logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 3: AIRPORT

Papungay-pungay akong naglakad pababa sa living room dahil kakagising ko lamang mula sa pagtulog. Pakiramdam ko kailangan kong uminom ng maraming tubig dahil para akong made-dehydrate sa sobrang pagkauhaw.
“Zai!” Hindi pa ako tuluyang nakakahakbang sa sahig pagkababa ko ng hagdan nang nanlaki ang mata ko dahil sa may biglang yumakap sa akin nang mahigpit. "Oh my gosh! Nakita rin kita!"
Naningkit ang dalawa kong mata nang naaninag ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
“Ate Emi?” Ngumiti siya sa akin nang malawak.
“Surprise?” Hindi naiwasang kumunot ng noo ko.
“A-ano’ng ginagawa mo rito? Saka paano ka nakapasok?” Si Ate Emi ay ang nakatatandang kapatid ni Zero. Halos dalawang taon lang ang agwat ng edad nila ni Zero. Nakilala ko siya dahil isa siyang nurse at isa rin siya sa mga nurse na nag-asikaso sa akin noong malala pa ang kondisyon ko matapos ang nangyaring insedente.
Isang taon matapos kong maka-recover ay nagpunta ng UK si Ate Emi dahil gusto pa niyang madagdagan ng two years ang nursing course niya, kaya naman nagulat ako ng makita kong nandito siya. Though, hindi naman talaga ako mukhang nagulat. Hindi lang ako makapaniwala.
Napaikot siya ng mata sa akin.
“Ano bang klaseng tanong 'yan? Hindi ka man lang ba masaya na nandito ako?” Napakamot ako sa aking batok.
“Hindi naman sa ganoon... hindi lang ako makapaniwala.” Napairap siya sa akin.
“Yeah right. Whatever.”
Dumiretso siya sa may sofa katapat ng flat screen TV kaya naman dumiretso na ako sa kusina para uminom ng tubig. Nakapantulog pa rin ako hanggang ngayon. Matapos kong makainom ay dumiretso ako sa kung nasaan si Ate Emi. Nakita ko na kinuha niya ang remote at binuksan ang TV.
"Nakapasok ako dahil kay Zero." Napatango-tango naman ako sa kaniyang sinabi. Oo nga pala, kay Zero ang unit na ito, kaya pala madaling nakapasok si Ate Emi.
Umupo ako sa may coach sa may gilid ng sofa.
“So what’s the score between you and my brother?” Natahimik ako bigla sa sinabi niya. “Don't tell me wala pa rin?”
“Ate Emi naman.” Iwinasiwas niya ang kaniyang kamay sa ere.
“Yeah, yeah. Hindi na ako mangungulit, pero umaasa pa rin ako na mabibigyan mo ng pansin ang nararamdaman ng kapatid ko para sa 'yo. He loves you Zai, more than his life." Natahimik ako sa sinabi niya.
Ito ang topic na pinakaiiwasan ko sa lahat. Matagal ko nang alam na may nararamdaman para sa akin si Zero, ngunit hindi ko 'yon gustong pagtuunan ng pansin, dahil hindi ko gusto na umasa siya sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay. Kaya hindi ko rin maiwasang ma-konsensya dahil hindi ko man lang magawang suklian iyon.
Marami pa kaming napag-kuwentuhan ni Ate Emi. Ini-kuwento niya ang naging buhay niya sa UK at masaya ako na mas dumarami ang kaalamaan niya sa nursing, at ayon din sa kaniya ay dito na siya mananatili sa Pilipinas simula ngayon.
Maya-maya lang ay may iniabot siya sa aking blue na envelope. Hindi ito ordinaryong envelope dahil isa itong invitation. Kumunot ang noo ko.
“Next week darating ang parents namin ni Zero, and we will be having a party at imbitado ka sa party na iyon. Zero will be your escort, don’t worry.” Nakaramdam ako ng pagkailang sa sinabi niya. I mean sa loob ng tatlong taon ay ngayon ko palang makikilala ang magulang nina Zero, ngunit bakit kailangang kasama ako? “We’re hoping to see you there, Zai.”
Ang kagustuhan kong tumanggi sa gusto niya ay tuluyang naglaho dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang hindi ko talaga gustong pumunta, ngunit dahil inaasahan nila ako na dumalo ay mukhang wala na akong magagawa, at isa pa para na rin kay Zero.
Matapos n’yon ay umalis na rin si Ate Emi. Napabuntonghininga nalang ako. Hindi ko na tuloy alam kung ano pa ang gagawin.
Eon...
Naalala kong next week na rin pala ang balik niya rito sa Pilipinas. Hindi ko maiwasang mapangiti nang pumasok iyon sa isip ko.
Next week. Next week na siya darating. Hindi na ako makapaghintay. Gustong-gusto ko na siyang makita.
Sana lang... hindi pa huli ang lahat.
Sa mga sumunod na araw ay naisip ko nalang na maghanap ng part time job dahil wala naman akong masyadong ginagawa. Abala rin si Zero dahil marami siya ngayong inaasikaso, idagdag pa ang event na gaganapin sa isang araw para sa welcome party para sa pagdating ng parents nila.
At dahil sa isang araw na nga gaganapin iyon ay kailangan ko nang humanap ng maisusuot. Nakakahiya namang mag-casual attire kung formal party yung pupuntahan, at isa pa nakakahiya rin naman sa mga magulang ni Zero. Haist! Kung puwede lang talaga na hindi pumunta, ngunit sobrang laki ng utang na loob ko kay Zero kaya wala akong pagpipilian. Gusto ko rin namang makabawi sa lahat ng ginawa niya para sa akin.
Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga sales lady dahil kanina pa ako naghahanap ng dress na susuotin ko sa party, ngunit hindi ko talaga magustuhan lahat, o baka dahil hindi naman talaga ako mahilig magsuot ng mga ganito. Hindi ko naiwasang mapangiwi dahil halos isang oras na yata ako dito sa mall, ngunit wala pa akong nabibili kahit isa man lang.
“Padala nga nito. Saka nito. Ito pa.”
“Tsk. Isinama mo lang pala ako rito para pagdalhin ng mga pinamili mo.” Napahinto ako sa pagtingin ng mga dress nang may narinig akong pamilyar na boses.
“Loko-loko ka kasi.” Napalingon ako sa kaliwa kong bahagi, napansin ko ang isang lalaki at babaeng naniningin din ng mga dress tulad ko. Naningkit ang dalawa kong mata nang napansin ko ang itsura ng babae.
Bakit parang pamilyar ang hitsura niya? Parang... Parang may kamukha siya. Nanlaki ang mata ko.
“CAMILLE!?” Bigla akong napatakip sa aking bibig dahil sa biglaan kong pagsigaw. Mabilis akong napayuko at nagtago sa mga damitan.
“Huh? Narinig mo 'yon? May tumawag sa pangalan ko.” Nagmadali akong tumalikod at isinuot ang hood ng jacket ko.
Napakagatlabi nalang ako dahil sa aking katangahan ko. Urgh! Bakit sa lahat ng tao na puwede kong makita ang nakababatang kapatid pa ni Eon? Bwiset! Ang malas ko naman! Hindi niya ako puwedeng makita rito!
“Malamang. Hindi naman ako bingi,” rinig kong wika ng lalaking kasama niya, hindi ko kilala ang lalaking kasama ni Camille. O baka boyfriend niya? Ewan! Kailangan ko na munang umalis dito bago pa nila ako makita.
“Whatever.” Pasimple naglakad nang nakayuko at lumayo-layo sa kanila.
“Hindi lang ikaw ang Camille ang pangalan sa mundo. H’wag kang assuming na ikaw 'yong tinawag," wika ng lalaking kasama niya.
Hindi na ako nag-atubili pang tingnan sila dahil nagdiri-deretso ako sa paglalakad habang nakayuko.
“I am not! Tara na nga! Susunduin pa natin si Kuya Eon sa Airport." Tuluyan akong napahinto sa paglalakad at naistatwa nalang sa aking kinatatayuan.
Hindi pa ako nagkakamali ng dinig. Susunduin ni Camille si Eon sa airport? Ibig sabihin ngayon na ang dating ni Eon galing sa states?
Ngayon na siya darating?
NGAYON NA SIYA DARATING!?
Kailangan ko siyang makita at kailangan ko din siyang makausap! Ngunit kung susunod naman ako kina Camille sa airport ay baka makilala nila ako. Napakagat ako sa aking labi. Kung sabagay, makikita rin ako ni Eon kapag nagkataon, ngunit hindi pa kasi talaga ako handang makita pa ang iba, naghahanap pa ako ng tyempo. Kung ganoon paano ko siya makikita?
“Haist! Bahala na nga.” Umayos ako ng tayo, ngunit hindi ko inaasahang mapapatama sa sabitan ng damit ang ulo ko.
“Bwiset.”
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagmadali nalang sumunod sa papalayong pigura nina Camille at ng lalaking kasama niya. Hindi ko masyadong pinahalata na sumusunod ako dahil baka tuluyan nila akong makita.
Nakita kong pumunta sila ng parking lot at sumakay sa isang sasakayan, kaya nagmadali akong pumara ng taxi upang sundan sila. Pinasundan ko sa driver ang sasakyan nina Camille hanggang sa tuluyan silang bumaba.
“Manong, dito nalang po.” Lumabas ako ng taxi at inayos ang Hood na aking suot.
Sinundan ko sila hanggang sa nakapasok sila sa loob ng airport. Nanatili ako sa likod ng mga taong nahihintay din sa pagdating ng mga taong hinihintay nila. Hindi ako puwedeng pumunta sa unahan dahil baka makita ako nina Camille. Tiniis ko ang ingay ng mga tao sa paligid habang pilit akong tumitingkayad upang makita ang unahan.
“Kuya Eon! Nandito kami!” Biglang kumabog ng malakas ang puso ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Camille.
“Eon! We're here,” rinig kong wika ng isang babae, pinilit kong tumingkayad upang makita ko sila, ngunit sadyang matatangkad ang mga tao sa aking unahan.
Napabuntong hininga nalang ako at umurong nang kaunti. Dito rin naman ang daan nila kaya may pagkakataon pa akong makita si Eon. Huminga ako nang malalim at isinuksok sa bulsa ng jacket ang dalawa kong kamay. Yumuko ako ng ilang saglit habang hinihintay na humupa ang mga tao.
“I'm glad you’re back, Eon. Na-miss ka namin.” Nabuhayan ako ng dugo nang nakita kong papalapit na rito ang puwesto nila.
Bahagya akong naistatwa nang napansin ko ang isang napaka-pamilyar na pigura. Sa paraan palang ng paglalakad niya habang ang isa niyang kamay ay nakalagay sa bulsa ng suot niyang pant, ay kilalang-kilala ko na.
Dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa taong iyon, at sa oras na nasilayan kong muli ang kaniyang mukha, bumalik sa akin ang lahat ng alaala ko na kasama siya. Sa tatlong taon na pamamalagi niya sa states, masasabi kong pumuti siya lalo, dinaig pa ako. Medyo nag-mature na rin ang hitsura, at mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko.
Ang kaniyang ekspresyon dati na tila pinagsakloban ng langit at lupa ay napalitan ng isang malaki at matatamis na mga ngiti. Pinanood ko siyang maglakad habang nakikipag-usap siya sa kaniyang kapatid at sa kasama ni Camille na lalaki. Sa mga oras na iyon ay hindi ko na naiwasan pang maluha.
Three years. After three years, nakita ko siyang muli.
“Eon—” Balak ko na sanang tumakbo papalapit sa kaniya para salubungin siya ng yakap, ngunit napahinto ako sa nasaksihan.
“Wait for me!” Isang babae ang dumating, nakasuot ng shades at dire-diretsong naglakad papalapit kay Eon. Tila tinusok ang puso ko ng nakita kong hinalikan ng babae sa pisngi si Eon, akala ko ay magagalit si Eon dahil doon, ngunit ang dating Eon na mainitin ang ulo ay hindi man lang nagalit dahil sinuklian pa niya ito ng isang matamis na ngiti.
Nakita ko na hinawakan niya ang braso ng babae at niyakap ito, nakita ko na inalis ng babae ang shades na suot at nagulat nalang ako nag nakilala ko ang babaeng iyon.
"Sythia..." Tandang-tanda ko pa, siya ang babaeng kasama nina Thea at Nathalie sa isang fast food, ngunit bakit? Bakit nandito ang babaeng iyan?
"Ew! PDA alert. H’wag dito please," wika ni Camille kaya naman kumalas na sila sa pagkakayap. Nakita kong ginulo ni Eon ang buhok ni Camille.
"Tsk. Ba't ikaw pa 'yong sumundo sa akin?" Halos manlambot ang tuhod ko nang muli kong narinig ang kaniyang boses. Sobrang nangulila ako sa boses na 'yon.
"Excuse me! My time is precious, you should be thankful kasi ako ang sumundo sa 'yo."
“Tsk. Let’s just go. I wanna go home.”
Nananatili akong nakatayo sa isang tabi, ngunit pakiramdam ko ay isa akong invisible dahil hindi man lang nila napansin ang presensya ko. Kung sabagay, ako naman ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ang sitwasyon. Gusto kong itanong sa kaniya kung naaalala pa ba niya ako, o kung kinalimutan na talaga niya ako.
Napahawak ako sa aking dibdib nang nagsimulang bumigat ang aking pakiramdam. Siguro kasi hindi pa ito ang tamang oras para makausap ko siya. Marami pang oras, hahayaan ko muna siya sa ngayon.
Napangiti nalang ako nang mapait at pinahid ang mga takas na luha sa aking pisngi. Tumalikod na ako at balak na sanang maglakad, nang may mayy lalaking biglang bumunggo sa akin dahilan para ma-out balance.
“H’wag kasing pahara-hara, Miss!” Hindi ko na nakita kung sino 'yon dahil naramdaman ko nalang ang mga bisig na sumalo sa akin mula sa aking likuran.
“You okay, Miss?” Tila nakuryente ako nang narinig ko ang boses na iyon.
"Oh my God! Are you okay, Miss?" Mabilis akong napayuko at nanlaki ang mata.
Syete! Si Eon 'tong nakayakap sa akin?! Hindi niya ako puwedeng makita! Kung kanina gustong-gusto ko siyang yakapin, ngayon nabago na 'yong isip ko! Hindi pa ako handa!
Mabilis akong kumalas sa kaniya at tinakluban ang mukha ko gamit ang suot kong hood bago ako nagmadaling tumakbo papalayo. Narinig ko pang sumigaw si Camille, ngunit hindi na ako lumingon pa. Halos mabunggo ko na nga ang ibang mga tao, ngunit wala na akong pakealam. Kailangan ko lang makaalis dito!
Bwiset ka talaga, Zai! Bakit ka pa kasi pumunta rito?!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (252)

  • avatar
    RegachoRocelyn

    wow nice

    31/08

      0
  • avatar
    pogiitoy

    thank you

    16/02/2025

      0
  • avatar
    Lhene Facturanan Alvarez

    a good novel.. love to resd this

    26/01/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด