Author’s Note, If you still haven't read the Book 1: She's Living with the Bad Boys, then please, read it first before this one. This is the Book 2. *** Nilanghap ko ang sariwang hangin na tumatama sa aking mukha na nakapagbigay sa akin ng relaxation. Alas sais pa lamang ng umaga at maagap akong nagising. Siguro dahil mas gusto kong simulan ang buong araw nang maaliwalas at walang bakas na kahit ano'ng problema.
Napapikit ako nang muling umihip ang malamig na hangin habang pinapayad ang puting kurtina ng bintana kung nasaan ako. Makikita sa ibaba ang mabagal na pag-alon ng dagat at ang iilang mga taong naglalakad sa maputi at pinong buhangin. Kung sana parang dagat lamang ang lahat; 'yong tipong magpapadala ka nalang sa alon ng buhay; walang pakialam sa mga susunod na puwedeng mangyari; bahala na ang tadhana kung saan ka dadalahin ng alon. Napahinto ako sa pag-iisip nang may narinig akong tatlong beses na kumatok sa pintuan ng aking unit. Naglakad ako papunta roon at binuksan ang pintuan. Napangiti ako ng nakita ko siya. "You're ready?" tanong niya na ikinatango ko naman. "Oo. Handa na ako." Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Fix yourself. Aalis na din tayo maya-maya," wika niya bago siya naglakad paalis. Napatanaw na lang ako sa papaalis na pigura ni Zero bago ako napabuntonghininga at isinara ang pintuan. Okay, this is it. Ito na talaga ang araw na kailangan ko nang bumalik sa kung saan ako dapat. Kahit na nae-excite ako ay mas nangingibabaw pa rin sa akin ang kaba. Ano nalang kaya ang magiging reaksyon nila sa oras na magbalik ako? Masaya kaya sila kung sakaling bumalik ako? O baka... Tuluyan na nila along nakalimutan? Baka tuluyan na niya akong nakalimutan. Alam ko na sa pagbabalik ko ay marami nang nagbago. Sa haba ba naman ng panahon na nawala ako, malamang... inakala nilang patay na ako. Nakakalungkot lang isipin na baka pati siya ay tuluyan na akong nakalimutan. Marami nang nagbago, dahil inaamin ko... pati ako naninibago sa sarili ko, at hindi malabong... pati ang nararamdaman niya sa akin noon... ay naglaho na ngayon. Mahirap mag-expect kaya gusto kong maging handa sa kung anuman ang madadatnan ako sa oras na bumalik ako. Three years... Sa loob ng tatlong taon na nawala ako... May babalikan pa nga ba ako? *** Maingay, magulo, at masikip. Iyan ang bumungad sa akin pagkababa ko pa lamang sa bus. Wala pa ring pinagbago ang Maynila, magulo pa rin at mainit. Sigurado akong mami-miss ko ang sagana at mahanging lugar sa Negros Oriental. Nakalulungkot lang isipin na kakailanganin ko talagang lisanin ang lugar na iyon dahil may mga bagay talaga na hindi natin matatakasan kung minsan. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa isang condominium building kung saan ako magche-check in. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako ang may gusto na rumito ako, balak ko talagang mag-rent na lang ng boarding o kaya apartment, ngunit dahil pinilit ako ni Zero ay wala na akong nagawa. Sobrang dami ko na talagang utang sa tao na iyon. Tsk. Tsk. Naihagis ko na lang sa may sofa ng living room ang dala kong bagahe at pabalyang naupo rin sa katabi nito. Napapikit ako nang nakaramdam ako ng pagod. Nakapapagod ang byahe. Alas kuwatro pa lamang ng hapon, ngunit nakararamdam na kaagad ako ng gutom. Nakalimutan ko nga pa lang kumain kanina ng lunch dahil nakatulog ako sa byahe. Urgh! Kailangan ko ng pagkain ngayon. Napakapa ako sa bulsa ng pants ko nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang caller at nalamang si Zero lang pala. "Oh?" bungad ko nang nasagot ko ang tawag niya. "Oh ka riyan. Wala bang hi or hello?" tanong niya na ikinaikot ng dalawa kong mata. "Gutom na ako, kaya h'wag kang makulit." Bahagya siyang natawa. "Nagutom ka sa byahe? Did you arrive already in your unit?" "Hm." "You want me to go there? I'll buy you foods if you're hungry." Napailing-iling ako. "No thanks. Lalabas na lang ako para kumain." Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo. "You sure?" "Hm. Bakit ka nga pala napatawag?" "Nothing. Just checking on you. Alright then, tumawag ka na lang kapag may kailangan ka." "Okay." Matapos naming mag-usap ay inihatid ko muna sa kuwarto ang aking bagahe. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil kakain lang naman ako sa labas. Hindi ko talaga kakayanin kapag hindi ako nakakain ngayon. Huh! Kinailangan ko pang mag-taxi para makarating sa isang restaurant na medyo malapit lang naman sa building kung nasaan ang unit ko. Medyo maunti pa ang costumer nang pumasok ako sa loob dahil sa alas kuwatro pa lang naman ng hapon. Hihilahin ko pa lang ang isang bangko kalapit ang table nang napagtanto ko kung gaano kaganda ang lugar. Hindi ako makapaniwala na rito ko piniling pumunta, imbis na sa fast food. Hindi ko tuloy naiwasang alalahanin ang fast food na pinag-trabahuhan ko three years ago. Naalala ko ang araw na nag-resign ako roon dahil na rin sa kagustuhan ni mama na huwag na ako masyadong magtrabaho dahil na sa sakit ko rati. Kamusta na kaya siya? Hinahanap pa kaya niya ako ngayon? Si papa ba kamusta na kaya? Hinahanap din ba niya ako? Sina Thea, Nathalie, ang BG, si Kuya Jino at si... Eon... Si Dette... sobra akong nalulungkot at nasasaktan dahil saksi ako sa pagkamatay niya noong araw na iyon. Panigurado akong magagalit sa akin si Nathalie kapag nalaman niya na wala man lang akong nagawa para iligtas ko ang kaibigan niya... Kahit na tatlong taon na ang lumipas hindi pa rin mawala-wala ang sakit. "Ma'am, what's your order?" Siguro galit silang lahat sa akin ngayon, dahil umalis ako nang wala man lang paalam. Hindi ko naman ginusto ang umalis at piliing magpakalayo, dahil sa totoo mayroon akong dahilan. Lahat ng bagay na ginawa ko kahit na mahirap ay may dahilan. Eon... maiintindihan ko, na kung sakaling magkita tayo ay hindi na gaya pa ng dati. Hindi sa lahat ng oras kaya niya akong panghawakan; na kaya niya akong hintayin; na kaya niya akong mahalin kahit na ganoo pa katagal ang panahon akong nawala. Inaamin ko na hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. At masakit para sa akin ang naging desisyon ko na iwan silang lahat... Silang lahat na sobra kong minahal at pinahalagahan. Ang selfish ko ba? Siguro nga, dahil handa kong itaya ang sarili kong kaligayan para lang sa kanila. "Ma'am, okay lang po ba kayo?" Napabalik ako sa ulirat nang napansin ang isang waitress sa aking harapan, napansin ko ang menu na mukhang kanina pa niya inia-abot sa akin. Nahiya tuloy ako bigla. "A-Ah, pasensya na." Kaagad kong kinuha ang menu. Matapos kong um-order ay kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking jacket. Hindi naman ako binabanas dahil malakas naman ang aircon dito sa loob. Ni-check ko ang laman ng contacts. Walang ibang number na nakalagay doon kun'di ang number ni Zero. Nakakalungkot lang isipin na sa loob ng tatlong taon ay wala akong komunikasyon kina mama. Hindi naman sa ayaw ko silang kontakin, ngunit kailangan ko iyong gawin para na din sa ikabubuti nila. Kay Zero ako kumukuha ng balita kung ano na ba ang ganap sa pamilya namin, ngunit hindi naman sa lahat ng oras dahil may iba rin namang ginagawa si Zero, at isa pa sa rami na ng tulong na ginawa niya para sa akin ay hindi na rin ako masyadong humihingi sa kanya ng pabor. Pakiramdam ko tambak na ang mga utang na loob ko sa kaniya, tapos wala man lang akong nagawa para maibalik ang mga iyon. Matapos kong kumain ay naisip ko na ring bumalik sa unit, dahil nga sa pagod ako sa biyahe ay maaga rin akong nakatulog. Kinabukasan ay naisip ko na bumisita sa puntod ni Dette, halos dalawang taon na rin na hindi ako nakakabisita rito. Huli kong bisita ay noong time na naka-recover na ako mula sa insidenteng nangyari, kaya ngayon na lang ulit ako nakapunta. "Kumusta?" Umupo sa damuhan kaharap ng puntod niya. Inayos ko ang suot kong hood ako. Hindi ako masyadong p'wedeng lumabas at pumunta sa kung saan, dahil posibleng may makakita sa akin. Hindi pa ako ganoon kahanda na muling magpakita, kaya hangga't maaari ay kailangan ko munang mag-ingat pansamantala. "Pasensya na kung... ang tagal ko bago makabisita sa 'yo." Dinama ko ang malamig na hangin. "Two years. Two years akong hindi nakabisita. Kamusta riyan sa kinalalagyan mo ngayon? Maayos ba? Mukhang palagi kang may bisita, dahil palaging malinis ang puntod mo, at dahil diyan natutuwa ako kasi palaging may nakaaalala sa 'yo." Mapait akong napangiti. "Ako ba... naaalala pa kaya nila ako? Siguro nagagalit ka sa akin ngayon dahil ang taong alam kong mahal na mahal mo... basta ko na lang na iniwan. Ni wala na akong balita sa kaniya ngayon. Alam mo nagtataka din ako kasi pakiramdam ko hindi naman niya ako hinanap, o baka naman kasabay ng pag-iwan ko sa kanya ay ang paglimot niya sa akin." "I'm sorry Claudette... Sorry kasi nang-iwan ako. Iniwan kita...sila...si Eon." Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata at ang pagsakit ng aking lalamunan. "P-Pasensya na kung h-hinayaan kitang mamatay. Ang sama ko, sobrang sama ko. Kaya pasensya na kung paulit-ulit kong sinasabi ang salitang patawad. Patawad sa lahat... patawad para sa mga taong iniwan ko ng wala man lang paalam... patawad kung nasaktan ko sila... patawad... patawad..."
wow nice
31/08
0thank you
16/02/2025
0a good novel.. love to resd this
26/01/2025
0ดูทั้งหมด