logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

To Capture A Heart (Ciudad de Palabraz Series 1)

To Capture A Heart (Ciudad de Palabraz Series 1)

elzaiv_


Simula

“Ako si Antonio Emmanuel Rubio ng Ciudad de Palabraz, hinirang at itinalaga sa katungkulan bilang Alkalde ng bayan ay taimtim na nanunumpa na tutuparin ko nang buong husay at katapatan sa abot ng aking kakayahan, ang mga tungkulin ng aking kasalukuyang katungkulan at ng mga iba pang patakaran nito’y gagampanan ko sa ilalim ng Republika ng Pilipinas; na aking itataguyod at ipagtatanggol ang Konstitusyon ng Pilipinas; na tunay na mananalig at tatalima ako rito; na susundin ko ang batas; mga kautusang legal at mga dekretong pinaiiral ng mga sadyang maykapangyarihan ng Republika ng Pilipinas; na kusa kong babalikatin ang pananagutang ito nang walang ano mang pasubali at hangaring umiwas. Kasihan nawa ako ng Diyos.”
I was grade six when my Lolo got elected and won the Mayoral Race. Nagsipalakpakan ang mga dumalo sa pag-witness ng panunumpa ni Lolo, siyempre kasama na kaming pamilya. I was watching Lolo in so much amazement and respect as I heard and witnessed his oath taking. I have dreamt about me taking an oath in front of the people’s town, as I uttered my panunumpa sa katungkulan. Back then, I also oath to my self that I’ll get that position too, when the right time comes. I will study hard and smart to have my dream.
“Magandang tanghali ‘ho, Don Lorenzo. Mabuti ho’t pinaunlakan ninyo ang aming imbitasyon.” Wearing my white floral Sunday dress, I hid beside my mom who was busy greeting the City’s Governor and his family. Matapos ang panunumpa kanina ni Lolo ay inimbitahan niya ang ilang mga kumandidato sa parehong posisyon at ilang mga opisyales, ng pananghalian.
“Magandang tanghali rin at salamat sa pag-imbita, Adella,” sagot ni Don Lorenzo. Matanda na siya ngunit masasabi mong guwapo pa rin sa kabila ng mga wrinkles na makikita sa mukha, kaaya-aya ang kaniyang suot na pormal na long-sleeve polo na kulay asul. Katabi nito ang kanyang anak na sa palagay ko’y iyong isa sa kumandidato bilang Alkalde, hindi ko lang alam kung ano ang pangalan niya. He’s with his wife and son who I think has the same age as me. Matunog talaga ang pangalan ng mga Palabraz ngunit tanging si Governor lang ang kilala ko.
“Congratulation nga pala kay Emmanuel,” sabi pa ni Governor. Binalingan niya ng tingin sa tabi ang anak at sinabing, “Damario, greet Adella.” He smiled. Hindi ko alam kung guni-guni ba iyong nakita kong pasimpleng pag-irap nung Damario o hindi.
That Damario guy cleared his throat. “Thank you for inviting us over, Adella. And congrats to Tito Emmanuel.”
My mom just smiled and nodded at him. Nagkuwentuhan pa muna sila saglit ng kung anu-ano, kaya naman hindi ko din maiwasang maasiwa at mahiya dahilan kung bakit pilit akong nagsusumiksik sa gilid ni Mommy. Inangat ko ang tingin sa kanila habang nagkukuwentuhan pa sila at nakasalubong ko ang mata ng lalaking anak ni Tito Damario. I saw his lips turned into a smirk. Kaya muli akong nagsumiksik kay Mommy na siyang ikinainis niya na.
“Ximena, ano ba 'yan bakit ka ba nagsusumiksik riyan!” suway nito sa akin. I gained the Palabraz’ attention that caused me to blush out of embarrassment. I also noticed the boy smirked at me, inilagay ako ni Mommy sa unahan niya at muling binaling ang atensyon sa Gobernador. That boy is teasing me! Gamit ang mala-pusa kong mata ay tinignan ko siya ng masama.
“Who’s that little girl, Adella?” Governor Lorenzo asked. Inangat ko ang tingin ko kay Mommy.
“Ah, pasenya na at nalimutan ko. Here, this is my daughter Ximena Rubio. Ang bunso namin ni Vasco,” Mom introduced. I smiled shyly at the Palabraz.
“Nice to meet you, Ximena. This boy here is my son, Santiago Palabraz.” Hindi ko nga alam kung mali ako ng dinig o sadyang mababa ang hearing comprehension ko. Dahil parang may diin iyong pagbanggit ni Tito Damario sa apelyido nila when he introduced his son. I get it. You are a Palabraz, nothing to brag about. Ano nga ba namang malay ko noon.
“I think both of you would get along, you guys are maybe on the same age.” Tita Ines, Tito Damario’s wife, beamed at me. I shyly smiled in return.
Nagpatuloy muli ang munting kuwentuhan, at napag-alaman kong si Tito Damario pala ang panganay sa kanilang magkakapatid and that makes his eldest son as the Palabraz’ first born of their generation. Napag-alaman ko ding middle child iyong Santiago. Matapos ang kaunting kuwentuhan at pakilalahan ay dumeretso na kami sa dining area na kung saan nandoon na ang mga ilang opisyales na naghihintay sa pagdating ng Gobernador, na siya ngang sinundo namin ni Mommy sa may bulwagan.
Si Lolo ay sa kabisera nakapuwesto habang si Daddy naman ay sa kaliwa nito at katabi ni Daddy si Kuya Zachariah at may dalawang blangkong silya, doon kami naupo ni Mommy. Ang Governor naman ay inokupahan ang kabilang kabisera, na naiwang bakante kanina pa bago sila dumating. Sa gilid ng Governor naupo sila Tito Damario.
Masayang nagsimula ang pananghalian na sinerve ng mga katulong, napuno ng halakhakan, papuri, at kuwentuhan ang mahabang lamesa ng hapag. Kaming dalawa lang yata nung Santiago ang bata noon dahil si Kuya ay high school na rin naman. Hindi kami nakikisali sa usapan, siyempre dahil pangmatatanda lang 'yon, ngunit sumasagot naman ako kung nag-tatanong sila about sa studies ko.
“How about you, hija? Would you consider entering the world of politics in the near future?” One of the City Official asked me the same question he asked to my brother na sinagot naman noon ni Kuya na he won’t enter politics and he’d rather cut open the patients’ skin inside the operating room.
Natuon sa akin ang atensiyon ng lahat ng marinig ang tanong niyon. Tila lahat ay nakuryoso sa magiging sagot ng isang hamak na elementary noong oras na 'yon na pati ang Gobernador ay natigil sa pagkain niya at sumandal sa upuan, sumimsim sa kupita at nakangiti akong binalingan ng tingin. I roamed my eyes inside the dining room and there I also noticed how Tito Damario arched his brow, anticipating for my answer. Naramdaman ko ang paghimas ni Mommy sa likod ng kamay kong nakahawak sa utensils.
I managed to clear my throat kahit pa medyo nakakaramdam ako ng hiya at pressure sa tanong na iyon, I looked at my Lolo who just smiled fondly at me.
So I answered, “I would love to enter that kind of world po.” Para bang nakahinga ako noon ng maluwag nang sinagot ko iyon, narinig ko naman ang samu’t-sari nilang opinyon. I smiled at them.
Nawala na rin naman ang topic at napalitan ng iba, sinerve ng katulong ang dessert at patuloy pa rin ang matatanda sa pagkukuwentuhan ng kung anu-ano, probably about politics and crimes and such. Hindi ko na kinain ang dessert ko at nagpaalam kay Mommy na sa garden muna ako mag-lalagi. Kasabay kong magpaalam at umalis sa hapag si Kuya, na siyang pupunta sa kuwarto nito para daw mag-basa.
Tinahak ko ang daan sa likod ng bahay para makapunta sa malawak na hardin namin. I smiled as I sniffed some fresh air from the garden.
Parang parke ang lawak ng garden namin dito dahil may munting playground pa, swings and slide. I even have a tree house that was built by my Tito, dad’s brother.
I trailed the marble pathway papunta sa kung saan nakapuwesto ang swing sa tabi ng isang punong narra, na siyang nagbigay ng munting silong saakin pagkaupo ko. I roamed my eyes in the sea of flowers that I have in this garden. Yep, I do plant with the help of my mom of course. I love flowers so much, kaya nagtatanim din ako ng iba’t-ibang bulaklak dito sa garden namin at hindi iyong puro damo lang. That’s how my mom and I bond, we plant.
Hinayaan kong sumayad ang may sandalyas kong paa as I pushed my self back and forth, ang swing na inuupuan ko ay may sandalan. I let my hair blew by the wind, soon enough I decided to take a walk and look at my flowers.
Pinuntahan ko ang tanim namin ni Mommy na lavender na ang ganda ng tubo medyo malago, at buti na lang na hindi siya nalalanta’t namamatay. I talked to my lavenders, nasanay na akong kausapin ang mga halaman ko habang nagdidilig o kahit hindi. Matapos bisitahin ang mga tanim na lavenders ay pinuntahan ko naman ang tanim kong gumamela, na hindi pa gaanong tumutubo sa ngayon sa kadahilanang bago pa lamang katatanim.
Naupo ako sa damuhan at kinusap ang mga tanim na gumamela, dahil baka mag-tampo ito at hindi tumubo.
“Hi there, my gumamelas. Did Lola Adella watered you?” I asked them. But instead of them answering which is very impossible and scary if that happens, I heard a laugh at the back. I looked at my back and saw that Santiago Palabraz laughing while pointing at me, na para bang ako na ang pinakanakakatawang joke para sa kanya. This guy!
“Pfft. So that’s why you’re so shy when talking to people. ‘Cause you prefer talking to plants. What a dum-dum!” He laughed.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (79)

  • avatar
    Max Well

    ako maw isang pintor sa manila magaling ako sa pag paint at sa pag pintora

    17/05

      0
  • avatar
    Salahodin Marogong Abdulcarim

    Great wow

    17/05

      0
  • avatar
    Matteo Balate

    the story is beautiful

    17/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด