logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chasing Destiny

Chasing Destiny

misshychii


KABANATA 1: THE CHASING

(IVORY POINT OF VIEW)
Napatingin ako kay Alden na malungkot ang kanyang tingin sa dinaanan nila Anthenese. Bakit kasi hindi na lang ako Alden? Handa naman ako para sa iyo.
Nagsimula na maglakad paalis si Alden palayo sa mga kaibigan niya. Tinatawag siya ng mga kaibigan niya kaso hindi man lang siya lumingon. Sumunod ako sa kanya dahil nakakalayo na siya palayo sa akin.
Naabutan ko siya sa harapan ng theater room. Hinawakan ko ang braso niya at humarap sa akin. "Okay lang ako, Ivory."
Umiling ako sa sinabi niya. "Hindi ka okay," sabi ko sa kanya.
Napatingin siya ng diretso sa aking mata. Walang mababakas sa mata niya kundi lungkot. "Hayaan mo ako mag-isa, Ivory. Kailangan ko muna ng oras para sa aking sarili," diretso niyang sabi na walang pag-alinlangan.
Alam ko na kailangan niya ng kausap. "Kailangan mo ako diba? I know na kailangan mo ng kausap," sabi ko sa kanya.
Napailing siya sa harapan ko. "Hindi ko 'yan kailangan. Alam mo ba ang pakiramdam na may gusto ka sa isang tao pero hindi ka niya magawang pabalik na gustuhin ka dahil kaibigan ka lang," diretso niyang sabi.
Nasaktan ako sa sinabi niya. His word are like sword that pierced in my heart. It's hurt me many times. "Alam ko ang pakiramdam. I feel that right now. Nasasaktan ako na nakikita kang nasasaktan sa kaibigan ko. Alden, pwede bang ako na lang?" tanong ko sa kanya.
Kunti na lang babagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Ivory, stop that feeling. Masasaktan ka lang sa akin. Hindi ko kayang ibalik sa iyo ang nararamdaman mo kaya itigil mo na," pagpatigil sa akin ni Alden.
Tumulo ang aking luha at mabilisan ko pinunasan. "Handa akong masaktan para sa'yo,"
Hindi siya makapaniwala na napatitig sa akin. "Nababaliw ka na, Ivory. Huwag mong sayangin ang sarili mo sa akin," pakiusap ni Alden pero hindi na ako nakinig.
"Kahit anong sabihin mo sa akin or kahit anong pagtaboy mo sa akin ay lalapit at lalapit pa rin ako sa iyo,"
Ganito ako magmahal. Kahit na nasasaktan na ako ay ipinagpatuloy ko pa rin dahil mahal na mahal ko siya. "Ivory, I love your bestfriend. I love Anthenese Taisleigh Ellis." simple niyang sabi pero kinadurog ng puso ko.
I admit it, alam ko naman na mahal niya ang kaibigan ko at hindi ako. "Alam ko, pero hindi pa rin ako susuko. Nandito pa rin ako sa tabi mo at patuloy na minamahal ka. Desperada man ako sa paningin mo at paningin ng iba, handa akong sumugal para sa iyo," matatag kong sabi at siya naman ang hindi maipinta ang mukha.
Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin sa akin ng ibang tao lalo na maraming nakakarinig sa amin. May iba na nagbubulungan tungkol sa akin pero hindi ko na pinakinggan. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo, masyado mong binubulag ang iyong sarili sa akin. Pwede ka naman magmahal ng iba na kaya kang mahalin pabalik," sabi niya habang nakaharap pa rin sa akin.
Umiling ako sa kanya. "Hindi ako humihiling na mahalin mo ako pabalik, ang mahalaga sa akin ay hindi mo ako pagbabawalan na mahalin ka at hindi mo ako sasaktan habang minamahal kita," sabi ko sa kanya na nakangiti pa.
I'm good at pretending and denying. "Ivory, kaibigan kita at hanggang doon lang 'yun," final niyang sabi at naglakad na paalis.
Humangin naman ng malakas at ang iba ay napapatakip sa mata nila. Ganito lagi ang nangyayari sa akin kapag nasasaktan ako. Nadadamay ang aking element na hangin. I am Air Elementalist. Nagsimula na ako maglakad paalis doon habang pinag-uusapan ako ng nadadaanan ko.
Dinala ako ng mga sarili kong paa sa harapan ng isang watefalls dito sa school. Hindi ko akalain na napakaganda nitong pagmasdan pero may takot ako sa tubig. Naalala ko na nawala ang aking gamit noong magkaroon kami ng vacation sa isang beach resort at 'yun dahilan kaya nawala ang nakakabata kong kapatid.
Niligtas niya ako sa panganib kahit na siya ang mapapahamak. Nalunod siya sa pagligtas sa akin at hindi na namin nahanap ang kanyang katawan. Masakit sa akin tanggapin ito dahil nag-iisa ko lang siyang kapatid at close pa kami sa isa't-isa. Dito ako pumupunta kapag nalulungkot ako or gusto ko maglabas ng sama ng loob.
"Bakit ganun? Bakit umaasa pa rin kaming buhay ka Yshie kahit na alam naming wala ka na. Iniwan mo kami at nilagtas mo ako. Sana kung nasaan ka man ngayon sana'y masaya ka dahil kahit na wala ka na, nandito pa rin ang alaala mo sa amin.  Hinding-hindi ka namin makakalimutan at mananatili ka sa puso namin," sabi ko habang kausap ang aking sarili.
Nakatingin lang ako sa waterfalls at hinayaan na pumatak ang aking luha. Kukunin ko sana ang aking panyo kaso may naglahad ng panyo kaya nilingon ko ito. Si Alden habang nakalahad ang kanyang kamay na may panyo. "Paano mo ako nahanap?" tanong ko sa kanya.
Pinilit niya pa rin sa akin ang panyo kaya wala akong nagawa kundi kunin. Nasa kamay ko pa ang panyo niya ay amoy ko na ang kanyang pabango. Amoy na hindi nakakaubo ang amoy. "Anong perfume mo?" bigla kong tanong.
"Huh?"
Doon ko lang na-realize ang mali ko dahil lumabas pala sa isipan ko ang nasa isip ko lamang. "Wala, paano mo nahanap ang lugar na 'to?" tanong ko sa kanya kaya napangiti naman siya.
Para siyang si bugs bunny kapag nakangiti. Bunny smiles na ang itatawag ko sa kanya since mukha naman siyang bunny. "Madalas akong pumunta rito kaya nagulat ako na alam mo rin ang lugar na ito,"
Napatitig ako sa kanya at hindi ko mapigilan na pagmasdan siya. Malinis na gupit na mala-kpop, cute na mata at pisnge. Bibig na laging nakangiti at napalunok ako. Labi niyang manipis at mapula. "Done checking on me?" tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin at napakagat sa labi.
"H-hindi a-ako n-nakatitig s-sa i-iyo," nauutal kong sabi.
The heck, ba't ako nauutal sa harapan niya. "Really? Bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso?" natatawa niyang tanong.
Kalma, self. Huwag kang magpapadala sa tawa niya. Tumingin ako sa kanya ng diretso at siya naman napatitig sa akin. "Maganda ka, Ivory." simpleng sabi ni Alden pero libong-libong boltahe ang umakyat sa katawan ko.
That a simple compliment from him pero ang lakas ng dating sa akin. "Kung maganda ako? Bakit hindi ka nahulog sa akin?" tanong ko sa kanya.
Siya naman ang natahimik sa akin. Lumapit siya bigla sa akin at niyakap ako bigla. "Huwag mong sayangin ang sarili mo sa akin. May magmamahal pa sa iyo at hindi ako 'yun. Hanggang kaibigan lang maiibigay ko sa iyo,"
Tumulo na naman ang aking luha sa sinabi niya. How cruel destiny for me? Paano ako sasaya?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (78)

  • avatar
    AkbalMohammad

    nakaka proud

    2h

      0
  • avatar
    Jecyrile Pepino Vallarta

    so happy reading..

    20d

      0
  • avatar
    May Amar

    Hilo

    17/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด