Dahil sa wala naman na akong gagawin sa buong maghapon ay sinayang ko nalang ang oras sa pagmo-movie marathon at pagluluto ng kung anu-ano, hindi naman ako na-bore dahil sa dami ng pagkain. Salamat kay Zero, sa loob ng dalawang taon na nakasama ko siya ay hindi yata ako nakaranas ng gutom. Kinabukasan ay nagsimula na akong mag-abyad ng papeles para sa papasukan kong eskwelahan. Sa totoo lang pumunta ako rito sa Manila nito lamang nakaraang buwan para mag-take ng exam sa Green Western University. Hindi ko tuloy mapigilang mapa-face palm sa tuwing naririnig ko ang school na iyon, lalo na’t ’yon ang university na mismong pinapasukan ni Zero, na halos malapit lang sa Clarkson University, kung saan ako nag-aral dati. Gladly nakapasa naman ako sa exam. Ang problema, dahil nga hindi ko natapos ang first year ko sa college ay kakailangan ko pa ulit na umilit. Haist! Nakakaasar! Kung hindi lang talaga ako pinilit ni Zero hindi ako papayag na doon mag-aral dahil halos kapantay lang din ng Clarkson University ang paaralan na iyon, halos puro mayayaman ang nag-aaral. Saan ako kukuha ng panggastos? Matapos kong maka-recover mula sa nangyari noon ay maraming rakket na akong pinasukan para na rin hindi lagi si Zero ang gagastos para sa akin. Sobrang nakakahiya na dahil siya na lahat ang gumastos sa pagpapagamot sa akin, kaya bilang pambayad sa kaniya ay pinilit kong magtrabaho kahit mahirap para lang makabayad ako sa kaniya. Hindi naman sa mapili ako, ngunit hindi ko rin mapigilang ma-konsensya dahil pakiramdam ko isa akong malaking pabigat sa kaniya. Sa ngayon fully paid na ako sa lahat ng gastusin ko sa eskwelahan na iyon dahil kay Zero, at dahil hindi ko gusto na siya lahat ang gumastos ay ginagamit ko ang mga perang na-ipon ko sa pagta-trabaho para lang mabayaran siya, hindi pa naman lahat, ngunit siguro babawi ako sa kaniya sa ibang paraan. Matapos kong maipasa ang mga papeles sa GWU ay dumiretso nalang ako sa isang fast food para kumain, may pagkain naman sa unit ngunit ayaw ko pang umuwi dahil wala naman akong gagawin doon. "350 pesos po ma’am," wika sa akin ng waitress kaya naman iniabot ko na sa kaniya ang bayad matapos kong kumain. Balak ko na sanang umalis, ngunit bigla akong nakarinig ng ingay mula sa labas. Napalingon ako sa glass window na katabi lang ng table kung nasaan ako. Dahil sa katanghalian ay medyo nasilaw pa ako sa sobrang liwanag ng araw sa labas kaya naman kinailangan ko pang paningkitin ang dalawa kong mata upang maaninag kung sino ba ang mga iyon. "By the way, samahan niyo naman ako sa mall mamaya. Kailangan kong bumili ng mga materials for next week," rinig kong wika ng isang babaeng naka-shades. "Sure, balak ko rin kasing bumili." "Yeah sure, sobrang bilis talaga ng panahon. 3rd year college na tayo sa pasukan!" Hyper na sabi naman ng isa. Nakasuot ito ng white plane shirt na naka-tuck in sa kaniyang denim short. Napahinto ako saglit nang napansin ko na tila pamilyar ang mukha ng dalawang babae sa akin. "Nathalie, bilisan mong maglakad! Nagugutom na ako!" Nanlaki ang mata ko at mabilis na naisuot ang hood ng jacket sa aking ulo ko bago ko kinuha ang menu sa may lamesa upang iharang sa may gilid ng aking mukha. Ano’ng ginagawa nila rito?! Dapat hindi nila ako makita! Bakit hindi ko naisip na anumang oras ay maaari nila akong makita sa kung saan man!? Urgh! Ano’ng gagawin ko? Paano kung makita nila ako? Naman! “Hey, I’ve found a beautiful spot. Dito nalang tayo,” rinig kong saad ng isang babae na kasama nila. Sumilip ako nang bahagya at napansin ang babaeng kasama nila. She's wearing a white simple dress, kaya mas lalo siyang naging maputi. Straight ang kaniyang brown na buhok na may katamtamang haba, may bilogang mukha at matangos na ilong, halatang galing sa mayamang pamilya. Wala sa sariling napatingin ako sa sarili ko at napangiwi na lamang. Hindi naman ako ganoon ka-conscious sa sarili ko, ngunit nang nakita ko siya... Mabilis akong napailing. Syete! “Nice.” Nanlaki ang dalawa kong mata nang umupo sila sa may table na katapat ko lamang. Nagmadali kong inilipat sa unahan ang menu at nag-kunwari na nagbabasa. Bahagya ko ring itinabing ang buhok ko sa may kalahati kong mukha para siguraduhing hindi nila ako makikilala. Nanatili akong ganoon sa loob ng ilang minuto hanggang sa dumating ang order nila, habang sinisilip ko sila sa tuwing naririnig ko silang nag-uusap. “This place is nice by the way. How did you find this?” tanong ng magandang babae na kasama nila. Ibinaba ko nang kaunti ang menu na hawak. Nakatalikod sa direksyon ko si Thea, habang naka-side view naman si Nathalie na katabi ng babaeng kasama nila. "Actually si Nathalie ang naka-discover ng lugar na ito, tapos ayon, nag-decide kami na i-try ang foods dito. Then we found out na masarap ang mga pagkain nila," paliwanag si Thea, napatango-tango naman si Nathalie habang kumakain. "I agree. Masarap nga ang pagkain dito," wika muli ng babae. Mabilis kong iniharang muli sa aking buong mukha ang menu na hawak nang biglang lumingon dito si Nathalie, bigla tuloy akong kinabahan. "By the way, Syntia, kailan pala ang balik dito ni Eon? I’m sure na alam mo, right? Since kararating mo lang from states." Bigla akong nabuhayan ng dugo nang narinig ko ang pangalan na iyon. Sa wakas! Magkakaroon na rin ako ng balita sa kaniya. Syntia pala ang pangalan ng babaeng kasama nila, ngunit bakit tinatanong ni Nathalie kay Syntia ang tungkol kay Eon? Saka US? "Actually, gusto na niyang sumabay sa akin pabalik dito sa Pilipinas. Alam niyo naman ’yon, parang halos minu-minuto gusto akong makita. But I told him na next week nalang siya umuwi since gusto ko munang maka-bonding niya ang mga grand parents niya." Bigla akong nanlamig dahil sa narinig. Nasa States si Eon? Kailan pa? Bakit? Ano'ng dahilan at naisip niyang pumunta ng ibang bansa? Ano bang...ibig sabihin ni Syntia sa sinabi niyang... gusto siya palaging makita ni Eon? Parang may kumurot sa may bandang dibdib ko nang naalala ang sinabi niya. "Really!? Dapat lang na bumalik siya rito! Three years na siya roon at sobrang nami-miss na rin siya ng buong BG." Naistatwa ako sa aking kinauupuan dahil sa sinabi ni Thea. Three years? Tatlong taon na siyang nasa States? Bakit? Paano? Matapos ba akong mawala ay hindi na niya ako hinanap pa? Ano bang nangyari sa loob ng tatlong taon na nawala ako? Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon. Si Syntia... sino ba talaga siya? Hindi ko alam kung paano ko nakayanang manatili sa ganoong p'westo nang halos trenta, marinig lang ang pinag-uusapan nila hanggang sa tuluyan na silang nakaalis. Kakaalis lang nila, ngunit nanatili ako sa kinauupuan ko. Base sa napansin ko kanina, mukhang naka-moved on na sila sa lahat ng nangyari... siguro pati na rin sa akin. Hindi ko sila masisisi kung hindi na nila pinagpatuloy pa ang paghahanap sa akin, dahil desisyon ko rin naman ang umalis muna at iwan sila pansamantala, ngunit mukhang hindi na talaga tulad noon ang dati. Para akong lantang gulay nang nakarating ako sa unit. Kahit wala naman akong ginawa masyado, pakiramdam ko ay babagsak ako anumang oras dahil sa bigat ng pakiramdam. Inalis ko ang aking jacket at nahiga sa kama. Napabuntong hininga ako at napatitig sa kisame. Hindi ko maiwasang isipin ang mga bagay na narinig ko kanina. Nasa states si Eon at sa susunod na linggo pa ang balik niya rito sa Pilipinas. Handa na ba akong makita siya? Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nagkita kami? Marami akong bagay na gustong itanong sa kaniya, at sa araw ng pagdating niya sana ay maisip niya rin na na bukod sa pamilya at kaibigan niya ay may isa pang ako na nag-hihintay sa kaniyang pagbabalik, ngunit naaalala niya pa kaya ako?
wow nice
31/08
0thank you
16/02/2025
0a good novel.. love to resd this
26/01/2025
0ดูทั้งหมด