logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 1

Alexis' POV
"Hey, Alex!" tawag niya sa pangalan ko, kaya sinamaan ko siya ng tingin nang lumingon ako sa kanya. Halos magkatabi na nga kami sisigaw pa, ang malala pa nasa loob kami ng classroom.
Ako si Louisa Alexis Hernandez, pero tawagin niyo nalang akong Alex.
"Ano?" inis pero kalmadong tanong ko sakanya, isang malalim na buntong-hininga lang ang binigay niya sa akin.
"Hinihintay ka na ng papa mo sa labas" sagot niya, kaya kusang huminga ako ng malalim bago ako tumayo at lumapit sa kanya.
"Dinalhan kita ng gu~~" Pinutol ko ang kanyang mga salita nang may paggalang.
"Dad, sinabi ko na sayo. Ilang beses ko bang sasabihing uuwi nalang ako? Mas mabuti pang pumasok na kayo sa trabaho niya kesa pag-aksayahan ako ng oras niyo." sabi ko. Lagi siyang ganto, lagi akong dinadalhan ng baon bago siya pumasok at hindi ko naman yon kailangan.
"Salamat dito, tito" Brent.
Bwesit ko siyang inirapan matapos akong dambahin. Si Brent ang best friend ko sa lahat ng lalaki dito sa campus. Kaclose niya si dad mula nong naging magbarkada kami ni Brent hanggang sa maging magbestfriend kami. Para sakin, magkaiba ang barkada sa bestfriend. Ang barkada laging nasa tabi- tabi, pero ang bestfriend ang tanging masasandalan at makakapagpasaya sayo araw-araw.
"Mas mabuting umalis na kayo dad, mag-iingat ka" paalam ko sa kanya bago ko siya tinalikuran. Pumunta ako sa teacher's table at nagrelax.
"Alex, hindi ka na naman ba kumakain ng breakfast?" sa pagpikit ng aking mga mata ay yan agad ang salubong niya. Hindi ko lang siya pinansin at itinaas ang paa sa table at pinagkrus ang braso.
Bigla akong nakaramdam ng hindi komportable nang maamoy ko at maramdaman ang mala mentos niyang hininga sa mukha ko. Umayos ako ng upo at tiningnan siya ng masama.
"Bw*sit ka" bwesit kong sabi sa pagmumukha niya at dinamba rin siya gaya ng ginawa niya sakin kanina.
"Kumain na muna tayo" yaya niya sakin pero hindi ko siya pinansin.
"Basketball tayo mga pre, wala namang ginagawa" yaya ko sa mga kaklase kong lalaki na agad namang nagsitayuan. Naramdaman ko nalang na may humawak ng mahigpit sa bandang pulsuhan ko.
"Walang lalabas at mas lalong walang maglalaro" sabi niya sa kalmadong boses. Hinarap ko siya gamit ang masamang tingin at ngumiti.
"Subukan mo ako" ngumisi ako pero binigyan niya lang ako ngiting nagbibigay babala. Nagsiupuan naman ang mga barkada naming nasa likod.
"Hey, anong ginagawa mo?" mataray na tanong ng matandang dalagang English subject teacher namin.
"Nandito ka na. Anyway, magandang umaga" magalang ko namang bati sa kanya.
"Tumigil ka Alex" pagbabanta ni Brent sakin.
"Ikaw ang dapat tumigil...bw*sit ka" sabi ko sa kanya at inagaw ang pulsuhan ko na hawak niya.
Lumapit ako sa barkada ko at kinuha ang bola na pinapaikot niya sa kamay niya. Dinaanan ko lang sila at bago pa man ako makalabas ay nagsalita na naman si once-in-a-blue-moon naming teacher.
"Saan ka pupunta?" tanong niya at binalingon ko naman siya ng tingin.
"Saan ba dapat sa tingin mo?" sarkastimong tanong ko pabalik sa kanya bago tuluyang lumabas.
Naglakad ako pababa sa hagdan. Kunti lang ang nasa labas pero bawat classroom na nadadaanan ko ay puno ng kalandian.
"Alex, mag-isa mo lang?" tanong ni Gerald sakin na isa sa mga barkada ko. Ang daming tanga ang nakakasalamuha ngayon. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Brent's POV
"Mr. President, may meeting kami ngayon. Pwede na kayong lumababas pagkatapos ng ilang mga minuto" Mrs.Arcela. Tumango lang ako sa kanya.Pagkalabas ni ma'am ay sumunod naman ako dala ang pagkaing bigay ni tito para ke Alex.
Nga pala, ako si Brent Zyrus Kyle Fortalizia, ang bestfriend ni Alex. Una kaming nagkakilala nung nagtransfer siya dito sa Falley Midst University. Isa si Alex sa mga babaeng kayang makipagkaibigan sa bawat lalaki dito. MABAIT siya at mabait na babae na gusto ng lahat, pero ang problema ay isa siyang... sabihin na nating brat at boyish type.
Pagkarating ko sa court, dinatnan ko siya kasama na naman ang ibang higher and lower grades. Naglakad ako palapit sa kanila habang nakakrus ang aking parehong braso. Nakikita ko sa mga mata niya kung gano siya kasaya tuwing naglalaro siya ng basketball.
"Alex" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy parin sa paglalaro. You know what? Siya ang PINAKA MAGALANG dito sa campus at kung saan-saan pa.
"Bw*sit" inis na sigaw niya nang mawalan siya ng balanse.
Sa salitang yan ay gusto ka niyang pahintuin,MAGALANG at ANGELIC vocabulary kasi ang meron sa kanya kaya wag ka nang magtataka kung isang araw ay patigilin ka gamit ang salitang yan.
Maangas itong tumayo at hindi man lang ako binalingan ng tingin at nagpatuloy uli sa paglalaro.
"Pwede na kayong umuwi" sabi ko sa mga kalaro niya at agad naman silang nagsitigilan maliban ke Alex
"Una na kami pre" paalam ni Gerald sabay tapik sa balikat ni Alex na salubong ang kilay sa gilid ng court.
Nang makaalis na sila ay kaming dalawa nalang ang naiwan. Sinundan ko siya at naupo sa bleachers.
"Tara, kumain muna tayo" sabi ko sa kanya at binuksan ang dalang paper bag karga ang pagkain.
"Ubusin mo na yan, mauuna na ako" paalam niya at inayos ang sintas ng sapatos. Hindi ko na itinuloy pang ilabas ang pagkain at tiningnan siya ng diretso.
"Hanggang kailan ka magiging ganyan sa daddy mo?" tanong ko sa kanya, tiningnan naman niya ako.
"Hanggang kailan ba dapat? Mauuna na ako" paalam niya at iniwan ako. Bumuntong hininga muna ako at mabilis siyang sinundan.
"Ihahatid na kita" hayag ko habang tinutungo ang daan kasabay siya.
"Wag na, patext nalang ako" aniya habang nakalahad ang kamay habang naglalakad. Kinuha ko nalang ang phone sa bulsa ko at ibinigay sa kanya. Marami naring nagsisilabasan sa kani-kanilang classroom.
"Salamat, sige na mauna ka na" pagpapaalis niya sakin na may senyales pa ng kanyang kamay.
"Hintayin muna natin ang sundo mo bago ako umalis" sabi ko sa kanya, sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Kuya Brent!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang nakababata kong kapatid na tumatakbo palapit sakin~~habang umiiyak. Mabilis ko siyang nilapitan at lumuhod sa harap niya.
"Bakit?Anong nangyare, Patricia?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Siya si Patricia Mae, ang nakababata kong kapatid na nasa edad walo.
"Gusto ko nang umuwi, kuya" umiiyak na aniya.
"Hey, excuse me" pagtatapik ni Alex sa balikat ko at gaya ko ay lumuhod rin siya sa harap ng kapatid ko.
"Tahan na, sino bang gumawa niyan sayo?" malamyang tanong niya habang hawak ang braso ng kapatid ko. Agad na itinago ni Patricia ang braso niya nang tumingin ako sa kanya.
"Kuya, uwi na tayo please" natatakot na pagmamakaawa niya habang tinitingnan ang likuran namin. Lumingon ako sa likod ko at nakita si Alexander at ang kapatid niya na kaklase ng kapatid ko.
"Bat mo pa kasi pinaiyak, alam mo namang mahina yan" nakangising sabi ni Alexander habang nakatingin samin. Napatayo kaming pareho ni Alex kasabay non ang paghawak sakin ng kapatid ko.
"Kuya please uwi na tayo" humihikbing aniya.
"Hey,bata!" malamya pero naghahamong aniya ni Alex at unti-unting lumapit sa magkapatid. Lalapit pa sana ako sa kanya pero pinatigil niya ako sa isang kumpas lang.
"Alam mo ba? Ayokong nakakakita ng batang umiiyak sa harap ko" malamyang aniya at tinapunan ng tingin ang kapatid ko.
"Bago ka magsalita, bibigyan muna kita ng matinding palakpak sa mukha mo" aniya at biglang sinapak si Alexander na naging dahilan ng pagtumba niya sa semento. Kasabay ng pagtumba niya ay agad siyang tinalikuran ni Alex at tinapunan lang kami ng tingin bago niya kami iniwan.
Itutuloy...........

หนังสือแสดงความคิดเห็น (128)

  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda kahit introduction pa lang ang ganda na😍

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Nhielzen Mhyck Cabunas

    siiwkw

    20/07

      0
  • avatar
    Stefanie Isidro Maximo

    great

    24/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด