logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Four

HANGGANG sa matapos ang klase kay Mrs. Belarmino hindi na tumigil sa kakatawa si Lara.
"Masaya ka?" Sikmat ko sa kaniya.
She smirked and tap my shoulder. "Yes."
"At bakit?"
"Syempre, mai-ipakita mo na sa lahat ang ganda mo tapos malay mo mapansin ka na nung crush mo! Yiee!" Sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko kaya napapa-igtad ako.
"Stop that," my mouth curved into a smile. "Sene!"
"Arte mo! Pabebe ka diyan," hinagilap niya ang buhok ko saka walang habas na hinila-hila.
“A-aray... masakit!”
Tulad ng isang ordinaryong high school student, may super crush din ako. Ang basketball player nang college department. Si Matt Esquillo. Second year college siya, Bachelor of Music ang course niya.
"Ako make up artist mo, ah?"
"Lara gising, hindi ka marunong no’n!" Inalog-alog ko pa siya.
"Marunong ako,"
"Hindi!"
"Oo."
"Hin–"
"Excuse me!"
Pareho kaming natigilan ni Lara ng may magsalita sa may pinto sa likod. Mayroong dalawang pinto ang classroom. Sa unahan at sa likod. Pero laging nakasarado ang pinto sa likod kaya nakakapagtaka na may dumaan du’n. Kami ang unang nakapansin kasi kami ang malapit doon.
"P-po?"
Am I dreaming? Wala sanang gumising sa akin. My crush is in front of me!
"Is this the third year section A?"
Nakatulala lamang ako, hindi na makasagot, kaya si Lara ang sumagot habang palihim akong kinukurot.
"Yes... opo, dito nga po. Bakit po?"
"Ah, napag-utusan ako na bantayan kayo, I have here your quiz papers."
"Quiz? Wala si Sir Esquillo po?" Tatay ni Matt ang teacher namin sa Math kaya siguro pinadala na lang ni Sir.
"Wala po, may emergency siyang pupuntahan."
Bukod ang teachers sa Elementary, High School at mga Professors sa College. Syempre iba-iba sila ng degree. Pero dahil siguro tatay naman niya si Sir namin sa Math pinakisuyo na lang. Another thing is, pabor iyon sa akin matagal-tagal ko siyang makikita.
Napakurap ako ng ngumiti siya sa akin saka nagdiretso na sa unahan. Inilapag niya yung mga papel sa mesa ng teacher.
"Okay guys, settle down!" Malakas na sabi niya. Agad naman na sumunod ang lahat. "I have here your quiz papers, hindi makaka-attend si Sir Esquillo for the meantime because he has emergency to attend to. So, ready?"
"Yes, Sir!" Sabay-sabay na sagot namin.
Ngumiti siya saka isa-isa nang ipinamigay iyong papel. Ang lalaki ng ngiti nung mga babae kong kaklase dahil nginingitian ni Matt kapag ini-aabot niya yung quiz kaya naiirita ako, ako lang dapat!
"Huy! Para kang papatay diyan."Lara said while looking at me with narrowed eyes.
Hindi ko siya sinagot. Hinintay ko na maiabot sa akin yung papel saka ko siya nginitian nang pagkatamis-tamis narinig ko pa na nasamid si Lara sa tabi ko. "Salamat."
"No Prob."
Literal na nanlaki ang mata ko ng makita ang quiz sa Math. Anong isasagot ko dito? Hindi ko alam ang bobo ko pa naman sa subject na'to. Mathematics ang pinaka-ayaw kong subject sumasakit ang ulo ko sa pag-intindi ng mga formulas na iyan.
Bumaling ako kay Lara. Hayp yan sa formulas e, "Lara pag–"
Ang tangka kong pagkopya kay Lara ay naudlot dahil may umupo sa bakanteng upuan sa kabilang tabi ko dahan-dahan akong bumaling sa kabila ko para makita kung sino yu’n. My eyes widened when I saw who it was. Sabi ko lang naman gusto ko siyang makita, hindi makatabi. Ngayon, anong isasagot ko kung katabi ko si Matt?
Si Matt Raven Esquillo. The walking sin in every girl. Maganda siya, literal na maganda. Madami ang naiingit sa kaniya na mga babae pero mas marami ang nagkaka-gusto kahit kasi maganda siya, super manly naman niyang manamit at kumilos magaling din siyang kumanta at sumayaw.
May grupo ang college department at kasali siya doon together with the son of Cuarteros owner at ilan pang college student. Isinasali nga nila si Kuya, ayaw naman. Nagpe-perform sila kapag may mga event ang Cuarteros.
Napansin ata niya na nakatingin ako. "Yes?"
"H-hah! A-ah... Wala po."
Ngumiti siya saka muling inilibot ang tingin sa buong classroom. Nagmamasid.
Pasimple kong kinalabit si Lara.
"Ano?"
I did my puppy dog eyes. Alam na niya ang ibig sabihin niyon, tinanggal niya ang takip ng papel niya para matulad ko. Don't get me wrong marunong naman ako sa lahat ng subject. I can do it all kahit MAPEH pero sa Math, matutulog na lang ako.
Nagbabalak nga sila Mama na ikuha ako ng tutor sa math pero siguro nanghinayang sa ibabayad wala rin naman kasi akong matututunan at ayoko ding piliting aralin ang math. Baka mabaliw ako!
Nakakaunawa ako sa mga formulas pero kapag sobrang dami nang formula ang sama-sama umiikot na ang paningin ko.
Natigil ako sa pagsusulat nang marinig kong tumawa si Matt. "Kopya pa nga,"
Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa sinabi niya. Hindi ko magawang tingnan ang nanunukso niyang mga mata. I scratched my head. "Ah... eh..."
"Ayaw mo sa Math?"
"Y-yes..."
"So, ayaw mo kay Matt?"
"Y-yes... ay, N-no!" Narealize ko lang ang naging sagot ko ng tumawa siya ng malakas. Maging ang mga kaklase ko na nakarinig ay tumawa rin at nanukso.
"Uyyyy!"
"Fuck!" Napatungo na lamang ako sa desk ko para maitago ang mukha sa mga braso.
"Bad words,"
I don't care if I say bad words, ang akin lang sobrang nakakahiya ako ngayong araw but at the same time, kinikilig.
"Walang poreber!" Sabi pa ni Aiza. Bitter.
"Yeah," nalungkot ako dahil sa sagot ni Matt. Pero agad napawi ng may i-dugtong siya. "But there's a lifetime."
Dahil doon, mas lalong lumakas ang hiyawan ng buong klase ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko hanggang sa leeg.
"Okay, that's enough!" Saway na nang binata sa lahat. "Tapos na ba kayo? Maingay na e."
"Hindi pa Sir, chill ka lang muna diyan sa tabi ni Amarie."
Akala ko magtatagal pa siya sa upuan sa tabi ko pero tumayo siya at naglakad-lakad. Sinusuri niya ang mga bagay na nasa room maging iyong maliit na bookshelf sa tabi ng bintana ay kinalikot niya.
"Huwag mong titigan baka matunaw," Nabitiwan ko ang ballpen ko ng may bumulong mula sa likuran ko. Nang lingunin ko kung sino, nakita ko si Ariel na malaki ang ngisi sa akin. "Halata ka masyado."
I feel like my face turned red because of what he said. At para makabawi, sinimangutan ko lang siya at tinalikuran. Hindi na kami muling tinukso hanggang sa matapos ang quiz. Kinolekta ni Matt ang mga papel saka nagmamadaling umalis may klase pa raw kasi siya.
Lunch na ang kasunod kaya kaniya-kaniya na rin kami ng labas sa room para kumain.
"Sabay kayo nang Kuya mo kumain?" Tanong ni Lara habang naglalakad kami sa corridor.
"Dunno..."
"Tanong mo, sa labas tayo kakain."
"Labas? Outside Cuarteros? Di na ako magpapaalam, let's go na!" Ako pa ang humila sa kaniya palabas ng building diretso sa gate ng University.
PALABAS na kami sa gate ng matigilan dahil sa tatlong magkakasunod na sasakyan papasok. Ikiniling ko ang ulo para lalong mapagmasdan ang mga sasakyan na nakaparada na sa parking lot.
Tanaw ang parking sa gate. Bumaba mula doon ang mga security at sa gitna ay ang lalaking napanaginipan ko.
My eyes bore into that guy. Napa-atras ako ng magawi ang tingin niya sa pwesto ko, mabilis kong iniwas ang tingin sa gawi nila at mabilis na naglakad papalayo.
Nahihiya ako na napanaginipan ko siya dati naman hindi. Ngayon, naiilang na ako sa tuwing nakikita ko siya, nahihiya na ako sa kaniya. Nitong nakaraan nagagawa ko pa siyang irapan dahil sa kalokohang ginawa niya noon.
"Amarie, wait." Sigaw ni Lara na naiwan ko na pala. I forgot about her because of my embarrassment to that guy.
"Natakot ka sa MIB?" She joked.
I glared at her. "Why would I?"
"Ang bilis mong lumayo e." natatawang aniya.
"Gaga! Nagugutom na ako."
Mukhang naniwala naman siya. Magka-hawak ang kamay na tumawid kami patungo sa karinderya sa kabilang kalsada. Matagal na kaming kumakain dito ni Lara lalo na kapag hindi namin bet ang pagkain sa cafeteria. Humanap kami ng pwesto na malapit sa bintana inilagay muna namin ang mga gamit sa upuan saka nagtungo sa counter at pumili ng pagkain.
Pinili ko ay ginisang ampalaya at isang kanin. Si Lara naman ay adobo at kanin. Even though we're rich, kumakain naman kami sa mga ganitong karinderya at alam rin namin ang mga pagkaing karinderya. Nasa kalagitnaan na kami nang tanghalian nang tumunog ang cell phone ni Lara. Hinalungkat pa niya ang kaniyang bag para makuha ang aparato na nasa pinaka-ilalim.
"Si Aiza,"
Tumango ako at sinenyasan siyang sagutin ang tawag.
"Hello? Huh!? Kumakain kami dito sa labas... Oo," tumingin siya sa plato sa harap niya saka muling nagsalita. "Totoo? Baka fake news ‘yan ah, sure? Sige, sige... Oo na, bye, thank you!"
"Ano daw?" Usisa ko nang ibaba na niya ang tawag.
Nagkibit-balikat siya. "Walang klase."
My forehead furrowed. "Bakit daw?"
"Emergency meeting daw ng High School teachers."
"Pasyal tayo?" I excitedly ask.
"Ay, bet ko yan!"
Nagtawanan kami nang kaibigan ko saka mabilis na tinapos ang pagkain. Tinawagan ni Lara ang driver niya saka kami nagpahatid sa pinaka-malapit na mall. Nagliwaliw kami ni Lara sa mall hanggang sa inabot na kami ng gabi.
Kung anu-ano rin ang mga pinamili namin. Mula sa mga branded na bag, sapatos, damit at kung anu-ano pa. Halos hindi na namin madala ang mga paper bag ng pinamili namin. Pumasok rin kami sa salon at nagpa hair treatment. Nagpa-ayos ng mga kuko mula sa kamay at paa.
Kaya naman halos magha-hating gabi na nang mamalayan namin. Wala pa sila Mama at Papa sa bahay kaya hindi ako nag-aalala na mapagalitan. Umupo muna kami ni Lara sa upuan sa labas ng mall para magpahinga at habang hinihintay niya ang driver niya naalala kong tingnan ang cell phone ko baka may importanteng mensahe.
Pero laking gulat ko nang makitang halos tadtarin na ako ng text at tawag ni Kuya 'Tian. Meron ding limang miscalls at tatlong text si Manong, asking where I am. Hindi ko iyon pinagtuunan nang pansin, si Kuya ang tinawagan ko. Isang ring pa lamang ay agad na may sumagot sa kabilang linya.
"What the heck Crishan Amarie! Where are you?"
Nailayo ko ang aparato sa tenga ko dahil sa sigaw niya. "Chill Kuya, nag-mall lang kami walang klase kaya–"
"Walang klase? Dapat umuwi ka na lang! Nasaan ka pa? Sasabunutan na talaga kita! Where are you?"
"Nasa mall pa, nagpapahinga sandali kuya, uuwi na rin kami maya-maya, magpa–"
"Gabi na, tumatambay ka pa? Give me the address, susunduin kita!"
Hindi na ako nakasingit pa sa mga litanya ni Kuya kaya sa huli sinabi ko na rin ang address nang mall kung nasaan kami.
"Nasa labas na daw si Manong, Amarie papahatid ka ba?" Tanong ni Lara habang kinukuha na iyong mga pinamili niya.
I went poker face. "Susunduin daw ako ni kuya."
"Paano iyan?"
"Mauna ka na, maya-maya dadating na rin 'yun." Sumabay na rin ako sa kaniya palabas sa mall. Sa labas ko na hihintayin si Kuya.
"Okay ka lang talaga?" Baling pa sa akin ni Lara nang buksan niya ang pinto sa backseat ng sasakyan nila.
"Okay lang, go!" Iwinagayway ko pa ang isa kong kamay na walang hawak na paper bag.
Ilang sandali pa na hindi dumarating si Kuya, kinabahan na ako. Madilim ang paligid. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at idinial ang numero ni kuya pero hindi siya sumasagot, si Manong ganoon din.
Napapadyak na ako dahil sa pagkataranta. Nanlalamig na ako dahil sa simoy ng pang-gabing hangin. Busy ako sa halinhinang pagtawag kina Kuya at Manong nang may magsalita sa likuran ko tumalikod kasi ako sa madilim na daan.
"Need a ride?"
Napatda ako dahil sa pamilyar na salitang iyon. Iyon ang sinabi ni Jairus Patrick sa panaginip ko at para kumpirmahin, hinarap ko ang nagsalita. And yes, I am right. Nakasilip mula sa bukas na bintana si Jairus Patrick katulad na katulad sa panaginip ko.
"No." Tinalikuran ko siya at muling idinial si Kuya na ngayon naman ay pinapatay ang tawag ko.
"Gabi na, maraming addict na nagkalat diyan, bahala ka!" Pananakot niya na mukhang effective dahil natatakot na ako at tumatayo na ang balahibo ko kumabog din nang husto ang puso ko sa ibang dahilan.
This scene is very familiar pati iyong mga sinasabi niya.
"Tara na, Crishan Amarie."
Nagulat ako dahil alam niya ang buong pangalan ko pero hindi ko ipinahalata. Nanatili akong nakatalikod at napag-pasyahan na si Manong naman ang muling tawagan baka sakaling ma-contact ko na siya.
At sa wakas sumagot. "Manong, pasundo po."
"Ma’am, tumawag si Sir Christian siya na daw po ang susundo sa'yo!"
"Kaso wala pa siya, wala akong kasama dito Manong!"
"Ano ako, multo?" Narinig kong bulong ni Jairus na nakadungaw pa rin sa bintana ng kotse niya.
Shit! Very familiar. Ang iba lang ay wala ako sa school kundi nasa mall at hindi si Manong ang hinihintay ko kundi si Kuya. Muli kong tinawagan si Kuya and thankfully, sumagot naman. "Kuya!? Where are you?"
"Shit! Amarie huwag kang lalabas nang mall. Fuck! Susunduin kita wait lang, nasiraan ako sa daan."
"What?" My eyes widened. "Kuya, nasa labas na ako. Mukhang magsasara na rin itong mall."
"Sakay na kasi." rinig ko na namang bulong nang lalaki. Hinarap ko siya at inirapan.
"Sandali, I hail a cab iiwan ko na lang dito itong sasakyan ko."
Nanlaki ang mata ko. "Paano kung anung mangyari sa kotse mo?"
"Eh, kaysa naman maghintay ka ng matagal diyan?"
Tinamaan ako ng konsensiya dahil doon. "Uh... nasa may saan ka ba, Kuya?"
"Medyo malapit pa sa condo, bakit?"
"Ah, magko-commute na lang ako, Kuya." Nahihiya akong tumingin kay Jairus na tila nakuha naman ang ibig kong sabihin bumaba siya ng sasakyan.
"It's dangerous for you, Amarie! At saka huwag mo'kong pinagloloko hindi ka marunong." Sandali siyang tumahimik. "May maghahatid sa'yo 'no? Sa condo ka nagpahatid, ah!"
Hindi ko na siya sinagot at pinatay na ang tawag. Kinakabahan ako pero ngayon hindi na dahil sa madilim na kalye kundi dahil sa lalaking papalapit sa akin.
"Shall we?"
Nahihiya akong tumango.
"Sasama rin naman pala," bulong niya na nakapagpatigil sa akin sa akmang pagsakay sa nakabukas na backseat. Kinuha nang isa sa security niya ang paper bags ko at ipinasok sa compartment ng sasakyan.
"What?"
"Wala, sakay na!"
"Salamat." tumango siya.
Sinabi ko kung saan niya ako ihahatid. Naiilang ako dahil sa katahimikan ng sasakyan natatakot ako na marinig niya ang malakas na kalabog ng dibdib ko.
Itong-ito kasi iyong scenario sa panaginip ko. May kaunting pagbabago pero at the end, nasa sasakyan pa rin niya ako at ihahatid niya ako.
*** AM

หนังสือแสดงความคิดเห็น (50)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda po ng mga nobela nyo. Walang halong kabastusan🥰🥰🥰

    8d

      0
  • avatar
    RodriguezYhana

    Ang Ganda ng story 💗

    11/05

      0
  • avatar
    romerokhim hyena

    ITS SO AWESOME

    30/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด