logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1

Chapter 1
Arte
Nagmamadali kong kinuha ang mga libro ni Master Colder dahil pagpatak ng 7:30 ay simula na ng klase ko. Tinakbo ko ang distansya ng locker room papunta sa classroom.
"Hoy Sakura Eliana, dito ka sa harap umupo para tabi tayo." si Iris, ang best friend ko. Hingal akong umupo sa katabi ng upuan niya.
"Andami mo namang dalang libro, di ka naman masyadong obsessed sa pag-aaral, teh." biro niya.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Hingal pa kasi ako dahil sa pagtakbo, "Hindi 'to akin, kay Master Colder 'to." paliwanag ko sabay hanap ko ng panyo sa bag ko.
"Ah kaya pala." ayan na naman ang nanunuya niyang tono. Pinagsawalang bahala ko nalang iyon at pinunasan ang noo kong pawisan.
Agad na natahimik ang lahat at bumalik sa kanya-kanyang silya nang pumasok na ang adviser namin. Nagkaroon konting discussion at recitation ngunit maaga rin namang natapos ang dalawang subject.
"Ayoko talaga kapag may recitation. Nadi-drain ang precious brain ko. " maarteng reklamo ni Iris sabay madramang hawak sa ulo nya. Natawa ako. Baliw talaga kahit kailan.
"Ang tanong may utak ka ba?" pang-aasar ni Lester na nasa likuran lang namin.
Agad na tinignan niya ng masama si Lester."Wow! Ikaw nga matalino pero mukha namang bangkay. Hipan lang kita baka liparin kana papunta sa kabilang building." sinabayan niya pa ng hagalpak na tawa. Kita ko naman ang pagka-inis ni Lester sa pag-bwelta ni Iris sa kanya.
Nang mag-ring ang bell ay natapos rin ang bangayan ng dalawa.
Agad kong inaya si Iris na pumunta na sa canteen dahil kumakalam na ang sikmura ko dahil sa gutom.
Nilapag ko ang paper bag na may lamang pagkain na ibinigay kanina ni Master Colder sa table na napili namin.
" Papabili ka pa ba o yan lang na baon mo kakainin mo? " tanong sakin ni Iris dahil papunta na siya sa counter para bumili ng pagkain.
"Bili moko ng yakult. May straw dapat ah." sagot ko habang kinunguya ang chicken sandwich. Ngumiti ako ng malasahan na walang spinach. Si Master Colder gumawa nito panigurado.
"Ewan ko sayo ang may pa-straw ka pa. Arte mo 'te." at tinalikuran ako para pumila na.
Nang bumalik siya ay nagsimula na kaming kumain nang biglang umingay ang buong canteen sa mga tili at bulong-bulungan.
Natanaw ko ang pagpasok ni Helius suot ang kumikinang niyang puting uniporme kasama si Eros na naka gray shirt lang at dark pants naman si Eros. Siguro dahil ayaw na naman niya mag-uniform dahil daw mainit. Arte talaga ni Senyorito.
Nasa huling taon na si Helius sa kursong pre-med. Pareho naman kaming Grade 12 ni Master Colder kaya lang STEM ang strand na pinili niya, samantalang HUMSS naman ang sakin. Si Eros naman ay fourth year high school palang.
Papalalipit na sila sa table namin ni Iris ngunit hinanap ng mga mata ko si Colder.
" Si Colder? " tanong ni Helius at umupo sa bakanteng upuan katabi ko, at tumabi naman sa kanya si Eros.
"Baka nasa klase pa nila. Akala ko nga magkakasama na kayong pupunta dito sa canteen." sagot ko.
Sandaling nangunot ang noon ni Helius bago nagsalita. "Sandali, tatawagan ko lang ang homeroom teacher niya." nilabas niya ang phone at dinial ang number ni Sir Montales saka siya tumayo at lumayo samin ng bahagya.
"For sure, Kuya Colder ditched his class again." Eros said na parang siguradong-sigurado siya.
Bumalik si Helius na magkasalubong ang kilay.
"Natulog na naman siya sa klase. Pinagalitan daw ni Sir Montales and then he walked out of the class."na-iling nalang si Eros sa sinabi ng Kuya Helius niya.
Napatayo ako at dali-daling uminom ng tubig. Hays, pasaway ka talaga Master Colder!
"I'm done eating. Ako na maghahanap sa kanya. Iris, ikaw na bahala magdahilan kapag dumating yung subject teacher natin habang wala pako." Di nako nagdalawang isip at lumabas ng canteen. Bitbit ang yakult at straw nito.
Narinig ko pa ang pagtawag nina Iris sakin pero di ko na nalingon dahil sa pagmamadali.
Tinakbo ko ang malawak na field. I roamed my eyes around. Pinuntahan ko ang puno kung saan inaakyatan niya minsan sa tuwing gusto niyang mapag-isa ngunit wala siya roon.
Hingal akong napatingala at agad na kumalabog ang puso ko ng makita ko ang bulto ni Master Colder nakatayo sa may railings ng rooftop ng gymnasium.
Shit. Anong ginagawa niya dyan!
Agad akong tumakbo papasok sa loob at bumungad sakin ang malawak na bleachers. Walang katao-tao dahil halos lahat ng studyante ay nasa canteen na. Hinanap ko ang hagdan pataas at umakyat dun. Lumalagapak ang pagtapak ng sapatos ko sa bawat baitang ng hagdan.
Tagaktak ang pawis ko nang marating ko ang pintuan. Lalong bumilis ang kabog ng puso ko ng pagbukas ko ay wala na si Master Colder sa kinatatayuan nito kanina.
"Master! Master Colder! Asan ka!? Shit! Master!" sigaw ko.
Nilapitan ko ang kinatatayuan niya kanina.
Nanginginig ako sa sobrang kaba at takot. Nagdadasal na sana mali ang akala ko. Hindi naman niya ata gagawin yun. Mariin kong pinikit ang mga mata ko bago  nagmulat para dumungaw sa baba.
"What are you doing here?" I shivered when I heard his voice at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko nang hinarap ko na siya.
His cold eyes are now intently looking at me. The wind blows his dark-disheveled hair made him looked more mysteriously dangerous.
I remember when I first met him.
December 06, 2007, his 11th birthday.
" Eliana! Apo, halika. Kaarawan ngayon ng pangalawang Young Master kaya ito binilhan kita ng bestida para maisuot mo." masigla kong binuksan ang paper bag na ibinigay sakin ni Lolo Arthur.
My heart fluttered upon seeing a beautiful baby pink colored dress. "Wow! Thank you po, Lolo." dinamba siya ng yakap.
Pagpasok namin ng bulwagan ng mansyon ay abala ang lahat ng serbidora dahil sa dami ng bisita.
May mga bata rin na nagtatakbuhan at sunod ng sunod naman ang kanilang mga yaya sa takot na madapa ang kanilang mga alaga.
Mahigpit ang kapit ko sa kamay ni Lolo ng lumapit na kami sa pamilyang Vinson.
Katabi ni Don Faustus ang asawang si Donya Celestina na kahit may katandaan na ay kita parin ang kagandahan. She's wearing a elegant red dress with her pearl accessories that made her looked more sophisticated.
" Magandang gabi po Don Faustus at Donya Celestina." bati ni lolo sa mag-asawa.
"Good evening, Arthuro." Don Faustus greeted back.
" Happy Birthday, iho. " binalingan niya ang batang halos ka-edad ko lang at naka-amerikanong damit ito, yung nakikita ko sa TV na suot ng mga mayayaman kapag may party. Nakasimangot nitong tinanggap ang regalo na binigay ni lolo.
" Pasensya na Arthuro, ganyan din siya sa lahat ng bisita niya kanina pa. Di man lang kasi umuwi sina Trevino at Heidi." malungkot na sabi ng Donya at hinaplos ang balikat ng apo.
"Oh is this Sakura Eliana? " lumapat ang tingin sakin ni Donya Celestina kaya agad akong nagtago sa likod ni Lolo.
Lolo Arthur chuckled and nodded. He held me in front to face the Vinsons.
Amusement is evident in Donya Celestina's eyes. "Awee, look at her Colder. She's so cute and adorable. " then she pinched my chubby cheeks.
Binalingan ako nung batang Colder ang pangalan. He's cold eyes made me stepped back.
My chinky eyes widened when he rolled his eyes on me.
Ba't nya ako tinarayan? Supladong bata!
Matapos yun ay inaya kaming kumain ng Don kaya agad na nalipat ang atensyon ko sa mga masasarap na pagkain.
Napaangat ako ng tingin ng tinawag si Lolo ng Don dahil mukhang may i-uutos.
"Kumain ka muna diyan at wag maglilikot-likot. Babalik din ako pagkatapos." tumango lang ako dahil puno ng kinakain na spaghetti ang aking bibig.
Nang matapos ko na ang kinakain ay wala parin si Lolo. Nilingon ko ang chocolate fountain at bigla akong natakam. Nilapitan ko ito at pinakatitigan ng maigi.
" Pano ba'to kainin? Bad namang isalok ko ang kamay ko dito." I said to my self and pouted.
Nagulat ako ng may isang kamay na lumitaw sa harapan ko at kumuha ng marshmallow sabay dip dun sa chocolate fountain.
Agad kong nilingin kung sino iyon at bumungan sakin ang isang matangkad at gwapong lalake.
"That's how you do it, chubby cheeks." then he licked his thumb after eating the marshmallow.
Lalong uminit ang pisngi ko ng ngumiti ito.
" Tell me what's your name cute-blushing potato, hmm? I'm Helius Vinson, by the way." lumuhod ito para magkapantay kami.
Nanatili akong nakatulala sa perpekto nitong mukha. Even he's wearing  eyeglasses, he's still looking so undeniably handsome.
"I'm S-Sakura Eliana Vasquez. " he chuckled pinched my cheeks when I stuttered.
Napahawak ako sa pisngi ko na kanina pa napapagdiskitahan.
Magsasalita pa sana ito pero mukhang tinawag na ng kaibigan. " Bye chubby cheeks. See you around. " at iniwan akong nakatanga parin sa kanya. I held my chest.
Gosh, my heart is hammering so fast. Crush ko na ata yung poging Helius nayun.
Matapos kong kumalma ay hinanap ko si Lolo sa bulwagan ngunit hindi ko siya nakita kaya nagpagpasyahan kong lumabas para hanapin siya.
Sinalubong ako ng malamig na hangin hatid ng gabi.
Nagpadaan ako sa garden na may nakasabit na mga maliliit na bulb. Nagsisilbi itong liwanag sa madilim na gabi bukod sa buwan. Napunta ako sa fountain na may tatlong anghel na nakapalibot at sa gitna ang hawak nilang tapayan.
Lumapit ako roon at naaninag ang isang bata na nakaupo at tila may hinihintay.
Nang makilala ko kung sino iyon ay agad akong napaatras dahilan para mabangga ng likod at ulo ko ang isang lamp post.
" Aray! " medyo napalakas yata ang pagdaing ko kaya napalingon yung batang suplado sakin.
Tumayo ito at tinitigan ulit ako ng malamig niyang mga mata.
" What are you doing here?"he coldly asked.
Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatitig lang sa mga mata niyang tila nilulunod ako sa kailaliman nito.
Those the same cold-eyes that drowns me everytime it meets mine. Those the same question he asked...still makes me shiver even after eight years.
Umihip ang hangin dahilan para tumabing ang buhok ko saking mukha. Dumikit ang ilang hibla sa basa kong pisnge. Madilim ang langit na tila nagbabadya na uulan.
Umirap si Master Colder bago lumapit sakin at dahan-dahang inalis ang nakatabing na buhok sa mukha ko. Kinuha niya mula sa kanang bulsa ang isang itim na panyo. At dahan-dahang pinunasan ang basa kong pisngi.
Nanatili akong tuod habang ginagawa niya iyon.
"Ayoko ng maingay kaya umalis ako sa klase. Kung ano-anong na naman ang inisip mo, wag ka na ngang umiyak. Ang OA mo talaga kahit kailan." paliwanag niya at inirapan na naman ako.
"O-Oo na. Sorry naman. Sobra lang kasi akong nag-alala. Kala ko tatalon kana e."  sabi ko sabay singhot.
Tinitigan niya ako ng matagal hanggang sa bumaba ang tingin niya sa hawak ko.
Initsa niya sakin ang panyo. "Oh! punasan mo sipon mo. Kadiri ka."
Nagulat ako ng hinablot niya ang kanina ko pang hawak na yakult. "It's mine now. Pinagod moko sa pagsasalita tsaka sa pagpunas sayo."
Sinaksak niya ang straw sa yakult at agad na ininom. " Sayang, di na gaanong malamig." reklamo niya.
Hinayaan ko nalang siya at tumalikod sabay singa ng sipon sa panyo niya.
"Sakuraaaa! You're so gross! " diring-diri niyang sigaw.
Hindi rin lang pala siya masungit, sobrang arte rin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (97)

  • avatar
    Charies

    Andami kong iyak dito nilagnat pa ako pero ang ganda ng story worth it yung iyak ko

    04/08/2022

      0
  • avatar
    IndasanHarija

    hzjaj

    3d

      0
  • avatar
    Coney Jean Bulet Mante

    its very beautiful story I've ever read

    22d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด