logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 7

Kabanata 7
"Ayan, may sunset na! Picturan mo ako, Zen," saad ko kay Zenitsu at ibinigay sa kanya ang cellphone ko.
I posed verily while he's focused on taking shots for me. Nag-inat ako dahil nangalay ako sa naganap na pagpi-picture taking.
"Is that fine?" tanong niya.
Tiningnan ko ang mga picture na kinuha niya. Simple lang 'yon pero maganda naman. The sunset was shining beautifully at its roseate light. Dumagdag ang magandang view sa paligid. Zenitsu has some potential, huh?
"Hoy," narinig kong tawag ni Shin sa amin. May nakasabit na camera sa leeg niya.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Camera," sagot ni Shin.
"She's not asking for a figurative answer, idiot," Zen told him.
Shin pointed him a sharp glance. Hinubad niya ang nakasabit na camera sa leeg at naglupasay sa damuhan.
"Ha? Ako? Bobo? Haha sorry sa pagtatanong. Ganito lang ako, walang kwenta, nobody. Bobo ba talaga ako? Hays sorry ulit sa pagtatanong. Sana hindi na lang ako pinanganak, wala naman akong silb--" napatigil siya sa pag-e-emote nang pabirong sinuntok ni Zen ang dibdib niya.
"Get your fat ass up, please," sabi niya kay Shin na tila nawawalan na siya ng pasensiya. Bumungisngis ako. Their friendship is cute. Literal na parang aso at pusa.
Shin innocently smiled and showed us a picture from his camera.
I mouthed 'wow'. Kami iyon ni Zenitsu, nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa cellphone na hawak niya. Kanina lang 'yon pagkatapos akong picturan ni Zenitsu. The sun was shining brightly at its ecstasy as if colliding with our secret-like rendezvous.
Hindi ko alam na may talent pala itong si tsong Shin. Kanina lang ay nakain siya ng mangga sa terrace, I never knew he had a plan to take a photo of us standing under the sun.
"Ang galing mo! Give me a high five!" Tinaas ko ang kamay ko para makipag- hi five kay Shin pero si Zen ang tumanggap sa palad ko.
"Paano ba 'yan, nagmumukha na'kong mayabang neto," Shin spoke. "I am a photo journalist so... Gusto mo pa bang mag-picture? I can give you a pitik pitik."
"She doesn't need your photography skills, Shin. Kaya ko namang picture-an siya," singit ni Zen.
Ngumiwi ako at tumango. Nag-ring ang cellphone ko kaya in-open ko ito at sinagot. It was Karen. Lumayo muna ako kina Zen para makausap siya ng maayos.
"Ano? Magsisimula na ang gig?" tanong ko kay.
Pagkanta ang pinagkakakitaang gig ni Karen tuwing gabi. Madalas ay ala sais nagsisimula ang mga gig niya. Saktong malapit nang mag-ala sais. Uuwi na rin ako.
"Hello? Ito po ba 'yung si Cathace?" Napatigil ako nang ibang boses ang marinig. Sigurado akong hindi 'yon boses ni Karen. Buo ang boses ng babaeng ito, ang kay Karen ay matinis.
"Sino 'to? Nasaan si Karen?"
"Ah, Karen ba ang pangalan niya? Nandito siya sa Cabrini Hospital. Nabangga yata, dinala ko na dito sa ospital. Kaibigan ka ba niya? Pwedeng punt--"
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng babae. Mabilis akong lumapit kina Zen at nagsalita, "Zenitsu. Ihatid mo ako sa Cabrini, please." Hinigit ko ang kamay niya at mabilis na naglakad papunta sa sasakyan.
Wala akong alam na dahilan kung bakit mababanggaang kaibigan ko. She should be inside the bar right now and not crossing a life-risking highway.
"Bakit tayo pupunta sa ospital, Cath?" tanong niya at pinatunog ang sasakyan 'tsaka ito binuksan. Mabilis kaming sumakay sa loob.
"Shut up and just drive! Bilisan mo!" sigaw ko.
"Alright," wika niya.
"Sama ako! Sasakyan ko 'yan!" Shin yelled.
Parang hindi narinig ni Zen ang sigaw ng kaibigan niya. He started the ignition of the car and drive to the highest speed. Parang nawala ang libo-libong pag-iisip ko tungkol kay Karen nang paandarin ni Zenitsu ang sasakyan. He drives within 360 degrees.
Bawat sasakyang nadadaanan namin ay napapatabi dahil kay Zenitsu. He was reckless in driving, kahit naka-stoplight ay diretso pa rin. Nang marating namin ang ospital ay kahit umaandar pa ng kaunti ay lumabas ns agad ako ng sasakyan.
"Kastra Renali Estrada," sabi ko sa nurse pagkarating sa loob. Ang pangalang binanggit ko ay ang buong pangalan ni Karen.
Chineck muna nito sa computer bago nagsalita. "Ahm, room 125, second floor."
Pumunta kami ni Zen sa second floor. Mabilis ang lakad ko at nasasabayan niya iyon. Finally, we stopped in front of room 125.
"Dito na lang muna ako. Don't panic, everything's gonna be okay," sambit sa akin ni Zenitsu.
"Thanks, Zen." Matunog akong ngumiti sa kanya.
He tapped my head. "Anytime."
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Napansin ko na medyo malawak ang kwarto. Napatingin ako sa pasyenteng nakaupo sa kama. Karen...
Napatakip ako ng bibig. Para akong si flash na lumapit sa kanya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Gising siya pero hindi niya maimulat ng maayos ang mata.
"Karen! Ano'ng nangyari sa'yo?!"
Punong-puno ng galos ang katawan niya. Malaki ang pasa niya sa magkabilang pisngi at braso. May black eye din siya at sugat sa gilid ng labi.
Binuklat ko ang patient gown na suot niya. Malaki ang sugat niya sa tuhod, hita, paa, at iba pa. Hindi ganito ang nabangga.
"Karen? Ano'ng nangyari?" Halos alugin ko na siya pero hindi ko magawa.
Pilit siyang tumawa. "O-okay lang ako. M-malayo 'to sa bituk--"
Malakas akong sumigaw. "T*ngina naman, eh! Look at you, a perfect definition of a mess! Ano'ng nangyari? I thought you'll just go into a gig?! Pero bugbog-sarado ka! Sino ang gumawa nito?!"
"'Di ba nga muntik n-na akong m-mabangga?" She smiled faintly.
"Ano? Nabangga? Hindi ganyan ang nababangga, Karen! Kung nabangga ka sa highway, siguradong labas pati bituka mo! Siguradong patay ka na!"
Tumawa siya ng malakas pero nanghihina pa rin. Ilang segundo ang lumipas, her laughter turn into loud sobs. Tumulo ang mga luha niya.
"C-cathace, I was... I was... I w-was nearly r*ped... by my e-ex-lover." Mas lumakas ang pag-iyak niya.
Nanatiling blangko ang emosyon ko. Tuloy lang ang pag-iyak niya.
"W-wala eh, m-mahal ko pa. S-sabi ko sa'yo, may gig ako. P-pero nakipagkita lang ako... sa k-kanya. 'Tapos ayun, kasama niya p-pala ang barkada. Binugbog ako at t-tinangkang--"
Naputol ang sinasabi niya ng sunod-sunod ko siyang sinampal sa magkabilang pisngi kahit bugbog-sarado. Pagkatapos siyang sampalin ay niyakap ko siya.
"Girl! Hindi mo na kailangan ang ex-lover mong iyon! Nandito ako! Kaibigan mo! Gagabay ako sa'yo... I am always here 24/7. Hindi na mauulit," sabi ko.
I gave her a solid slap because that's a reminder that I am always here. Na kapag nagpakatanga siya, may kaibigan siyang sasampal sa kanya para ipamukha na mali ang desisyon niya. Na kapag may na-achieved siyang goal, may kaibigan siyang yayayain siya sa samygup para mag-celebrate. Na kapag nadapa siya, may kaibigan siyang tatawa pero tutulungan siya upang makabangon muli.
We don't need romantic love that would make us feel butterflies in our stomach. Because no matter how that romantic lover loves you, he or she is still capable of cheating and leaving you alone. Pero ang totoong kaibigan, nandiyan lang 'yan. Wala man 'yan sa tabi mo araw-araw pero proud siya sa 'yo at dadamayan ka sa araw ng problema.
Family doesn't define blood relate, it defines love, comfort and support. Pamilya mo ang mga taong gagabay at magiging sandalan mo sa kalungkutan.
Lumabas muna ako sa loob ng kwarto. Sinalubong ako ni Zenitsu. Niyakap niya ako ng mahigpit. I cried on his chest.
"I heard everything. Don't worry, I'm here, I won't leave you," bulong niya.
--
Illuminativity

หนังสือแสดงความคิดเห็น (10)

  • avatar
    RicaMei Gutierrez Dela Pea

    💖💖💖💖👌👏😌

    20/03

      0
  • avatar
    Heinrich Von Serrano

    g cvbhh

    27/01

      0
  • avatar
    Lowell Salubo Pastor

    okgffrddf

    11/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด