logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

CHAPTER 3 -
"Shut up! Shut up!" he said in a shrill tone like he just claimed that I ruined his sleep and was now seeking revenge on me.
"You woman! Why did you enter my room?!" galit na sigaw ulit ng binata sa akin. Gustuhin ko man na italukbong ulit sa akin ang kumot at maglaho ay hindi ko na magawa. At first, hindi ako makapaniwala sa nakita ko at nakatulala lang habang pinapasadahan siya ng tingin.
This guy definitely knows the definition of a god; messy black hair, jaw dropping muscles, light brown skin, red pinkish lips, and gentle eyes. He's like Jacob from twilight and Shawn Mendes all at once.
"I-Im sorry, nagkamali ako ng kwartong pinasukan." Nanginginig ang mga labi ko na umayos ng upo sa kama niya.
Pinasadahan niya ako ng tingin at tinignan gamit pa rin ang nanlilisik na mga mata. "Sino ka ba?"
I shuddered when I felt his cold voice. "Ano..." I looked down as if I could found the answer written on my lap. Ano ba ang dapat kong sabihin? Sasabihin ko ba ang totoo? Na natakot ako dahil may multo sa ibaba kaya ako nandito?
Tumingin ulit ako sa magaganda niyang mata. Hindi pwede ang naisip ko baka mas lalo pa siyang magalit sa akin at sabihin na baliw ako.
"P-pinatuloy ako ni Lola rito," sabi ko nab akas pa rin ang takot sa boses, para akong bata na nakita ng magulang na may kalikutang ginagawa.
"And?" taas kilay niyang sabi na parang hindi sapat ang sinabi kong iyon sakanya.
Doon na ako tumingin sa mata niya at napataas din ako ng kilay. "Anong and?"
"And you decided to barged in my room and harassed me," he said like it was just so simple like a geometry formula.
Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin, inalis ko ang kumot at inilagay iyon sa tabi ko. "Anong harassed? Sira-ulo ka ba?"
My reaction was like this: Seriously, I spitted fire in front of him. Kulang nalang daganan ko na siya, tumaas ang kilay ko at muntikan ko na siyang mapalo. But my hand stopped mid-air before I could do the deed.
Kinuha niya ang kamay ko sa ere at nag-ngisi. "Why? Afraid of touching my body."
Napakurap ako dahil sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tinignan ang mukha niya. Linapit niya ang kamay ko sa katawan niya at ako naman si marupok di makapagsalita at hindi rin makagalaw. Hindi ata ako makakakain ng ilang araw.
When my palm touched his broad chest I felt like the whole world halted and the butterflies in my tummy do a somersault. Idagdag pa na humiga siya sa kama niya kaya parang nakadagan ako sakanya. Suddenly, the only thing I smell was his manly scent. It was a dangerous torture. How can he be so heartless? Torturing a fragile girl with his heveanly features?
Gary, are you still breathing?
My ragged breathing was the only sound in the room. The boy that below me was looking at me intently as if memorizing every features on my face.
Pero ang alam ko kailangan kong labanan ang tukso na ito. This was just another temptation in my life. I should fight it with all my might before I regret it. I lowered my gaze to his chiselled jaw that can give me a paper cut when I touch it. Napangisi ako at tinignan ang mata niya. Those deep black eyes, para akong malulunod sa tingin niya.
Naglaban kami ng tingin until I saw his pair of eyes mobalize and his thyroid cartilage moved. Mas lalo pang lumaki ang ngisi ko. I snake my free hand around his neck, feeling the warmth of his skin. Tinulak ko siya papalapit sa akin hanggang sa isang dangkal nalang ang layo ng mga ulo namin sa Isa't-isa. I can feel his body pressed totally on mine and his hot breath that makes me grin. I locked his gaze on mine and said in a seductive tone, "You seemed to be frightened. Why? Scared of me?"
Sa pag-aakala kong lalayo siya ay mas pinalalim ko pa ang titigan namin. And I catch his smirk, his devious handsome face lit up.
"Turning the tables eh? Tignan natin kung hanggang saan ang makakaya mo."
Linapit niya pa ang sarili niya sa akin. As if that wasn't enough. Hanggang sa magkadikit na ang noo namin, ang mga ilong namin ay dahan-dahang nagkadikit din. Hindi niya pinuputol ang tingin niya sa akin habang ginagawa niya iyon. His arm is now around my neck and his other is tracing the side of my body. I can sense that his enjoying it. He's enjoying the torture.
No! Lahat ng plano ko ay nag-back to zero dahil sa ginawa niya.
The door bursted open showing an old lady's shock face. "Harujusko po!" she exclaimed throwing both her hands on her grey hair.
Both him and I looked at each other with wide eyes and as if we knew what Lola meant we both got startled and jump away from each other as if we were electrified with each other. I was slumoed near the edge of the bed while he threw himself on the soft headboard.
"Mga kabataan nga naman ngayon, kakakilala pa lang gagawa na ng milagro."
"Sorry La," I heard him say and lowered his head.
Napatingin ako sakanya at napatulala, that soft voice that have a tinge of warmth and care. Bakit hindi ganoon ang tono na ginamit niya sa akin kanina?!
"Ayos lang," sagot naman ni Lola at inalis na ang pagkakahwak sa buhok niya.
Lumipat ang tingin ko sa binate na ngayon ay sinusuot na ngayon ang itim niyang damit. Agad kong nalipat ang tingin ko kay lola ng maramdaman ko ang pag-ngisi niya sa akin. Alam ko kung paano ka-pangit ang nasa isip niya ngayon.
Lola sighed. "O sige, ipapakilala ko pa rin kayo sa isa't-isa kahit na mukhang hindi na kailangan."
Hiyang-hiya akong tumingin kay lola at napa-ayos na lang ng buhok. I don't know what to say in this kind of situation. Huling-huli kami sa akto na para bang may ginagawang kabalastugan ng lalaking kasama ko.
Nakakahiya!
Loud rock music filled the air, the guy searched for his drawer and swipe his phone to answer the call. Nanonood lang kaming dalawa ni lola sa mga kilos niya. He stood and took his varsity jacket from his nightstand.
"Yeah... Coming...."
Tumingin siya kay lola at ako naman ay tinignan niya ng masama. "Aalis muna ko saglit."
Lumapit si lola sa paanan ng kama at naghalukipkip. "At saan ka nanaman pupuntang bata ka? Hating gabi na! Di mo ba nakikita?!"
He wore his jacket and replied in an endearing full of respect tone, "kanina pa naman akong hapon tulog. Alis na ko." He walked through the door and shut it without saying anything.
"Ang batang 'yon talaga," Lola murmured and shook her head in dismay.
Lumipat ang tingin niya sa akin. "Hindi ka pa ba matutulog?" She ended it with a yawn.
I blinked a few times, oo nga pala. Nawala ang tulog ko dahil sa lalaking iyon. "I'll tuck you in bed, Lola." I offered and stood up to help her.
Matapos ko siyang ihatid sa kwarto niya agad akong tumakbo papuntang kusina para uminom ng tubig. Lola's little snores were so cute, but I don't have much time to watch her sleep.
Umakyat ako papunta sa kwarto ko at napatingin sa bintana the full moon was glowing so bright, it's so peaceful. Umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko sa may nightstand. Gusto kong tawagan si Ricafer pero gising pa kaya ang babaeng 'yon? It's already three in the morning.
I dialed her number and waited for her to answer.
"Anong kailangan mo?" she said while still yawning. Hindi naman siya tunog galit but I guessed I woke her up.
"Ricafer, it's me. Gary," I excitedly replied.
"Oh, Gary honey, bakit ka napatawag?" she said in a sleepy voice.
After she said that I concluded that she's on the middle of a dream and she's half-asleep while answering me.
Pero kahit pa ganoon, hindi pa rin maalis ang tuwa ko dahil sa mga nangyari. "May iku-kwento ako sayo."
Her second yawn lasted for so long. “Hindi ba makakapaghintay yan hanggang mamaya? Gusto ko pang matulog!" She snores before she ended the call.
Tch. I ended the call and rolled my eyes. Nawala ang ngiti ko dahil sakanya, bahala siya kung ayaw mong malaman ang nangyari. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Nagbilang ako nang nagbilang ng mga tupa na humahakbang sa bakuran gaya ng sabi nila pero hindi pa ako nakaka-pito binuksan ko na ang mga mata ko.
Umupo ako ulit at binuksan ang ilaw sa lampshade.
Kung hindi makatulog. Wag ng pilitin.
Pumunta ako sa bintana at tinignan ang tanawin. Nasa second floor ako ng malaking bahay na ito, kaya nakikita ko ng mabuti ang malaking sanga ng pine tree na nasa tabi, idagdag pa na maliwanag ang buwan dahil sa kabilugan ng buwan at ang lapit nito sa mundo, the vigorous grass was trimmed neatly and the little white rose on the side of the house lined up so beautifuly at sa kabilang side naman ay isang willow tree na punong-puno ng white christmas lights.
Naisip ko kung gaano kaganda ang magliw-aliw sa bakuran nila. It was like a living enchantment. Sana lang pag-tungtong ko sa garden may prince na susulpot.
The clock turns ten to four at hindi pa rin ako makatulog. So I decided to go down the garden and have some of the morning mist. Nagtimpla na rin ako ng kape at sinuot muli ang cardigan ko. It’s so good to sipped coffee while watching the moon disappear. Inhaling the fresh scent of the dawn was like the best thing on earth not until the willow tree from my right was shaken by a strong force.
What the fudge? Hanggang dito ba naman may ghost thoughts pa rin akong naiisip? Dahan-dahan akong lumapit sa gumagalaw na puno, medyo madilim pa ang kapaligiran at ang white christmas lights ay hindi nakatulong dahil mas lalong humirap tignan kung ano man ang gumagalaw sa puno.
"Sino 'yan?"
Napatalon ako sa kinatatayuan ko at napahawak sa dibdib ng may tumalon galing sa puno na itim na pusa. Walanghiya naman kinabahan ako 'run. Babalik na sana ako sa loob dahil ayoko na sa garden ng may isang tinig akong narinig.
"Minuet."
Mas binilisan ko pa ang lakad ko papunta sa pinto ng bahay at hindi na inabala ang sarili kung saan nangagaling ang tunog na 'yon. Malapit na ako, konti nalang at maaabot ko na ang seradura ng pinto ng may biglang isang malamig na kamay ang humawak sa balikat ko, napatalon ako sa gulat at tinignan kung sino ang may-ari ng kamay ng nanlalaki ang mata.
"A-anong ginagawa mo?" I stutter as I move my arm away from his grip.
I gave him a thorough look. It’s the guy that I quarreled with. His expression changed into somewhat serious after he studied my face. “Why are you still awake?"
Napatayo ako ng maayos at binuksan ang pinto. "Can't sleep."
"Tapos uminom ka pa ng kape?" He mocked as we walked passed the door.
Napansin niya pala ang mug ko. Sinagot ko siya na may pagmamalaki. "Bakit ba? Coffee makes me sleep."
Tumigil siya ng makarating sa hagdan kaya napatigil na rin ako at humarap sakanya. He was ready to reply pero napatigil iyon ng may dumaang pusa sa pagitan namin. I gave the cat a suspicious look. "He's Minuet, right? I mean, I heard someone calling for him and-"
My words were strangled when he rashly picked the cat and cradled him in his arms as he batted his eyes on me. Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at pinagdikit ang aming noo and with his narrowed eyes he said in a warning tone. "Yeah and don't ever touch him."
Tinaasan ko siya ng kilay, dinaig ko pa ang may sight disorder sa sobrang lapit niya. Ako ang unang lumayo at humakbang paatras.
"Saan ka ba galing?" Sa halip ay naging tanong ko sakanya na nakapameywang. Obviously, I'm using that to change the topic but what I did not expect was him to react like someone tickled his tummy.
"What's funny?" Hindi ko mapigilang tanong.
After he wheezes, he pinched the bridge of his nose and cleared his throat before he focused his eyes on me. "Wala naman, it's just that... It was just..." He trailed.
"So funny?" Nakahalukipkip na pagpapatuloy ko.
I narrowed my eyes on him, let alone notice the purring cat in his arms.
"Matutulog na'ko." Sabi ko at nagsimulang tahakin ang hagda ng nakahalukipkip pero nung nasa kalagitnaan na ako, tinawag niya ulit ang pansin ko.
"Wait, you actually waited for me to arrive even if it's an ungodly hour?" He curiously asked.
Hinarap ko siya at tinarayan. "Who do you think you are? It's just that this is my first time here, malay ko ba kung papalayasin niyo ulit ako o kaya gagawan ng masama bago ako makatulog?"
"Don't worry, hindi ko naman gawain 'yon, if my grandmother brought you here then so be it, pakialam ko sa'yo," sabi niya at nilampasan ako at naunang pumasok sa kwarto bitbit ang alaga niyang pusa.
Napaawang nalang ako ng bibig. Ang sakit niyang magsalita.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    Wilson Delacruz

    I want high money for mobile legends

    09/05/2025

      0
  • avatar
    GajeRichard

    Nice story

    08/08/2024

      0
  • avatar
    Prince Osia Batario

    nice story

    18/07/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด