logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

They Are That Couple

They Are That Couple

CoronLass


PROLOGUE

"Oh, about that... I need your cooperation." Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Cooperation your face," mahina kong sabi. But it's enough for him to hear. Nadagdagan pa ang inis ko dahil pinagtitinginan na kami sa loob ng coffee shop.
"O-order muna ako. Stay here. Shut your mouth."
I immediately went to the counter to order two slices of carrot cake and two cups of cappuccino. Matapos kong magbayad ay bumalik na rin ako kaagad sa table namin. Isi-serve nalang daw nila ang in-order ko kapag ready na.
"I seriously need your cooperation," muling sabi niya habang nakatingin sa akin nang deretso.
"What do you want me to do? Paligoy-ligoy pa kasi," inis kong sabi sa kaniya. Kung wala lang maraming tao baka nasuntok ko na siya sa mukha. Ang arte-arte. Hindi kaagad magsabi.
"Pretend to be my girlfriend," mahina niyang sabi. Malamang nahiya sa mga kasama namin sa coffee shop. Pero ano raw? Tama ba ang narinig ko?
Wait...
"What did you just say?" may pagtataka kong tanong. Mabuti nalang hindi pa na-serve ang kape. Mabubugahan ko talaga siya ng kape dahil sa mga pinagsasabi niya.
"I said pretend to be my girlfriend. Bingi." Hindi pala mabubugahan ng kape. Bubuhusan ko talaga siya ng kape. Ang kapal-kapal ng mukha niya para sabihing bingi ako. Siya kaya itong mahina magsalita. Mahina dahil nakakahiya ang gusto niyang mangyari.
Ang kapal talaga!
"Hey, say something."
"Say something your face. Sinusumpa na kita sa isipan ko kaya huwag kang magulo."
Never kong naisip na magpanggap bilang girlfriend. Ni hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko bilang isang girlfriend, fake girlfriend pa kaya. He's really insane.
"Pretend to be my girlfriend, please."
"You hit the magic word but that doesn't mean na I will pretend as your girlfriend." Ayaw ko pa rin, 'no. Pretend means may lolokohin ako. Hindi kaya ako manloloko.
"I guess I will just pursue my mother to leave you." Dinadamay niya na naman si Manang Apple. Ang kapal talaga ng mukha niya.
"Manang won't leave me. She told me na parang anak na niya ako kaya kampante ako. I believe she wouldn't leave me," confident kong sabi. Tsss. Hindi ako magpapasindak sa kaniya.
"Do you think you're confident enough?" he asked. Ngunit hindi ko nagawang mag-focus sa tanong niya. Bigla kong naisip 'yung kape at carrot cake. Kumusta na kaya sila? Baka na-traffic lang.
"Hey, are you okay?" Ang dami niya ring tanong, 'no?
"Anong pakialam mo, devil?" inis kong sabi sa kaniya.
Nasaan na ba kasi ang kape? Nanggigigil na akong paliguan siya ng kape.
"Ma'am, ito na po ang order niyo." Dahan-dahang inilapag ng isang babaeng staff ng coffee shop ang in-order ko sa lamesa namin.
"Thank you," sabi ko nang matapos na siya sa ginagawa niya. Ngumiti ako kahit na inis na inis na ako sa kasama kong demanding.
Nang makaalis na ang staff ay nagsimula na akong kumain ng carrot cake. Humigop din ako ng kape. Kumain at uminom ako na parang wala siya sa harap ko. Ano siya sinuwerte? Hindi ako magpapaapekto sa presence niya, 'no.
"I thought you like cappuccino. Ba't hindi mo pa inumin 'yang cappuccino mo at kainin 'yang cake? Ano may sakit ka na ba? Kailangan na ba kitang subuan?" pagtataray ko sa kaniya.
"Tsk. No thanks. Kulang pa iyan sa'yo."
Ang yabang niya!
"Yeah, I'm confident enough. Halos buong buhay ko kasama ko si manang kaya sure akong hindi niya ako basta-basta iiwan. You know what, I can tell her about this para naman malaman niya ang mga kalokohan mo." Okay na ako sa isang nanggugulo sa akin kaya hinihiling ko sa isip ko lang na sana hindi na siya dumagdag pa.
"Don't try me, woman."
"I don't have any plan to try you, devil. Ano ka sapatos na puwedeng i-try kung kakasya ba?" mapang-asar kong sabi.
"Sabihin ko lang kay mama na may sakit ako, iiwan ka na niya kaagad. Tsk. After all, mas matimbang pa rin ang anak kaysa sa anak-anakan."
"Ang sama mo," hindi makapaniwalang sabi ko. Gagawin niya talaga iyon?
"She'll surely take care of her son," saad niya na nakadagdag sa inis na nararamdaman ko. Yes, I knew that manang would surely choose him over me. But I could still tell her the truth.
"Do you think she will believe you?" Nakakabasa ba siya ng isip? Nalaman niya na may balak akong magsumbong. Buwisit siya. "She might believe you pero kaya mo bang magkasira kaming dalawa just because of you?"
Bwisit talaga siya!
Siya na yata ang pinaka-nakakabuwisit na taong nakilalala ko sa buong buhay ko. Ang yabang at ang lakas pa ng loob na mang-blackmail.
Pero hindi ako dapat mainis sa kaniya dahil ako lang ang nagsa-suffer. Siya dapat ang mainis sa akin. "By the way, payag na akong maging fake girlfriend mo.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (111)

  • avatar
    AraquilOlong

    100

    9h

      0
  • avatar
    Carzeil Burgos

    complete reading thank u for storyy😍

    17d

      0
  • avatar
    Dela CruzRichard

    super nice

    20d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด