logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1: Training

After 4 years
Kapansin pansin ang pagbabago ng kilos ng mga taong nagkalat sa loob ng isang napakalaking building dahil sa pagpasok ng isang babae. Wala itong nakahahawang sakit o kung ano pa man pero sapat na ang kanyang aura at ekspresyon ng mukha upang umiwas ng tingin at lumayo sa kanya ang mga tao. Ramdam ng bawat isa ang tension sa kanilang pagitan. Sumasabay sa galaw niya, habang siya ay naglalakad, ang kanyang hanggang pusod nq itim na itim na buhok. Nanatili ang kanyang kalmado at walang emosyong mukha. Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 39th floor. Habang naghihintay na huminto ang elevator ay pinagmasdan niya ang kanyang sariling repleksiyon sa dingding. Natanggal ang pagkabagot niya ng sa wakas ay marinig na niya ang tunog nito hudyat na nasa 39th floor na siya. Lumabas siya at dire-diretsong naglakad. Nasa dalawang dipa ang lawak ng kqnyang nilalakaran at tanging puti lamang ang makikitang kulay sa dingding. Marmol ang kanyang nilalakara at sa sobrang linis ay maaaninag mo na ang iyong sariling mukha. Patuloy lang sa paglalakad ang babae, diretso ang tingin at aakalain mong nasa runway. Itinulak niya ang pinto ng makarating sa pinakadulong bahagi at naglakad pakanan. Kabisadong kabisado niya kung saan siya dadaan ni hindi man lamang nagpalinga linga ng babae na animo'y ilang beses na siyang nqkarating sa lugar na ito. Nang nasa dulong bahagi na siya ay biglang dumilim ang paligid ngunit hindi man lamang nahinto ang babae sa paglalakad ni hindi nagulat sa biglaang pag kawala ng mga ilaw sa paligid. Hindi naman nagtagal ang kadilimang iyon dahil bigla ding nagkaroon ng liwanag. Muli na naman siyang lumiko at nagpatuloy sa paglalakad. Ume-echo sa buong pasilyo ang tunog ng kanyang mataas na sapatos sa tuwing siya'y tatapak sa marmol na sahig. Kung kanina ay puro puting dingding ang kanyang nadadaanan ngayon naman ay walang pinagbago ang kulay ng dingding pero may mga pinto ng nakasara sa dinadaanan niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating ang pinakadulong bahagi ng pasilyo. Tumapat siya sa kulay brown na pinto. Mukhang nakarating na siya sa kanyang destinasyon. Masamang tingin ang ipinukol ng babae sa pinto. Parang isang matulis matalim na bagay ang kanyang tingin na kung tatagos sa pinto ay kanina pa nangyare at dumeritso sa katawan ng kung sino mang tao sa loob. Sa wakas ay padabog na niya itong binuksan. Nadatnan niya ang isang babaeng nasa mid 40's na ang edad na nakaupo sa swivel chair at may binabasang mga papel.
Hazzy Monterde. President
Natigil naman ang babaeng may pangalang Hazzy sa kaniyang ginagawa ng tumayo ang kadarating lang na babae sa harap niya ng may hindi maipintang mukha.
Tumigas ang panga ng babaeng kadarating lang na parang kanina pa siya nagpipigil ng sobrang inis. Sinulyapan niya ang babae at muling ibinalik ang tingin sa papel na hawak. Hindi niya ininda ang masamang titig nito sa kanya na parang anumang oras ay hahagisan siya ng patalim sa dibdib.
"What do you need, slay?" Mahinahon pa nitong tanong sa babaeng nananatiling nakatayo ng tuwid sa harap ng kanyang table na may pangalang Slay, "your training will start in ten minutes, why're you still here?" Inilapag ng ni Hazzy ang hawak niyang papel at pinagmasdan ang babaeng nasa harap niya.
"Is this necessary?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Slay kay Hazzy na prente lang na nakaupo sa swivel chair niya. Ramdam  ni Slag ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso dahil sa inis.
Parang gusto niyang mag back out at hindi na muling magpakita pa sa babaeng kaharap niya na parang wala din namang pakealam.
"Of course! You're a part of this team. We are Anyx. We are strong. And 'loser' is not our word."
Isinalampak ni Slay ang dalawang palad sa ibabaw ng table dala ng inis, "But you know I can't fight, right? How many times do I have to tell you that?" Napapataas na ang boses na wika ni Slay.
In-adjuat ni Hazzy ang suot niyang salamin at tumingin mismo sa mata nk Slay, "Kaya mong lumaban, Slay. Nasasabi mo lang na hindi dahil iyan ang sinasabi ng isip mo. Magka-konekta ang isip at katawan natin kaya kong anong naiisip mo iyon ang ginagawa ng katawan mo."
"Still..." Magrereklamo pa sana sinSlay ngunit naputol na ni Hazzy ang kanyang sasabihin.
"Slay! Hindi naman para sa amin ang gagawin mo kundi para sa'yo. Gusto ka naming sanayin dahil...pano na lang kapag nawala na kami sa tabi mo?"
May lungkot na makikita sa mga mata ni Hazzy habang kinakausap ang kaharap. Umaasang sa paraang iyon ay pumayag ang matigas ang ulo at hindi nakikinig niyang alaga.
"Hindi mo ba naiisip ang mga pinaghirapan ng mga magulang mo para sa'yo..hahayaan mo na lang bang makuha iyon ng mga kalaban natin? Sa ugali mong 'yan sa tingin ko naman ay hindi, diba?"
Sa oras ding iyon ay nakapag-isip-isip si Slay. Ipinangako niya sa puntod ng kaniyang yumaong magulang na hindi niya hahayaang makuha na lang ng kalaban nila ang pinaghirapan ng kaniyang magulang para sa kaniya.
Ngunit paano niya malalabanan ang mga ito kong ngayon pa lang ay wala na siyang ginagawa para mapalakas ang kaniyang sarili at madagdagan ang kaniyang kaalaman sa pakikipaglaban.
Ayaw niyang maging pabigat sa Aenix at mas lalong ayaw niyang mag-mukhang mahina sa harap ng mga ito.
Pinalaki siya ng kaniyang magulang hindi para maging talunan. Nakapagdesisyon na siya.
Napansin niyang napangiti ang ginang sa kaniyang harapan. Marahil ay napansin nito ang pag-iisip niya sandali ng malalim. Alam ni Hazzy na hindi kayang biguin ni Slay ang kaniyang mga magulang.
Tumango ang ginang ng bahagya at huli na ng mapansin ni Slay na sa likod niya ito nakatingin.
Naguguluhang lumingon si Slay pero huli na dahil naramdaman niya ang hapdi ng pagtusok ng kong anong bagay sa kaniyang batok.
Hinawakan niya iyon kasabay ng pag-ikot ng paligid.
Parang hinihila siya ng antok at bumibigat rin ang talukap ng kaniyang mata.
Bago tuluyang mawalan ng malay si Slay ay narinig niya ang sinabi ng lalaki na marahil ay siyang nagturok sa kaniya ng pampatulog...
Tumayo si Hazzy mula sa kanyang pagkakaupo, "Take her," Utos ni Hazzy habang nasa mukha nito ang isang makahulugang ngisi.
Binuhat ng lalaki ang ngayo'y natutulog na si Slay, "I hope she won't kill me," pahabol pa nitong sabi bago tuluyang makalabas sa office ni Hazzy.
Nagising si Slay dahil sa lamig na kaniyang nararamdaman. Matigas ang kaniyang hinihigaan at pakiramdam niya ay nananakit ang kaniyang binti at likod dahil sa lamig. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at kulay puting ceiling ang nabungaran niya. May dalawang ilaw sa ceiling na siyang nagsisilbing tanglaw sa buong silid.
Gamit ang sariling lakas ay bumangon si Slay at pinagmasdan ang paligid. Nang una ay wala siyang idea kong bakit siya naroon sa kwartong iyon ngunit ng maalala niya ang mga nangyare kanina lang ay saka niya lang napagtanto na ang kwartong ito ay parte ng arena.
Ang first stage room.
Nasa Training na siya. Hindi niya na talaga magagawang mag-backout pwera na lang kong magpapatalo siya..pero kagaya nga ng sinabi ni Hazzy kanina They are the Aenix. The are strong. And 'loser' is not their word.
Tumayo si Slay ng maayos at inihanda ang sarili. Wala siyang kahit na anong gamit pang-depensa sa kaniyang sarili. Lakas at diskarte lang ang kailangan sa stage na ito.
Umalingawngaw sa buong silid ang tinig na nagmumula sa speaker, "Don't forget the reason why you joined this Training," boses iyon ni Hazzy, "We need to be strong and we need to be ready. You will fight not just for your rank but..fight for the team and fight for yourselves. The only way for you to be able to win this fight is to be fearless...and pretend that you don't have a heart. Win or lose!"
Ang pagbukas ng pader ang nakaagaw ng atensyon ni Slay. Napaurong siya ng bahagya ng pumasok doon ang mga taong nakasuot ng itim, nakasuot din sila ng mask na itim.
Parang nananadya ang panahon. Pinilit niyang huwag tingnan ang mga ito ngunit mas dumadami sila.
Nanginginig na napaurong si Slay. Bumabalik sa kaniyang isipan ang mga nangyare ng gabing iyon.
Sunod sunod at mabibigat na hinga ang pinakawalan niya.
Lumalakas ang tibok ng kaniyang puso. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod. Wala siyang mahihingan ng tulong. Napapalibutan siya ng mga kalaban.
Ang mga taong naka-itim.
Nanghihina siya pero kailangan niyang lumaban.
Sinuportahan niya ang kaniyang katawan gamit ang kamay niya. Kumapit siya sa pader at pinilit na tumayo ng maayos, "Fuck Slay! Don't be so coward. Fuck that phobia!"
Nagsimula ng sumugod ang mga taong naka-itim patungo sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang labanan ang mga ito.
Sipa at suntok lang ang ginagawa niya. Wala man lang ni isa siyang makita sa loob ng silid na iyon na pwede niyang gamitin pang depensa sa kaniyang sarili.
Sa tingin ni Slay ay wala pa man lang sa kalahati ang napapabagsak niya sa dami ng mga taong naka-itim. Sarado na ang pader ngunit sa tingin niya ay mas lalo itong nadadagdagan.
Nanghihina na siya. Hindi ordinaryo ang lakas ng mga taong ito. Hindi katulad ng mga taong nakakalaban niya sa outside training. Mukhang pinaghandaan talaga ni Hazzy ang araw na ito.
Habang patuloy pa rin sa pakikipaglaban si Slay ay hindi niya mapigilan ang pag-iisip ng mga negatibong bagay na halos naging habit na rin niya simula ng magkaisip siya.
Hindi niya alam kong kaya niya bang talunin lahat ng mga taong naka-itim. Hindi niya alam kong matatapos niya ba ang stage na ito at makakarating sa huling stage ng Training.
Para na siyang mamamatay.
Sa huli ay napabagsak ni Slay ang huling kalaban. Nakita niya sa pinakasulok ng silid ang isang glass box kung saan nasa loob nito ang susi na magdadala sa kaniya sa susunod na stage ng Pagsasanay.
Walang kahit anong pwedeng gamitin sa silid na iyon para mabasag niya ang salamin.
Tumunog na rin ang kulay pulang bagay na nakadikit sa itaas ng pader hudyat na malapit na ang time niya. At kapag naubusan siya ng oras..matatanggal siya sa Training at magiging isang talunan.
Pikit matang itinaas ni Slay ang kaniyang siko at walang kagatol gatol na inihampas iyon sa glass box. Dalawang hampas niya ay nabasag ang salamin dahilan para makakuha siya ng maliliit na sugat sa braso na hindi na niya nagawang indahin ang hapdi at walang pagdadalawang isip niyang dinampot ang susi.
Apat na segundo bago matapos ang kaniyang oras ay bumukas ang pader at lumabas si Slay. Wala siyang ibang dadaanan kaya pumasok siya sa asul na pinto.
Ang second stage ng Training.
Mahigpit na hinawakan ni Slay ang susi sa kaniyang kamay. Ramdam niya ang hapdi ng kaniyang sugat. Pakiramdam ni Slay ay may naiwan pang maliit na bubog sa kaniyang balat.
Ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniyang sugat.
Aaminin ni Slay sa kaniyang sarili na mahina ang kaniyang katawan pagdating sa mga ganitong challenge. Kaunting sugat lamang na matamo niya ay agad na naaapektuhan ang kaniyang buong katawan. Hindi niya alam kong magagawa pa ba niyang matapos ang second stage ng laban.
Alam niyang sa bawat silid na kaniyang napupuntahan ay may mga nakatagong camera at pinapanuod siya ng buong team. She doesn't want to disappoint them. She doesn't want to disappoint her parents.
Second stage was the last stage and after this.. she will able to experience the real battle.
Sinimulan ng hanapin ni Slay ang kulay pulang suit case. Hindi niya alam kong anong laman ng case na iyon ngunit sana'y matulungan siya ng kong ano mang laman ng case na iyon para makalabas sa stage na ito.
Nakakahinga na ng maluwag at napapangiti na si Slay dahil natanaw na niya ang pulang suit case ng maagaw ng isang tunog ang atensyon niya.
Tunog iyon ng sword na hinihila ng isang tao. Papalapit sa kaniya ang tunog. Muli na naman siyang nakaramdam ng kaba. Hindi siya natatakot pero kinakabahan siya sa kong ano ang mangyayari.
Tumingin siya sa direksyon kong saan nagmumula ang tunog. Dahan dahan siyang tumayo at pinagmasdan ang taong nakatayo sa kaniyang harapan. Hindi niya matukoy kong lalaki ba ito o babae dahil balot  ng kulay itim na kasuotan ang katawan nito. Tanging kamay at mata lang nito ang makikita. Bahagyang sinipa ni Slay ang suit case papunta sa likod niya. Haharapin muna niya ang kaniyang kalaban.
Dahan dahan siyang naglakad patagilid at ganun din ang assassin. Magkatitigan sila sa mata na para bang doon pa lang ay nagpapatayan na sila.
Nakailang ikot pa sila habang nagsusukatan ng nakakatakot at matatalas na tingin.
"You will die!" walang emosyon at malamig ang pagkakasabi ng assassin sa harap ni Slay.  Wala ring makikitang emosyon sa mata nito. Doon niya lang napagtanto na babae ang kaniyang kalaban.
Hindi na nagawa pa ni Slay na magsalita ng sugudin na siya ng assassin.
"Yaaaah!" Nakakabinging sigaw ng babaeng assassin habang patakbo itong lumalapit sa kaniya.
Sa sobrang gulat niya ay parang sinapian siya agad ng adrenaline rush.
Walang kagatol gatol na iwinasiwas ng assassin ang hawak niyang sword papunta sa direksyon ni Slay. Buti na lang at agad itong naiwasan ni Slay.
Muling sumugod ang assassin. Muntik na siya nitong masaksak sa tiyan kung hindi lamang siya mabilis na nakaurong. Napapapikit na lamang si Slay sa tuwing gagalaw siya dahil sa sugat niya sa braso na kumikirot.
Patuloy lang sa pag-atake ang assassin at patuloy lang din siya sa pag-ilag.
Hindi siya makakuha ng tiyempo upang mabuksan ang suit case at matulungang maayos ang sarili sa pakikipaglaban.
Muli na namang sumugod ang assassin sa kaniya. Mabilis ang bawat galaw ng assassin na halos madoble na ang kaniyang paningin sa pagsunod kong saang parte ng katawan niya babagsak ang hawak nitong espada na pilit siyang inaabot at pinipilit siyang masugatan. Pero mas mabilis siya dahil nagagawa pa niyang iwasan ang bawat atake ng kalaban.
Sa sobrang bilis ng kanilang mga galaw ay nalibot na nila ang buong silid. Napapagod na si Slay sa ganoong klase ng paglalaban at gusto na niya itong tapusin. Ginamit ni Slay ang kaniyang braso upang ipanangga sa papadating na espada ng assassin. Sumangga ang kamay ni Slay sa kamay ng assassin na may hawak na espada. Malakas niyang kinabig ang kamay ng kalaban kaya napaurong ito sa gilid at nabitawan ang espada. Hindi na nag-abalang kunin ng assassin ang espada..agad na itong sumugod kay Slay.
Nagpalitan sila ng suntok at sipa. Parehas silang determinado na matamaan at matalo ang isat isa.
Natamaan ni Slay ang assassin sa ibaba ng balikat nito pero mabilis din itong nakabawi at muli siyang inambahan ng suntok.
Tumagilid si Slay upang iwasan ang padating na kamao ng kalaban. Masamang tingin ang ipinukol niya sa assassin bago niya hablutin ang braso nito. Mahigpit na hinawakan ni Slay ang pulsuhan ng kalaban..ginamit niya ang kaniyang buong natitirang lakas saka niya pinisil ng mahigpit ang pulso ng kalaban. Buong lakas niya itong hinila pababa hanggang sa bumagsak ito sa sahig.
Hindi na hinayaan ni Slay na makabangon at muling makaganti ang kalaban kaya sinipa niya ito hanggang sa hindi na nito kayang bumangon.
Muli niyang tiningnn ng masama ang kalaban bago puntahan ang pulang suit case. Pinagpapawisan siya at nanginginig habang ipinapasok ang susi sa key hole ng pulang suit case.
Inalis niya ang bakal na nakaharang sa case at dahan dahang binuksan ang case.
Bumungad sa kaniya ang baril na hiwa-hiwalay ang mga parts.
Salamat sa kaniyang ina na nagturo sa kaniya kong paano mag-ayos ng baril.
Nanginginig ang mga kamay ni Slay ng hawakan niya ang bawat parte ng baril habang ibinabalik ito sa tamang posisyon. Matapos ilagay ni Slay ang barrel ay kinuha niya ang tatlong magazine na puno ng bala at ikinabit naman ang isa.
Tumayo siya sa harap ng assassin na nagpupumilit pang makatayo. Umaagos ang malapot na dugo sa bibig at ilong nito.
Ikinasa ni Slay ang baril at itinutok sa babaeng assassin, "You failed your mission to kill me," walang emosyong wika ni Slay.
"Thanks for making my mission accomplished," Slay said, she pulled the trigger without even blinking.
Mahigpit na hinawakan ni Slay ang baril sa kaniyang kamay. Napapikit siya ng mariin ng marinig niya ang nakakabinging tunog ng soeaker. Ilang segundo lang at narinig na naman niya ang tinig ni Hazzy, "Thank you! You have done the second stage of training. And for the final stage..you need to get out of the room with the back door and once you get out you can never go in again."
Nagawa na ni Slay ang second stage..tatakasan pa ba niya ang last stage ng Training. Huminga si Slay ng malalim matapos ay dahan dahan niya itong pinakawalan. Hinawakan niya ang door knob at pinihit ito ng dahan dahan hanggang sa marinig niya ang pag-click ng door knob.
Sumalubong sa mukha ni Slay ang malamig na hangin ng tuluyan niyang mabuksan ang pinto at makalabas. Marami na ring lumalabas na tao sa bawat pintuan ng arena, natapos rin nila ang second stage. May iba namang pinto na nakasarado pa rin ibig sabihin ay hindi pa nila natatapos ang second stage or hindi nila nagawa ang mission.
"I'm thankful that I'm one of these people who finished the stages." Bulong ni Slay sa kaniyang sarili habang naglalakad papasok sa maze.
Nagpalinga linga siya sa paligid at sa dami ng pwedeng daanan ay hindi na niya alam kong saan siya unang papasok.
Parang walang katapusang pintuan ang maze na ito at kahit saan siya pumasok ay halos magkakaparehas ang style at disenyo kaya mas lalo siyang nahihirapan. Hindi alam ni Slay kong makakalabas pa ba siya sa maze na ito.
*Bang bang*
Agad na yumuko si Slay at nagtago sa pader upang iwasan ang bala ng baril. Naririnig na rin ni Slay ang mga tunog ng baril sa ibat ibang sulok ng maze.
Muli siyang tumayo ng marinig ang yabag ng mga kalaban. Saktong hindi ang mga ito nakatingin sa direksyon niya kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon..nagpakawala siya ng isang bala at sabay na bumagsak ang dalawang lalaki. Patay na ang mga ito.
Muling naglakad si Slay na para bang walang nangyare.
Hindi niya mapigilang mapaisip..sa ganitong edad niya ay nakapatay na siya ng tao. Paano pa kaya kapag mas nadagdagan ang kaniyang edad sa mga panahong dadaan.
"Once you start killing people, you can't stop, killing is worse than drug addiction,"bulong ng isip ni Slay. Nang mga oras na yun ay parang hindi na niya kilala ang kanyang sarili. Nabalot na siyang tuluyan ng poot at galit. Para niyang isang robot at ang galit sa kanyang puso ang kumukontrol sa kanya.
Patuloy lang sa paglalakad si Slay at bawat madaanan niya ay agad niyang inuunahan sa pagbaril. Halos hindi na niya ibaba ang hawak na baril. Bawat paglabas ng bala ay ang pagbagsak ng mga kalaban sa lupa na wala ng mga buhay.
Hindi alam ni Slay kong saan patungo ang daan na kaniyang tinatahak pero patuloy lang siya sa paglalakad.
"Yaaah!" Sigaw ng dalawang assassin na  biglang sumulpot sa kaniyang harapan. Sabay nilang itinaas ang hawak nilang espada at handa ng atakihin si Slay. Mabilis na nakakilos si Slay at naunahan niya ang dalawa. Agad niyang nahawakan ang kamay ng dalawang kalaban pero pare-pareho silang hindi nagpapatalo kaya nauwi sa hands fight ang tatlo. Nang makakuha ng pagkakataon si Slay ay malakas niyang itinulak ang kalabang nasa unahan kaya napaurong ang dalawa. Akmang lalapit pa ang dalawang assassin kay Slay kaya inunahan na niya ang mga ito sa pagbaril. Bumagsak ang dalawa sa sahig habang umaagos sa mukha nila ang malapot na dugo na nagmula sa sugat nila sa noo.
Hindi na niya hinayaang may makalapit pang kalaban sa kaniya.
Bawat hakbang ng kaniyang mga paa at bawat paglabas ng bala sa baril na kaniyang hawak ay ang pagbagsak ng mga kalaban sa sahig na wala ng buhay.
Hindi na naman niya ma-krontol ang kaniyang sarili. Nagagalit siya at hindi niya alam ang dahilan kung bakit.
Bumabalik sa kaniyang isipan ang mga nangyare apat na taon na ang nakakaraan.
Sabik na sabik na ang kaniyang mga kamay na ipaghiganti ang pumatay sa kaniyang magulang.
Napaurong si Slay ng maramdaman ang pagtama ng kung ano sa may bandang tiyan niya. There's a sudden look  of shock in her face before she looked at the wound. At first, she didn't feel anything and after a second she feels like it was burning.
"Fuck! It hurts like hell." Slay cried, sinubukan nyang gumalaw ngunit mas lalo lamang lumala ang sakit. Pakiramdam niya ay sinindihan ang kanyang sugat. Marami na ring dugo ang nawala sa kanya. Sa sobrang sakit ay hiniling na lang ni Slay na mawalan ng malay pero naalala niya ang taong bumaril sa kanya. Tiningnan niya ito. Nakataas pa rin ang baril nito at handa na siyang barilin ulit pero hindi na niya hinayaang makadalawa pa ito sa kanya. Itinaas niya ang hawak na beretta 92FS at walang tigil na pinaputukan ang kawawang lalaki. Hindi niya ibinaba at itinigil ang pagbaril hanggang sa maubos ang bala ng kanyang baril. Ramdam niya ang galit na namumuo sa kanyang dibdib ngunit mas ramdam niya ang parang sinusunog na parte ng tiyan niya kung saan tumama ang bala. Bumagsak ang lalaki na naliligo na sa sariling dugo.
Binitawan ni Slay ang baril kasabay ng unti-unti niyang pagbagsak sa sahig.
Umiikot ang kaniyang paligid at ramdam niya ang malakas at mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.
Nakaluhod siyang bumagsak sa lupa bago tuluyang mawalan ng malay.
Tumayo si Hazzy mula sa inuupuan niya at mabagal na pumalakpak ng tatlong beses, "She's as fearless as her mother. She must really proud of her,"wika nito bago sumilay ang nakakatakot nitong ngisi habang nakatingin sa screen kung saan niya pinapanood ang bawat nangyayare kay Slay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด