logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Two

SIMULA ng tulungan ako ni Jairus Patrick at dalhin sa clinic hindi na siya maalis sa isip ko. I just can't.
Pero parang wala lang sa kaniya iyon ni hindi niya ako tapunan ng tingin kapag nagkaka-salubong kami or kapag nagkikita. Siguro mabait lang talaga siya to the point na kahit hindi niya kilala tutulungan. Hindi siya maalis sa isip ko but I set it aside kasi alam ko naman na hindi niya ako papansinin even though he once help me.
Kahit na hindi halata, he's the Cuarteros Star pero hindi lang siya masyadong malapitan kasi nga marami siyang men in black. And even though I am rich, in his eyes I am just nobody.
Umupo ako sa ugat ng puno sa likuran ko. Mabuti na lang nakapang-PE ako ngayon. Kasalukuyan akong nasa soccer field sa ilalim ng lilim ng isang puno. Nag-aabang ako kay Kuya, sabi kasi niya susunduin niya ako dito para sabay kaming mananghalian.
Since that incident happened two days ago, hindi na niya ako hinayaan na kumain nang hindi siya kasabay. Kaya heto, hinihintay ko siya dito sa field. Ang soccer field ang nagsisilbing pagitan ng high school at college. Kasama naman ng high school ang elementary.
"Ang tagal..." Bulong ko habang nakatanaw sa field. Walang naglalaro doon kasi mainit kaya naman halos karamihan sa mga estudyante nasa lilim ng puno o di kaya nasa shed. "I'm hungry..."
Ilang minuto pa dumating din si Kuya akala ko maghihintay pa ako ng matagal.
"Let's go?" Tanong niya ng makalapit. Nakasabit sa kaliwang balikat ni Kuya ang itim niyang bag. Naka-uniform din siya nang uniform ng architecture, may blazer iyon pero ang kay Kuya suot nga bukas naman ang butones.
"Ang tagal mo Kuya, nagugutom na ako!" Reklamo ko habang patayo sa kinauupuan kong ugat ng puno. "Akala ko ba sandali ka lang?"
"Nagpa-meeting sandali si President, alangan naman umalis ako?"
Inakbayan ko siya. "Ah, okay wala na akong sinabi, halika na!"
Nagsimula akong maglakad kaya napasabay na rin si Kuya. "Sa cafeteria tayo?"
"Oo." iwinaksi niya ang braso kong naka-akbay sa kaniya. Marami na kasing nakakakita na mga college student at nakatingin na sila sa amin.
"Bakit ba!?" Alam naman nila na may kapatid siya tapos parang ikinakahiya niya ako.
Napansin ko ang pagmamadali niya sa paghakbang. "Dumaldal ka na lang."
Mabilis ko naman siyang hinabol at kinawit ang braso ko sa braso niya. "Iiwan mo'ko? I thought sabay tayong kakain? And another one that concerns me is that I don't know where the college cafeteria is."
Inirapan niya ako saka pinitik ang noo ko.
"Ang sakit! Isusumbong kita kay..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng maisip na hindi rin naman ako kakampihan ni mama. Sasabihin lang no’n nagpasaway na naman ako, kay papa naman tatawanan lang kaming magkapatid.
"O ano? Kanino ka magsu-sumbong?" Nakataas ang kilay na tanong ni kuya sa akin. Halatang nang-aasar.
"Kay President Black." bulong ko.
Makakasalubong namin ang School President ng Cuarteros. Sakop niya lahat, even High school and Elementary. As usual kasunod niya yung girlfriend niya na nakasuot ng T-shirt na may tatak ng mukha ni Chris Evans.
"Hi! 'Tian." Bati ni Cris sa Kuya ko, ngumiti naman si Pres.
As usual, naka suplado mode ang Kuya ko kaya tumango lamang siya saka diretsong lumakad papalayo.
"Wait 'Tian!"
Agad namang lumingon si Kuya. "Yes, President?"
Tiningnan ako ni Black Alfonso saka muling bumaling kay Kuya na nakakunot na ang noo. "Bawal ang High School student dito, right?"
"Sorry Pres." kumamot si kuya sa batok. Nag-iisip ng palusot. Nitong nakaraan kasi hindi naman namin nakakasalubong si Black Alfonso kaya walang problema.
"Don't do this next time Mr. Zaraga, okay?"
"Yes, President." Bahagyang yumuko si Kuya saka nagmamadaling umalis. Hindi na ako nagpaalam pa sa kanila dali-dali akong sumunod kay Kuya na nakapasok na sa cafeteria.
Humanap ako ng table habang si Kuya nasa counter pumipili ng pagkain. Habang hinihintay si Kuya inilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria, nagmamasid hanggang sa may nakita akong pamilyar na pigura sa kabilang table.
"Hi!" Umupo ako sa katapat niyang upuan. "You're Azenith, right?"
Lumikot ang mga mata niya at hindi siya mapakali sa kinauupuan. "H-hi! Ahm, yes."
Awkward. Nung nakaraan sinabihan pa niya akong gaga tapos ngayon halos hindi siya makapagsalita?
"Sabi ni Pres bawal High Schooler dito?" I started a conversation with her.
"Ah, nagpaalam ako sa kaniya."
I nodded. "Oh, pumayag?"
"Actually, pinilit ko," Aniya saka tumawa. "Susumbong ko siya kay Tita kapag hindi siya pumayag."
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Tita, huh!"
"Ah yes, Black is my cousin."
Sasagot pa sana ako pero napansin ko si kuya sa likuran ni Azenith na palinga-linga tila may hinahanap I raise my left hand to catch his attention. "Over here,"
Napansin ko na muling hindi mapakali si Azenith lalo na nang lumapit na si Kuya 'Tian.
"What are you doing here? Hanap ka ng mesa natin."
"Dito na lang tayo! Okay lang naman sa'yo Azenith, di ba?" Baling ko sa kaharap.
"A-ah yes, yes. No problem."
Mukhang hindi pa kontento si Kuya. "Okay lang talaga? Baka may kasama ka hahanap na lang kami ng ibang–"
"Okay l-lang talaga." natatarantang pahayag ni Azenith.
Nginitian siya ni Kuya ng gamit ang pamatay raw niya 'kuno' na ngiti. "Thanks."
Namula naman ang babae. Nagsimula kaming kumain. Hindi na ulit nagsalita si Kuya. Ako naman ay panaka-nakang kinakausap si Azenith na tanging juice at isang sandwich lamang ang kinakain.
"Diet ka?" Hindi ko napigilang usisa.
She awkwardly glances at my brother. "Y-yes,"
Hindi naman ako maka-relate kasi wala sa vocabulary ko ang salitang diet. Akala lang ni Mama ‘yun. Abala na ako sa pagkain ng matigilan dahil sa ginawa ni Kuya.
Inabutan niya ng sandwich si Azenith na kulay kamatis na dahil sa pamumula. "Eat."
Tinanggap naman iyon nang babae. Natatawa ako pero hindi ko ipinahalata dahil sinisipa na niya ako sa ilalim ng mesa.
FIVE minutes bago magsimula ang klase naglalakad pa lang ako sa soccer field patawid. Hindi naman kasi pinaalala ni Kuya pagkatapos naming kumain nagpaalam na siya na may gagawin pa hindi man lang sinabing male-late na pala ako.
Kaya heto, lakad-takbo ako hoping that my teacher will arrive late para mauna pa rin ako. Hindi ko na alam kung saan napunta si Azenith, pag-alis ni Kuya umalis na rin siya balak ko pa namang sumabay sa kaniya.
Bago tuluyang makarating sa building ng third year, madadaanan muna ang building for special class at sa harap niyon ay isang malaking bulletin board na may updates tungkol sa buhay ng mga special students.
Hindi ko na sana papansinin dahil kitang-kita ang pagmumukha ni Olivia na nakadikit doon. Nang makita ko din ang picture ni Jairus Patrick agad akong lumapit at inusisa ang larawan. May caption iyon sa ibaba, saying that it was his latest photo shoot project in Shamia's Magazine.
Pati ba naman iyon kailangan nakalagay!
Pero hindi ko alam kung bakit nakita ko na lamang ang sarili kong kinukuhanan ng litrato ang larawan niya. Hindi ako satisfied sa unang kuha kaya kukuhanan ko ulit sana sa pangalawang pagkakataon ng may magsalita buhat sa likuran ko.
"Don't take a photo of that, you can have it I won't mind."
"Nah! Ipapa-print ko–" nanlaki ang mata ko nang ma-realize kung sino ang nagsalita.
Sa pagmamadali kong umikot at kumpirmahin kung siya nga ang nagsalita napilipit ang mga binti ko at bumagsak mismo sa harapan niya. Halos ayaw ko nang bumangon para maiwasan siya pero agad na may tumulong sa akin na tumayo at iharap sa lalaki.
Sumalubong sa akin ang naka-ngisi niyang mukha.
"Are you all right?" Tanong niya pero halatang nang-aasar lang.
Tinaasan ko siya ng kilay para itago ang pagka-pahiya. "Yes, thanks for asking!"
Sabay lakad papalayo with poise pero sadyang malas nga ata ako ngayon dahil natisod naman ako mabuti na lang hindi nadapa. Narinig ko pa ang sarkastiko niyang pagtawa.
Nakakaasar!
Sa sobrang asar ko, hindi na ako um-attend ng pang-hapong klase. Tumambay na lamang ako sa playground sa elementary ground tinamad na akong um-attend ng klase.
Umupo ako sa swing at dahan-dahang itinulak iyon ng mga paa ko na nakalapat sa lupa. Mabuti na lang kahit mainit ang sikat ng araw may bubong naman ang playground kaya okay lang tumambay dito. Mabuti na lang din hindi pumasok si Lara kaya at ease ako na walang magsu-sumbong na nag-cut ako nang class.
Mabilis pa naman mapa-amin yun lalo na pag si Kuya 'Tian ang nagtanong kaya halos lahat nang sasabihin ko kay Lara alam rin ni Kuya.
Humilig ako sa kaliwang tali ng swing dahan-dahan inugoy ang duyan.
MALAPIT na akong maka-idlip ng biglang may pumitik sa noo ko napapitlag tuloy ako at muntik ng bumagsak sa lupa. Narinig ko ang masarap sa tengang halakhak ng kung sino. Swabeng-swabe ang halakhak na iyon.
Pero kahit ganoon hindi ko ipinahalata na nagustuhan ko ang tawa. Naiirita kong tiningnan kung sino iyon. Tuluyan akong nahulog sa lupa ng makita na naman si Jairus Patrick sa harap ko na malaki ang ngisi na nakapaskil sa mukha.
"Ano bang problema mo!?" Singhal ko sa kaniya.
"Nakakatawa ka kasi, ba't diyan ka natutulog?"
I rolled my eyes in front of him saka nagdadabog na tumayo. "Ano bang paki mo!?"
Kinabahan ako ng biglang umalma ang mga bodyguards niya dahil sa pagsigaw ko bahagya naman niyang itinaas ang kaliwang kamay para pigilan ang mga ito.
"Nag-cut ka 'no?"
Sisinghalan ko sana siya ulit ng ituloy niya ang sasabihin.
"Ako rin."
Napatanga ako dahil doon I don't care about him. Sa totoo lang, hindi ko talaga siya kilala ever since, yes aware ako sa kaniya, but I don't know him personally.
Simula ata ng lumipat siya ng Cuarteros para mag-aral sa High School nasa special class na siya at marami na siyang kasamang MIB kaya wala rin siyang masyadong friend. Mailap siya sa tao kahit na sikat siya hindi pa rin siya nakikihalubilo.
I know this information kasi fan na fan ni Jairus Patrick si Lara. At isa sa dasal niya sa buhay ay ang makausap man lang ang lalaking ito na nakatakda atang buwisitin ako sa maghapon.
Hindi ko na siya pinansin, umalis ako sa playground at nagdiretso sa parking lot. Alam kong wala pa doon si Manong kaya umupo na lamang ako sa gilid.
Ayoko na ulit siyang makaharap. Baka imbes na naiisip ko lang siya, mapanaginipan ko na.
But I think it's too late.
***

หนังสือแสดงความคิดเห็น (50)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda po ng mga nobela nyo. Walang halong kabastusan🥰🥰🥰

    8d

      0
  • avatar
    RodriguezYhana

    Ang Ganda ng story 💗

    11/05

      0
  • avatar
    romerokhim hyena

    ITS SO AWESOME

    30/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด