logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 6

"Ano na mga chong, wala ba tayong gagawin? Sunday na oh," Sambit ni Christian pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto.
"wala naman," Walang ganang sagot ni Marvin.
Hayst! Uwian na pala muna kila Mama. Kailangan ko na munang matapos 'tong niluluto ko para sa umagahan para makabyahe na ako mamaya. Kung hindi lang sana ako nagkasakit kahapon ay baka kahapon pa ako nakauwi kaso sa kamalas-malasan ay niregla pa.
"Ikaw, Lauren. Uuwi ka sa Mama mo ngayon?" Baling sa akin ni Marvin na nakapagpatigil sa akin.
"uh, hindi ko alam. Dapat kasi kahapon pa e kasi nagkasakit ako--"
"Nagkasakit ka?!" Biglaang tanong ni Joeros pagkalabas niya sa kwarto niya.
"Oo, tinatanong mo pa nga ako 'di ba?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya bigla na lang nagbago ang itsura ng mukha niya.
"Dapat kasi hindi ka na gumaling," bato pa niya sa akin kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Kung wala kang sasabihing maganda, manahimik ka na lang. Hindi ka nakakatuwa, e," taas kilay na sagot ko. 
Lagi niya akong pinagti-trip-an at minsan hindi siya mapalagay kaya ako ang pinagdidiskitahan.
"So, balik tayo sa sinasabi mo," Sabi ni Christian kaya bumalik ako sa magandang mood ko.
"Ay 'yon nga, kahapon pa sana ako uuwi e kaso nagkasakit ako kaya hindi natuloy. E kung uuwi naman ako ngayon, e 'di ilang oras na lang ang ilalaan ko sa kaniya?" Sagot ko at dahan-dahang pumorma ng pakurba ang labi niya.
"Walang pasok bukas, holiday," sagot niya kaya nagkaroon ng glitters ang paligid ng mata ko.
"Gan'on ba?" Paninigurado ko at tumango naman siya. "Sige, tatapusin ko na lang 'tong niluluto ko at pagtapos ay aalis na din ako," sambit ko at tumalikod para ituloy ang pagluluto.
"Anong gagawin natin dito ngayon, Marvs? Aalis si Lauren," dinig kong tanong ni Joeros kay Marvin. "Boring na dito,"
"Hindi naman," sagot sa kaniya ni Marvin kaya halos humalakhak ako.
"Anong hindi. Manhid ka talaga kahit kailan," reklamo niya.
"Magsitigil nga kayo, may namumuo na namang feelings," pang-aasar ni Christian.
Tatlo lang silang kasama ko dito dahil ang sabi ni Chris ay umuwi si Lawrence sa magulang niya, kagabi pa kaya wala na siya dito ngayon. Kulang sa pakiramdam pero okay lang.
Sa pananatili ko dito nang ilang araw, nasasanay na ako sa ugali nila. Medyo nakakayanan ko na silang pakisamahan at natututo na rin sila ng paglilinis ng dorm. 
May mabuting naidudulot naman pala ako dito.
"Hindi ka uuwi sa magulang mo, Marvs?" Tanong ulit ni Joeros sa kaniya.
"No," 
"Ngi... Baka nami-miss ka na nila," pang-aasar niya at naririnig ko pa siyang tumawa-tawa.
"They won't," 
"Anong meron, Marvs? Nagiging pogi talker ka na ah," aniya at tumawa nang malakas. "Ay alam ko na," aniya ngunit hindi ko na narinig iyong kasunod na sasabihin dahil marahil ay ibinulong na lang niya.
Sinubukan kong lumingon at nakita ko ngang may ibinubulong siya kay Marvin habang nakangiti ang mga mata, mukhang masaya na naman 'to sa mga desisyon niya sa buhay.
Siya lang ang kwela sa apat kaya hindi ko masyadong bet ang pagiging makulit. Si Christian at Lawrence naman ay nakikisama at nakikipagbiruan din naman pero kakaiba talagang nilalang 'to si Joeros. Hindi ko alam kung anong genes ang mayroon siya.
"Hoy, Lauren!" Tawag niya sa akin.
Speaking of... Ako na naman ang pagti-trip-an nito.
"Taga saan ka?" Tanong niya.
"Sa bahay namin," walang ganang sagot ko at ibinaling na lang ang pansin sa niluluto.
"Woo~" hiyaw naman ni Christian bilang pang-asar... Siguro.
"Kahit kailan talaga hindi naging maayos kausap 'tong si Lauren, palaging badtrip 'no?" Kaagad akong lumingon sa kaniya. Nakatingin siya kay Christian na wala namang tugon.
Itinaas ko ang isang kilay ko habang masamang nakatingin sa kaniya. "Hiyang-hiya ako sa kakulitan mo. Ikaw kaya kulitin nang kulitin nang walang katuturan, sinong hindi mababadtrip? Tignan natin?" 
"Ayan na naman siya oh," aniya habang nakatawa sa akin. "Pero seryoso nga, saan ka nakatira?"
"Sa lugar namin,"
"Takte naman e!" Sigaw niya at nakita kong tinakpan ni Marvin ang tainga niya dahil magkalapit lang silang dalawa. "Saan nga‽"
"Sa puso mo," 
Napakamot na lang siya sa ulo niya at hindi na nagsalita.
"Answer him nang maayos, Lauren," dinig kong sabi sa akin ni Marvin kaya nanlaki ang mga mata ko at nawala ang ngiti ko.
"Ayan, yari ka. 'kala mo kasi lahat kabiruan mo. Hindi lahat ng gwapo kabiruan mo ha," pangangaral sa akin ni Joeros kaya nag-make face na lang ako para asarin siya.
"Sa Barrio Logan ako nakatira," sagot ko at tumalikod dahil sa hiya dahil sila ay nakatira sa mamahaling subdivision at villages pero ako sa baryo lang at sa Logan pa. Napakaduming baryo at puro squatters ang nakatira.
"Ahh," dinig kong tugon ni Christian kaya mas lalong nag-init ang pisngi ko.
"Sama kami sa'yo sa pag-uwi mo," natutuwang sabi ni Joeros kaya kaagad akong napalingon.
Silang tatlo ngayon ay nakatingin na sa akin at hinihintay ang sagot ko. Wala akong nagawa kun'di lumunok na lang ng laway.
"H-Hindi pwede," nauutal na sagot ko.
"Bakit naman?" Lumapit si Christian patungo sa pintuan ng kusina at isinandal ang braso.
"Kasi... Maliit lang ang bahay namin at saka wala kaming pampakain sa inyo," sagot ko nang tuluy-tuloy at sinusubukan na ilayo ang mata ko sa nag-aabang nilang tingin.
"Okay lang iyon," nakangiting sagot ni Joeros. "Hindi naman kami judgmental, 'di ba, p're?" Tanong niya pa kay Christian.
"Kahit pa," tugon ko.
"E, kung yayayain ka ba namin sa bahay namin, papayag ka? Syempre hindi, 'di ba? Kasi nahihiya ka. Tapos ngayong kami naman ang pupunta sa inyo, nahihiya ka pa rin?" Si Christian.
"Hindi kasi maipagmamalaki ang buhay na mayroon kami, e kayo, mayayaman kayo at kaya niyong ipakita iyong sementado niyong bahay," sagot ko.
"Sementado o hindi, ang mahalaga may bahay, Ren. Hindi mo dapat ikahiya iyon kasi bunga ng paghihirap ng magulang mo iyong pinanggawa ng bahay na tinitirhan niyo ngayon. Pantay-pantay tayo dito, Ren at saka idea ko iyong pagpunta sa inyo," halos gusto ko nang pumikit sa mga sinabi ni Marvin sa akin.
Gan'on na lang ba talaga sila kadesperado na pumunta sa bahay‽
"O sige, basta huwag niyo akong pagtatawanan at sinasabi ko sa inyo, una pa lang na wala kaming pang-alok na pagkain," pagpayag ko kaya naman nagtatatalon sa tuwa ang kumag na Joeros.
"Pwede namang magdala kami ng pagkain doon para hindi na mag-abala si mama," sambit na Christian at halatang nagpipigil siya ng tawa.
"Nakiki-mama, ang kapal ng mukha," reklamo ni Joeros.
"Pagtapos mo diyan ay aalis na tayo pero pupunta muna tayong grocery para bilhan si Mama ng mga pagkain para naman hindi kami maging pabigat," sabi ni Joeros.
"S-Sige," wala na akong ibang masabi kun'di sige dahil alam kong hindi ko sila mapipigilan sa kagustuhan nilang pumunta sa bahay.
:)

หนังสือแสดงความคิดเห็น (79)

  • avatar
    OkByee

    After reading some d*pressing stories, This novel gave a relief to me. I really like that the boys respected her and they enjoy each other's company. This is a fun read, thank you author.

    19/04/2022

      1
  • avatar
    Raceson Lopez

    beautiful story 👏😍

    13d

      0
  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    nice stories🥰

    18d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด