logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Diretsong pumasok sa loob ng bahay si Mariz. May maliit na terasa bago ang pintuan ng bahay, doon sila madalas tumambay noon ng mga kaklase nila at nagja-jamming ng gitara. Nakaka-miss din noon, ang bilis ng panahon dahil ngayon ay graduate na siya sa kolehiyo at magtuturo na sa susunod na pasukan sa elementarya kung saan sila dati nag-aral ni Ben.
Muli siyang huminga ng malalim bago bumulong sa sarili. 'BenRiz for the win. Kaya ko 'to...'
"Bentot!" sigaw niya habang nasa sala pa lang. Akmang aakyat na siya sa hagsan nang marinig ang pagtawag ng binata mula sa kusina. Nang nalamang naroon ang binata ay mas lumawak na ang pagkakangiti niya. Madalas siyang labas masok sa bahay ng mga ito kaya sanay na sanay na siya.
"Marizot! Bakit ngayon ka lang! Kanina pa ako dumating, ah! Inaasahan kong isa ka sa sasalubong sa akin!" ganting sigaw nito bago bumungad sa kusina. May hawak pa itong sangkalan.
"Sorry na, gusto ko kasi na wala kang ibang bisita kapag pumunta ako dito! Namiss kitang damuho ka!" maluha-luhang sambit niya.
Mabilis na nakalapit ang binata at mahigpit siyang niyakap. Ginantihan niya rin ang pagyakap nito, gusto niya sanang namnamin pa ang tagpong iyon ngunit mabilis na itong kumalas. Hawak siya nito sa magkabilang balikat habang tinitignan ang kabuuan niya. Hindi rin niya maiwasang humanga sa kaibigan. Mas naging guwapo ito dahil pumusyaw ang kutis nito. Naaalangan na siyang tumabi dahil mas maputi na ito sa kanya ngayon. Mas lumapad at lumaki rin ang katawan nito. Matigas iyon na marahil ay alaga sa ehersisyo.
"Hanep na-miss din kita! Dalaga ka na pala! Kailan ka pa natutong magbestida?" tatawa-tawang sambit nito.
"Gago! Matagal na akong dalaga!" sikmat niya rito. Ganoon sila maglambingan na dalawa. Inakbayan naman siya ng lalaki at inipit ang leeg niya sa kili-kili nito. Marahas naman niyang siniko at sinamaan ng tingin. Akala yata nito ay lalaki siya at hindi babae.
Noon kasi ay talagang mga panlalaking damit ang sinusuot niya dahil doon siya kumportable. Pero tuwing nakikita niya ang post ng kaibigan sa facebook na may kasamang magagandang babae ay sinanay na rin niya ang sariling magbihis babae.
"Sino ang maswerteng lalaki na nakapagpabago sa 'yo?" tanong nito bago pumunta sa kusina. Mukhang nagluluto kaya sinundan niya ito.
"Nagbestida lang may lalaki na agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang?" Umupo siya at pinanood ang pagluluto nito.
"Kilala kita, tandang-tanda ko pa ang sinabi mo noon--" tumigil ito sa paghihiwa ng gulay at ginaya ang boses niya. "Ayaw kong magbestida! Para akong walang damit!" pinalambot nito ang tinig kaya natawa siya.
"Anong milagrong nangyari at nagbestida ka?" muli ay tanong nito.
"Kasi 'yong gusto kong lalaki eh mahilig sa nakabestida!" pagpaparinig niya rito. Natigilan naman ito bago tumingin sa kanya habang ikinukumpas pa ang kutsilyo. Balahura pa rin pala katulad niya ang kababata. Mabuti na lang at medyo malayo siya rito.
"Ah, tsikboy 'yan. Huwag kang magtitiwala sa ganyan," sambit pa nito bago muling itinuon ang pansin sa ginagawa.
"Bakit? Hindi ka ba katiwa-tiwala?" tanong niya rito, ramdam niya ang pagsikdo ng dibdib dahil pagkakataon na iyon upang umamin siya.
Humarap naman sa kanya ang binata at ginaya muli ang boses niya. "Bakit? Ako ba 'yong lalaking tinutukoy mo?"
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito. Ito na talaga ang pagkakataong pinakahihintay niya upang maipagtapat ang kanyang damdamin para sa lalaki. Tinitigan niya si Ben sa mga mata bago sumagot. "Kung sasabihin kong oo, maniniwala ka ba?"
Tila natigilan naman ang binata. Ilang saglit itong nakatitig sa kanya bago napangiti at tila nagpipigil ng tawa. "It's a prank ba 'yan? Hindi mo ako maloloko!" sambit nito bago bumunghalit ng tawa. Nainis naman ang dalaga kaya hindi niya napigilan ang sariling ibulalas ang nadarama.
"Seryoso ako, Ben! Matagal na kitang mahal higit pa sa kaibigan! Kaya pinilit kong baguhin ang sarili ko para makapasok sa standards mo!" lakas loob siyang tumingin sa mga mata nito. Bakas ang pagkagulat mula roon. Saglit itong nalito ngunit ng makabawi sa pagkabigla ay lumapit sa kanya ang lalaki.
"Mariz, mahalaga ka sa akin. Para na kitang kapatid." Yumuko ang binata, marahil ay ayaw makitang masaktan siya. "Mahal kita at sana walang magbago sa pagkakaibigan natin."
Pinigilan niya ang pagtulo ng luha. Tumango-tango siya bago tumalikod. "Walang magbabago. Magkaibigan pa rin tayo," wika niya sa basag na boses. Bago pa man tuluyang humagulgol ay patakbo na siyang lumayo roon. Hindi niya akalaing ganoon pala kasakit kapag nalaman niya ang katotohanang hanggang kaibigan lang ang turing ng lalaki sa kanya.
Palabas na siya ng pinto nang makasalubong niya si Hanah. Kapwa sila natigilan at bakas ang pagtataka sa mukha nito dahil nakita siyang umiiyak. Agad niyang pinunasan ang mga luha bago walang imik na lumabas ng pinto. Nagtataka rin siya kung bakit naroon si Hanah. Hindi niya matandaan na naging magkaibigan ang dalawa.
Dahil sa kuryusidad ay hindi siya tuluyang umalis. Nasa labas lamang siya at medyo kumubli sa mga halaman. Malapit siya sa bintana upang masilip ang kaganapan sa loob.
"Benedict!" sigaw nito pero sapat lang ang lakas. Pino kung kumilos ang babae, nakatayo lang ito habang hinihintay ang binata.
"Hanah! Nandiyan ka na pala. Pasensya na, nagluluto pa ako. Gagabihin kasi sila Mama sa munisipyo," sambit ni Ben bago lumapit sa babae. Nanlaki ang mga mata niya ng tumingkayad si Hanah at hinalikan sa labi ang binata. Kumuyom ang mga palad niya habang mariing nakatitig sa dalawa. Umaasa siyang itutulak ni Ben ang babae pero hindi nito ginawa. Isa lang ang pumasok sa isip niya, magnobyo ang dalawa. Kaya pala sabay ang pagdating ng mga ito. Sa Manila rin kasi nag-aral si Hanah. Hindi naikwento ni Ben sa kanya na nobya nito si Hanah.
Kaagad siyang naglakad paalis habang mas lalong nanikip ang kanyang dibdib. Kaya siguro hindi naikwento ni Ben dahil alam nitong kinaiinisan niya ang babae. Matapobre ang pamilya nito, nagpapautang ang ama nito ng malaki ang interes. Nagkautang sila rito at hindi nakapagbayad kaya naman nakuha nila ang isang ektaryang lupa nila at kakarampot ang natira. Maraming naiinis sa pamilya ng mga ito at ang hinala pa ay aswang ang pamilya ng babae.
"Sa dami naman ng babae, bakit naman 'yong bruhang 'yon pa!" gigil niyang sambit habang mabibilis ang hakbang upang makauwi agad sa bahay nila. Nais niyang magkulong at umiyak ng umiyak.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1041)

  • avatar
    John John

    tapos

    12h

      0
  • avatar
    LaurenceLeya

    nice story

    16h

      0
  • avatar
    Genelvie Sabado

    verry impresive

    1d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด