logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

The Marriage Contract

The Marriage Contract

VanquishedLady


Prologue

PROLOGUE
"WHERE are you going?" ang tanong ni Kyline sa asawa. Matagal na silang kasal ngunit si Kyline ay hindi pa rin nakakaramdam ng pagmamahal ni Ace. Tahimik namang lumingon si Ace kay Kyline at sinabing, "At my office in Calamba. Hindi ako makakauwi ng tatlong araw kaya ang mga yaya muna ang makakasama mo dito."
Suminghal naman si Kyline. Alam niya kasing puro trabaho ang nasa utak ni Ace kung kaya't hindi niya ito mapigilan o kahit makasama man lang kahit isang araw. "Sige, mag-iingat ka." Ang tanging naisagot na lamang ni Kyline. Nabibigo man sa araw-araw na pamumuhay nilang dalawa ni Ace, pinilit pa rin niyang maging mabuting asawa.
Sa kabila ng lahat, tila isang pusong bato and puso na meron si Ace. Wala siyang pakialam sa kaniyang asawa dahil alam niyang ang lahat ay dahil lamang sa pagpilit sa kaniya na pumirma ng kontrata noon. Ito ay dahil sa kaniyang ama na walang ginawa kung hindi and humanap ng mayamang mapapangasawa ng anak kung kaya't napilitan si Ace sa kadahilanang mahal nito ang kaniyang ama.
"We'll close the deal later," Sambit ng isang investor kay Ace. "Make sure you had the right contract, okay? I need to go, i need to work on some 'work stuff'."
Umalis ang investor sa opisina ni Ace kaya't napangiti naman ito sa tuwa dahil na-close niya ang deal ng malaking kompanya. Bagamat natutuwa ay wala pa ring saysay ang kaniyang kasiyahan dahil uuwi at uuwi pa rin siya sa bahay nilang mag-asawa. 'If i had the time to fix myself, that would be a prize.' Sabi nito sa sarili niya habang nakatitig sa isang litrato sa office table niya.
Iyon ay ang litrato ng kaniyang mga kaibigan na naiwan sa dati nilang tinitirhan. Simula kasi ng pumirma siya sa kontrata, lumipat sila sa mas sibilisadong lugar. Naiwan niya ang memorya ng nakaraan sa mahalagang lugar. Iniwan niya pati na rin ang alaala ng kaniyang yumaong ina.
Suminghal ito. Dahil alam niya sa sarili na hindi niya matutupad ang anumang naisin niya, pagka't siya ay isang sunud-sunuran sa kaniyang ama kahit pa halos hindi na ituring na anak siya ng kaniyang ama.
"Jana," Tawag nito sa kaniyang sekretarya. "I would like to have an espresso and a piece of cake."
"Sure sir." Sagot naman ng kaniyang sekretarya. Sa Calamba, kung saan siya naroroon ngayon ay isang siyudad din kung saan may malalaking investors na naghahanap ng magandang quality ng isang kompanya, kaya kadalasan na dito pumupunta si Ace para makipag-deal o kaya nama'y mag-sign ng kontrata.
Ilang minuto pa ay bumalik ang kaniyang sekretarya dala-dala ang isang paper bag ng Starbucks' coffee at isang chiffon cake. "Salamat." Pagpapasalamat ni Ace kay Jana. "Walang anuman po sir. If you need anything, you can call me." Sagot naman ni Jana dito sabay ang paglabas niya sa pintuan at ang pagsasara ng pinto.
Humigop ng kape si Ace at tinignan ang kontrata na ginawa ng isa niyang katrabaho. 'I hope i can get a vacation someday, yung walang manggugulo sa akin.' sabi nito sa sarili.
Sa kabilang banda, si Kyline ay walang ganang kumakain ng strawberry cake na pinabili niya sa kasambahay na si Lolita. Patuloy pa rin ang kaniyang pagbuntong-hininga habang patuloy na tinutusok ng tinidor ang cake. Iniisip niya kung ano nga ba ang dapat niyang gawin pa para makakuha man lamang ng maski katiting na atensyon galing sa kaniyang asawa.
"Lolita!" Pagtawag nito sa kaniyang kasambahay. Agad namang lumapit sa kaniya ang kasambahay at tinanong kung anong kailangan nito. "Pwede bang kuhanan mo ako ng vodka or grape wine sa refrigerator then hand me some potato chips at wine glass, please? Pakibilisan."
Kumuha ang kasambahay ng hinihiling ni Kyline at ibinigay ito sa kaniya ng walang pag-aalinlangan. Alam kasi ng mga ito na kapag sinuway nila ang utos ng kanilang amo ay tiyak na malalagot ito.
"M-Mam Kyline, hinay-hinay lang po sa wine ah. Ipinag-uutos po kasi ni Don Asiento na huwag kayong paiinumin ng madaming alak." Natatakot man, nagsalita ang kasambahay na si Lolita para paalalahanan ang kaniyang amo. "Yeah, right. My father again. It's okay yaya, i can handle myself. That man is really a disaster. Kahit kailan, napakawalang kwenta niyang ama." Sagot naman ni Kyline.
"Kung wala akong kwentang ama, sana hanggang ngayon hindi mo asawa ang pinakapapangarap mong lalaki noon palang."
Napalingon sa gulat si Kyline. Nakita niya ang kaniyang ama na naninigarilyo sa loob ng pamamahay nilang mag-asawa na binili ni Kyline para sa sarili. "P-Pa," Nauutal na tawag nito sa kaniyang ama. "I didn't mean to say such a t-thing."
Huminga ng malalim ang kaniyang ama at saka nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Inutusan nitong kunin ang ashtray sa isa sa mga kasambahay nila Kyline.
Humakbang ito ng ilang beses saka hinarap ang kaniyang anak. "Well, hindi ko pala alam na you're talking behind my back...daughter," Sarkastiko namang sabi ni Don Asiento kay Kyline. "Ito ba ang natutunan mo sa lalaking iyon? Ang magsalita sa likod ng iba? Ang maging bastos? Ang maging tanga sa lahat ng bagay?"
Tila nagulat si Kyline sa sinabi ng kaniyang ama at unti-unting tumulo ang luha sa kaniyang mga mata dahil hindi niya matiis ang tanong nito sa kaniya. "For all i know, i raised you as a smart girl, a unique one. But you ended up being a failure." Dagdag pa ng kaniyang ama.
Tuluyan na ngang naging ulan ang kani-kanina'y patak lamang ng luha sa mga mata ni Kyline. Hindi niya makuha lahat ng sakit galing sa salitang sinabi ng sarili niya mismong ama. Napayuko siya sa kahihiyan at kinuyom ang kaniyang mga kamao para lamang may kaunti pang lakas na matira sa kaniya sa kabila ng lahat. "P-Pa, talaga bang mali ang d-desisyon na ginawa ko?" Pagtatanong nito sa kaniyang ama habang patuloy na lumuluha.
"Hindi ko alam, Kyline. Bakit mo nga ba pinili ang direksyong alam mo namang mali at hindi mo kakayanin? Tapos iiyak-iyak ka sa harapan ko at tatanungin ako kung tama ba ang 'desisyon mo' sa buhay?" Pinagkadiinan ni Don Asiento ang salitang 'desisyon mo' na naging resulta ng patuloy na pagluha ni Kyline sa harap ng kaniyang ama pati na rin ng mga nakakakita sa kaniya.
"All this time, all those years. Lahat ginawa ko para maging maayos ang lahat, tinupad ko naman ang pangarap mo, hindi ba? Ipinakasal kita sa lalaking gusto mo!" Sigaw ng ama ni Kyline sa mismong mukha niya. "All this time, Kyline! Hindi pa ba sapat ang ginawa kong iyon para sa iyo?!"
"Hindi magiging sapat iyon kailanman, Papa!" Pasigaw na sagot ni Kyline sa ama na ikinagulat naman nito. "Sa tingin mo, Pa?! Sasaya ako nung ipinakasal mo ako sa taong gusto ko?! Hindi! Dahil una palang, hindi niya ako minahal! Hindi niya ako minahal, hindi!"
Mistulang isang talon ang mga mata ni Kyline dahil sa rumaragasang luha na nanggagaling sa kaniyang mga mata. "Pinilit niyo siyang pirmahan ang put*ngin*ng kontrata na iyan para lang mapasaya ako?! Maling-mali ang ginawa mo, Papa! Por que ba hindi ako mahal ni Ace ay ipipilit ko na ang sarili ko sa kaniya? Hindi! Dahil hindi ako tanga at may puso rin ako!" Sambit ni Kyline. Sobrang taas na ng tensyon na nagaganap sa pagitan ng mag-ama. Ang hindi alam ng dalawa, may nakatingin pala sa kanila mula sa pintuan na nakabukas.
"And what do you think i'm going to do, ha?! Seeing my daughter cry infront of the window saying, 'why he can't love me back'?! Do you think that i am that stupid not to notice?! Goddamn it!" Pagsagot naman sa sumbat ni Kyline sa kaniyang ama.
"U-Umalis ka na! Umalis ka na!" Pagtataboy naman ni Kyline dito. "Wala ka ng magagawa pa! Hangga't hindi natatapos ang lecheng kontrata na yan, patuloy pa rin kaming magiging mag-asawa ng hindi nagmamahalan!"
"Sige, pagbibigyan kita sa gusto mo. Pero Kyline, tandaan mo ito...sa oras na natapos ang kontrata at pareho pa rin kayong walang nararamdaman para sa isa't isa, wala ka ng matatakbuhan pang ama." Ang huling mga sinabi ni Don Asiento bago umalis sa lugar na iyon. Naiwan namang lumuluha si Kyline habang nakaupo sa sahig at hinahampas-hampas ito.
Pumasok naman bigla si Ace at nakitang umiiyak si Kyline kung kaya't nakatayo itong nakatitig sa kaniya sabay sabing, "Iniipit tayo ng walanghiya mong ama, Kyline. Idinadamay mo ako sa gulo ninyo. Tandaan mong pinilit lang ako ng ama mo na magpakasal sayo kaya huwag kang umasa na mamahalin kita sa paraang nais mo." Umalis ito sa harapan ni Kyline at umakyat sa hagdan at dumiretso sa kaniyang kwarto.
Tama si Ace, iniipit nga sila ng ama ni Kyline. Ngunit, huli na ba talaga ang lahat para magkaroon pa ng kaunting ugnayan at pagmamahal man lang sa pagitan nilang dalawa o patuloy pa rin mananaig ang rasong kaya sila nagsasama ay dahil lamang sa isang kontrata naman nila nais pareho?
'You've never felt the pain i had to feel everyday because you're just ignoring my everyday presence.' —Kyline Asiento

หนังสือแสดงความคิดเห็น (35)

  • avatar
    Amoin9Princess

    I LOVED UR STORIES SO MUCH THESE MAKE ME CRY THE MOST ❤️‍🩹👏💕

    05/07/2022

      2
  • avatar
    Rinalyn Mercader

    gooods

    1d

      0
  • avatar
    Bonbon Daylo

    good

    14d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด