logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 7

__________
CHAPTER 7
Hexa's Pov
SUMAPIT ang araw na kailangan na naming umalis. Naipaliwanag na din sakin lahat ni Menz. Kung bakit kami nandito sa mundo nila Manang. At kung bakit kailangan naming umalis, sinabi na rin nya sakin.
"Paalam manang..we will miss you po" sabi ko with teary eyed.
Napamahal na silang mag asawa samin kaya ang hirap umalis.
"Ano un, iha? Isa ba un sa mga lenggwahe niyo?" Inosenteng tanong ni Manang.
Napangiwi ako. My fault. Sa mundo nila, wala nga palang nakakaintindi ng english language. Isang language lang ang meron sila ang tagalog. Too bad, hindi pa naman ako sanay na walang english sa pagsasalita ko.
You know. Im a half Japanese, half American .Wala sa dugo namin ang pagiging Pilipino and its because lang naman sa reason na we will stay here-- i mean sa mundo namin kaya i need to learn how to tagalog to communicate sa filipino citizens.
Biglang lumapit si Ylean samin saka hinila ako papalayo kay manang. " Pagpasensyahan niyo po ang pagiging ganto ng kasama ko. Alam nyo na po nakulangan po ata sa tulog kaya nagkaganyan.." sabi ni Ylean na ikinataas ng kilay ko.
Sasabat na sana ako ng pigilan ako ni Venna." Wag ka ng sumagot pa, Hexa.."
Napabusangot na lang ako saka natahimik. Nagpaalam na nga sila kila manang.
"Alis na po kami,Manang. Manong" paalam ni Venna.
"Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin. Alam ko pong malaking kaabalahan sa inyo ang pagtuloy sa amin. Maraming salamat po sa lahat.." Menzie
"Magiingat kayo sa inyong paglalakbay. Sanay patnubayan kayo ng mahal na Panginoon.."
"Kayo din po.Salamat po.."sagot naman ni Ylean
Pagkatapos ng paalamanan, tuluyan na kaming umalis.
Sabi ni Menzie samin, its a long walk. Masyado daw malayo ang bahay nila Manang sa bayan. Nasa may toktok ito ng bundok at kailangan naming bumaba ng bundok at tawirin ang dalawang bayan , ang falls saka namin makikita ang Magus Academiea.
"Nakakamiss naman sina Manang.." reklamo ko
"Di magpaiwan ka" Bara sa akin ni Ylean. Napabusangot na lang ako.
"Menzie oh! " pagsumbong ko pero nagulat lang ito na para bang may nakakagulat sa pagtawag ko. Hindi naman un masyadong malakas.
"Hey, why so silent, Menzie? " tanong ko ng makalapit dito.
Nagtataka ako nitong tiningnan pero agad ding bumalik sa pagiging seryuso nito. Napabusangot na lang ako, hmp. Nakakatampo naman tong si Menzie. She's always nagugulat kapag tinatawag ko sya. Wala namang nakakagulat dun.
Pinitik naman ni Ylean ang nguso ko. "Nguso mo, mukha ka ng pato!" Asar ni Ylean
"Che!"
MAHIGIT dalawang oras na kaming naglalakad. Napapabusangot na lang ako habang tahimik na naglalakad.
Wala ba silang balak na magpahinga man lang. Im so tired na. Piling ko magco-colapsed na ako in a minute.
Magrereklamo na sana ako ng maunahan ako ni Ylean.
" So ano walang balak magpahinga, ganon?! Kailangan ba talagang lakarin natin to pababa ng bundok?!" Reklamo ni Ylean
Napatigil naman ung dalawa na nasa harapan namin saka tumingin samin.
"Malamang lalakarin natin! Try mong gumapang. Baka mapabilis ka! Tsk" sarcastic na sagot ni Venna
"Bat hindi ikaw ang hindi gumawa,tutal ikaw ang nakaisip!" Sagot naman ni Ylean kay Venna
"At bat ako ang gagawa?! Ako ba nagrereklamo ha?" Sagot naman ni Venna
"Ewan. Malay ko sayo.. baka nga ikaw" bara ni Ylean
Lumapit ako kay Menzie na tahimik lang na nakaupo habang inilalabas inumin nya at uminom.
Parang nagulat ito sa paglapit ko then in a second, agad itong seryusong tumingin sakin. Magugulatin na ba si Menzie?
"Hey, Menz.. yang dalawa, wala ka bang balak na awatin sila?" Takang tanong ko
Nag aaway na kasi ito baka magkapisikalan na ang mga ito. Umiling iling si Menzie na parang wala lang, " dont worry. Hindi naman magpapatayan ang dalawang yan neither magsakitan..ganyan na talaga ang mga yan. Hindi ka na nasanay"
Kumunot ang noo ko sa tinuran ni Menzie. Nasanay? E sa tana ng buhay ko wala akong na aalala na nag babangayan ang dalawang yan. They are not even fighting like that.
Nalate ba akong ipinanganak para hindi ko malaman na nag babangayan na pala ang dating close na close na magbestfriend na yan.
"Anong ibig mo sabihing masanay? E ngayon ko lang nalaman na nagbabangayan na pala ang dalawang yan" taka kong tanong kay Menzie
Nagulat ito sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko,may kagulat gulat ba sa sinabi ko? Wala naman ah.
Nailing na lang ako saka uminom ng tubig na dala ko. Nababaliw na talaga ako. Kung ano anong nalalaman ko at iniisip ko.
"May sakit ka ba,Menzie? Lately, magugulatin ka. Baka masama na yan.." sabi ko saka tumayo at nilapitan ung dalawa na sa wakas natigil na ng bangayan ng dalawa. Nagsimula na din kaming maglakad ulit.
Madilim na ng marating namin ang baba ng bundok. Wala pa kami sa pinaka baba pero kita na namin ang mga liwanag na ng gagaling sa kabahayaan sa baba ng bundok.
Nagdesisyon kaming dito muna magpalipas ng gabi tutal malapit na kami sa bayan. And baka mapahamak kami at saka pagod na rin naman kami. Kailangan naming magpahinga.
"Okay.. lets build our Tent para makapagpahinga tayo then bukas na lang tayo magpatuloy." Plain na sabi ni Menzie.
She's weird. Parang may iba sa kanya? Ako lang ba ang nakakapansin o hindi lang talaga nila mahalata..
Nagsitanguan naman kami saka nag kanya kanyang buo ng tent. Medyo na hirapan lang kaming buoin ung amin kaya tinulungan pa kami ni menzie. Kung naiitanong nyo pala kung saan galing ung mga tent namin. Galing un sa bahay ni manang. Iniwan daw kasi ung nung mga Sylurian Royalties at galing to sa mortal world. So basically mortal pa rin ang kailangan nila more than anything.
Menzie's Pov
KANINA PA sila nagpapahinga but ako hindi madalaw dalaw ng antok. Umatake na naman siguro ang insomnia ko, hindi naman ako makatake ng sleeping pills dahil may side effect un and ofcourse, wala naman nun dito.
Kumawala ang malalim na buntong hininga ko. Ewan ko ba? Parang hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in na nagkaroon ng amnesia si Hexa. At kasama sa memoryang nakalimutan nya ay ang nangyari 4 years ago. Ung accident..
Ang naalala lang nya ay before bago mangyari ang aksidente. Ung part na okay pa lahat at wala pang nangyayaring masama.
I never expect na mangyayari to at bakit ngayon pa? Ngayon pang nasasanay na akong hindi sya kinakausap yan tuloy kanina, tahimik ako at hindi sya kinikibuan.
Naisip ko tuloy ,Is this a coinsidence or given by destiny para maitama ko ang pagkakamali ko. Na masuklian ko ang mga mali na nagawa ko sa kanya.
Alam ko dapat maging masaya ako but in deep inside may part sakin na hindi ko magawa. Kahit anong pilit kong tanggapin na may amnesia sya at maaaring wala syang maalala at ito ang maging daan para magkaayos kami, hindi ko pa rin matanggap.
Dahil anytime, babalik at babalik sa dati ang lahat. Ung pagiging cold and heartless treatment na ibinibigay nya towards sakin at sa ibang tao na nasa paligid ko.
"Lalim ng iniisip natin ah, mind to share?" Napalingon ako sa nagsalita..
Hindi talaga ako sanay na kinakausap nya ako..
"Hey, Menzie.. tititigan mo nalang ba ako?" Biro nito, napaiwas ako ng tingin..
"Sorry.."
"Bakit parang feeling ko may ibang rason yang sorry mo? Hahaha nababaliw na naman ako" tama sya. May ibang rason ang paghingi ko ng sorry at un ung nangyari 4 years ago.
"Hey, your so serious. May problema ba?" Meron.. yan ang gusto kong sabihin but i cant. Not now.
" hindi pwedeng malaman nya na meron syang amnesia..maybe pagbalik natin sa mundo natin.. but not now "
Tiningnan ko lang si Hexa. Tama si Venna, hindi nya muna dapat malaman. Makakasama un sa kanya and worst baka lumala pa ito.
"Why so silent, menz? This past few days, Pansin kong ilap ka sakin ni hindi mo ako kinakausap. Hindi ka din nagsasalita, tahimik ka masyado. May problema ba? Parang hindi ikaw yan, asan na ung menzie-ng kilala ko, ung kahit masungit nagsasalita parin. Tapatin mo nga ako, may problema ba kayo ni kuya? Kahit kapatid nya ako sasapakin ko un.." Hanggang ngayon akala nya buhay pa ang kuya nya..
" hey, Menz.. salita naman jan Pftt." biro nito
Menz.. sya ang unang tumatawag sakin nun, its nice to hear it again.
Tumikhim ako. "Walang problema. Siguro naninibago lang ako kasi alam muna wala tayo sa mundo natin, parang nakakatanga lang kasi parang hindi kapani-paniwala" palusot ko.
" hahaha dont worry makakabalik din tayo. Miss mo na si kuya no?" Tudyo nya.
Yeah, i miss him so much..
Ngumiti lang ako saka tumingin sa kalangitan. Baka sa pag iwas ko ng tingin hindi nya mahalata ang tunay na nararamdaman ko...
Ung guilt na nararamdaman ko...
HINDI PA nagigising si haring araw. Nagsimula agad kaming maglakbay. Malapit na kami sa unang bayan, maybe makakakain na din naman kami.
Hindi namin pwedeng gawing umagahan ang pagkaing dala namin dahil mahabang paglalakbay ang gagawin namin kaya kailangang magtipid kami.
Binigyan kami ni mang kanor ng ginto at pilak na maaari naming gamitin para pambili ng pagkain.
"Menzie, ang aga aga pa! Bat naglalakad na aga tayo!" Reklamo ni Ylean. What do you expect to her, tsk.
Hindi ko inintindi ang pagrereklamo nito at naglakad na ulit.
Isang oras kaming naglakad ng bumungad samin ang pinakaibaba ng bundok.
At last.. bulong ko sa sarili ko. Bawal ang pagsasalita ng english dito dahil baka magtaka sila. Tanging royalties lang makakapagsalita nun dito, un ang alam nila.
' Nayon ng Symian ' . Basa ko sa aking isipan. Sa wakas narating din namin ang unang village ng Syluria Kingdom.
Kung saan naninirahan ang mga mahihirap o kung tawagin sa mundo natin ay probinsya. Nandito ang mga hindi nabigyan ng pagkakataong makapag aral sa Magus Academiea dahil sa kahirapan sa buhay.
Sa skills naman, hindi sila magpapatalo dahil ang mga tao dito ay magagaling sa paghahabi ng mga tela. They dont have power hindi katulad nila manang na merong kapangyarihan.
"Nayon ng Symian.." basa ni Hexa saka tumingin sakin ng nagtataka
"Nayon? Anong ibig sabihin nun, Menz?" Tanong nito
"Village ang meaning nun. Sa tagalog ay Nayon" explain ko tumango tango naman ito saka sumunod sa paglalakad ko.
Ilang minuto lang kaming naglakad ng tuluyan kaming nakapasok ng Symian Village.
Naglipanan ang tinginan nila samin habang naglalakad kami. Naramdaman ko naman ang higpit ng hawak sakin ni Hexa.
"Bakit ganyan sila makatingin satin?" Takang tanong ni Hexa
Sasagot na sana ko ng sumabat si Venna, " dahil siguro sa kagandahan ko..hindi sila makapaniwala sa ganda ko"
"Gaga! Baka nadidiri kamo sa mukha mo!" Bira naman ni Ylean kay Venna
Napailing na lang ako saka hindi inintindi ang mga tinginan nila.
Tumigil kami sa isang karinderya nila dito. Kakaiba ito dahil may malaking higaan dun habang may nakapatong na maliit na mesa sa gitna nun. Ung parang sa napapanood ko sa kdrama.
Totoo palang ganon ang kainan nila at nageexist sa mundong ito un. Umupo kami at hinintay na dumating ang kukuha ng order namin.
Mga ilang minuto lang, may lumabas na babaeng hula ko ay nasa mid 40's. May dala itong tray at nakalagay dun ang apat na tasang may lamang lugaw ata un.
lumapit ito sa gawi namin na ikinataka namin ng ipatong nito ang apat na tasang may laman at umalis.
"Anong-- hindi pa nga tayo omoorder"takang sabi ni Venna
Tumingin ako sa bagong dating na dalawang matandang lalaki. Umupo ito sa katabi naming lamesa. Lumabas naman ang isang babae ung nagbigay samin.
May dala itong dalawang tasang lugaw saka ibinigay dun sa dalawa. Wala namang tanong tanong na kinain nung dalawang lalaki ang ibinigay ng babae.
Now, i got it. Hindi uso dito ang salitang order. Dahil isa lang isiniserve nila dito at un ay ang lugaw.
Walang ibang tao dito maliban sa kanilang apat at dun sa dalawang matandang lalaki. Bakit kaya?
Tumingin ako sa kasama ko. Nakatingin lang ito sa lamesa namin. Agad akong napailing at isa isang nilapit sa kanila. Nagtataka naman silang tumingin sakin.
"Kumain na kayo. Sa atin to" tumango tango naman ung dalawa at nagsimulang kumain.
Nagtataka namang bumaling ang tingin ko kay Hexa na tinitingnan lang ang lugaw sa harapan nito.
"Bakit? May problema ba, Hexa?" Tanong ko.
Napatigil naman sa pagsubo sina Venna at tumingin din kay Hexa. May pagtataka sa mata nito
"Ano to? Nakakain ba to?" Takang tanong nito sabay taas ng kutsara na gawa sa kahoy.
Natawa naman sila Ylean at ako naman ay napailing. "Nakakain yan, Hexa. Lugaw ang tawag dyan Pfft."
Bumusangot ito." Wag ka ngang tumawa! E ngayon lang ako kakain nito" reklamo nito na ikinaling namin. Kumain na ito
Hindi nga pala sya Pilipino. At wala syang kaalam alam sa ibang pagkaing Pilipino. Nailing na lang ako.
Kumain na rin ako. Pangalawang subo ko na ng matigilan ako. I dont know how to cook but i think may mali sa lasa ng lugaw nila.
Hindi ko alam kung hindi ba nila napansin un. Bumaling ako sa marunong magluto samin,habang kumakain nakakunot ang noo nito.
"Hey.." pag kuha ko sa atensyon ni Venna. " wala ka bang na papansin sa lasa ng lugaw nila?" Tanong ko
Natigil naman sa pagkain ang dalawa saka tumingin kay Venna.
"Meron. Medyo--ay hindi. Wala talagang lasa ung lugaw nila. Sa tingin ko, naglagay lang sila ng tubig at kanin at pinakuluan. Wala syang sangkap para sa lugaw" explain ni Venna
Pagdating sa pagkain alam na talaga nito ang lahat. " Napansin ko din na walang pumupunta dito? May kinalaman kaya dun ang luto nila dito?" Takang tanong ni Ylean
Napansin din pala nya. Hindi na namin na ubos ang lugaw. Ilang minuto kaming nag antay ng lumabas ang babaeng may ari siguro kainan na to.
Seryuso itong lumapit sa isang customer nya. Nagbayad ang mga ito ngunit parang galit ang mga ito ng umalis.
Nang kami na ang magbabayad. Iaabot ko na sana ang apat na brown na pilak -- may iba't ibang kulay ang pilak nila dito. Ikinataka naman nun but wala din naman kaming nagawa. Nasa kulay nito ang preso ng pilak.
Brown - 100 sa atin ;Green - 500 naman ; dilaw - 1000 ; gold - 1m
Ganon ang preso nila dito. Kaya kung satin, 100 ang isang order ng lugaw sa kanila. Iaabot ko na sana ng magsalita si Venna na ikagulat namin.
"Ginang.. ipagpaumanhin nyo ang sasabihin ko ngunit ang luto nyo ay hindi masarap. Kulang sa sangkap, ni walang lasa..kaya siguro walang taong dumadayo dito" Venna
Kumunot ang noo ng ginang na ikinagulat namin. I remain my expression as calm but deep down, kinakabahan ako.
Nakakatakot ito dahil sa subrang laki ginang. Ni kayang kaya kami nitong pitikin kung gugustuhin nito.
Ilang minutong natahimik ang buong paligid namin. Walang nagbabalak na mag ingay sa amin. Pinakatitigan namin ang babae, kalaunan lumamya ang expression nito na ikinataka namin.
Nagkwento ito tungkol sa pagkalugi ng negosyo nito. At dahil nga un sa luto daw nito. Wala na daw gustong pumunta sa tindahan nito dahil sa lasa ng lugaw nya. Syempre hindi namin sinabing lugaw ang pangalan nun.
Wala silang tawag dun,o wala lang talaga silang maipangalan.
"Naiintindihan namin.. marahil kailangan nyong mag asawa ang diskarte sa pagluto. Isusulat ko ang dapat nyon--" hindi na tapos ang sasabihin ni Venna ng sumabat ang ginang.
"H-hindi kami marunong..magbasa" Ginang
Ganon ba sila pinagkaitang makapag aral? Kawawa naman sila kung ganon. Sana may magawa kami pa dun bat hindi naman kami magtatagal dito. Aalis din kami dito sa mundo nila.
Natagalan kami ng isang oras dahil tinuro pa ni Venna ang dapat gawin. Actual nyang tinuro un. Mabuti at hindi naman mahirap makaintindi ang mga ito. Atleast, kahit pinagkaitang makapagbasa ay hindi sila agad naluluko. Mas okay na un.
itutuloy....
Lillysin

หนังสือแสดงความคิดเห็น (12)

  • avatar
    Justine Rosell Deguzman

    So good story and verry nice

    29/05

      1
  • avatar
    AlisacagimenaFrance

    hinkjj

    14/05

      0
  • avatar
    ElsaShar

    love it

    27/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด