Matapos kong bumisita sa puntod ni Dette ay naisip kong pumunta sa boarding house kung saan kasama ko ang BG dati. Bumaba ako ng taxi at napangiti ako nang nakita ang pamilyar na kulay green na gate. Napansin ko na naragdagan ng isang palapag ang boarding house, medyo nabago na rin ang kulay at disenyo nito. Mabilis akong napunta sa may gilid ng isang puno ng napansin kong bumukas ang pintuan sa labas. Mahirap na, baka makita ako ng isa sa kanila, ngunit na-dismaya ako ng ibang tao ang nakita kong lumabas. Hindi ko kilala ang taong iyon. Kung gano'n, malamang hindi na nagbo-boarding ang BG. Napabuntong hininga nalang ako bago ko isinuot muli ang hood ng aking jacket. Balak ko na sanang maglakad paalis, ngunit napahinto ako nang biglang may tumawag sa aking pangalan, "Zai? Ikaw ba 'yan?" Napamaang ako matapos marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran at napamaang nalang ako nang bumungad sa akin si Tita Amanda. “Tita Amanda...” Napahawak sa bibig si Tita Amanda at tila hindi makapaniwala na nandito ako sa kanyang harapan. "Jusko! Ikaw nga si Zai. Ngayon lang ulit kita nakita! Alam mo bang hirap na hirap ang pamilya mo sa paghaha-" "Tita Amanda, puwede ko po ba kayong makausap?" Bahagya napahinto si Tita Amanda at napamaang nang kaunti, ngunit kalaunan ay tumango din siya sa akin at ngumiti. Imbis na sa labas kami mag-usap ay inaya pa niya ako sa kanilang bahay. Pinaupo niya ako sa isang coach kaharap ng isang lamesa, nagpaalam naman sa akin si Tita Amanda na maghahanda muna siya ng meryenda, hindi naman na ako tumanggi pa. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin si Tita Amanda, dala-dala ang pagkain at inumin. Nilibot ko naman ng tingin ang kabahayan ng kanilang bahay. "Ito, mag-meryenda ka muna, baka kasi nagugutom ka na. Napansin ko na parang pumayat ka." Napangiti ako nang maliit sa kaniya. Kahit na hindi ko naman talaga masyadong ka-close si Tita Amanda ay alam ko naman na sobrang malapit siya sa BG, kaya siguro magaan talaga ang loob ko sa kaniya noong una palang. "Maraming salamat po pero... gusto ko lang po sanang humingi ng pabor sa inyo." Umupo siya sa may sofa na katapat ko. Batid ko na alam niya na seryoso ako sa susunod kong sasabihin. "Ang tagal mong nawala, Zai. Alam mo bang hindi pa rin tumitigil sina Jino sa paghahanap sa iyo hanggang ngayon?" Nakaramdam ako ng kirot sa may bandang dibdib ko nang narinig ko iyon. Kung ganoon hindi pa rin pala sila sumusuko na hanapin ako, at masaya ako dahil kahit papaano ay alam kong hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na hanapin ako. "Kung ganoon masaya ako dahil hindi pa rin nila ako nakakalimutan." Napabuntong hininga si Tita Amanda. "O siya, ano ba 'yong pabor mo?" tanong niya na nakapagpalumo muli sa akin. Napapikit ako at napabuntong hininga na lamang. "Kung pwede po sana h'wag niyo na lang ipaalam sa kahit na sino na nandito ako." Nangunot ang noo ni Tita Amanda sa akin. "Zai, tatlong taon kang nawala, hindi mo ba naisip na hindi tumigil sa paghahanap sa iyo ang kuya at papa mo?" Napakagat ako sa aking labi. "Alam ko naman po 'yon, pero please, Tita Amanda... Ngayon lang po ako hihingi ng pabor sa inyo. H'wag niyo pong ipapaalam sa kahit na sino na nakita niyo ako, lalong-lalo na kay Kuya Jino." Napansin ko ang pagbuntong hininga niya bago siya tumingin ng diretso sa akin. "Oh sige, pero maaari ko bang malaman kung bakit mo ito ginagawa?" Napahinto ako sandali. Gusto ko mang sabihin, ngunit hindi pwede. "Pasensya na po, pero hindi ko po maaaring sabihin." Isang dismayadong ekspresyon ang gumuhit sa kaniyang mukha. Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang reaksyon niya. "H'wag po kayong mag-alala dahil magpapakita rin naman po ako sa kanila kapag handa na ako. H'wag lang po sana ngayon." "Ikaw na bata ka, saan ka ba kasi nagpupunta at nawala ka na lang bigla?" Pilit akong ngumit sa kaniya. Sa tingin ko ay hindi niya alam ang mga nangyari sa akin, hindi niya alam na muntik na akong mamatay dahil sa nangyaring insidente noon. Sa tingin ko tanging ang pagkawala ko lang ang nabalitaan niya. "Mahaba pong kuwento, pero Tita Amanda may gusto lang po sana akong itanong." Umayos ako ng upo. "Ano ba iyon?" Napaisip ako ng ilang saglit kung itatanong ko ba talaga sa kaniya ang bagay na ito at hindi ko na nga napigilan. "Alam niyo po ba kung nasaan ngayon si mama?" Napansin ko ang bahagyang pagkagulat sa kaniyang mukha na labis kong ikinataka. "Ang Mama mo? H-hindi mo pa ba alam kung ano'ng nangyari sa kaniya?" tanong niyang muli, pakiramdam ko ay maingat siya sa mga salitang binibitawan niya. Medyo naguguluhan tuloy ako sa inaasta ni Tita Amanda ngayon. "W-wala na po akong balita sa kaniya simula noong... magpa-opera ako. A-ano na po bang balita sa kaniya?" Napansin ko ang pagtahimik ni Tita Amanda kaya naman hindi ko naiwasan ang makaramdam ng kaba. May nangyari ba noon na hindi ko alam? "Tita Amanda." Tila nabalik siya sa ulirat at kinakabaduhan na sinalubong ang aking tingin. "H-huh? Ang mama mo ba? Wala na rin akong balita sa mama mo. M-mas mabuti kung tanungin mo nalang si Jino tungkol sa bagay na iyan." Nadismaya ako sa kaniyang sinabi, kung puwede ko lang gawin ang sinabi niya ngayon ay ginawa ko na, ngunit siguro ay wala nalang kapag handa na akong magpakita sa kanila. Sana lang sa oras na magpakita ako ay maayos na ang lahat. Matapos kong mabisita ang dati naming boarding house at si Tita Amanda ay naisip ko na ring umuwi. Balak ko sanang pumunta ng department store para bumili ng mga pagkain, ngunit bigla kong naalala na pinuno na ni Zero ang ref ng pagkain pati na rin ang mga kitchen cabinet, kaya naman hindi na ako pumunta. Wala tuloy akong maisip na gawin. Bakit nga ba lumuwas kaagad ako ng Maynila kung wala pa naman akong balak magpakita kina Kuya Jino? Haist! Nakakasura naman, bakit kasi minsan pabago-bago ako ng desisyon? Hindi ko tuloy alam kung ano’ng puwede kong gawin. Naalala ko tuloy ang conversation namin ni Tita Amanda, sinabi kong h'wag muna niyang ipaalam sa lahat na buhay ako at nakita niya dahil hindi pa ito ang tamang oras. Though it’s a half truth, dahil hindi pa talaga ito ang tamang oras ko dahil medyo hindi pa ako handa, ngunit kung gano’n... Ano na bang plano ko?
wow nice
31/08
0thank you
16/02/2025
0a good novel.. love to resd this
26/01/2025
0ดูทั้งหมด