Chapter 4 - Seven a.m ang pasok ko ngayon sa university at dahil morning person ako at night owl, walang hassle ang pagising ko ng maaga kahit tatlong oras lang ang tulog ko. I just needed to put my nerdy glasses on to refrain my eyes from itching. “Good Morning Gary!” Nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Ricafer at masiglang binati ako. “Ang saya mo ata ngayon,” puna ko at nahawa sa ngiti niya ngayong umaga. Nalukot ang mukha niya at nag-iwas ng tingin sa akin pagkatapos ay parang may binulong bago tumingin ulit sa akin na may pilit na ngiti. “How’s life?” Awtomatiko akong napayuko sa tinanong niyang iyon at napabuntong hininga. “O bakit? Kinagat ka ng lamok sa park?”Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ako sa pisngi para harapin siya. Tinignan ko siya ng masama at binatukan. “Gaga, kaibigan ba talaga kita? Bakit parang mas gusto mo pa ata na sa park ako matulog?!” “Aish. Gary talaga,” sabi niya at yumakap sa braso ko habang pinagpapatuloy namin ang lakad papunta sa kanya-kanyang classroom. “You know what I am and you know I will never wish for that,” sabi niya gamit ang nanlalambing na tono. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi ko mapigilan na sumang-ayon dahil kung wala si Ricafer sa buhay ko malamang matagal na akong wasak. She’s my friend. My sister. My companion. “Tama na nga ‘yan, change topic na. Ano ba ang nangyari sa iyo kagabi? Na-rape ka ba? Na-holdap? Nasagasaan ng truck?” …And of course, having a sister, a friend and companion at the same time means having a gossiper that have tons of questions more than a gossiper could do. Magk-kwento na sana ako ng may biglang malakas na boses kaming narinig sa harapan. “Move out of the way! Prince Rage is coming!” sigaw ng isang babaeng mahaba ang buhok at nakapameywang pa na abot hanggang kabilang building ang lakas ng boses. Napatigil kami sa paglalakad ni Ricafer at tinapik ko ng mahina ang balikat ng katabi ko, hindi pa rin inaalis ang tingin sa babaeng nakatalikod sa amin at sinusuway ang bawat estudyanteng nakaharang sa daan sa hallway na parang traffic enforcer. “Who’s she?” “She’s Vanellope or Van Flores, self-proclaimed number one fan siya ni Rage, di mo siya kilala?” pagtataka ni Ricafer na nanlalaki pa ang mata na nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at naghalukipkip. “Tatanong ko ba kung kilala ko kung sino siya?” “Edi fine! Hindi mo na siya kilala,” pasigaw niyang sagot at gaya ko ay naghalukipkip din. I rolled my eyes heavenward and instead averted my focused to the girl named Van who was still shoo8ng people away like they’re some sort of a dog. Lahat ng mga tao sa corridor ay pinatabi niya. Naalala ko tuloy ang isang security guard na nagtatabi ng mga tao sa isang concert. Pwede siya dun. Sakto naman sa pagkatapos niya ay ang paglakad ng isang matangkad na lalaki at ang malakas na pagtili ng mga babae sa tabi. “Kyah! Si Rage Frias!” Iba’t-ibang klase ng tili ng mga babae ang maririnig nang masilayan si Rage Frias. Grabe ah, para silang mga highschooler. To think na nasa range lang sila ng eighteen to twenty. Kanya-kanya rin silang labas ng mobile phone at pati itong kasama ko nakilabas din at tumitingkayad pa para lang masilayan si Rage. Sino ba siya? Isa ba siyang celebrity? Hindi ko mapigilan na kumunot ang noo at tignan ang mga babaeng patakbong pumupunta sa hallway namin sabay labas ng phone. Malapit kami sa hagdanan papuntang second floor at sa sitwasyon ngayon na dinudumog ng maraming tao ang hallway, hindi ko siya makikita kaya pumanhik ako sa hagdan ng tatlong baitang para lang makita siya. Masasabi kong gwapo pala ang tinitilian nila. Matangkad, light lang ang kulay ng balat, at may nakakasilaw na ngiti sa mga labi, para siyang artista sa hollywood na endorser ng toothpaste. “Rage Frias on the way to his class yo!” Sabi ni Ricafer na todo pose pa sa phone niya at sa palagay ko ay naka-live siya ngayon sa website ng school. Papunta sa hagdanan si Rage kung nasaan ako kaya naman dumami ang pumupunta sa hagdan, bababa na sana ako ng biglang gumawi ang tingin ko ulit sakanya at nakitang nakatingin din siya sa akin. His hands were on his jeans pocket and his white collared shirt added more swag in the air. Naitulak ako ng isang tao pababa ng hagdan at doon naputol ang tinginan namin dahil nagpatuloy siya sa paglakad buti nalang agad akong nasalo ni Ricafer na tinulungan akong tumayo ng maayos. “Uy, ako ba ang tinitignan ni Rage kanina?” Puno ng pagtataka na sabi niya. Nagpatuloy kami ng lakad at sasagot na sana ako ng may sinabi pa siya. “Kasi diba ako yung kasama mo nung isang araw nung nabangga ka niya? Naalala niya siguro ‘yun kaya naisip niyang maging girlfriend niya ‘ko.” Lumaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon at napatigil ulit ng lakad. Girlfriend? “Gusto mo rin siya?” Hindi makapaniwalang tanong ko. She nodded immediately. “Of course! Sino ba ang hindi magkakagusto sa university prince natin? He’s definitely a charmer.” Pinasadahan niya ako ng tingin at tinaasan ng kilay. “Bakit ikaw di mo ba siya gusto?” Gusto? Ako? Napaawang ang labi ko at lumunok bago sumagot. “Oo, sa itsura, pero baka bulok naman ang personality kaya h'wag nalang,” “Hmmm… Sayang naman ang pagbi-asdfghjkl.” Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil may dumaan na maiingay na estudyante sa tabi namin. “Anong sabi mo?” She just shrugged her shoulders and continued walking, tagging me along. When we reached the classroom door of her first class, pabagsak kong binigay sakanya ang mga libro niya nasa bag ko. “O ayan, tigil na muna ang pagpapantasya mo kay Rage ha? Mag-aral ka muna.” Agad ko siyang tinalikuran at lalakad na sana papunta sa accountancy building ng may maalala ako bigla. “Bye Gary! Ingat ka. Sabay tayong mag-lunch mamaya!” Narinig kong sigaw ni Ricafer pero hindi ko na siya pinansin dahil late na siya ng ten minutes sa klase niya at ang lakas pa niya kung makasigaw, siguradong mapapagalitan nanaman siya ng professor niya. Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko, I still have time to spare before mine starts. I stopped by the powder room and gave myself a quick elevator look. I’m wearing a brown sweatshirt, denim pants, and white sneakers for my shoes. University here don’t have a uniform, basta magmukha kalang tao sa harapan ng iba. Okay na para sa kanila. And always have your ID hanging on your neck when you’re on campus. Yun ang basehan na estudyante ka nga rito. I put my black hair into a ponytail since I don’t have much time a while ago, spray some make-up on my face and put some lip balm and change my glasses into contacts. My paranoia takes over me. Habang nilalagay ang contacts sa mga mata ko naalala ko nanaman ang nangyari sa akin kagabi at kaninang umaga. Ang pangit ng ugali ng roommate ko, kung makatitig sa akin, dinaig pa ang grado ko sa mata. I guess we’re just both nearsighted though, hindi ko naman ipakaka-ila na natuwa ako dahil nagkaroon ako ng bahay na matutuluyan at nagising ako ng buo ang katawan ngayong umaga. Ang kailangan ko nalang ngayon ay makapag-hanap ng trabaho para mabayaran ang renta nila. Malungkot na hinarap ako ni lola nang mag-kwento ako sakanya kaninang umaga, kami lang dalawa ni lola sa dining area dahil maaga raw umalis ang roommate ko. Gusto ko sanang tanungin kung saan siya pumupunta pero kapag naiisip ko iyon sumisiksik sa isip ko ang pangit niyang itsura na walang ginawa kundi tarayan ako. I’ll just go with the flow today. Papasok ako sa mga klase ko at hihintayin ang tanghalian para makipagkita ulit kay Ricafer. I changed my major to Financial Management last minute because of some faulty wirings on my life. Kaya hindi na masyadong haggard ang mukha ko sa paga-analyze pero mukhang hindi iyon magtatagal dahil nararamdaman ko na ang paparating na stress sa buhay ko. - Nang matapos ang mga pang-umaga kong klase at tumunog ang bell na pang tanghalian, agad na tumayo sa upuan ang mga kaklase ko habang ang iba ay nag-stay sa kanilang upuan at nagbabasa pa rin. Inilagay ko muna sa bag ang mga gamit ko at tumayo. Si Ricafer na ang bahalang umorder sa kakainin namin. Masyadong mahaba ang pila sa cafeteria and I still have to place some books in my locker. After shutting my locker and affirming that it was locked naglakad na ako papunta sa cafeteria, with my bag on backsnap, napatigil ako ng may isang bulto ng katawan ang humarang sa daraanan ko. “We need to talk,” malaki pero mahina ang boses na sabi niya, nasalubong ko ang magaganda niyang mga mata pero galit na nakatingin sa akin. Suminyal siya sa mga babaeng papunta sa restroom na para bang sinasabi niya na hindi siya pwedeng mag-taray sa akin dahil maraming tao sa paligid, hindi ko na nagawang magsalita pabalik ng hawakan niya ako sa braso at dinala sa isang maliit at masikip na lugar. Binuksan niya ang ilaw at nakita ko ang mga mop na nakasandal sa pader, mga malalaking drum at iba pang gamit. “Ano ba ang kailangan mo sa akin?” I said after my brain registered that I just got dragged in a janitor’s closet. Naiinis ko siyang tinignan at humalukipkip. He looked back on me and I held my breath because of the close distance between us. I don’t want to do the same mistakes again. Napasandal nalang ako sa pader ng janitor’s closet at mas lalong hinigpitan ang paghalukipkip. “Listen, isa lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo,” he started and I have a bad feeling for this. Mas lumalapit pa kasi siya sa akin bawat segundo at feeling ko malapit ng dumating ang oras kung saan mapupugutan ako ng hininga dahil sa sikip ng kwartong kinalalagyan naming at sa sobrang paglapit niya sa akin. “Ano?” I gulped trying my best to hold my breath, ganito ba siya makipag-usap? Linalapit ang mukha sa mga taong kinakausap? “Forget everything, forget everything that happened last night. Forget about my cat, forget the scene on my bed,” he said his hot breath fanning my face. Mas nahirapan akong huminga dahil sa nangyari, hinawakan ko ang dibdib niya para makalayo sa kanya. “Yun lang?” I said as I released my breath and successfully distanced myself from him before I continued, “sige gagawin ko, pwede na ba akong umalis?” Namumuo na ang pawis sa noo ko, ipinaypay ko ang kamay ko sa sarili at mabibigat ang hiningang tumingin sakanya, malamang ay mukha na akong zombie sa harapan niya ngayon. “No.” Hinawakan niya ang kamay ko na pumapaypay sa akin at inilapit muli ang sarili niya. Good Lord, why do you love torturing me? I tried to catch his frisky eyes before he blinked and realised what he just said. Isinandal pa niya ang isang kamay niya sa pader na nasa likod ko at kailangan kong humakbang patalikod para hindi lang tumama totally ang katawan niya sa akin. “I mean, y-yes,” he stutter and must’ve realized what he have done again, sino ba nyan ang sexual harasser? Binitawan niya ako at humakbang palayo sa akin bago ipagpatuloy ang sasabihin, “h’wag mong ipagkalat dito na sa iisang bahay lang tayo nakatira.” Napataas ang kilay ko sa sunod niyang sinabi. “Wala akong balak na ipagsabi ‘yon.” I squinted my eyes, ano ba siya sa tingin niya? Si Rage Frias? Nanggigigil sa galit na dinuro ko siya. “Who you? I mean literally, hindi nga kita kilala. So there’s no point of talking to me, ‘cause seriously, you’re just my roommate and I can’t see any strings attached to that.”
I want high money for mobile legends
09/05/2025
0Nice story
08/08/2024
0nice story
18/07/2024
0ดูทั้งหมด