logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 6

"Bitawan mo ako.." malamig kong turan.
Bagkus na sundin ang sinabi ko ay mas lalo niyang hinigit ang braso ko dahilan para mainis ako ng tuluyan.
"Bakit ka kako nagmamadali, ano bang masama sa sinabi ko?" Aniya.
I glared at him.
"Naiinis ako, pwede ba wag kang sumabay." Tsaka ko siya muling tinalikuran.
Hindi pa man din ako nakakalalayo ng inakbayan niya ako at may ibinulong.
"Ang aga aga naman nyan Eury, gusto mong magpalamig." Ani ni Cesar.
Dumaan ang galak sa dibdib ko sa sinabi niya. "Libre ba?" Sagot ko. Dahilan para humagalpak siya ng tawa.
Bumalik ulit ang pagkairita ko. Pinagtiripan ba ako ng isang 'to? Binaklas ko ang pagkaka-akbay niya sakin at magmadaling maglakad.
Ngunit wala pang ilang minuto ay kusang nagbagal ang paa ko. Biglang kumalabog ang puso ko.
May kausap siyang kapwa Prof din niya. Siguro ito si sir Manny? Tumitig ako sa kanyang labi, hinangaan ko agad ang bawat pagalaw nito. Nang ngumisi siya ay siya namang baling niya dito kung saan ako naglalakad kasama si Cesar.
Nakita niyang nakatitig ako sakanya kaya naman biglang napawi ang kanyang ngisi at mabilis na bumaling kay sir Manny.
"Wag ka ngang topakin dyan." Narinig ko sabi ni Cesar pero hindi ko manlang siya tinapunan ng tingin. Nakatuon lang ang mga mata ko kung saan nakatayo si sir Sarmiento. Nakita kong tinapik siya sir Manny at agad na tumalikod sakanya ang matanda. Akala ko ay aalis na din siya pero laking gulat ko ng pailalim siyang tumingin sakin, samin ni Cesar na ngayon ay naka-akbay na naman sakin.
Tumaas ang kilay niya dahil siguro ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sakanya. Hindi ko na malayan na papalapit na pala kami ng papalapit sa pwesto niya. Nakatayo siya sa mismong tapat ng COED o College Of Education. Mas sumibol ang kaba dito sa dibdib ko. Hindi ko alam kung aayain ko ba si Cesar na sa kabilang way nalang kami dumaan pero wala na. Ilang metro nalang ay madadaanan na namin siya.
Kapag naman sa iba pa kami dumaan eh maraming tanong na naman si Cesar at aakusahan na naman ako na may gusto kay sir Sarmiento kahit pa totoo iyon.
Nag-angat ako ng tingin sa pwesto niya at laking gulat ko ay wala na siya doon. Luminga-linga pa ako pero wala na siya. Saan 'yon nagpunta? Ba't ang bilis niya.
Nang nakadaan na kami kung saan siya nakatayo ay tumingin naman ako sa mismong entrance ng COED at may mga narinig ako.
"Nakita niyo 'yon. Mukhang may tuturuan siya sa second floor."
"Oo, sinabi rin sakin ng pinsan ko, si sir Sarmiento nga daw ang magtuturo sakanila." Binalingan ko yung mga nag-uusap na palayo na.
Bumuntong hininga nalang ako.
"Bwiset palagi nalang siya ang bida!" Bulong ni Cesar.
"Anong sabi mo? Ako ba ang sinasabihan mo na bida?" Tanong ko habang nakataas ang kilay ko.
Umiling lang siya at dumeretso na kami sa room.
Buong klase atang wala sa mood si Cesar. Hindi ko alam sa kaibigan ko na 'yan. Kanina lang ay ako ang badtrip, ay siya naman ngayon.
Dumating ang pangalawang subject nang wala sa tabi ko si Cesar. Baka nagpalamig masyadong badmood ang isang 'yon eh.
"What is Psychology?" Si ma'am Kathleen
"Ako ma'am?" Si Julius na kaklase ko.
"Sige."
"Psychology are commited to a careful and comprehensive analysis of what it means to be human. As much, if focuses on basic description and prediction to uncover gradually the nature of human beings." Mabilis siyang umupo at pinalakpakan agad siya ng mga kaklase ko.
Hinanap ko si Cesar ngunit wala pa rin ito. Wag niyang sabihin na hindi niya papasukan ang subject na 'to.
"Napaka talino talaga ni Julius." Puri ni ma'am Kath
Well, marami akong kaklase na matalino at isa nga doon si Julius. But hello, yung iba dyan nahihiya lang. Ito kasing si Julius, sanay na ata sa pagsagot ng confident. Hindi kagaya ng iba at ako na nahihiya pa rin. Baka kasi mali. Ayokong pagtawanan.
"Mayroon paba ang gustong sumagot?" She asked.
Kung sumagot kaya ako? Wala naman sigurong masama diba, kahit ngayon lang. Baka sakaling tumama at magkaron pa ako ng points sa recitation.
"Yes Euricka?"
Tumayo ako at nilibot ang mata sa paligid. Ngayon ay sa akin na ang buong atensyon nila. Parang di ko yata kaya na sumagot. Nasaan ba kasi si Cesar, back up please.
"Mayroon kabang karagdagan Eury?" She asked again. Unti unti akong tumango at hinayaan nalang ang sarili. Bahala na.
Sasabihin ko lang ang nalalaman ko. Baka tama rin ito.
"Uhm..what exactly, is phsychology? The definiton of psychology has changed and evolved during its relatively short history. When psychology first emerged as a seperate discipline late in the nineteenth century, its was defined as the science of mental processes or the science of consciousness. And there are two types of mental processes. Cognitions and Affect."
Umupo agad ako at baka mapahiya pa kung sakaling mali ang pinagsasabi ko pero isang mahina at palakas ng palakas ang palakpak.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko kung paano sila humanga. Kumunot ang noo ko. Pero bago pa man ako maka-react ay nagsalita na ang Teacher na si ma'am Kath
"Very well answered. Ang tahimik sa klase pero tingnan niyo. Nakikinig at malawak ang pag-iisip. Keep it up Eury." Aniya at nagpatuloy sa klase.
Biniro pa ako ng iba kong kaklase. Tinawanan ko lang sila halos at hinayaan nalang din sa pag kakantyaw nila sakin.
"Tatabi na ako kay Eury." Narinig ko pang sabi ng isa kong kaklase.
"May makokopyahan na tayo. May bagong sources na tayo." Si Teddy at nagtawanan sila.
Mabilis din natapos ang last subject para sa tanghali. Break time na at wala pa ring Cesar ang nagpapakita. Nakapagtataka naman ang lalaking iyon.
Parang ngayon lang ata siya nabadmood ng ganito katagal. Imagine, ipagpapaliban ang importanteng subject para lang sa mood niyang ewan.
Naglalakad nako pa puntang canteen at marami na naman ang tao. Mainit na nga, sobrang dami pang bumibili at kumakain. Kaya minsan tinatamad ako kumain ng ganitong oras. Mas okay pa sa umaga kahit papano may hangin na pumapasok. Pero kapag ganitong oras? Halos lahat ay nandito at walang klase. Lalo na at nakikisabay din ang college's.
Hinayaan ko nalang na tumagaktak ang pawis sa noo ko at sinikap na makapasok sa canteen na ubod ng sikip.
Pinili ko ang pwestong may sungaw sa labas baka sakaling mahanginan ako kahit pa parang imposible 'yon. Pumila ako sa madalas kong bilihan ng pagkain kapag hindi ko na kaya pang makipagsiksikan sa dulo.
"Bes, kain na." Sabi ni ateng palaging nag-iingay para maghakot ng customers.
I wave at her. "Ate bes, paorder ako. Yung palagi kong inoorder."
"Osige bes, maupo kana sa pwesto mo Eury." Iniabot ko na agad yung bayad ko para mamaya ay hindi na ako mahirapan pang magbayad at maghintay ng sukli.
"Ito na bes, enjoy your meal." Aniya at tumalikod na. May mga stuff din sila na pinaglapagan ako ng baso ay isang pitsel na tubig. May soup din.
Hindi ako madalas kumakain dito. Pero kapag wala na talaga akong choice ay dito nalang talaga. Kilala na din ako ni ate bes dahil nga kahit madalang ako kumain dito ay nakikita niya ako pabalik balik kapag may inuutos sakin ang teacher ko.
Habang kumakain ay panay naman ang tulo ng pawis ko. Naiirita ako kapag ganito. Sa susunod baka hindi na ako kumain ng tanghalian kung palagi nalang ganito.
Nasa gitna ako ng pagkain ko ng may umupo sa tapat ko.
"Ano po sa'yo sir Calix?" Pagkabanggit palang ng pangalan ay napa-angat agad ako ng tingin. At ito na naman ang puso kong mabilis magreact kapag nandyan siya.
Nakatingin na siya kay ate bes at sinasabi na ang kanyang order. Halos hindi ko marinig ang sinasabi niya at nakatitig lang ako sakanyang labi. Bakit ganon ang bawat galaw non ay perpekto pa rin? Bahagya akong umiling at isinaisip ang nangyari kahapon.
Pinilit kong mainis dahil sa pagkakainsulto niya sakin. 4th year high school na ako. Ilang taon lang naman ang agwat niya sa akin. Kaya bakit ang tingin niya sa akin ay bata masyado?
Hindi ko namalayan na hindi ko pa rin pala inaalis ang tingin ko sakanya at nakuha pa niyang mag taas ng kilay sakin. Bigla akong nakaramdam ng init sa mukha. MyGod Euricka, ano kaba naman. Hindi mo ba pwedeng pigilan 'yang pagiging halata kapag nandyan siya.
Yumuko ako at tiningnan ang pagkain ko na halos wala pang nababawas at marami pa rin ang laman. Nakita ko ang pagkain niya na kalalapag lang. Sinubukan kong kumain ng normal na para bang walang pakielam kung sino man ang nasa harap ko.
Bawat paglunok ko ay dinadahan-dahan ko pa. Hindi ko rin magawang tumingin muli sakanya. Pakiramdam ko anytime malalaman niyang may gusto ako sakanya. Sa pamamagitan ng pagsulyap ko.
Pasimple akong nag-angat ng tingin at saktong busy siya sakanyang pagkain. Pinagmasdan ko ang kanyang buhok at mga mata at ilong pababa sakanyang labi na namumula.
Tumigil ito sa pagnguya kaya napatingin muli ako sakanya mata na ngayon ay nakatitig sakin. Walang pang ilang segundo ay napayuko akong muli. Maryosep Eury, bago pa ako mapahiya at makarinig sakanya ng kung ano ay nagmadali nakong kumain. Hindi ko na inisip na baka maturn-off siya sa bawat pagsubo ko ng pagkain.
Kaya nga lang ng tatlong subo ko nalang ay narinig ko na ang boses ng kaklase ko.
"Si Eury ba 'yon?" Si Hanna.
Mas narinig ko na ang boses nila sa likuran ko at tinapik ang likod ko ng nakumpirma nilang ako nga ito.
"Ikaw nga, sabi ko na nga ba. Likod palang." Hagikgik niya.
"Kaya naman pala tahimik ang Eury." Si Mara naman ang nagsalita. Mabilis ko siyang binalingan at pinagtaasan ng kilay.
Tumawa lang sila at nginuso si sir Sarmiento. Anong ginagawa nila, nakakahiya baka kung ano isipin ni sir.
"Doon na kayo." Pabulong ko. Bumaling ako sandali kay sir na nakatingin na din saming tatlo.
Kaya mas lalo ko lang sila tinulak. "Ano ba, patapos na ako. Umalis na kayo." Naiirita kong sabi. Mas lalo lang sila tumawa dahilan para mas mainis ako.
"Osha, halika na Hanna. Gustong masolo ni Eury ang crush niya." Si Mara na wala manlang pasintabi sa sinabi kaya palihim ko siyang hinampas.
"Ano ba!" Bulong ko.
"Oo na, sir pasensya na po kayo. Masyadong madamot itong si Euricka." Si Hanna.
"Kaya nga, atleast nakasabay niya sa pagkain ang ultimate crush niya." Halos uminit ang mukha ko paakyat sa ulo sa sinabi nilang dalawa.
Hindi ko alam kung paano ako haharap kay sir ngayon parang alam niya ang ibig sabihin ng dalawa kong kaklase.
Narinig ko pa ang tawanan nila sa kabilang table kung saan pa malapit samin doon pa talaga sila pumwesto. Alam kong pinagtitripan nila ako. Kainis bakit ba kasi nalaman nila may gusto ako kay sir.
Dahan-dahan akong humarap sa pagkain ko at kinuha ang isang basong tubig at ininom 'yon ng walang tinitingnan sa kahit anong parte ng katawan ni sir.
Hiyang hiya ako sa mga pinagsasabi nila Mara. Ano nalang iisipin nitong si sir. Na masyado akong bata para magkagusto sakanya. At masyado akong bata para sakanya. Pero sabagay, hindi niya 'yon maiisip dahil sino ba naman ako diba. Crush ko siya at hindi 'yon pwede sakanya.
Mabilis ko isinukbit ang bag ko sa balikat ko at tumayo ng hindi siya binabalingan. Inayos ko ang kutsara at tinidor sa plato kong may natira pa. Konti nalang naman iyon kaya di bale nalang. Hindi ko na kaya pang manatili dito habang nandyan siya sa harap ko.
"Oh bes tapos kana? Himala hindi mo na ubos ang pagkain mo." Si ate bes.
Hindi ko na dapat siya sasagutin pa pero nahawakan na niya ang braso ko.
"Uh..busog na kasi ako. Tsaka may aasikasuhin pa ako. Sige alis na ako. Thank you!" Sabi ko at mabilis na tumalikod sa pwesto na 'yon.
Hindi ko manlang nilingon pa ang lugar na 'yon at hinayaan ang sarili na maglakad ng lutang pabalik sa classroom.
Papalapit nako sa pinagtatambayan naming lahat ng nakita ko si Cesar na nakaupo doon at may nakalagay na earphone.
Nang makalapit na ako. "Hoy! Saan kaba galing." Bungad ko sakanya.
Hindi niya ako pinansin. Aba! May sumpong pa din? Kinalabit ko na siya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Kaya naman tinggal ko ang parehas niyang earphone dahilan para mapatingin siya sakin.
"Ano, may topak ka pa din ba. Hindi mo ako pinapansin eh." Ani ko habang hinihintay ng sagot niya.
"Wala. Kumain kana ba nyan?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"Oo kumain na. Teka bakit iniiba mo ang usapan. Bakit hindi mo ako pinapansin?"
"Wala nga. Wala lang ako sa mood." Aniya
"Grabe kanina pa 'yan ah. Hmm." Umupo ako sa tabi niya at hinilig ang ulo sa balikat niya.
Hindi naman siya umangal pa, at hinayaan ako sa gusto kong gawin. Inilagay ko ang isang earphone sa aking tenga.
"Pag-ibig ko sayo, hindi magbabago
Na kahit na anong bagyo ika'y pasusundo."
Sumimangot ako, bakit ganito ang tugtugan nitong si Cesar. Pero kahit ganoon. Nakinig nalang ako.
"Ganito lang ako, simpleng tao."
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa balikat niya. Nagising nalang ako ng marinig ko ang mga tukso ng mga kaklase ko.
"Sabi na nga ba at may something sainyong dalawa eh." Ani ni Lovely.
"Kaya pala palagi kayong magkasama. Halos hindi kayo paghiwalayin dalawa." Marco na may ngisi sa labi.
"Sabi sainyo tol, matagal ng may relasyon ang dalawa na 'yan." Singit ni Karl na may malaki ang ngisi. Umayos na ako ng pagkakaupo at umusod na kaunti palayo kay Cesar na ngayon ay nakikitawa sa mga kaklase.
"Wag nga kayong ganyan. Namumula si Euricka oh." Ani ni Cesar na ngayon ay hyper na naman. Siniko ko siya at sinamaan ng tingin.
"Nagagalit na. Ayan na mag-aaway na ang magjowa!" Sila at patuloy na naman ang pagkantyaw nila samin ng kaibigan ko.
"Sinasabi ko sayo Cesar. Kapag inaway ako ng mga nagkakagusto sa'yo sa pinag-gagawa mo." Banta ko.
"Hindi ka nila aawayin. Mayayari sila sa akin." Bulong niya sa tenga ko dahilan para mas maghiyawan ang mga kaklase ko.
Ang yabang ng isang ito. Sarap sapakin sa kaangasan.
Dumating si Hanna at Mara sa likod naman nila si Bella na masama ang tingin sakin. Binalewala ko lamang 'yon. I'm sure na nagseselos ang isang 'yan. Well.. wala akong balak na agawin si Cesar sakanya. Mayron akong ibang gusto.
Speaking of ibang gusto nakita ko siyang naglalakad sa gitna ng court dito sa building namin. Dito sa Carpio Hall.
Mabilis na nakita iyon ni Mara kaya naman napangiti siya. Iniwas ko ang tingin ko at inabala sa ibang bagay. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. 12:35 na. Konti nalang at may klase na ulit. Ang boring na sa panahon ngayon. Ilang buwan nalang kasi at mag eend na ang klase. By next month magpipictorial na kami para sa graduation namin.
Konti nalang at kolehiyo na ako. Hindi ko maisip kung magiging prof ko ba siya o ano.
Bago pa ako mag-angat ng tingin ay hinawakan ni Cesar ang ulo ko at ipinahilig sa balikat niya. Hindi ko alam kung nagustuhan ko ba ang ginawa para makaiwas ako sa tingin ni sir Sarmiento. Hindi ko rin alam kung para saan ang hiyawan nila Mara at Hanna. Kaya imbis na manahimik sa balikat ni Cesar ay nakuha ko pang mag-angat ng tingin sakanilang lahat.
Ang iba kong kaklase ay naghihiyawan sa ginawa ni Cesar. Si Hanna at Mara naman ay humihiyaw dahil dumaan si sir Sarmiento. Hindi ko siya nakita pero kumakabog ang dibdib ko. Ganito ba talaga? Kahit hindi ko siya nakikita eh ganito nalang ang tibok nito para sakanya.
"Ang gwapo ni sir kyaaah." Si Hanna. Umirap nalang ako at inihilig muli ang ulo ko sa balikat ni Cesar.
Ramdam ko ang matalim na titig ni Bella sa akin. Oh ano? Nakita mo naman na si Cesar ang kusang naglagay sa akin kung nasaan ang ulo ko ngayon.
Palihim akong ngumisi at umirap para na din maibsan ang paghuhuramentado ng puso ko.
Lumipas ang oras at huling subject na namin sa araw na ito. English subject namin ngayon. Tutok na tutok ako sa pagtuturo ng guro namin ng may kumalabit sa akin.
"Sinungaling ka." Bulong pero may diin sakanyang boses.
Kunot noo ko siyang binalingan.
"Watch your word!" Sabay irap.
"Ang arte mo, mag-uusap tayo after nito." Banta niya pero isinantabi ko nalang. As if naman na natakot ako.
Grabe ah. Cesar ano bang ginawa mo sa mga babaeng kagaya ni Bella.
"Cesar, mauna kana." Sabi ko at lumabas na ng room. Nakita ko si Bella na nakaabang na sa tambayan.
Lalapit na sana siya ng makita niya si Cesar na papalapit na sa akin. "Ihahatid kita sainyo." Anito.
"Wag na. Kaya ko naman umuwi mag-isa." Sagot ko. Pero hindi ko pa rin maialis ang tingin kung nasaan si Bella.
"Magka-away ba kayo ni Bella?" Bigla niyang tanong.
Umiling lang ako. Kunyare pa 'tong si Cesar na walang alam eh.
"Halika na nga!" Aniya sabay hila sa akin. Nakita ko pa kung paano mag middle finger si Bella sa akin.
Parang ayaw ko na siya para kay Cesar. Ang dumi naman pala makipag laban nito. Pasalamat siya ay kaibigan lang ang turing ko kay Cesar. Kung naging karibal niya pa ako hindi na siya mananalo. Ilalakad ko pa man din siya sa kaibigan ko pero ako pa talaga ang ginanon niya ha.
Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya kay Cesar. Hila hila niya lang ako habang pinagtitinginan na kami ng mga estudyante na karamihan ay kalevel lang namin. Dumaan kami sa tapat ng CHE dahil doon mas malapit ang lagusan para makapunta sa College Of Law. Doon kasi siya nagpapark ng kotse niya.
Mabilis niya akong pinagbuksan at isinara agad. Umikot siya at pumasok ng walang kahirap-hirap at pinaharurot na niya ang sasakyan. Mabuti ay walang ganong estudyante na naglalakad palabas ng Main Gate.
Kinuha niya lang ang lisensya niya sa guard at pinaandar na niya muli ang sasakyan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (133)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    nakakatuwa nmn po magbasa ng mga novela

    14d

      0
  • avatar
    ArribaAceey

    nice

    25d

      0
  • avatar
    Trisha

    my peyborit 🫶🥹

    18/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด