logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 3

Sa mismong birthday ko binisita ni Parc si Manang Apple at talagang na-surprise ako. Ipinakilala siya sa akin at nagpakilala rin ako sa kaniya. Pero siyempre hindi ko siya kilala kaya nahihiya akong magsalita.
He seemed so fine. It was like meeting a celebrity. I couldn't deny the fact that he's handsome. No, erase that... He's almost perfect.
"Ma, kumusta ka sa bahay na ito?" rinig kong tanong niya kay Manang Apple. Naririnig ko ang usapan nila mula sa kuwarto ko.
Bumisita pala siya ulit.
"Pang-ilang tanong mo na ba iyan ha, Parc?" Tama, tinanong niya rin iyon kahapon habang naghahapunan kaming tatlo. I was just quiet that time. Nagsasalita lang ako kapag may tinatanong si Manang Apple.
"Alam mo maiging kausapin mo si Ida para mapanatag ka. Mabait ang batang iyon."
"Huwag na po, 'ma. Baka maka-istorbo pa ako."
"Naku, hindi ah. Sa pagkakaalam ko hindi siya pupunta sa office niya ngayon dahil linggo. Puwede mo siyang kausapin. Pero sa ngayon mag-meryenda ka muna nitong inihanda kong banana cake with cream cheese."
"Mukhang masarap 'yan, 'ma."
"Hindi lang mukhang masarap... Masarap talaga. Oh, ito kainin mo."
"Thank you, 'ma."
"Welcome, anak. Maiwan muna kita ha. Gigisingin ko muna si Ida dahil alas-nuwebe na pala. Ang batang iyon tinanghali na ng gising."
Yeah, I woke up late. May karapatan akong tanghaliin sa paggising dahil wala akong trabaho kapag linggo. Pero hanggang alas-nuwebe lang dapat since nagsisimba ako tuwing alas-nuwebe y media. At kailangan ko na rin talagang lumabas ngayon para kumain.
Bago pa man maka-katok sa pinto ng kuwarto ko si Manang Apple ay lumabas na rin ako. "Magandang umaga ho, manang."
"Oh, ang ganda ng ngiti mo ngayon ah. Kanina ka pa ba gising? Gigisingin palang sana kita. Nakahanda na sa kusina ang almusal mo."
"Naging mahimbing ho kasi ang tulog ko, manang. Oho, kanina pa ho ako gising. Salamat ho sa inihanda mo," sabi ko bago muling ngumiti.
"Siya nga pala, nasa sala si Parc."
"Tara ho muna sa sala." I knew that Parc was there kaya inaya ko na si manang na puntahan siya. It would be rude kapag hindi ko man lang siya kinausap at pumunta na agad ako sa kitchen para kumain. Baka isipin pa niya na ma-attitude ako.
Naunang naglakad si manang kaya sumunod nalang ako.
"Hi," bati ko kay Parc. Agad naman siyang ngumiti. Napansin ko ring ubos na ang banana cake sa platito niya.
"Hello," bati niya rin. I just smiled at him bago bumaling kay Manang Apple. "Manang, kakain na ho ako saglit sa kusina. Ikaw ho ba, kumain na?"
"Tapos na akong kumain, Ida."
"Sige ho."
Muli akong humarap kay Parc. "Baka gusto mong mag-breakfast?"
"Kumain na ako sa bagay."
"Oh, okay. Maiwan ko na kayo ah. Kakain lang muna ako," pagpapaalam ko bago tuluyang naglakad papunta sa kusina.
Mabilis akong kumain bago ako naligo at nag-ayos ng sarili. Sakto lang din ang pagdating ko sa simbahan kaya buo kong napakinggan ang misa. Balak ko sanang pumunta sa mall para bumili ng ilang gamit ngunit hindi ko inakalang may naghihintay pala sa akin sa labas ng simbahan.
"Ida, right?" Agad ko siyang tinaasan ng kilay. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Ang ikli na nga lang ng nickname ko tapos makakalimutan niya pa. I didn't know he's a chameleon.
But I didn't answer his question. Tinitigan ko lang siya nang masama. Alam ba ng nanay niya ang pinanggagawa niya sa buhay niya?
"Come with me," he said.
"Why would I? Hindi kita kilala," inis kong sabi sa kaniya. Ibang klase siya. Parang isang maamong tupa nang kaharap namin si manang. I never thought I would meet a person like him. Mapagkunwari.
"Didn't my mother introduce me to you, huh?" seryoso niyang tanong. Nayayabangan ako sa kaniya. Impostor siya sa paningin ko. Nakakabuwis*t.
"And who told you that I care about you? Wala akong utang na loob sa'yo kaya lubayan mo ako. I need to meet someone na hindi ako binati kahapon. Maghanap ka ng mabubuw*sit mo. Galunggong ka!" Palusot ko lang ang sinabi ko. I didn't have enough reason to meet Sai gayong mukhang umiiwas siya sa akin. Kahit sa text o tawag hindi niya ako binati. Pero alam kong alam niya kung kailan ang birthday ko.
"I need to ask something and you need to come with me. I can pursue my mother to leave you in just a snap." May pagbabanta sa tinig niya ngunit hindi ko nalang iyon pinagtuunan ng pansin. All I knew was that Manang Apple shouldn't leave me.
"Okay. But first and foremost, saan tayo pupunta?" Naasar talaga ako sa kaniya. I wanted to hang him upside down. Arg!
"Over there," sambit niya at itinuro ang maliit na coffee shop sa harap ng simbahan.
"Ewan ko sa'yo," inis na sabi ko bago naunang naglakad papunta sa Ambergray Coffee Shop. Doon lang naman pala pupunta pero kung makaasta siya parang ang layo ng gusto niyang pagdalhan sa akin. Akala ko sa Coron na.
"You can order, I'll pay." I ignored what he said. Kaya ko rin namang magbayad.
"What do you want?"
"I want a cup of cappuccino," sagot niya naman. But he got it wrong. I wasn't asking if he wanted coffee or anything inside the coffee shop.
"What do you want to ask?" Napangiwi naman siya nang muli akong magtanong. Ibigsabihin inisip niya talagang tinatanong ko siya kung ano ang gusto niyang i-order. Well, sorry nalang siya dahil wala akong plano na maging mabait sa kaniya after kong malaman na he's a chameleon.
"Oh, about that... I need your cooperation." Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Cooperation your face," mahina kong sabi. But it's enough for him to hear. Nadagdagan pa ang inis ko dahil pinagtitinginan na kami sa loob ng coffee shop. "O-order muna ako. Stay here. Shut your mouth."
I immediately went to the counter to order two slices of carrot cake and two cups of cappuccino. Matapos kong magbayad ay bumalik na rin ako kaagad sa table namin. Isi-serve nalang daw nila ang in-order ko kapag ready na.
"I seriously need your cooperation," muling sabi niya habang nakatingin sa akin nang deretso.
"What do you want me to do? Paligoy-ligoy pa kasi," inis kong sabi sa kaniya. Kung wala lang maraming tao baka nasuntok ko na siya sa mukha. Ang arte-arte. Hindi kaagad magsabi.
"Pretend to be my girlfriend," mahina niyang sabi. Malamang nahiya sa mga kasama namin sa coffee shop. Pero ano raw? Tama ba ang narinig ko? Wait...
"What did you just say?" may pagtataka kong tanong. Mabuti nalang hindi pa na-serve ang kape. Mabubugahan ko talaga siya ng kape dahil sa mga pinagsasabi niya.
"I said pretend to be my girlfriend. Bingi." Hindi pala mabubugahan ng kape. Bubuhusan ko talaga siya ng kape. Ang kapal-kapal ng mukha niya para sabihing bingi ako. Siya kaya itong mahina magsalita. Mahina dahil nakakahiya ang gusto niyang mangyari. Ang kapal talaga!
"Hey, say something."
"Say something your face. Sinusumpa na kita sa isipan ko kaya huwag kang magulo." Never kong naisip na magpanggap bilang girlfriend. Ni hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko bilang isang girlfriend, fake girlfriend pa kaya. He's really insane.
"Pretend to be my girlfriend, please."
"You hit the magic word but that doesn't mean na I will pretend as your girlfriend." Ayaw ko pa rin, 'no. Pretend means may lolokohin ako. Hindi kaya ako manloloko.
"I guess I will just pursue my mother to leave you." Dinadamay niya na naman si Manang Apple. Ang kapal talaga ng mukha niya.
"Manang won't leave me. She told me na parang anak na niya ako kaya kampante ako. I believe she wouldn't leave me," confident kong sabi. Tsss. Hindi ako magpapasindak sa kaniya.
"Do you think you're confident enough?" he asked.
Ngunit hindi ko nagawang mag-focus sa tanong niya. Bigla kong naisip 'yung kape at carrot cake. Kumusta na kaya sila? Baka na-traffic lang.
"Hey, are you okay?" Ang dami niya ring tanong, 'no?
"Yeah, I'm confident enough. Halos buong buhay ko kasama ko si manang kaya sure akong hindi niya ako basta-basta iiwan. You know what, I can tell her about this para naman malaman niya ang mga kalokohan mo." Okay na ako sa isang nanggugulo sa akin kaya hinihiling ko sa isip ko lang na sana hindi na siya dumagdag pa.
"Don't try me, woman."
"I don't have any plan to try you, devil. Ano ka sapatos na puwedeng i-try kung kakasya ba?" mapang-asar kong sabi.
"Sabihin ko lang kay mama na may sakit ako, iiwan ka na niya kaagad. Tsk. After all, mas matimbang pa rin ang anak kaysa sa anak-anakan."
"Ang sama mo," hindi makapaniwalang sabi ko. Gagawin niya talaga iyon?
"She'll surely take care of his son," saad niya na nakadagdag sa inis na nararamdaman ko. Yes, I knew that manang would surely choose him over me. But I could still her the truth.
"Do you think she will believe you?"
"Nakakabasa ka ba ng isip, devil?" inis kong tanong sa kaniya. Nasaan na ba kasi ang kape? Nanggigigil na akong paliguan siya ng kape.
"No."
"Then, good."
"She might believe you pero kaya mo bang magkasira kaming dalawa just because of you? You don't want that to happen, right?" sambit niya bago ngumiti. Nakakainis na talaga siya!
"Ma'am, ito na po ang order niyo." Dahan-dahang inilapag ng isang babaeng staff ng coffee shop ang in-order ko sa lamesa namin.
"Thank you," sabi ko nang matapos na siya sa ginagawa niya. Ngumiti ako kahit na inis na inis na ako sa kasama kong demanding.
Nang makaalis na ang staff ay nagsimula na akong kumain ng carrot cake. Humigop din ako ng kape. Kumain at uminom ako na parang wala siya sa harap ko. Ano siya sinuwerte? Hindi ako magpapaapekto sa presence niya, 'no.
"I thought you like cappuccino. Ba't hindi mo pa inumin 'yang cappuccino mo at kainin 'yang cake? Ano may sakit ka na ba? Kailangan na ba kitang subuan?"
"Tsk. No thanks. Kulang pa iyan sa'yo."
"Huwag ka na mahiya, libre iyan." Hindi ako dapat mainis sa kaniya dahil ako lang ang nagsa-suffer. Siya dapat ang mainis sa akin. "By the way, payag na akong maging fake girlfriend mo.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (111)

  • avatar
    AraquilOlong

    100

    7h

      0
  • avatar
    Carzeil Burgos

    complete reading thank u for storyy😍

    17d

      0
  • avatar
    Dela CruzRichard

    super nice

    20d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด