logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 3

Hindi na kami naghintay pa ng matagal dahil inasikaso agad kami. Kaya naman hindi nako nagalburoto sa gutom. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang pagmasid sa mga kumakain. Kadalasan ay puro isang mag-anak. Napansin siguro ni Cesar na malikot ang mata ko kakatanaw sa mga nasa loob din ng Restaurant.
"Kumain kana muna. Alam kong gutom ka." Seryoso niyang sabi. Kaya naman tinuon ko nalang ang atensyon ko sa kinakain.
"Ang sarap ng mga pagkain dito, gaano na katagal ang business ng Tita mo na 'to?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Pinunasan muna niya ang labi niya ng tissue bago sakin bumaling. "Dalawang taon palang ito. Pero malakas na talaga sa mga kababayan natin." Sabi niya habang itinaas niya ang kamay niya para magtawag ng waiter.
"Excuse me po, do you have any orders Sir/Ma'am?" Yung waiter. Umiinom nako ng tubig. Nasiyahan ako sa pagkain ko kaya walang natira ni isang katiting.
Nakita ko ang pag-iling ni Ceasar. Naglabas siya ng dalawang libo at iniipit sa payment book. Agad naman na inasikaso ng Waiter ang bayad namin. Laking gulat ko ng may inaabot saking box si Cesar. Hindi ko sana aabutin dahil malay ko ba kung ano ang laman non.
"Ano ba ito?" Nakakunot kong tanong sakanya.
"Buksan mo nalang kapag nasa inyo kana. Small gift. Bilang pagtanggap sa kagustuhan kong makipag kaibigan sayo last month." Nakangiti niyang sabi sakin. I smiled back. Tsaka tumayo sa kinauupuan ko at niyakap siya.
Hindi alintana ang mga tao sa paligid. Kahit pa halata sa mukha namin na bata pa kami ay wala akong pake. Galak ang nararamdaman ko dahil ramdam ko kay Cesar na mahalaga ang pagkakaibigan namin.
Nagukat ata siya dahil hindi niya agad niyakap pabalik. "Thank you so much Cesar! Hindi mo na kailangan pa na bigyan ako ng ganito. Pero dahil ito na, buong buo ko itong tatanggapin." Masayang masaya kong sabi sakanya. Halos maluha ako. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil naramdaman ko ang kahalagahan ko bilang isang tao. Akala ko binabalewala nalang ako. Pero isang tao ang nagpatunay na hindi ko kailangan ng maraming kaibigan para lang maramdaman ko ang kahalagahan ng pagkatao ko.
"You deserve everything Eury." Malamyos niyang sabi sakin. Hindi ko napigilan na maluha at nakita niya iyon. Agad siya tumayo sa harap ko at ginulo ang buhok ko.
"Binabawi ko na sinasabi ko, umiiyak ka eh." Pabiro pa niya bago ko siya hampasin ng mahina sa braso. Ramdam ko ang tigas ng kanyang braso. Iba na talaga kasi kabataan din ngayon. Kahit bata pa ay alam na maconcious sa katawan. Itong si Ceasar, maganda din ang katawan hindi nga lang kagaya ng mga matured na talaga. Kagaya lang ng kay Sir Sarmiento.
Di bale, kaya naman ni Cesar na maging ganon ang katawan. Tatanda din siya. Tatanda din kami.
"Pero no jokes, Kahit hindi ko pa nakikita ang laman nito, gustong gusto ko na ito. Baka maging favorite ko pa 'to eh." I said. Inakbayan niya ako tsaka inaya palabas ng Resto, hindi na namin nakuhang magpaalam sa Tita niya dahil busy sa mga nagpapasukan na customers.
Habang naglalakad palabas ay hindi ko maiwasang hindi yakapin si Cesar. Tuwang tuwa talaga ako.
"Masaya ako, kasi masaya ka oh." Pahabol ni Cesar ng saktong nasa pintuan na kami. Pero bago ko pa siya sagutin sa sinabi niya ay natameme nalang ako dahil saktong paglabas namin ay sakto naman din ang pagpasok ni Sir Sarmiento. Kaya naman parehas namin naharangan ang bawat daan namin. Bago pako makapag react ay may kamay na sumabit sa braso ni Sir.
"Calix?" Tawag nito kay Sir. Agad na bumaling si Sir sa babae. Napatitig ako dito. Sa pagkakatancha ko, matangkad ito sakin. Hanggang tenga niya lang ako samantalang si Sir Sarmiento ay hanggang balikat lamang ako. Nakaramdam ako ng hiya hindi dahil sa nakita niya ako ngayon kundi sa itsura ko at sa itsura ng babaeng kasama niya. Her body is so sexy. Kita mo yung sa balakang niya na nagkukurba sakanyang pwet. Her dress is suit on her. Para siyang diyosa, ang haba rin ng buhok niya. Hindi ko maipagkakaila na bagay sila. Pero..
"Excuse us." Malamig at seryosong sabi ni Sir Sarmiento kaya naman nawala bigla yung pagpapantasya ko at paninitig ko sa babae. Girlfriend niya kaya iyon? Hmm.
"Girlfriend ba 'yon ni Sir? Sa tingin mo Cesar?" Tinanong ko siya ng nasa loob na kami ng sasakyan.
"Don't ask me, coz i don't know." Init naman ng ulo nito. Ngumuso nalang ako at nag isip. Pano nga kung Girlfriend niya 'yon? Crush ko pa man din siya pero ngayon nalaman kong may jowa na siya. Parang natabangan nako. Tsaka hindi yata ako papasa sa taste nong si Sir. Kumpara sakin, hindi malaki ang dibdib. Hindi rin balakangin lalo sa pwetan. May pagkatambok nga ito, pero hindi gaya doon sa 'Girlfriend kuno' ni Sir Sarmiento. Gosh, bigla akong nakaramdam ng insecure.
"Wag mong sabihin na pati ikaw ang type 'yong matandang prof na yon ha Euricka." May bahid na panunuya at inis niyang sabi. Sa sobrang defensive ko ay. "Uy hindi ah. Like wth? Hindi ako pumapatol sa matatanda no, prepared ko yung kasing edad ko lang or di kaya isang taon lang ang tanda sakin, hello Cesar. Ayokong matukso na mayroon ako Sugar Daddy. Like ew." Pag iinarte ko. Sa loob loob ko ay punyeta kahit gaano pa katanda yang si Sir Sarmiento ay ayos lang. Basta siya at hindi ang iba.
Pero dahil nga ayokong may makaalam ng sikreto ko ay kailangan kong ideny para hindi matukso at para hindi rin ma-broken. Hindi na baleng simpleng crush at hapyaw na sulyap ay ayos na sakin.
"Siguraduhin mo lang, baka mamaya kainin mo lahat ng sinabi mo." Mahina pero rinig ko.
"Seriously Cesar? Are you okay? Bakit parang nagbabanta ka na dyan?" Pang aasar ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.
"Nagsasabi lang ako ng totoo. I know you girls, mamaya din ay sariling bibig niyo din ang magiging patibong." Sabay irap sa kawalan. Bakit kaya hindi nalang siya magmaneho noh? Ang dami niyang alam.
"Well, let see." Ingit kong sabi dahilan ng mas lalong pagkairita ni Cesar. Natutuwa talaga ako kapag medyo naaasar siya. Mga lalaki talaga. Ayaw na nasasapawan sila.
"Shut up nako. Baka bigla mong bawiin ang ibinigay mo sakin." Natatawa ko pang sabi. Isang ngisi lang ang nakita ko sakanya. Nang natigil kami sa pagtatalo ay napadali ang pag andar ng sasakyan at nakauwi na ko samin.
"Thank you again Cesar. Bubuksan ko agad ito kapag nasa kwarto nako. Ingat ka sa pag uwi mo." Sabi ko tsaka siya niyakap saglit. Hindi pa sana siya sasakay sa sasakyan niya kung hindi ko lang siya pinagtutulak papasok sa kotse.
Nang nasa loob na siya at inistart na ang sasakyan ay tsaka ulit ako nagsalita dahilan para mamula siya sa inis.
"Susubukan kong hindi mainlove kay Sir Sarmiento." Sigaw ko sakanya tsaka siya tinalikuran at kumaripas na ng takbo. Hindi ko na nagawang magpaalam ng maayos dahil alam kong bababa siya doon at kakagalitan na naman ako. Sarap talaga asarin non.
Saktong pagkapasok ko ng bahay ay nandon na sila Mommy at Daddy. With my uncle Sandro. Humalik ako sa pisngi ng magulang ko at nagmano kay Tito Sandro.
"Saan ka galing anak?" Si Daddy.
"Kumain sa labas with my friend." Simple kong sagot. Tumango nalang si Daddy.
"I heard na close mo ay batang Fontanilla iha?" Tito Sandro.
"Yes, why Tito?" Kumunot ang noo ko. They know Fontanilla?
"Isa sila sa mga kalaban natin sa business. At gusto rin na umanib sa kompanya natin. Pero sa ngayon ay hindi namin sila pinauunlakan. Dahil masyadong maliit ang kanilang investment para tanggapin ng kompanya." Si Tito. So, anong kinalaman ko sa negosyo na yan. It's not my fasion. Hindi ako interesado sa kung anong business.
"And then?" I said.
"I want to warn you iha. Baka kinukuha lang niya ang loob mo. Dahil alam nilang ikaw ang kaisa isang anak ni Marline at Manuel. Baka pinag utos yon ng angkan nila." Mas lalong kumunot ang noo ko. Anong alam niya? Bakit kilala niya ba si Cesar?
"He's not like that Tito. Hindi niya yon magagawa and besides anong kinalaman namin sa business na iyan. Nag-aaral palang kami at wala sa isip namin ang ganyang bagay." Pranka kong sabi. Kaya naman sinaway agad ako ni Daddy sa sinabi ko.
"Your Tito is right. Wag ka agad nagtitiwala sa mga Fontanilla, hindi mo pa sila lubos na kilala anak." Si Daddy naman ngayon. Tahimik lang si Mommy at hindi sumasabat sa usapan.
"Okay Dad. Thanks for info, papanik nako. Mom, Tito." Pagpapaalam ko sakanila. Ni hindi nako humalik ulit dahil naiirita ako sakanila. Puro nalang business ang iniiisip. Kunware pang concern sakin at baka maloko ako. Eh ang totoo naman ay sa negosyo lang naman sila nababahala at hindi sakin.
Kaya bago pako mainis ng tuluyan ay dali dali kong binuksan ang regalo ni Cesar sakin. When I opened it. Napahawak nalang ako sa bibig.
Isang kwintas na may pangalan ko. Sa sobrang ganda ay isinuot ko agad at nagpicture. At inupload ko sa facebook.
I caption. "One of the best gift I've recieve." Then nag comment agad ang mga kamag anak ko.
Sandy: Wow, ang cool ng pendant.
It' s my cousin.
Bernard: Sino naman kaya ang nagbigay sa aking pamangkin na maganda ha? With heart emoticon. I blush. Maganda daw, well..
And then, si Cesar nakaka-comment lang.
Ceasar: I hope you liked it.
Simpleng comment pero agad dinumog ng mga kaklase ko ang comment na 'yon. Don pa sila nag reply. Tinukso pa nila kami pero no comment kami. Agad nilang binigyan ng malisya ang ganoon.
Kaya naman nag out nako. I texted Ceasar.
To Ceasar.
Thank you so much! I really liked it. Mygosh, that is so beautiful.
Wala pang ilang minuto ay nag pop up na yung phone ko.
Ceasar.
I know, suot mo palagi. Thank you din.
Kinabukasan, sinuot ko talaga itong kwintas na ibinigay ni Cesar. Bagay siya sakin mas lalong nahalata yung collar bone ko.
Sa room, nagtampulan kami ng tukso. Ito namang si Cesar ay nakikisakay pa kaya mas nainis lang ako. Natapos ang klase na puro sila 'ayiie'
"Kayo ah, hindi niyo samin sinasabi na may something na pala sainyo." Si benny. Classmate ko.
"Oo nga, may nakakita nga daw sainyo sa Resto ng Tita ni Cesar. Doon kayo nag date no? Diba Ceasar sa Tita mo 'yon." Tumango naman agad si Cesar. Ni hindi manlang niya itinanggi na hindi iyon date. Kumain lang talaga kami. Pero langya, sino nga ba naman kasi ang makakaisip na hindi iyon date diba? At kaming dalawa lang talaga.
"Sinagot mo naba Euricka?" Tanong ng isang chismosa kong kaklase.
"Walang sasagutin at wala namang nanliligaw." Irita kong sagot. Kaya naman imbis na tumigil sila ay mas lalo silang nagkaron ng ideya.
"Yon naman pala pare, ligawan mo muna bago ka sagutin." Si Karl naman ngayon. I glared at him. Natawa lang siya.
"Tsaka na kapag ready na siya." Tignan mo nga naman ang loko. Talagang kumindat pa sakin. Ewan ko sainyo. Nag walk out ako. Bahala sila dyan. Bwiset na Cesar yan, manong tumigil na at wag na palakihin ang issue. Nagsisi tuloy ako na bakit pako nag upload ng picture ko na 'yon.
Nagpunta nalang ako sa AC manunuod nalang muna ako ng mga naglalaro don. Umupo ako sa pinaka dulo ng upuan at tsaka doon tumanaw sa mga iba't ibang studyante. Halos karamihan ay puro College. May mga nag pp.e pa. Ni isa sa sports ay wala akong hilig. Pero kailangan sa mga subj kaya no choice din ako.
Nilibot ko pa ang paningin ko ng napukaw ng atensyon ko ang nagkukumpulan na tao sa gitna ng stage. Sandali lamang iyon at nawala din at nagsiwala ang tao. Then sunddenly, my hearts getting trouble. Oo dahil, bumilis ang tibok ng puso ko. Sa kaba na rin siguro. Then he's eyes met mine. Kaya mas kumalabog ang puso ko. He licked his lower lip tsaka bumaling sa kausap.
Nang makita ko ang kausap niya ay nawala ako sa mood. Yon yung babaeng kasama niya nung isang araw sa Resto. If I'm not mistaken. Dibdib palang at balakang. Siyang siya. Nakita kong humaplos ang kamay ng babae sa dibdib ni Sir Sarmiento. Kaya naman bago pa ko mainis ay tumayo ako at lumapit ng kaunti sa pwesto nila. Ano kaya ang pinag uusapan nila.
Habang papalapit ay nakita ko ang pagsulyap ni Sir sakin. Hindi ko alam kung nakikita niya ang iritasyon sa mukha ko at ang pagtaas ng kilay ko. What? Is that your Girl huh?
Hindi maalis ang tingin ko sakanila ng hindi ito tumitingin sa pwesto ko. Sexy ka lang, may boobs ka lang. Pero kapag ganyang edad nako mas maganda pako sayo. Sa isip isip ko. Nakakainis kasi, kung makahaplos kay Sir akala mo wala sa publikong lugar. May isa ring babae na kung makatitig kay Sir ay akala mo hinuhubaran na.
Halos mabali ang leeg ko sa pag tingin sa ibang bagay dahil sa pag sulyap muli ni Sir sa pwesto ko. Taragis, baka nahahalata na niya ako. Kaya naman nagpasya nakong tumayo at bumalik na sa next class ko. Pero bago iyon, sa huling pagkakataon ay tumingin ulit ako sa pwesto nila at laking pagtataka ko ng siya nalang ang nakatayo doon sa gilid ng stage at direktang nakatingin sa direksyon ko. Ako ba ang tinitingnan niya? Kaya tumingin ako sa likod ko ng makitang walang tao doon ay hindi ko na nakuha pang ibalik ang tingin sa pwesto ni Sir.
Shit. Sakin siya nakatingin. Halos habulin ko ang hininga ko sa kaba at pagod sa pagmamadali kong maglakad pabalik sa room.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (133)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    nakakatuwa nmn po magbasa ng mga novela

    14d

      0
  • avatar
    ArribaAceey

    nice

    25d

      0
  • avatar
    Trisha

    my peyborit 🫶🥹

    18/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด