logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Halos mahulog ko ang phone ng marinig ko ang nakakabinging sigaw ni Ricafer. Napahawak ako sa batok ko, nakalimutan ko na may kausap pala ako dahil sa biglaang pagdating ng roommate ko sa kwarto.
"Uhm? Mag-papaliwanag ako?" Hindi ko siguradong sabi.
"O ba't di mo pa simulan ngayon." Parang nanay niyang sabi bago paluin ang walang kamuwang-muwang niyang anak.
Bumuntong hininga ako at umupo sa kama. "Sasabihin ko naman talaga sa iyo 'no," sabi ko ng maalala ko ang madaling araw na tinawagan ko siya.
Ki-nwento ko sakanya ang pagtira ko rito sa mansion at ang pagkakaroon ko ng roommate. Pero hindi yung 'early morning scene' namin ng dalawang lalaking iyon para ko na ring pinahiya ang sarili ko sa buong mundo kapag sinabi ko iyon kay Ricafer. Let alone think what happened that night.
Basta ako ayoko ng balikan iyon.
So I told Ricafer ang kinahantungan ko maliban sa mga sinabi ng roommate ko at gusto kong matawa dahil ang sabi niya ay alalang-alala raw siya sa akin simula nung gabi na hindi siya pumayag na mag-sleep over ako sakanila.
"Hah! If I know pina-plastic mo lang ako," sabi ko gamit ang mapanuksong tono.
"Yah right, mana kasi ako sayo," sagot naman niya na puno ng sarkastiko.
"Ang panget mo!" sabay naming sabi at sabay rin kaming tumawa pagkatapos.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng marinig na bumukas ulit iyon at lumabas ang roommate ko na iniwan ang alaga niyang pusa sa bintana.
"O ano? May sasabihin ka pa ba, kailangan ko ng ibaba ito, may nararamdaman akong masama.”Malakas na sabi ko na alam kong narinig ng lalaking lumabas.
"Oh wait! Hindi ko pa nasasabi sa iyo ang dapat na malaman mo. This time, ipagpipilitan ko na talaga ito Gary, it's been what? Five years? Gary naman." Biglang natahimik sa kabilang linya.
Napayuko nalang ako at nanahimik din. I know what Ricafer was trying to pertain.
"I'm fine," sagot ko pagkatapos ng mahabang katahimikan. Bumuntong hininga ako, alam ko na darating ang araw na ito na sasabog ang bula ng pagpapantasya ko sa masayang buhay at ipapaalala sa akin ang sakit ng reyalidad.
"Yeah sure Gary, fool yourself. Kailan ka ba matututo? You have your second chance now and second chances are not for every people. You should treasure it," she said and I pictured her teaching her future students the best lessons in life.
"You-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan at nagpakita ulit ang roommate ko na may dala-dalang isang karton ng gatas.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ang phone ko ay malapit sa tenga ko at habang siya ay naglalakad papunta sa windowsill ko. Akala ko kung anong gagawin niya 'run pero bigla siyang umupo sa gilid at nilagay ang pet bowl sa harap ni Minuet.
"What are you doing?" Hindi ko mapigilang tanong sakanya.
The cat aggressively licked the bowl full of milk whilst my roommate was petting him.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin na walang kahit anumang reaksyon ang mababakas. "Why asked the obvious?"
Isinarado niya ang karton ng gatas ng makitang puno na ang bowl ni Minuet. "Obviously, I am here to give my cat milk to drink. Nakita ko kasi kanina, isang baliw ang pinakain siya ng mamon."
Inayos niya ang upo at humarap sa akin na parang nangungutya na muntik ko ng matapon sa pagmumukha niya ang phone na hawak ko, buti nakapagpigil ako.
Napaikot nalang ako ng mata at tinuon ulit sa phone ang atensyon ko.
Paano pa ako makakapag-usap nito kung nandyan siya?
"I need to do something right now, sorry. Sa susunod nalang. Bye love you!" Agad kong pinatay ang tawag pagkatapos 'nun at tinignan siya ng masama.
"Sinong kausap mo?"
"Why do you care?"
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at ako naman ay napadako ang tingin kay Minuet na tahimik na umiinom ng gatas.
"Jowa ko," pagtatapos ko.
-
"Can you scoot over?" Iritang tanong sa akin ni Ricafer na may hawak na caramel popcorn, potato chips, donuts, wonton at may subong corndog.
Tinignan ko ang katabi kong upuan at tumingin ulit sakanya. It's vacant.
"Don't wanna.”Parang bata na nagmamaldita na sabi ko at kumuha ng milk tea kay Makki na nasa likod lang niya.
"Iiihhh! Gary naman e!" Lukot-lukot ang mukha at parang sasabog na dahil sa dami ng hawak na sabi niya. Natuwa ang mga mata ko ng Makita ko siyang bwisit na kaya habang umiinom bago umusog patagilid para maka-upo silang dalawa.
"O ito sayo! Pasalamat ka mahal kita.” Pag-iirap niya. Binigay niya ang popcorn at donuts sa akin na magiliw ko namang tinanggap.
Nasa cinema kami ngayon. Saturday kasi at nag-aya si Ricafer na panoorin daw namin ang isang nakakatakot na palabas. Pinilit lang nila ako rito, malakas ang imagination ko sa mga nakakatakot na bagay kaya kung maaari, ayoko sanang manood. Pero punyeta! Lakas makapilit ni Ricafer kapag talaga siya hindi na kayang mag-isa, hinding-hindi ko talaga siya pakikisamahan.
Pinanood namin ang trailer nito sa Youtube at aatakihin talaga ako sa puso dahil sa bidang babae na sugod lang ng sugod sa madidilim na pasilyo. Tumaas nga ang blood pressure ko dahil doon e, paano pa kaya kung papanoorin na namin ang full movie ngayon.
Hindi mapigilang pagsigaw ang maririnig sa buong sinehan at yung katabi ko, ayun, todo kapit kay Makki. Buti nalang at hindi nabwi-bwisit si Makki sakanya at nakikisigaw nalang rin. Habang ako? Kinuha ko ang shades ko sa aking bag at pumikit, para hindi ko mapanood ang pinapalabas. Malapit na akong makatulog, kung hindi lang ako tinapik ni Makki sa balikat matapos ang palabas.
"Oh? Ba't di mo tinapos? Galing kaya ni Shay Mitchell," puna ko kay Ricafer ng makalabas na ako ng sinehan kasama ni Makki. Actually, nakita ko lang siya sa credits pagkatapos ng movie. Hindi naman din ako nanuod.
"Bakit ba? Naiihi na nga ako e! " Sabi niya habang inaayos ang pantalon.
Nauna kasi siyang lumabas sa amin at hindi na pinanuod ang climax part. "Naiihi pero umabot ng thirty minutes? Di kaya tumae kalang? "
Tumingin siya sa akin na parang nabigla, pagkatapos ay hinawakan ang tiyan at hinila si Makki na nasa likod ko papalapit sakanya.
"Ay oo nga! Sumakit tiyan ko sa wonton. Tara na nga!" Nauna silang maglakad at ako naman ay nakasunod lang sa likod nila.
"Kain tayo, Makki," sabi ni Ricafer malapit sa tenga niya.
Nakita ko pang tumango si Makki at may sinabi pa kay Ricafer bago pukawin ng mata ko ang isang pigura na nasa bookstore.
It's him.
Anong ginagawa niya sa bookstore? Tinignan ko sina Ricafer at Makki at nakitang palayo na sila sa akin. Siguradong hindi nila mapapansin na nawawala ako. Naglakad ako papasok sa bookstore at nilapitan ang lalaking nagtitingin ng mga horror books. Ba't ba gustong-gusto ng mga tao ang horror?
"Rage?"
Humarap sa akin ang lalaki na may bahid ng pagtataka at nagtagpo ang aming mga mata.
He have cute chinese-like eyes.
"Rage!" sabi ko ulit sa pangalan niya.
"And you are?" tanong niya.
Oh right.
"I'm Gary," pagpapakilala ko and offer him a handshake.
Nakita kong napatingin sa amin ang ilang mga customers at salesladies sa loob ng bookstore.
"And why are you talking to me?" tanong niya ulit at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa nakalahad kong kamay.
I laughed and lightly swatted his side before dropping my hand.. "Rage naman, don't tell me you forgot already?"
Mapanghusga at nakakatusok ang mga nakukuha kong tingin galling sa mga tao na pa-simpleng pinapanood kami. It's like being the only mermaid in a pool of jellyfish.Tinignan ko ulit si Rage na nagmamaka-awang alalahanin mo akong tingin. Hindi niya ba naalala ang una naming pagkikita? E yung pagtingin niya sa akin habang dumaraan siya? Baka totoo ang sabi ni Ricafer na siya nga angtinitignan niya noon at hindi ako.
Rage examined my face carefully like he was remembering where he last saw a pretty gorgeous face like me. Nagsimula ng mamawis ang palad ko indikasyon na kinakabahan na ako dahil sa mga titig ng mga tao sa akin na bumibigat sa paglipas ng segundo.
Bakit pa kasi ako lumapit sakanya? 'Yan tuloy, mapapaaga ang kamatayan ko. Para akong naging isang desperadang kontra-bida sa isang pelikula na gusto ang isang lalaki at gagawin ang kahit ano para lang mapansin niya kahit na mapahiya siya sa harap ng maraming tao at sa pagkakataong ito, siguro ay iyon nga ang nasa isip ng mga babaeng nakapaligid sa amin, na isa akong asyumera at feelingerang nilalang para i-approach ang University Prince Charming nila at magkunwari na magkakilala kami.
Pero magkakilala naman talaga kami e! hindi ko lang alam kung bakit hindi maalala ni Rage iyon ngayon. Halos ma-iyak na ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko na malapit na akong kuryentihin ng mga jellyfish na nakapalibot sa amin dahil sa tagal sumagot ni Rage.
Kung saan-saan napadpad ang isip ko dahil sa tagal ni Rage na mag-salita naalala ko tuloy ang lahat ng dinanas ko hanggang sa mapunta rito. Akala ko magiging masaya na ang lahat matapos akong magkasakit limang taon na ang nakalipas, umalis ako sa puder ng tatay ko at pumunta rito na umaasang makakapag-simula muli, pero panandalian lang pala ang kasiyahan na natamo ko noon.
That damn roommate of mine, nakaka-intimidate kasi ang titig niya kapag ang dami niyang tanong sa akin at kahit isang araw na ang lumipas na hindi kami nagpapansinan dalawa kahit sa iisang bahay lang kami nakatira, kasalanan niya pa rin lahat 'yun dahil sa sobrang pagtataray niya sa akin.
Tumingin ako kay Rage ng marinig ko siyang tumikhim bakit ba napunta sa roommate ko ang iniisip ko? Going back to Rage, my eyes lit up ng magpakita ang mukha niya ng senyales na kilala niya nga ako.
"Ak –" pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilisan niyang kinuha ang phone niya sa back pocket ng pants niya at inilapit ito sa tainga niya bago magsimulang lumakad paalis.
"Hello?" Panimula niya at nagsenyas sa akin na may tumatawag sakanya bago tuluyang lumabas nang bookstore.
Bagsak ang balikat kong binalik ang libro na gusto ko sanang bilhin at tinignan ng may nanlilisik na mga mata ang nakapalibot sa akin.
Okay na? Nakita niyo na?! Hindi ako gustong kausapin ni Rage!
Ilang mga customers ang naabutan ko pang nakatingin sa akin na may awa ang mata bago ipinagpatuloy ang pagpili nila ng mga libro.
Nag-martsa ako palabas at nilampasan ang lady cashier na nakatingin pa rin sa akin.
Edi ako na ang iniwan!
Bwisit, kakahiya ang araw na ito.
Kinuha ko nalang ang phone ko sa bag at nag-message kay Ricafer, tinatanong kung nasaan na sila. Habang naghihintay ng reply nila, bumili muna ako ng ice cream na chocolate caramel ang flavor at nakiupo sa food court ng mall.
Knowing Ricafer baka next month pa niya mabasa ang text ko gaya ng pagbati sakanya ng mga friends niya sa facebook ng happy birthday sa timeline niya at by next year palang siya nag-papasalamat. Ibang klase talaga siya.
Habang nags-scroll ako sa facebook, napagdiskitahan kong halungkatin ang timeline ko at napatigil sa isang post noong Marso, limang taon na ang nakalilpas.Nabitawan ko ang ice cream sa lamesa at nagmadaling lumabas ng mall at sumakay ng taxi pauwi sa bahay.
No, that was five years ago, right? Nothing's wrong with me.
Nothing's wrong with me. Nothing's wrong.
Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa utak ko hanggang makauwi sa bahay. Nothing’s wrong with me.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    Wilson Delacruz

    I want high money for mobile legends

    09/05/2025

      0
  • avatar
    GajeRichard

    Nice story

    08/08/2024

      0
  • avatar
    Prince Osia Batario

    nice story

    18/07/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด