logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

After the elimination round where I luckily passed, I immediately informed both Yesenia and Rico about it. Of course they're both happy for me, alam naman nilang isa sa goal ko ang mag-represent ulit sa ganitong klaseng laban, since its our last year na rin naman and college is approaching.
“I'm so happy for you!” bati sa 'kin ni Yesenia matapos kong sabihin sa kanilang dalawa ni Rico ang pagkapasa ko. I smiled at her and she hugged me, tumalon-talon pa ito sa tuwa at parang siya iyong nanalo. We chuckled at her gesture.
“Ricochet!” suway nito kay Rico matapos nitong guluhin ang kaniyang buhok. Nahampas tuloy siya sa braso, natawa na lang ako kakulitan ng dalawa.
“Congrats, Viv,” ani Rico. I smiled at him.
Days had passed after the success of the elimination round, Miss Cabrales told us to prepare ourselves and review the branches of Math-Sci, which I did of course. Sinabi ko na rin kila Mommy and Daddy ang patungkol doon, and they're more proud that I'm back at competing. I also informed my Lolo about it and he just said I must go home with a trophy after the culmination which I answered him a nod.
Of course, 'Lo.
It was two o'clock in the afternoon of a fine Saturday that week and I was busy reviewing some notes, books and browsing in the internet to read some page of certain topic when I got disturbed by a phone call.
Kinuha ko ang cellphone na nakalapag sa study table ko at sinagot ang tawag nang hindi ito tinitignan kung sino.
“Hello?” panimula ko. Hawak ko ang cellphone habang nagbabasa ng libro, I was waiting for the caller to answer.
“Wanna go to the nearest library outside so we can study together?” tila alanganing tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. Kunot ang noong naitigil ko ang pagbabasa sa libro ko at sinipat ang cellphone kung sino nga ba ang tumawag.
And its none other than, Santiago.
I rolled my eyes as if he can he see it, before I answered.
“Ayaw ko,” sagot ko dito. I heard him chuckled nervously and pleaded. “Come on, Ximena. Mag-aaral lang naman, hindi mag-lalandian,” dagdag pa nito.
Padabog kong isinara ang libro na kanina'y binabasa ko atsaka inis na napabuntong hininga.
“Excuse me, ayaw ko ding makipag-landian sa'yo. Tse!” I snapped at him at talagang tinawanan lang ako ng loko, kaya naman nung akmang may sasabihin pa siya ay ibinaba ko na ang tawag.
The nerve of that guy! Sino siya para landiin ko? Ano siya pinagpalang lubos? Duh, I would never ever flirt him, as in never!
Sa inis ko sa lalaking iyon ay naibunton ko na lang sa nakalugay kong buhok, parang nawalan tuloy ako ng gana mag-review ngayon araw.
Nakakainis ka talaga Santi. Wala ka nang ibang magandang gawin kung hindi inisin ako!
Ngunit maya-maya pa'y tumawag ulit ito.
“You sure you don't wanna flirt me? Magpapalandi naman ako.” Santi chuckled. I cursed at him and ended the call. Hindi ako katulad nung mga babae niya 'no, huwag niya nga akong igaya sakanila!
I sighed deeply at iwinaglit sa isip ko ang nangyari kanina bago bumalik sa pag-babasa. Naalala ko ang sinabi ni Miss Cabrales nung Biyernes, na maybe weeks of days from now ay sasabak na kami sa Math-Sci sadyang wala pang exact date kung kailan ito.
Nang tignan ko ang oras ay mag-aalas tres na ng hapong iyon. I was trying to solve some pre-calculus equation when I heard my phone rang again. Napabuga ako ng hangin at napairap sa kawalan, thinking that this caller might be that Santi again. Walang tinging sinagot kong muli ang tawag dahil masyado kong pinagtutuunan ng pansin ang equation at inaaral ang formula.
“Sabi nang ayaw ko nga, Santi,” gigil na bati ko sa kabilang linya.
“Uh, good afternoon Ximena.” Salubong ang kilay na tinignan ko ang pangalan ng caller matapos marinig ang hindi pamilyar niyang boses. Its an unregistered number kaya lalo akong nag-taka, where did this person got my number? Hindi ko naman hilig isulat ang number ko sa tissue tapos iiwan ito sa lapag.
“I'm sorry but who's this?” I asked curiously, hindi naman siya paniguradong na-wrong number dahil tinawag niya ang mismong pangalan ko.
“Ah pasensya. Ako ito, si Ate Evie mo ang secretary ni Governor. May munti kasing salu-salo sa mansyon ng Palabraz na inihanda mismo ni Don Lorenzo, at iniimbitahan nila kayong mga Rubio,” the caller answered. Tumango ako nang matantong kilala ko nga ito dahil minsan ko na siyang naka-interact dahil nga secretary siya ni Gov. at si Lolo naman ang kasalukuyang Mayor ngayon, kaya minsan kapag may salu-salo ay nakikita ko si Ate Evie.
Ngunit ang ikinatataka ko ay kung bakit sa 'kin siya tumawag at hindi kay Lolo o sa sekretary nito? But before I asked her that ay may sinabi pa siya.
“Actually ay nainform ko na ang sekretarya ni Mayor Antonio, sinabi ko lang sa'yo dahil may makulit dito.” Tila nabigyang kasagutan ang ikinatataka ko kanina. I chuckled and said thanks to Ate Evie, but what caught my attention ay iyong sinabi niya sa dulo. Napairap ako sa kawalan nang mapalagay na si Santi ang kumukulit kay Ate Evie, paniguradong alam ng lalaking iyon na sukdulan ang inis ko sa kanya after he interrupted me earlier kaya malamang hindi ko sasagutin ang tawag niya, so he used Ate Evie.
Well anyway, as Ate Evie said that we got invited for dinner by the Palabraz, na hindi naman sinabi kung anong mayroon at bakit may pa-dinner. Baka Sylvia aced an exam, nagkibit-balikat na lang ako.
Dahil nga tinawagan at sinabihan na ako ni Ate Evie kanina ay may hint na ako kung bakit pumasok si Mommy sa kuwarto ko wearing a baby yellow colored wrap jumpsuit and partnered with her stilleto. She was holding her ivory wristlet, it was already 5:20 that time.
Mabuti na lamang ay tapos na akong mag-review ng dapat ireview noong pumasok si Mommy. She greeted me with a smile and gave me a hug.
“We got a dinner invitation from the Governor. Kaya ayusin mo na ang sarili mo at mag-bihis,” she informed me. Hindi na ako nagtanong pa ng ibang detalye sa kung bakit inimbitahan o kung ano nga ba ang okasyon ang nais iselebra ng mga Palabraz.
I nodded at my Mom but instead of preparing myself for the said dinner ay sumalampak ako sa kama ko at dumapa.
“Vivienne Ximena, get up!” I winced when Mommy slapped my butt pero hindi pa rin ako bumangon. Narinig kong binuksan ni Mommy ang walk-in closet ko, and she'll probably ransack my wardrobe to find some decent and formal clothes for me to wear on that dinner. Bumangon ako mula sa pagkakadapa sa kama at naupo na lang, I placed a pillow on my lap and watched my Mom got out of my walk-in closet holding a beige wrap dress she found inside.
Ibinigay ito sa 'kin ni Mommy at pilit na pinatayo ako at ipinasok sa banyo, siya na nga mismo ang nag-sara ng pinto niyon.
“Bilisan mo riyan at huwag nating paghintayin ang Lolo mo!” I heard her shouted outside. Kaya naman mabilisan akong nag-take ng shower sa loob and when I'm finished, I wore my bathrobe at lumabas ng banyo. Andoon pa rin si Mommy at tila hinihintay ako, I saw my wedge pa nga e. Baka inilabas ni Mommy.
Sinuot ko na ang ibinigay na dress ni Mommy and I put a light powder and a tint. Dinner lang naman e, pagkain naman ang highlight doon. My Mom blowdried my shoulder length hair, after that ay lumabas na rin kami at bitbit ko ang microbag ko na cellphone at wallet lang ang tanging laman.
When we went downstairs ay andoon sila sa living room, my Lolo is sitting on a sofa while Daddy is standing near the staircase.
“Where's Kuya?” I asked them. Sinundo kami ni Daddy sa may dulo ng hagdan and guided us outside. Tumayo na rin si Lolo.
“Nasa labas na ang Kuya mo,” Daddy answered.
Nang makalabas kami ay andoon nga si Kuya at nakasandal pa sa kotse niya. Kay Kuya ako sasabay and Lolo is with my parents. Sumakay kami sa kani-kaniyang sasakyan and I am with Kuya. After awhile, I saw Dad's car started and its leading the way, sa likod nila ay nakasunod si Kuya.
Tanging tunog lang ng stereo ang gumagawa ng ingay sa loob ng sasakyan, hindi naman gaano kahaba ang biyahe papunta sa mansyon ng mga Palabraz kaya hindi hassle. After the not very long drive, we entered the colossal gate of the Palabraz. It was spacious, the guards are leading our car to a space where we can park. Nang makapark sila Kuya ay bumaba na rin kami, sinalubong kami ng kanilang maid at ginuide papunta sa malaking dining hall ng mga Palabraz kung saan kumpleto ang pamilya ng panganay na anak ni Governor.
As far as I know, Governor Lorenzo has two son at si Tito Damario lang ang naandito sa Ciudad dahil nasa Maynila ang kapatid nito, handling their business.
“Good evening Don Lorenzo. Thank you for having us here,” Mom greeted and Dad followed.
“Ako nga dapat ang magpasalamat dahil pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon. Maupo kayo,” Governor smiled at us and gestured his hands on the vacant seats. I roamed my eyes inside the dining hall at parang nag-sisi pa ako kung bakit nilibot ko pa ang tingin ko nang ang mapang-asar na ngisi lang ni Santi ang bumungad sa 'kin. I rolled my eyes inwardly.
Naunang maupo si Lolo at doon siya pumuwesto sa kabilang dulo na kabisera, naupo na rin kami. Before the maids serve us, nagbatian pa muna ang matatanda. Katabi ko si Kuya sa bandang kaliwa at si Mommy naman ang nasa harap ko. I glanced at my other side and saw Sylvia, Tito Damario's youngest daughter. We smiled at each other when our gaze met, nasa tabi nito ang panganay nila which is si Kuya Samuel. Sa tapat naman nito nakaupo si Tita Ines at katabi ni Tita ang asawa.
Naramdaman kong may sumipa sa paa ko sa may ilalim kaya natigil ang pagmumuni-muni ko, I glanced at the culprit and saw Santiago smirking at me. Inirapan ko ito. He's sitting in front of Sylvia at may isang bakanteng upuan sa gitna nila ni Mommy. Hindi ko na lang s'ya pinansin. The maids started to serve us the main course, the oldies were talking and discussing something about politics while eating.
Sila Kuya at Santi naman ay paminsang nag-uusap.
“Anyway, I am truly delighted for this dinner but I am curious on what's the celebration. If you don't mind, Lorenzo,” my Lolo remarked. Governor Palabraz laughed and took a sip from his wine before answering.
“Oh, that. Nalimutan ko atang sabihin, pasensya. But its not my achievement to tell. So let my grandson talk about it,” Governor said. Napangiti naman si Lolo at nagpabalik-balik ang tingin sa dalawang apong lalaki, anticipating for an answer. I glanced at Kuya Samuel ngunit parang wala siyang pakielam sa topic at patuloy lang sa pagkain.
“Sino sa dalawa?” natatawang tanong ni Lolo.
“Santiago,” Tito Damario trailed off. Napaangat naman ng tingin sa amin si Santi dahil doon.
“I'm representing our school for this upcoming Math-Sci Culmination,” he said nonchalantly and get back on eating. My Lolo was amazed and even congratulated Santi for the achievement kahit pa wala pa ang nasabing Culmination na 'yon. He even clapped at said his congratulatory to Santi nonstop, I roamed my eyes again amidst the nonstop papuri kay Santi. And there I met Tito Damario's gaze, I can somehow read in his eyes saying that he's proud of his son's achievement.
I felt Kuya patted my back but I didn't glance at him, I just sighed innerly.
“But I am not only one,” Santi trailed off. “Dalawa kami ni Ximena na magrerepresent ng school namin,” dagdag pa nito. My eyes widened, I looked at him but he avoided my gaze.
“Wow! Ngayon palang ay panigurado akong maipapanalo ninyo ang school nyo,” Governor Lorenzo beamed. Nagpatuloy ang dinner matapos i-congratulate sa achievement na nakuha ni Santi, at well they congratualed me also and went back to Santi.
I remembered myself informing my Lolo that I passed the elimination round and I'm one of the representative of our school to compete on the said culmination, but he didn't even congratulate me instead he told me to bring home a trophy.
Ewan ko ba, its like he's pressuring me or nag-iisip lang ako ng kung anu-ano. O siguro ganoon lang talaga ang tiwala niya sa 'kin na kayang-kaya kong ipanalo ang school.
Oh well. Santi and I were representing our school, we're a team. For a day.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (79)

  • avatar
    Max Well

    ako maw isang pintor sa manila magaling ako sa pag paint at sa pag pintora

    17/05

      0
  • avatar
    Salahodin Marogong Abdulcarim

    Great wow

    17/05

      0
  • avatar
    Matteo Balate

    the story is beautiful

    17/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด