logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 22: Welcome

Nagising ako na kumakalam ang tiyan. Nagugutom ako. Hahayaan ko na sana at muling babalik sa pagtulog pero ramdam ko na ang paghapdi ng tiyan ko. Tumutunog na rin iyon at siguradong hindi rin ako makakatulog dahil sa nararamdaman. Hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado akong lagpas 12 am na. Ramdam ko si Coser sa tabi ko pero hindi ko sya makita dahil ayokong gumalaw. Tuwid lang ang pagkakahiga ko at tanging tiyan ko lang ang nagalaw dahil sa paghinga at ang malikot kung mga mata. Hindi ako makagalaw dahil sa mabigat na brasong nakapatong sa sikmura ko. Ramdam ko rin ang mainit na hininga ni Coser sa pisngi ko. Sobrang lapit nya sakin.
Nakakainis lang kasi ang likot nya matulog. Hindi nya ba alam na maliit lang tong hinihigaan namin at kunting galaw lang baka mahulog kaming pareho good thing merong harang sa magkabilang gilid ng hospital bed. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa pag-dadalawang isip kung kakain ba ako o hindi bago ko napagdesisyunan na bumangon na lang. Dahan dahan kung tinanggal ang braso ni Coser sa tiyan ko at inilagay iyon sa gilid nya. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at maingat na bumangon. Papilay pilay akong naglakad, dahil na rin sa sugat ko sa hita, habang hila hila ang dextrose stand. Sa baba na lang ako ng hospital kakain, sigurado namang may vending machine dun or canteen.
Malapit na ako sa pinto ng maalala kung wala nga pala akong pera. I double checked my bag pero tanging 5 pesos na buo lang ang nakita ko. Bulok pa. Napasimangot na lang ako dahil sa mga pangyayare.
Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa natutulog na si Coser. Nasan kaya ang wallet nito? Hindi ko sya nanakawan. Mangungutang lang ako. Babayaran ko rin naman e once na makalabas ako dito sa ospital. Lumapit ako sa kanya at maingat na syang kinapkapan. Patingin tingin pa ako sa mukha nya kasi baka magising sya bigla pero mukhang mahimbing naman ang tulog nya.
Nakakainis. I never imagined na gagawin ko ang ganitong bagay sa tang buhay ko pero nagugutom talaga ako. Pakiramdam ko minamanyak ko si Coser e kinakapa ko lang naman bulsa nya. Baka sakaling nandun ang wallet nya. Sana wag syang magising. Baka isipin nya na ninanakawan ko sya. Mukha naman kasi talaga akong nangnanakaw.
Nang makapa ko ang wallet sa bulsa nya ay ipinasok ko ang daliri ko sa bulsa nya at hinila ang wallet nya palabas. Malakas ang kalabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Magdadalawang isip sa pagkuha ng pera sa wallet ni Coser. Hindi pa naman kami ganong close. Huminga ako ng malalim habang binubuklat ang wallet. Andaming Id at blue bills. Yaman naman ng hinayupak na to. Kahit kumuha ako ng dalawang libo baka di nya pa mahalata e pwera na lang kung bilang nya.
Ayoko lang makialam pero nacurious na ako sa kung ano pa ang laman ng wallet nya. I know I'm invading his privacy sa pangingialam ng wallet nya pero my mind keep on telling me na tingnan ko pa ang laman ng wallet nya. Until I saw a ring, plain lang sya at walang dekorasyon. Mukhang hindi pa totoo. Why would he keep a ring? May naka-engraved sa singsing pero masyado na syang faded kaya di na ako nag-aksaya pa ng oras na basahin yon. May nakita rin akong isang larawan na mukhang pinaglumaan na ng panahon dahil sa gusot gusot na ang papel. Akmang hihikitin ko na iyon para makita ng malinaw ang nasa larawan ng marinig ko ang boses nya.
Agad na kumalabog ang dibdib ko ng ubod lakas. Pakiramdam ko ay umaabot na sa lalamunan ko ang puso ko. Tumingin ako sa kanya. Nakapikit pa rin sya pero iba na ang posisyon nya.
"Hmm..." Ingit ni Coser. Kumunot ang kanyang noo at ibinaling ang ulo sa kaliwa. Ilang segundo pa at payapa na ulit ang mukha nya. Mukhang nanaginip sya. Ibinalik ko ang wallet sa bulsa nya at lumabas ng hospital room ko, iniwan si Coser na natutulog. May mga nakakaksalubong pa akong nurses at doctors na wari ko'y papunta sa kanilang mga pasyente. Meron din naman akong mga nakakasabay na mukhang pauwi pa lang dahil natambakan sila ng trabaho.
Bumaba ako ng second floor kung saan naroon ang canteen. May iilang tao ang naabutan ko doon na umiinom ng hot chocolate at kumakain. Meron namang nakikipagkwentuhan lang, mukhang hindi sila makatulog. Bumili rin ako ng hot chocolate, sandwich at isang apple.
Pagkatapos kung kumain ay nag-sstay muna ako doon hanggang mag alas tres ng umaga bago ko naisipan na bumalik na sa kwarto ko at ipagpatuloy ang pagtulog. Sumakay ako ng elevator dala ang binili kung mansanas. Pasipol sipol pa ako habang naglalakad sa hallway ng hospital habang tinatapon sa ere ang mansanas at kapag babagsak na ay saka ko lang sasaluhin tapos itatapon ko ulit.
Kumagat ako sa mansanas na hawak ko saktong narinig kung may tumawag sa pangalan ko.
"Slaine!" Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa unahan ko. Doon ko nakita si Coser na mukhang nag-aalala. Halata sa mata nya na kakagising nya lang. Naiwan pa sa bibig ko ang mansanas.
Hindi ako agad nakapagsalita. Lumapit sya sakin. Kalahating dipa lang ang layo nya sakin.
"Where have you been? I was worried, nagising ako wala ka na sa tabi ko," nag-aalalang sambit ni Coser.
"Sa baba lang. Kumain ako. Bigla kasi akong nagutom," pag-amin ko. Itinuro ko pa ang thumb ko sa likod ko. Iginala ko ang mata ko sa buong mukha nya dahil hindi ako makatingin ng diretso sa mata nya.
"Dapat ginising mo ako ng nasamahan kita," saad nya. Kunot ang noo.
"Ansarap kaya ng tulog mo kanina, ayaw naman kitang istorbohin," saad ko "saka kumain lang naman ako, para ko namang mawawala," dagdag ko pa na sinabayan ko ng pagtawa.
"Akala ko nawala ka na naman, hindi ko na yata kakayanin kapag nagkahiwalay pa ulit tayo, " seryosong saad nya.
Dahil sa sinabi nya ay kumunot ang noo ko, "what do you mean?" tanong ko mahahalata ang pagtataka sa boses ko. Hindi ko na sya pinasalita at agad ko ng dinugtungan ang sinabi ko sa natatawang paraan, "ang oa mo ngayon, gusto mo mansanas?" Pabirong saad ko. Itinaas ko ang hawak kung mansanas at iniabot iyon sa kanya.
Naalala ko naman bigla ang childhood best friend ko kahit na hindi ko na dapat sya inaalala. Kapag hindi nya ako mahanap sa mansyon namin dahil pinagtataguan ko sya lalo na kapag gusto ko syang makitang napipikon, kapag nahanap nya ako bigla na lang nya ako babatukan dahil kung san San daw nagpupunta. Nag-aalala daw sya kahit na nasa loob lang naman ako ng mansyon. Sya daw kasi ang malalagot sa parents ko kapag may hindi magandang nangyare sakin.
Sabay kaming bumalik ni Coser sa room ko at muli syang natulog. Hindi na kasi ako makatulog. Tuwing pipikit ako nakikita ko ang imahe ng parents ko na duguan. Kahit matagal na 'yon at wala na ako sa ganong sitwasyon pero ramdam ko pa rin ang lungkot. Lumipas na ang mahabang panahon, marami ng nagbago. Mga tanong, galit at lungkot na lang sa loob ko ang hindi nagbabago. Gusto kung umiyak at ilabas lahat ng bigat sa loob ko pero wala ng lumalabas na luha sa mata ko at nagiging dahilan din yon para mas lalong bumigat ang dibdib ko. Kelan ba to matatapos? It hunts me every night.
"Miss..."
Nagising ako dahil sa boses na naririnig ko.
"Hmm..." Sagot ko. Iminulat ko ang mga mata ko pero pumikit ulit ako dahil sa antok na nararamdaman. Late na kasi ako nakatulog at pakiramdam ko ay wala pang 30 minutes simula ng makahimbing ako.
"Miss, wake up. You need to eat and take your meds," muling saad ng boses. Tuluyan ko ng iminulat ang mata ko at ng maka-adjust ang paningin ko ay nakita ko ang mukha ng isang babaeng nakangiti sakin. Nakasuot sya ng uniporme ng nurse at may hawak na tray na wari ko ay pagkain at gamot ko.
Agad nanlaki ang mata ko ng bigla akong may marealize, "ahh!" Sigaw ko. Wala sa sariling inihagis ko sa kung saan ang braso ni Coser na nakayakap sakin at agad na bumangon. Narinig ko naman ang pag-ingit ni Coser sa tabi ko. Tumama kasi ang likod ng palad nya sa nakaharang na stainless sa gilid ng kama.
"Aray naman, Slaine!" Ungot ni Coser. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang braso nya, "gumising ka na dyan, andito na 'yong nurse!" Gigil ngunit pabulong kung saad sa kanya.
"Ha?" Antok na saad nya.
Inalog ko ang braso nya, "may nurse Coser ano ba! Gumising ka nga dyan!" Panggigising ko sa kanya. Patuloy lang ako sa pag-alog sa braso nya.
Sa wakas ay nagmulat na rin sya ng mata at antok na bumangon. Ang hirap nya gisingin. Nakakainis.
"Good morning, Mr. Mendez!" Enthusiastic na saad ng nurse. Nanatili itong nakangiti. Naglakad ito palapit sa table at inilapag doon ang dala nyang tray.
"Morning, nurse Cole," antok at walang ganang bati ni Coser pabalik sa nurse. Ilang segundo pa ay muli na namang bumagsak ang katawan ni Coser pabalik sa kama upang ipagpatuloy ang naudlot na pagtulog.
Aba! Hindi makapaniwalang tiningnan ko sya. Nakalagay pa ang braso nya sa kanyang noo. Muli ko syang noyugyog.
"Hmm...," Saad nya. Hindi ako nagsalita at patuloy lang ako sa pag-alog sa balikat nya. Hindi ba sya nahihiya. Nandito yong nurse tapos kung makaasta sya parang ito yong sarili nyang kwarto. Hindi ba sya nahihiya na nahuli na nga kaming magkatabi matulog tapos nakayakap pa sya sakin. Ano na lang ang iisipin ng nurse na to. May relasyon kami? Take note, magdamag sya dito.
Muli kung inalog ang braso nya ng hindi man lang sya natinag, "Coser, ano ba!" Naiinis ko ng saad.
"What?" Antok nyang sabi, "Slaine, let me sleep. Antok na antok pa ako. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinuyat kagabi," reklamo ni Coser. Dahil sa kanyang sinabi ay agad akong napabaling sa kanya at tiningnan sya ng what-look. Anong pinuyat na pinagsasasabi nya? E ang ako nga ang pinuyat nya dahil sa hilik nya. Ang himbing kaya ng tulog nya kagabi tapos pagbibintangan pa ako ngayon na pinuyat ko sya. Gusto ko syang saktan at sigawan sa mga oras na ito pero nandito pa rin yong nurse. Pangiti-ngiti lang ito habang inaayos ang gamot na iinumin ko para mas lalong mapabilis ang paggaling ng sugat ko. Hindi ba nahihiya ang Coser na to? Unbelievable!
Natapos na akong kumain at nakainom na rin ako ng gamot pero nanatili lang nakahiga si Coser sa kama ng hospital room ko. Nandito pa rin ang nurse pero mukha namang wala lang sa kanya na nandito si Coser. Napapatingin na lang ako dito ng pa-simple. Iniisip kung anong iniisip nya ng maabutan nya kami ni Coser sa ganung posisyon kanina, I mean, Coser hugging me while sleeping. I'm just worried.
"By the way, Miss Ferrer, ako ang naatasan ni Lead na magbabantay sayo for the whole week hanggang madischarge ka," saad ng nurse. Meron syang mga isinusulat sa papel, "Hindi ka nya mapupuntahan because he need to leave the country, the reason? I don't know," dagdag ng nurse.
Hindi ako nagsalita. Wala naman akong sasabihin saka hindi naman yon tanong para sagutin ko. Wala din naman akong pakealam kung umalis sya. Saka isa pa Hindi naman nya obligasyon na puntahan ako dito sa hospital. Kaya ko ang sarili ko.
Tipid na lang akong ngumiti sa nurse. Bumangon na rin si Coser sa tabi ko.
"And also, Coser you still have classes to attend to," baling naman ng nurse kay Coser na kakabangon lang, "kasama mo na si Slaine magdamag, hayaan mo muna syang makapagpahinga this whole day, visit her when your classes ended," dagdag pa ng nurse.
"Ayoko," parang batang saad ni Coser. Muli syang bumalik sa pagkakahiga saka niyakap ang unan ko.
"okay then, I'll call your mom," saad ng nurse. Inilabas nito ang telepono nya at nagsimulang magtipa ng numero.
Napansin naman iyon ni Coser kaya nagmamadali syang tumayo, "Nurse Cole, you can't do that. I'll attend my classes just don't call my mom," natatarantang pagpipigil ni Coser kay nurse Cole. Pansin ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Coser ng mabanggit ng nurse na tatawagan nito ang Ina ni Coser. Para namang walang narinig si nurse Cole at patuloy lang ito sa ginagawa.
Mukha namang sumagot na ang nasa kabilang linya ng magsalita si Nurse Cole, "Hello?" Saad ni Nurse Cole.
Pansin ko ang pamimilog ng mata ni Coser. Dali dali itong lumapit sa Nurse, "Cole---" tawag ni Coser sa pangalan ng nurse.
Sumenyas ang nurse kay Coser na manahimik, "it's my boyfriend," natatawa pang saad ng nurse. Mukha namang makahinga ng maluwag si Coser ilang sandali bago nya tingnan ng masama ang nurse. Tinawanan lang naman sya ng nurse at tumayo na mula sa pagkakaupo nito, "maiwan na muna kita dito, Slaine. Call me when you need something," paalam nito. Naglakad na ang nurse palapit sa pinto bago pa ito lumabas ay tiningnan pa nito si Coser ng isang makahulugang tingin.
Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya na kumuha ako ng isang libo sa wallet nya kagabi habang tulog sya.
Pinagmasdan ko si Coser na ayusin ang sarili nya. Mukha namang napansin nya na nakatingin ako sa kanya, "what is it?" Tanong nito.
"Ha?" I looked up at him.
"You're looking at me I guess you want to say something?" Saad nya.
"Ahm...ano..." I swallowed the lump in my throat. Hindi ko masabi. Pati ba naman yon Slaine hindi mo masabi? What the fuck is wrong with you?
Itinuro ko ang bulsa nya sa harap kung saan nakalagay ang wallet nya pero mukhang hindi nya magets kaya tingin sya ng tingin sa baba nya.
"What?" Tanong nya. Nagtataka.
I bit my lower lip. Hindi ako makapagsalita. I pointed his pocket again and again he didn't get it.
"My dick? What about it?" Nagtataka nya pa ring tanong.
Automatic na napaikot ang mata ko, "what the fuck, Coser? I don't care about that, I'm pointing at your pocket. Pervert," sigaw ko. Pakiramdam ko ay biglang nang-init ang mukha ko dahil sa sinabi nya.
Bigla naman syang humagalpak ng tawa, "thought the one you're pointing to is my---"he cut himself off, "what's wrong with my pocket?" Nakangising saad nya.
"Kumuha ako ng pera sa wallet mo," finally, I said it. Nakakainis lang kasi there are some words na nakakalimutan ko and it's hard for me to say it lalo na kapag kinakabahan ako.
"Then?" He asked.
"Don't worry, babayaran kita once na makalabas ako dito," masungit na saad ko. Hindi ako sanay ng may utang sa ibang tao. Paniguradong hindi lang ako makakatulog lalo na kapag naisip kung may utang ako.
"No, it's fine. Remember, we're friends," he said then winked at me.
Tumaas ang gilid ng labi ko, "we're not friends," I rolled my eyes at him.
"We are," Matigas nyang saad habang nakatingin sakin.
"We're not," pakikipagtalo ko sa kanya.
"We are," pagpipilit naman nya.
"Desisyon ka?" Naiinis ko ng saad.
"Yup," nang-aasar na sagot nya.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya pero nagkibit balikat lang sya. Dinampot na nya ang jacket nya na nakapatong sa sofa, "gotta go, see you later bestie," asal bakla nyang turan. Yuck!
Ilang segundo matapos syang makalabas ay napangiti na lang ako pero nakaramdam din ako ng lungkot. Naalala ko na naman ang dati kung best friend. Everytime na nakakasama ko si Coser naaalala ko sya and I don't know if I should be happy or sad because I know I will never turn back time gaano ko man kagusto na muli syang makita at makasama. He was my protector back then. He was always with me and promised me that he's not gonna leave me but what happened? I just woke up one day that he's gone. He left me without saying anything. And I hate him for that.
Isang linggo ang lumipas, hindi dumalaw sa hospital si Lead. Mukhang matatagalan sya sa ibang bansa. Si nurse Cole ang palaging nagchecheck sakin at paminsan minsan ay pumupunta sya dito sa room ko para makipagkwentuhan kahit na sya lang naman ang nagsasalita at nakikinig lang ako. Tuwing hapon, pagkatapos ng klase pumupunta dito si Coser together with Nyxx and Lee. We're okay na. She said sorry and promise me not to ask such question and I forgave her and said sorry as well for shouting at her. Nagdadala sila ng foods tapos nagmomovie marathon kami. Hindi ko na pinapayagan na matulog si Coser dito sa room ko baka kasi maabutan na naman kami ni Nurse Cole. Naalala ko nung araw na naabutan nyang natutulog kami ni Coser, that time she asked me if Coser and I have a relationship and answer her with a big no. Hindi pa sya naniwala nung una, she said that she knew Coser well and I said that she doesn't know me that much.
Last day ko na ngayon dito sa hospital. Magaling na ang sugat ko at nakakalakad na rin ako ng maayos. Nag-iwan iyon ng peklat pero may binigay naman sakin si nurse Cole na parang ointment para mawala yong peklat ko though okay lang naman sakin na may peklat ako. Nagcut ulit ng klase si Coser para lang ihatid ako sa bahay. Unti-unti nagiging komportable na ako kay Coser. Sometimes, I just found myself laughing at his silly jokes at nakikipag-asaran na rin ako sa kanya pero madalas pa rin talaga akong pikon. Hindi ko alam kung san sya pinaglihi dahil sobrang galing nyang mang-asar.
Bago umuwi ay kumain muna kami. Syempre libre nya dahil wala naman akong pera.
Huminto ang kotse sa tapat ng bahay ko. Nauna syang lumabas at sya na mismo ang nagbukas ng pinto sa tabi ko, inilagay nya ang kamay nya sa likod at ang isa naman ay nilahad nya sa akin.
Natatawa na lang akong tinanggap ang kamay nya at lumabas sa kotse nya, "thanks beast," saad ko sa seryosong boses.
Agad na sumama ang timpla ng mukha nya dahil sa sinabi ko, "it should be prince, bakit naman beast?" Parang bata nyang reklamo.
"Because you look like beast," pang-aasar ko sa kanya. Tumawa pa ako dahilan ng lalo nyang pagsimangot. Nagpeace sign ako sa kanya dahil baka bigla nyang bawian ng pang-aasar mapikon lang ako.
Sabay kaming humarap sa bahay ko, "welcome back, self!" Saad ko.
"Welcome back, Slaine!" Saad naman ni Coser.
Nakapasok na kami sa loob ng gate ng biglang tumunog ang cellphone ni Coser. Binitawan nito ang maleta ko at sinagot ang tawag. Ako naman ay nagbukas ng pinto.
"Slaine," tawag ni Coser sa pangalan ko.
"Oh?" Maikling saad ko, "sinong tumawag?"
"My...my mom," sagot nya, "I have to go," paalam nya.
"Yeah sure," sagot ko.
Pinagmasdan ko syang muling lumabas ng gate at nagmadaling sumakay sa kanyang kotse. Curious man kung anong nangyare ay hinayaan ko na lang. Kinuha ko ang maleta ko at ako na mismo ang nagpasok nun sa loob. Pinagmasdan ko ang buong salas. Namiss ko to. Ito kasi yong comfort zone ko, dito pakiramdam ko kasama ko ang parents ko, feel ko nandito pa rin sila though sometimes it feels empty and sad.
Umakyat ako sa kwarto ko at nagpasyang maligo muna bago ko inihiga ang aking katawan sa malambot kung kama. I miss this. Bukas pala pwede na rin akong pumasok sa school. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin si Yella ulit. Baka kasi bigla na lang kumulo ang dugo ko kapag nakita ko ulit sya baka masipa ko na naman sya sa mukha nya.
Bumangon ako ng meron akong maalala. Pumasok ako sa walk-in closet ko at binuksan ang secret vault. Tanging isang set lang ng baril ang nakita ko doon kasama ang dalawang dagger na regalo pa ni mommy nung birthday ko, mga fake Id's at passport. Dismayadong sinaraduhan ko ulit ang vault. Wala na akong pera. Hindi ko alam kung san ako kukuha. Bumaba ako sa kusina at tiningnan ang laman ng ref at cabinet ko. Itlog, de lata at noodles na lang ang nandito. Tapos prutas na nabulok dahil isang linggo akong wala dito.
Nakaramdam naman ako ng gutom kaya nagluto ako ng itlog at noodles. Nang maluto ay nagdiretso ako sa salas at nagbukas ng tv saka nanood habang kumakain. Kinuha ko ang laptop ko at nagcheck ng email. Walang Balita about sa murder case pero may email ang aking trusted informant asking kung kumusta na ako.
I type a message but instead of answering her question I asked her where can I get money. After I send her my email I turned off the TV and dozed off to sleep. May pasok na naman bukas.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด