logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 2: SEEK FOR ADVICES

(IVORY POINT OF VIEW)
Panget na umaga para sa magandang katulad ko. Bumangon ako sa aking higaan at tiningnan kung nasa higaan niya si Anthenese pero wala. Actually never ko sinisi si Anthenese kung bakit hindi ako mamahalin pabalik ni Alden. It his choice that he was still inlove with my bestfriend namely Anthenese.
Lumabas ako mula sa aking dorm at pumunta sa cafeteria. Nakakaramdam na kasi ako ng gutom kahit kagigising ko lang. Pumila na ako sa pilihan at napapatingin sa paligid. May ilan na may sariling mundo at ang iba naman ay puro lovelife ang pinag-uusapan.
"Bet ko talaga si Zaire kaysa kay Cairo."
"Ako nga rin,"
"Matananong ko lang."
"Ano 'yon?"
"Bakit laging pumapangalawa si Alden kay Zaire. Sa pagkakaalam ko ay matalino siya tulad ni Zaire."
"Siyempre mahalaga kay Alden ang pagkakaibigan nila ni Zaire kaya naggi-giveway siya."
Napailing na lang ako sa pinag-uusapan ng dalawang babae sa harapan ko. Hindi ba sila aware na pwedeng marinig nila Alden ang pinagsasabi nila.
"Kawawa naman si Alden, kung ako 'yan hindi ko pagbibigyan ang isang tao kahit kaibigan ko lalo na pagdating sa pagmamahal. Sayang talaga si Alden,"
Nagtawanan pa sila sa harapan ko kaya hindi ko na maiwasan magalit sa aking isipan. "Hey two b*tch! Let me remind you that wala kayong karapatan husgahan ang isang tao sa desisyon niya. He can do anything without being compared with his friend. Maliit na bagay ay ginagawa niyong issue. Damn you b*tch!" sabi ko sa kanilang dalawa at sinamaan silang dalawa ng tingin.
Tinaasan ko pa sila ng dalawa ng kilay ko para ipakita sa kanila na galit ako. Napaiwas naman sila ng tingin at humarap sa harapan since sila ang sunod. Wala silang karapatan na pagsalitaan ng ganyan si Alden dahil hindi pa nila kilala ng lubos si Alden. Masungit ako kung kinakailangan pero mabait din naman ako.
Ako na ang sunod sa pila kaya halos maging balisa na ang tindera. Hindi ko alam kung bakit siya balisa kaya hinayaan ko na. Nag-order na ako at hinintay na lang na maibigay ang order ko. Halos madapa na ang babae sa pagse-serve ng order ko kaya mas lalo akong nagtaka. Multo ba ako sa paningin niya? Mataray ako pero hindi sa punto na papatay na ako.
"Miss, are you okay?" tanong ko sa kanya na agad naman niyang kinalingon sa akin.
Ngumiti siya ng pilit sa akin. "Okay lang ako,"
Feeling ko natatakot talaga sa akin kahit hindi pa niya sabihin dahil sa kanyang mga galaw. Binigay niya sa akin ang order ko at halos mahulog na ang mga ito kung hindi ko nahawakan ng maigi. Humarap ako sa harapan at napansin ko ang nakasunod sa akin sa pila.
Isang lalaki na may maamong mukha pero nakakatakot ang kanyang tingin. Hindi siya basta-bastang lalaki kung tutuusin. Makapal ang kilay at mala-abong mata na bumagay sa color ash gray na buhok. Siya si Khairro Scyct, royalties ng Citrine Section.
"Hello, Ivory Claire," bati niya sa akin sa malalim niyang boses.
Kilala niya ako? Bakit naman niya ako kilala? "You know me?" tanong ko sa kanya.
Kaya pala balisa ang babae kanina dahil natatakot siya kay Khairro. Marami kasi ang takot sa kanya dahil sa kanyang tingin na nakakamatay pero marami rin ang nagkakagusto sa kanya. "Yes, wala naman siguro problema kung kilala kita diba?" tanong niya sa akin at ngumisi.
Tumaas ang aking kilay sa sinabi niya. "Tama ka nga, nagtatanong lang ako kung paano mo ako nakilala," sagot ko sa kanya at this time ay ngumiti lang siya na may kahulugan.
"Kilala ka ng boung school, Ivory Claire. Marami sa mga Citrine ang may gusto sa iyo kung hindi mo lang alam," sabi niya kaya napatango na lang ako.
"Ganun ba? Sige aalis na ako," paalam ko at nagsimula na maglakad.
Maraming nagulat dahil kinausap at pinansin ako ni Khairro. "Nice to meet you, Ivory Claire Calderon. Don't forget my name. Khairro Dashwood Scyct."
Nakalayo na ako pero rinig ko pa rin ang sinasabi ng iba kung bakit daw ako kinausap at pinansin ni Khairro. Umupo na ako sa aking table na walang tao. Ramdam ko pa rin ang titig sa akin ng ilan. Hindi ko na lang pinansin at nagsimula na kumain hanggang sa may umupo katapat ng upuan ko kaya umangat ako ng tingin.
Si Maloi na nakangisi habang naka-cross arms. Ano naman kaya ang nangyari sa babaeng 'to? Ang saya yata niya ngayon? Akala ko broken 'to? "Problema mo, Maloi?" tanong ko sa kanya kaya mas lalong lumaki ang ngisi niya.
"Nothing, kumusta ang pag-uusap niyo ni Khairro? Khairro na ba o Alden pa rin?" tanong niya habang hindi inaalis sa akin ang tingin.
Nagbuntong hininga ako. "Kahit na patuloy ako tinataboy at laging kaibigan lang ako kay Alden, siya pa rin. Desperada na kung pakinggan. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanya na hanggang ngayon ay patay na patay ako sa kanya. Saka kinausap lang ako ni Khairro and nothing happened between us. Si Alden pa rin hanggang ngayon. How about you?" balik kong tanong sa kanya.
Sa aming pito, ako lang ang nakakaalam sa nararamdaman ni Maloi pero hula ko na may alam na rin si Anthenese kaso ayaw niya lang ipaalam sa amin na may ideya na siya.
"Si Cairo pa rin pero..." sabi niya na nagdadalawang isip sa sasabihin.
"Pero?" tanong ko sa kanya.
Sinusubakan ko kasi sabihin niya sa akin lahat dahil alam ko na may mali na ayaw niyang ipaalam. Natatakot siyang ipaalam dahil alam niya na impossibleng mangyari. "I'm doubting my feelings to Cairo. Sadya bang mahal ko siya or nasanay na ako dahil laging bukambibig ko hanggang sa tumatak sa isipan ko na mahal ko si Cairo kahit hindi naman," paliwanag niya sa akin.
Parang alam ko ang dahilan pero gusto ko na siya na ang tumuklas. Malaki na siya and she know what's right and wrong. "You know it to yourself, Maloi. You know what your real feelings and only you who know that," sabi ko sa kanya saka ngumisi at siya naman ang hindi makapaniwala.
Alam ko naman ang lahat. Nandyan si Kellan sa tabi niya, si Kellan na handang gawin ang lahat para kay Maloi. Alam ko rin na may gusto na si Maloi kay Kellan pero ayaw niyang aminin sa kanyang sarili dahil nga sa magkaibigan sila. How I wish that someone will be there at my side but no one. My friends are here for me but it was not enough.
I don't know that my fate will be like this. How I wish that my feelings for Alden will be gone just like the butterfly spread wings and fly away peacefully. This kind of love, killing me. But I keep loving him despised of anything.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (78)

  • avatar
    AkbalMohammad

    nakaka proud

    2h

      0
  • avatar
    Jecyrile Pepino Vallarta

    so happy reading..

    20d

      0
  • avatar
    May Amar

    Hilo

    17/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด