logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

Kabanata 4
SA bilis ng pangyayari tanging Stell na nakatalikod sa labas ng kotse ang natanaw ko na lamang.
"May sampung segundo ka pa para bumaba diyan sa kotse bago ko tuluyang ilock ang gate." Rinig kong sambit niya saka ako napaayos ng upo saka mabilis na lumabas ng sasakyan.
"Teka! Wag mo ilock." Habol ko pang saad.
Nang biglang may mapansin ako. Teka lang hub, paano ako nakaalis sa kinauupuan ko gayong mahigpit ang pagkakasabit nitong gown ko sa ilalim ng upuan. Napahawak ako sa gown ko nang bigla kong mapansin sa likuran ng gown ko ang halos patuhod na lang na iksi dahilan para halos lumuwa ang mga mata ko.
"Stell! Anong ginawa mo sa gown ko?" Sigaw ko na nuon sabay tulak ko sa gate na noon ay nakalock na din.
"Hoy ! Stell, buksan mo ang gate, anong ginawa mo sa gown ko? Humanda ka talaga sa akin. Makikita mo lahat ng damit mo butas butas. Stell! Buksan mo sabi ang gate." Pagsisisigaw ko saka ko hinahampas hampas ang gate pero kahit anong luwa ko ng boses ko ay walang kampon ni Satanas ang magbubukas.
"Demonyo ka talaga kahit kailan. Asar! Pano na ngayon tu? Paano ako makapasok?" Bulong ko sa sarili ko na inis na inis at napasandal na lamang sa gate. Hanggang sa maramdaman ko na ang paisa isang pagdapo ng mga lamok sa pisnge ko, braso, at sa legs ko sa likod at higid sa lahat ang pangangalay na din suot tung mataas na high heeled shoes at ang paltos na pakiramdam ko anytime magiging mapa na ng Pilipinas sa lapad.
"Pambihira, malalagot ka talaga sa akin Stell sa oras na makapasok ako. Makikita mo talaga, makikita mo. Hindi lamok ang papapak sayo kundi bubuyog." Gigil kong sambit sa sarili ko.
Anong gagawin ko, nakaramdam na din ako ng lamig, tsk bakit kasi ganitong style na pa off shoulder pang wedding gown. Pwede namang pang Maria Clara pa--eh Malay ko bang malaking kamalasan mangyayari sa akin ngayon. Kasalanan lahat ito ng lalaking iyon. Sana papa nakikita niyo ngayon ang kalagayan ko. Dapat siya binalaan mong wag ipahiya ang angkan at hindi ako. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka ako nagsimulang mag-palakad lakad para naman mahilo ang mga lamok kakasunod sa akin para kagatin lang ako. At syempre para makaisip din ako ng paraan bago pa ako maging bangkay dito sa labas sa lamig.
Hanggang sa ilang minutong pag-iisip ay sa wakas gumana na din ang utak ko. Napatingin ako sa bakod, di naman ganun kataasan-hmmm mukhang kaya ko naman yata mag over-da-bakod, dating gawi, kung paano ko makapasok noon sa school kapag nalalate ako ng highschool.
Kaya napabuga ako sa hangin ng mapansin ko ang unahan ng gown ko kung gaano kahaba.
"Mahihirapan akong mag-ala female version ng Tarzan kung ganito kahaba ang gown ko. Pero anong gagawin ko?"
Halos ilang minuto ko munang pinakatitigan ang gown ko, Sayang ang ganda pa man din nito pero dahil sinira na ng lalaking iyon hayaan ko ng tuluyan na ngang masira ito. Pinilit kong punitin ang natitirang laylayan ng gown ko mabuti na lang lace ito kahit papaano sa abot ng makakaya at talas ng kamay ko kahit sobrang sakit na sa palad ko ay makakaya Kong mapunit. At sa huli, nagawa ko din.
"Sa wakas." Nakangiting sambit ko saka ako napatingin sa bakod.
"Magdasal ka na Stell, ipapasundo na kita kay Satanas sa oras na makapasok ako." Bulong ko sa sarili ko saka huminga ng malalim bago ko simulan ang misyon kong akyatin ito. Ihinagis ko muna ang sandals ko papunta sa loob ng bakod Saka napa unat ng braso.
Lord, keep me safe!
At sinimulan ko na nga, buong lakas na sumampa sa bakod, hanggang sa makaabot sa taas. Napapikit ako ng makita ko ang baba.
"Jusmeyo, mataas pala itong inakyat ko." Bulong ko saka muling ikinalma ang sarili at napabuga sa hangin. Kalma self, gusto mo pa namang mabuhay do ba?
Delikado kapag tumalon ako baka mabalian ako ng paa, or mauna ang ulo ko sa pagbagsak dahilan para mabali ang leeg k--aaaay! Pagbabayaran mo talaga tung ginawa mo sa akin Stell! Napapikit ako saka huminga ng malalim. Inhale, exhale, inhale, exhale ng biglang muntikang mawalan ako ng balanse sa gulat ng may impaktong sumigaw at tuluyan na ngang nagpatihulog ang katawan ko.
Kisses! Ikaw na magdasal, dahil ikaw na mauunang umakyat sa langit nito. Saka ako napapikit ng mga mata, nakahanda ng mamatay sa pagkakalasog lasog ng katawan ko sa oras na bumagsak ako. Stell, hindi ka makakatulog gabi gabi. Babangungutin ka lagi, dadalawin din kita araw man yan o gabi.
"Aaaaaah!" Sigaw ko habang pabagsak ng biglang maramdaman ko ang malambot na mga kamay sa likuran ko. Ramdam ko ang paghahabol ko sa hininga ko, ang takot sa dibdib ko na makita si San Pedro at ang manok nito, ang panginginig ng buo kong katawan at ang pag-ka alog ng utak ko.
N-nasa langit na ba ako o impyerno? Bulong ko sa isip ko ng marahan kong idilat ang mga mata ko.
"Hanggang kelan mo planong magpabuhat sa akin?" Basag ng isang boses dahilan para mahimasmasan ako.
"Ikaw?" Singhal ko na sa gulat ko naitulak ko ang matigas nitong dibdib dahilan para bumagsak ako sa lupa.
"Arayyy!" Aniya ko habang napahimas sa likuran ko. Mukhang nabalian ata ako ng spinal ko. Bwisit.
"Ikaw lang ang nakita kong may Ari ng bahay pero nag-oberdabakod!" Saad nito saka napailing na tinapatan ako sabay pitik sa noohan ko.
"Ano ba ang sakit na huh! Bwisit ka, kasalanan mo 'to kung bakit inakyat ko iyon at kung namatay ako ikaw una una kong papatayin sa bangungot." Singhal ko habang napapahimas sa pitik nito sa noo ko.
"Sino ba naman kasi ang tanga tangang umakyat ng di manlang chinicheck ang gate?"
"Sira ulo ka ba o sadyang baliktad pagkaka assemble sa utak mo? Ayang gate nilock mo at kahit anong sipa at tulak ko diyan di ko mabubuksan. Gago!" Galit kong sigaw sa kaniya.
"Talaga?" Rinig kong sagot niya saka siya humakbang papalapit sa gate at laking gulat ko ng buksan niya sabay ngiti ng nakakapang sabog bunbunan.
"Sa susunod check mo muna, di lahat ng gate push and pull ang movement, Minsan slide slide din." Saka siya napailing na napapangiti ng nakakaloko habang ako bagsak ang panga sa nadiskubre ko. Hayp na 'tu. Sayang saya na napagtritripan ang kaluluwa ko. Kasalanan din ito ng gumawa ng buong kabahayan na ito kung bakit tatanga tanga at naisipang gawing sliding ang gate na ito. Sarap pakulong kung tuluyan akong namatay sa ginawa niya sa gate.
Pagmamaktol ko sa isipan ko.
"Mauna na ako sa loob, iwan ko na ding bukas ang pintuan baka mamaya isipin mo nakalock din. Mahal pa man din magpagamot ng katangahan. Pakilock na lang din ng gate." Saad niya sabay hagis sa akin ng susi na muntik pang tumama sa noo ko mabuti na lamang napraktis ako noong elementarya ako sa pag iiwas sa pagbabato ng chalk sa akin ng teacher ko, kundi malaking namumuong bagyo ang magigisnan ko bukas.
Padabog akong tumayo at humakbang papunta sa gate sabay sipa dito.
"Nadagdagan ang katangahan ko sa mundo dahil sa nakaimbento saiyo." Bulong ko dito sabay sipa ulit na hindi inaakalang makakasakit sa akin.
"Arouchhh!" Napahimas ako sa paa ko.
"Kahit kailan talaga, di na naging maganda ang araw ko." Sigaw ko saka mabilis na ipinadlock ang gate at humakbang papunta na sa direksyong ng bukana ng maliwanag na bahay.
Kung kanina nangangalay ang mga paa ko ngayon ramdam na ramdam ko Ang pagkamanhid ng talampakan ko dahil sa sementong inaapakan ko ngayon.
Napasalampak ako sa sofa ng makapasok ako ng bahay. Halos mangiyak ngiyak akong makita ang paa ko na may mga gasgas ang paa at binti ko.
Araw gabi Kong dinadasalan ang balat ko para maging ganito ang kutis ko tas sa isang oras lang mauuwi sa ganito.
"Ste--" Sisigaw na sana ako ng paglingon ko bumungad ang mukha niya. Kunot noo naman akong napatingin sa bitbit niyang unan, kumot. Saka ako napalunok ng pumasok sa isipan kong kaming dalawa na lang pala ang nandito sa loob ng bahay at at at at---hindi hindi pwede tu hindi pwede---
"Hoy, wag kang asyumera na naman. Wala kong balak tabihan ka." Sambit nito sa kaniya na nakangiwi. Sabay lapag nung mga unan.
"Ano yan?" Tanong ko sa kaniya.
"Bulag ka? Malamang dalawang unan, banig, at kumot."
"Gago ka rin nu? Alam ko kung ano iyan. Ang tinatanong ko bakit nandiyan yan? Bakit ibinaba mo?" Mataray kong tanong. Isang sapak pa sa akin Stell makakatikom kana ng sumpa ng kinabukasan.
"Tinatanong pa ba iyan? Isa lang ang kwarto sa itaas, di din tayo pwedeng magtabi baka bangungutin na ako ng tuluyan. Kaya heto, dinala ko tong unan, kumot, at banig para sa iyo!" Aniya nito sabay ngiti.
"Anong ibig mong sabi---teka, don't tell me ako? Ako ang--"
"Aha, sa wakas tumama din yang bulok mong utak. Dito ka matutulog sa sala at ako sa kwarto. Goodnight."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko dahilan para mabilis pa sa hangin na hinarangan ko siya papunta sa taas.
"Excuse me? Don't tell me, gusto mong magkatabi tayo sa baba?"
Walang kasing kapal ng bitukang saad nito sa akin harap harapang ng nakangiti. Lord,please lang po kunin niyo na ang lalaking 'to, bago pa ako maunang mamatay sa sama ng loob at galit sa taong ito na hindi na nga biniyayaan ng magandang pag uugali eh lahat na yata ng kayabangan na itinapon sa planetang eto ay makasariling sinalo. Puro yata puting dugo ang taglay nito sa buong katawan eh. Napataas ang kilay ko habang tinititigan ko siya, hindi ako papayag na dito ako sa baba matutulog at mas lalong hindi ako papayag kung sa lapag ako mahihiga. Buong buhay ko sa napakalambot na kama ako nakahiga kaya makikipagpatayan ako dito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (33)

  • avatar
    PertesRemo

    god

    24d

      0
  • avatar
    John Rey Macapiot

    liget po to sir

    08/07

      0
  • avatar
    Jhonronel Bustillo

    beautiful

    11/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด