, si Syntia. Ang babaeng kasama nina Nathalie at Thea noon sa isang fast food kung nasaan ako, at ang babaeng... kasama din ni Eon sa airport. Napansin kong huminto ito sa pakikipag-usap doon sa babaeng kasama niya dahil may kinuha siya na kung ano sa kaniyang pouch na dala. Nakita kong cellphone iyon at may kung ano siyang kinukulikot. Mag-iiwas na sana ako ng tingin nang biglang— "Eon! Nasa'n ka na ba? Nagsisimula na ang party. I'm waiting for you." Tila may kung ano'ng tumusok sa aking dibdib nang narinig ko ang pangalan na iyon. Eon... Si Eon ba talaga ang kausap niya? Baka naman kasi ibang Eon? Hindi lang naman siya ang Eon sa mundo kaya malamang ay hindi siya 'yon, ngunit sino nga bang niloko ko? Alam kong siya 'yon dahil nakita ko silang dalawa sa airport na magkasama. "Really!? Great! Susunduin na kita riyan sa labas." May biglang bumara sa aking lalamunan kaya nagmadali akong tumayo at nagtanong sa isang maid kung saan ba rito ang comfort room. Nagmadali akong pumasok doon nang nakarating ako at isinara ang pintuan. Napasandal na lamang ako sa gilid dahil pakiramdam ko anumang oras ay tutulo ang mga luha sa mata ko. Syete! Kailan ka pa naging iyakin, Zai!? Nanatili ako roon ng mga ilang minuto hanggang sa bumuti na ang aking pakiramdam. Hindi ko tuloy alam kung lalabas pa ba ako o hindi dahil sa narinig mula kay Syntia na papunta rito si Eon. Kung ganoon, si Zero at Synthia ay magpinsan? Alam ba ni Zero na papunta rito si Eon? Paano kung makita niya ako kapag lumabas ako? Anong gagawin ko? Napasapo nalang ako sa aking noo. Bahala na. Bumuntong hininga ako at dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto, nang bumukas iyon ay lumabas ako saka ko ito muling isinira. Balak ko na sanang maglakad pa-paalis, ngunit hindi ko inaasan na pagkalingon ko sa aking gilid ay babangga ako sa isang matigas na bagay. Muntik na akong ma-out of balance kung hindi ko lang naramdaman ang mga bisig na pumulupot sa aking baywang upang hindi ako matumba. "Sorry. Did I hurt you?" Nanuyo ang aking lalamunan at tila dinaluyan ako ng kinuryente sa aking sistema nang narinig ko ang boses na iyon. Ang malambing na boses na iyon... hindi ako nagkakamali. Kilalang-kilala ko ang boses niya. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking luha nang tuluyan kong nasilayan ang kaniyang hitsura matapos ang mahabang panahon. "I-ikaw... I-ikaw nga..." Para akong mawawala sa sarili sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang kamustahin. Gusto ko siyang kausapin, tanungin kung naaalala pa ba niya ako? Bakit tila hindi niya ako hinanap? Bakit siya pumunta ng states matapos kong mawala? Napansin ko ang pagkurba ng kunot sa kaniyang noo bago dahan-dahang kumalas ang kamay niya sa baywang ko. Napaayos ako ng tayo dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Me?" Napaangat ako ng tingin sa kaniya at natagpuan na nakaturo siya sa kaniyang sarili. Napangiti ako sa galak kahit na patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. "O-oo. Eon, i-ikaw..." "Do I know you?" Para akong binuhusan ng mainit na tubig sa naging tanong niya sa akin. Napailing-iling ako. Hindi... Imposibleng hindi niya ako naaalala. Kahit na ilang taon na ang nakalipas wala namang nagbago sa hitsura ko, ngunit bakit hindi niya ako nakikilala? Nagbibiro lang ba siya? Kasi kung nagbibiro lang siya hindi magandang biro 'yon. "Eon! Akala ko naman kung saan ka na nagpunta. Let's go? The food is ready, we should eat—" Napahinto sa pagsasalita ang dumating na si Syntia. Hindi nakatakas sa 'kin kung paano nanlaki ang kaniyang mga mata na tila gulat na gulat na nakita niya ako. Napakurap-kurap ako nang mabilis niyang hinatak ang braso ni Eon papalapit sa kaniyang labi. Dumapo ang mata ko sa kamay niyang nakakapit sa braso ni Eon, sumunod ay kay Eon na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa, umaasa na sana ay maalala niya ako. "Eon, let’s go," saad ni Syntia, ngunit hindi naalis ang titig sa akin ni Eon. Ano'ng relasyon niya kay Syntia? Nagsimulang manginig ang aking mga tuhod, kaya bago pa ako tuluyang mapaluhod ay mabilis nalang akong tumakbo papaalis. Hindi ko na sila nilingon pa, dahil masakit para sa akin na makita silang dalawa na ganoon kalapit. Hindi ko alam kung saan pa ako puwedeng pumunta, ang gusto ko nalang ngayon ay makauwi at makalayo sa lugar na ito. Namataan ko nalang ang aking sarili na huminto sa tabing kalsada; hindi iniinda ang mga luha na patuloy paring umaagos sa mga mata ko. Napaaupo nalang ako sa tabi at napatakip sa aking mukha gamit ang aking kamay. Tama ba? Tama ba ang desisyon ko na pumunta pa rito? Bakit? Bakit gano'n? Bakit hindi niya ako maalala? Gano'n ba ako kadaling kalimutan para sa kaniya? Kahit na nanghihina ay pinilit ko pa rin na tumayo at pumara ng taxi. Hindi na ako nag-atubili pa at sumakay na roon. Pansin ko ang panay na pagsulyap sa akin ng driver dahil hindi pa rin ako humihinto sa pag-iyak, ngunit hindi ko nalang iyon pinansin. Maya-maya lang ay nag-ring ang aking cellphone kaya kinuha ko ito sa sling bag na aking dala. Napansin ko ang pangalan ni Zero sa screen kaya naman kahit mahirap ay pinigilan ko ang sarili na mapahikbi. "Z-zero..." Bwiset! Bakit kailangan ko pang mautal? "Zai! Where are you? Kanina pa kita hinahanap! Nasaan ka ba?" Ramdam ko ang frustration sa boses. Napapikit nalang ako ng mariin. "P-pasensya na. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko kaya umuwi na lang ako." "Are you alright? I'm sorry. Akala ko kung napaano ka na. Are you sick? Should I go there—" "Hindi na. Okay lang ako. H-h'wag kang mag-alala." Isa pa, ayaw ko siyang umalis doon dahil party iyon para sa parents niya. "Sigurado ka? Bakit parang umiiyak ka yata?" "Hindi! A-ano... inuubo ako kaya gano'n." Napaubo ako matapos ko 'yong sabihin sa kaniya. "A'right. I'll visit you tomorrow then. No more buts." "S-sige. Bye." Matapos niyon ay ibinaba ko na ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako nang natigil ako sa pag-iyak. Ayaw ko munang mag-isip ngayon, dahil gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Nakakapagod ang gabi na 'to.
wow nice
31/08
0thank you
16/02/2025
0a good novel.. love to resd this
26/01/2025
0ดูทั้งหมด