logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa next subject ng hindi nadadapa sa sobrang bilis ng lakad ko na halos patakbo na. Hindi kaya isipin ni Sir na siya ang pakay ko don?
Masyado bang obvious ang ginawa ko? Teka, unang una wala naman talaga akong alam na nandon siya. Nagkataon lang 'yon. Pero kahit nagkataon lang nagdidiwang pa din ang kalooban ko dahil hindi nako nahirapan pang masilayan siya at dumayo pa sa Engineering Building. MyGod!
Hindi na bale, hindi naman ako kilala non. Kaya okay lang na nagmukha akong ewan sa tinuran ko kanina. Pano kasi nataranta ako ng makitang nakatitig siya sa akin. Sino ba naman hindi matataranta diba?
Hello, si Sir Calixto Sarmiento 'yon. Sinong hindi manginginig sa kagwapuhan non. Ewan ko nalang sa iba ha. Mga nagpapanggap na wala silang gusto kahit obvious naman ang mga tinginan nila.
Nawala na sa isip ko ang nangyari kanina ng dumating na ang Teacher namin sa BioScie.
"Bibigyan ko kayo ng isang linggo, at kapag wala pa rin kayong frog na dala. Bagsak kayo sa performance niyo. Bye class." Pinal na sabi nito.
Kaya naman ng nakalabas na ito ay nagkagulo na naman ang mga kaklase ko.
"Saan naman kasi tayo kukuha?"
"Tsaka like eww, ayoko talagang humawak na palaka."
Me too, umirap nalang ako sa kawalan at inatupag ang pag-liligpit ng gamit sa bag.
Nang matapos ako ay biglang kalabit naman ni Cesar sakin.
"May nahanap nakong maghuhuli sa palaka natin." Mayabang niyang bungad sakin. Tumaas ang isang kilay ko.
"Kaya wala ka na dapat ipag-alala pa dyan." Then he winked at me. Mas lalong umikot ang mata ko.
"May usapan tayo na ikaw mismo ang manghuhuli hindi ba? Kung ganon, magpapahuli ako sa iba." At tumayo na para makalabas na ng classroom.
Mabilis na umapila ang kaibigan ko. "Ano ka ba naman Euricka, seryoso kaba don?" Aniya habang sinusundan ako palabas.
"Yes, I'm dead serious, Cesar Limoan Fontanilla, do you have any problem? Hmm." Baling ko sakanya habang may ngisi sa aking labi.
"Ikaw Eury ah, bakit ka naman ganyan sakin. Tsaka kadiri ang palaka. Nakakalason daw 'yon. Gusto mo bang mamatayan ka ng gwapong kaibigan?" Pangungulit nito. Dinedma ko siya at nagtuloy na sa paglalakad.
"I told you, I'm serious. Kung hindi mo kaya, fine. Hindi kita pinipilit. And besides kaya ko rin magpahuli sa iba. You know my boys." At humalakhak ako ng malakas para ang iba ay mapabaling sakin at kay Cesar.
"Are you kidding me? Euricka, if i know sinusubukan mo lang ako." Aniya.
"Eh ano ngayon? Duwag kaba?" Natatawa kong sabi. Umiling lang siya at hinigit ang braso ko.
"Dito ko nakapark." Turo niya sa harap ng College of Law na puro sasakyan ang nakapark.
"Hindi ako sasabay sayo ngayon." Sabi ko.
"Huh, bakit? May pupuntahan kapa ba? Samahan na kita."
Mabilis akong umiling at nakatunghay nalang sa AC na tanaw mula rito.
I remember he's eyes, he's lips. He so damn sexy and handsome. Bakit ba hindi pwedeng ang isang guro at estudyante. Bakit may ganon pang patakaran.
"Hoy! Tulala ka dyan. Pumasok kana dito." Doon lang bumalik ang ulirat ko ng sumigaw si Cesar.
"Hindi na nga, mauna kana. Text nalang kita kapag kailangan." Sabi ko at isinara ang pintuang nakabukas para sakin. At nagsimula ng maglakad ng mabilis dahil alam kong susundan ako non.
Mabuti at sumabay ako sa mga taong naglalakad na din. Nakita ko pang nakaopen ang bintana ng sasakyan ni Cesar na nakatanaw sakin.
Huling hakba para makapanik sa stage ng AC. Hindi naman ako nandito para mag bakasakali. Nandito ako para isipin ang tagpong iyon kanina.
Bata pa ako pero ganito na yung paghamga ko sa taong 'yon. Konting taon nalang at legal age nako. Baka pwede nakong umamin ng nararamdaman ko sakanya. Baka sakaling may pag-asa.
Bumaba ang balikat ko sa naiisip. Parang imposible naman nung may pag-asa ako. Eh sa daming Teacher dito na babae at kasing edad niya lang. Paano naman akong humahanga sakanya na sa murang edad lang.
Parang ang imposible talaga ng gusto ko. Napaka suntok sa buwan ang mga pinapangarap ko. Masyado kasing mataas ai Sir eh. Hindi ba pwedeng bumaba siya at ako na mismo ang lalapit kahit hindi na siya.
I'm so attracted to him. Gusto kong maging girlfriend niya ako. Agghrr ang bata bata mo pa Eury ang landi mo.
Naupo ako sa pinaka huling hagdan dito sa stage. At nilibang ang sarili sa mga taong naglalakad palabas at papasok. Mukhang mabibilang ko na sila sa sobrang bored ko at kakahintay na may milagrong daratig. Kalaunan ay nagpasya nalang akong umuwi.
Speaking of uuwi, naiirita lang ako sa bahay. Isa pang dahilan 'yon, kaya tumatambay muna ako sa AC o di kaya ay sumasama kay Cesar. Dahil wala naman akong gagawin sa bahay at araw-araw naman ay wala akong dadatnan doon.
Pero laking gulat ko ng nandon si Mommy at Daddy na masinsinan ang usapan. Humalik ako sa pisngi nilang dalawa sa gitna ng kanilang usapan.
"How's your school my Eury." My mom asked.
"It's fine." Tipid kong sagot. "Akyat nako." Paalam ko. Hindi ko na binalingan pa ng tingin si Daddy dahil si Mommy lang din naman ang makikita niya sa mukha ko.
Kapag akyat ko ay nagpalit agad ako ng damit at hinayaan ang sarili na ibagsak ang katawan sa kama at pinilit na matulog.
Kinaumagahan ganon ulit ang nadtnan ko sa bahay. Wala ulit sila at papasok ako ng hindi kumakain ng agahan. Walang maids dahil wala na silang pambayad o pang sweldo.
Mabuti nga at may allowance silang binibigay sakin at hindi ako nagugutom o ano pa. Pumasok ako sa school ng medyo malata dahil nga wala pa akong kain. Nagdecide nalang ulit ako na sa canteen kumain.
Umorder nalang ulit ako ng paborito kong bilhin dito at kumain na agad, dahil baka malate na naman ako sa klase.
Nasa gitna ako ng pagsubo ng matanaw ko ang isang lalaking matangkad na nakapamulsa sakanyang pants. Mas inaninag ko pa ito bago bumaba ang tingin sa kinakain ko.
"Sir Sarmiento." Bulong ko at muling inangat ang tingin kung saan dadaan siya sa pwesto ko. Palihim akong umayos ng upo at nagkunwareng kumakain kahit pa ang mata ko ay nakatingin sakanya.
Kaya nga lang ng napabaling siya sakin ay naghuramentado agad ako. At sa sobrang kaba ko ay nahulog ko ang gamit kong kutsara.
Halos mamura ko na ang sarili ko sa pagiging clumsy, dadamputin ko na sana pero nakita kong may yumuko at pinulot ang kutsara ko. Pero hindi niya 'yon binigay sakin. Bagkus ay hawak niya ang kutsara ko at dumiretso sa bilihan.
Sa sobrang pagkadismaya ay hindi ko pa ata makakain ang inorder ko. Ayoko naman tumayo kasi nandon pa siya. Mamaya nako hihingi ng bagong kutsara kapag nakaupo na siya.
Habang hinihintay na umupo si Sir ay hindi ko pa rin maiwasan na balingan siya at mahumaling sakanyang mga galaw. Nang makita kong bitbit na niya ang tray niya ay mabilis pa sa alas kwatro ang pagiwas ko ng tingin.
Narinig ko ang mga yapak niya sa likod ko kaya mas lalo lang akong kinabahan. Sana doon siya sa malayo maupo. Gutom na gutom pa ako. Ang tagal naman nito.
Isang tray ang bulandra sa harap ko at kitang kita ko ang buong katawan ni Sir Sarmiento na nakaharap sakin. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin.
Abala siya sa pag tanggal ng pagkain niya sa tray. Bakit nandito siya sa table ko? Paano ako makakaalis at makakakuha ng Kutsara kung nandito siya sa harap ko. Nahihiya akong kumilos kapag nandyan siya.
Nagulat pako ng napatingin siya sakin. Seryoso ang mga tingin at wala manlang bahid na ngiti. Napakagat labi nalang ako at hindi umiimik.
"Ito na ang gamitin mo, marumi na kaya hindi ko na ibinalik sayo." Aniya na seryoso pa din.
Totoo ba ito? Kinakausap ba talaga niya ako? MyGod! Hihimatayin ata ako ngayon. Bakit ganon, pinagpapawisan ako.
Mabilis niyang binaba ang kutsara sa plato ko at naupo na siya sa tapat ko. Totoo nga na dito siya sa table ko kakain. Ngayong may kutsara nako, hindi pa rin ako makakain dahil nandyan siya sa harap ko.
Ano kaba naman Eury, ngayon kapa ba aarte. Nasa harap mo na at sasabay pa sayo kumain. Grab it now!
"Galawin mo na yang pagkain mo." Malamig niyang turan sakin at nanginginig pakong hawakan ang kutsara bago isubo ang laman nito.
Hindi ko alam kung uubusin ko ba lahat ng ito o hayaan nalang at pumasok na sa klase. Maaga pa naman pero hindi ko matake ang mga bawat pag sulyap niya sakin.
"Uhm." Tumingin siya sakin.
Paano ko ba 'to sisimulan, naghahanap ako mg sasabihin, kaso baka hindi niya lang ako sagutin. Nakakahiya hamak na estudyante lang ako samantalang siya ay isa ng Professor.
"Pwede pong magtanong Sir." Halos marinig ko na ang panginginig ng boses ko.
"Yes." Tipid niyang sagot habang nakatingin pa rin sakin. Ako naman itong hindi makatingin ng diretso dahil masyadong malamig ang mga mata niya.
"Nagtuturo rin po ba kayo sa mga Highschool?" Tama ba ang tanong ko? Hindi ba halatang gustong gusto kong malaman?
"Hindi, mga College lang ang tinuturuan ko. Anong year muna ba?" Hindi ko expect na tatanungin din niya ako.
"4th year na po Sir." Medyo nagalak akong sumagot.
Tumango siya at pinagpatuloy ang kinakain. Samantalang ako ay nakatulala dahil akala ko naman may itatanong pa siya. Pero nagulat ako ng nagsalita siya.
"Stop staring at me, finish your meal. At pumasok kana sa klase mo." Aniya at tumayo na at hindi manlang lumingon sa pwesto ko. Isinoli niya ang pinagkainan niya at lumabas na ng Canteen.
Medyo dissapointed ako dahil ang bilis naman niyang umalis. Gusto ko pa siyang makausap eh, or kahit hindi ko na siya makausap. Matitigan manlang ba, kaso masyado mailap ang isang 'yon. Kung sabagay magtataka paba ako, eh ang tingin sakin non is bata. At panigurado na wala siyang time na aksayahin ang oras niya sa tulad ko.
Gumihit ang kirot sa dibdib ko. Hindi na bale, ang mahalaga umaga palang ay buo na ang araw ko. Atleast kahit papano naasam ko ang pangarap na makausap siya ng malapitan.
Teka, hindi kaya nakilala niya ako kaya dito siya kumain sa table ko, tama kaya yung nakita ko kahapon? Hm imposible. Bumuntong hininga nalang ako at naisip na maliit ang chansa na mapansin ako ni Sir dahil masyado akong bata para sakanya.
I'm sure na baka yung babaeng kasama niya kahapon sa stage ang girlfriend niya o dinedate na niya. Hindi ko maikakaila na bagay sila, parehas silang successful at parehas silang goal sa buhay. Sa bawat tinginan nilang dalawa ay para bang inloved sila sa isat-isa.
At kung patuloy akong magiging ganito, saan ako pupulutin ng pag-ibig na 'to. Sa ganitong sitwasyon paano ko haharapin ang makamundong pag-ibig sa gayong bata pa ako at walang napapatunayan. At kapag naiisip ko naman na itigil na ngunit ang puso ko naman ay gustong magpatuloy.
Ewan ko, tsaka ko na ito poproblemahin kapag nandyan at haharapin ko nalang. Tsaka wala namang kasiguraduhan ang mga gusto ko walang kasiguraduhan para sa akin ang bagay na 'yon.
Nakapasok nako ng room na malata at medyo walang gana mag aral. Tumabi agad sakin si Cesar ng makita niya ako. Sakto at dumating na ang Teacher namin sa English kaya hindi na nakapangulit ang kaibigan.
"Hoy, may pinagagawa si Ma'am bakit nakaganyan ka lang?" Nagulat pa ako ng nagsalita si Cesar.
"Ha?" Ako at walang ganang makinig sa sasabihin ng kung sino.
"Okay ka lang ba? Bakit parang problemado ka dyan?" Hinawakan niya ang balikat ko at umiling nalang.
"Magsulat kana at ipapasa kay Ma'am ang lecture na 'yan. Ichecheck niya yan ngayon mismo." Aniya at siya pa mismo ang kumuha sa bag ko ng Notebook at ballpen.
Hinayaan ko nalang ang sarili kong magsulat hanggang sa matapos ako. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na ito iisipin. Ganito ba katindi ang nararamdaman ko sakanya para maging ganito ako?
Halos iuntog ko ang ulo ko sa desk. Mali yata itong masyadong pagkagusto ko sakanya. Bata pa ako para sa ganito agghhrr. Pero kasi gustong gusto ko talaga siya kahit alam kong walang pag-asa. Wala namang masama sa paghanga diba.
Matalino, talentado, hinahangaan ng maraming tao, suplado at gwapo. Sino ba naman ang hindi makakapansin ng aura niya. Bukod sa mayaman siya. Obvious naman dahil paiba-iba ang sasakyan na gamit niya kung minsan.
Oo stalker na kung matatawag. Ganon naman talaga kapag bata pa, masyadong uhaw sa impormasyon at masyadong galak sa pag-ibig.
Lumipas ang mga oras na ganon ang ginawa ko sa klase. Matutulala at iniisip ang nangyari kaninang umaga sa Canteen. For the first time in my life here. Yon palang ang unang beses na nakausap at nakalapit sakanya. Kaya naman siguro ganito ako kalutang.
Maswerte na ko kung tutuusin, dahil kilala rin siya sa pagiging suplado at walang pakielam. Kaya naman kung sino ang kausap at katawanan niya ay kina-iinggitan. Pero hindi ako kasali doon. Dahil kung mangyari man 'yon samin. Walang malisya para sakanila dahil iisipin nila na isa lang akong estudyante at batang paslit na kinakausap ang isang guro.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (133)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    nakakatuwa nmn po magbasa ng mga novela

    14d

      0
  • avatar
    ArribaAceey

    nice

    25d

      0
  • avatar
    Trisha

    my peyborit 🫶🥹

    18/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด