logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 18: Punishment

"Wag mo kakalimutan na i-segregate ang mga basura, kapag tapos ka na dito tawagin mo lang ako para maituro ko sa'yo kung alin pa ang lilinisin mo," paalala ng isang babaeng senior student. Siya ang naghatid sakin dito sa may parking area kung saan nakatambak ang mga basura na ipipick-up ng truck sa Wednesday.
Tumango lang ako at hindi na nag-aksaya pa ng laway na sagutin sya dahil nanggigigil na naman ako. Nakaalis na ang senior student pero nanatili lang akong nakatayo sa harap ng isang tambak na basura. Nanatili akong nakayuko habang hawak ng tigkabila kung kamay ang black plastic bag at mahabang tong na syang ipangkukuha ko sa mga basura. Masama akong nakatingin sa mga plastic at bote na nagkalat sa paligid ko na para bang ang mga iyon ang naging dahilan kaya nangyare sakin to. Padabog kung ibinuka ang itim na malaking plastik na paglalagyan ko ng mga pinaghiwahiwalay na basura, saka ko padabog na inipit ang mga bottle at isinilid sa malaking plastik. Halos masira ang plastik na lagayan ng basura dahil sa pagdadabog ko.
Saglit akong tumigil sa pagsesegregate ng basura at matalim na tumitig sa sahig, "Kasalanan 'to ng Yella na 'yon!" Saad ko sa aking sarili, "she humiliated me and I'll make her pay for what she did!" Mahigpit kung hinawakan ang tong sa aking kamay. Kulang pa ang ginawa ko sa kanya. Once she mess with me again, I won't think twice na patayin sya!
"Great! Ngayong tapos ka ng mag-segregate ng mga basura, you still have 3 hours ngayong araw," saad ng babaeng senior student. Napansin ko ang hawak niyang tornado mop sa kaliwa niyang kamay. Ibinagsak niya iyon sa harap ko saka itinuro ang building na nasa harap lang namin.
Binuksan ko ang pinto ng isang kwarto kong saan naka-confine si Yella. Tulog ito ng dumating ako. Ini-lock ko na din ang pinto para walang nurse o doctor na makapasok at makita ang gagawin ko sa babaeng nakahiga ngayon sa hospital bed at natutulog. Dahan dahan ang aking bawat hakbang palapit kay Yella.
"I didn't like you from the start," bulong ko.  Naalala ko kung pano nya ako tingnan ng masama tuwing magtatagpo ang aming mga mata. Hindi s'ya gusto ni Coser at ako ang sinisisi n'ya. Look at her attitude, no wonder hindi talaga sya magugustuhan ni Coser.
Sinampal ko ng mahina ang pisngi ni Yella. Nakatatlong sampal ako sa pisngi nya bago sya magising.
Napaatras sya sa hinihigaan nya ng makita ako, "S..Slaine!" Saad nya sa pangalan ko. Namimilog ang kanyang mga mata. Napansin ko rin ang mahigpit na pagkapit nya sa kumot. Ramdam ko ang takot n'ya, "anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" Tanong n'ya. Mataas ang kanyang boses na para bang dinedepensahan nya ang kanyang sarili sa isang pagtatalo.
Hinawakan ko ang kamay nya dahilan upang mas mapaatras sya at kulang na lang ay tumalon sya mula sa kanyang pagkakahiga, "I'm visiting you," malumanay kung sagot. Ngumiti ako sa kanya at saka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nya.
Ramdam ko ang mahigpit na pagkakakuyom ng kamao nya, "after what you did to me? You still have the guts to visit me?" Singhal ni Yella. Matalim na naman nya akong tiningnan, gusto kung bumulalas ng tawa ng makita ang kalagayan nya. Meron syang cervical collar sa leeg at patch sa ibabaw ng ilong nya, "if you don't want me to use my connections, apologize now and leave Zico alone. Maybe, I'll forgive you for that," Yella said that made me burst into laughter. Does she think she can scare me? I fear no one.
"Are you naive or you're just plain stupid?" Tanong ko sa kanya. Nang-aasar, "do you really think you can fool me? I'm not here to apologize, I'm here to kill you," I smiled--no, I smirked at her. Mas lalong naging matalim ang titig nya sa'kin. Tumingin sya sa pinto ng kwarto at bago pa man sya makasigaw at may nakarinig sa kanya ay mabilis ko ng hinablot ang unan sa tabi nya at isinalpak iyon sa kanyang mukha. Mahigpit kung hinawakan at diniinan ang unan sa mukha nya. Making her hard to breath. Nagpupumiglas sya pero hindi ko binitawan ang hawak kung unan. Bumabaon na sa aking balat ang kuko nya dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko pero wala na akong maramdaman na hapdi. Ang tanging nasa isip ko na lang ngayon ay ang patayin sya.
Nang hindi na sya gumagalaw at nagdrop na rin sa zero ang number na nasa monitoring screen ay saka ko lang tinanggal ang unan sa mukha nya. Ibinalik ko sa dati ang pagkakalagay ng unan at inayos ang pagkakahiga ni Yella na akala mo ay natutulog lang. Unti-unting pumorma ang isang ngisi sa aking mga labi saka napapasayaw na lumabas ng kwarto na parang walang nangyare.
"Slaine Ferrer!" Agad akong napalingon sa babaeng tumawag sa pangalan ko, "ang sabi ko maglinis ka hindi tumanga dyan," bulyaw ng babaeng Senior student na syang nagbabantay sakin. Dahilan upang mas lalo akong pagtinginan at pag-usapan ng iba pang mga estudyante na dumadaan, "ano, pagod ka na?" Tanong nya sakin. Itinuro nya sakin ang stick na hawak nya saka nya ako tinulak tulak gamit iyon, "Kasalanan mo rin yan. Masyado kang mayabang e. Transferree ka lang naman, ayusin mo paglilinis mo," singhal nya. Kung umasta akala mo sya may-ari nitong school. Akmang itutulak nya na ako ulit gamit ang stick na hawak nya ay mabilis ko iyong hinila, binunot ko ang dagger at itinarak iyon sa kanyang leeg. Tumalsik sa aking mukha ang dugo ng senior student habang nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Nagulat sya sa biglaan kung ginawa. Pansin ko ang pagbukas ng bibig nya na para bang may gusto syang sabihin pero walang lumalabas na salita at boses sa kanyang bibig. Hinugot ko ang dagger sa leeg nya saka ko muling sinaksak. Napangiti ako ng makita ang luhang nagkulay dugo na na  umaagos sa kanyang pisngi galing sa kanyang mga mata. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata pero tinakasan na ako ng awa ngayon. Hindi dapat kinakaawaan ang mga klase ng tao na katulad nya.
"Slaine Ferrer!" Sigaw ng senior student. Napaigtad ako dahil sa gulat. Mabilis itong lumapit sa akin at tinulak ako, "tatanga ka na lang ba dyan? Ha?! Ang sabi ko maglinis ka!" Sigaw nya sakin. Agad kung naramdaman ang mabilis na paglabas ng mainit na likido mula sa aking mga mata at ang pagdaloy nito sa aking pisngi. Sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng takot. Naramdaman ko ang pa-unti-unting paggalaw ng aking mga kamay. Nanginginig ako. Dahilan para mas lalong hindi ako makapagsimulang maglinis. Nakayuko na lang ako at natatakluban ng mahaba kung buhok ang aking pawisan at luhaan na mukha.
Napasinghap ako ng biglang sipain ng senior student ang baldeng may laman na tubig dahilan para matumba iyon at kumalat ang masabon na tubig sa paanan ko, "ano ba!?" Sigaw ng senior student. Mahigpit niyang hinawakan ang aking magkabilang balikat at inalog alog iyon. Gusto kung magsalita. Gusto kung ipagtanggol ang sarili ko pero walang lumalabas na tinig mula sa aking bibig. Pakiramdam ko ay meron akong busal na nagpipigil sa akin upang magsalita.
"What's going on here?" Tanong ng isang tinig mula sa kadarating lang na lalaki. Hindi ko makita ang kanyang mukha. Ayokong magpakita ng mukha kahit sino pa 'yan.
"Z-zico..." Saad ng senior student. Nauutal utal pa ito. Halata sa kanyang nanginginig at basag na boses ang kaba. Zico? Zin Coser? Sandali akong natigilan sa aking pwesto. Mas lalo akong napayuko. Hangga't maaari ay ayokong makita nya ako sa ganitong kalagayan. Naaawa kaya sya sakin? Kasalanan nya rin to e. Kung hindi nya lang sana ako nilapitan, "y-you know what happened to Yella, right?" Saad ng senior student. Pansin ko ang paglalaro niya ng kanyang mga daliri. Is she nervous? Ang tapang nyang sigaw-sigawan ako kanina tapos dumating lang si Coser daig pa nya nahuli sa isang krimen, "it's the principal's o-order," dagdag pa ng senior student. Napapayuko pa ito.
Nanatili akong nakayuko. Mahigpit kung hawak ang mop sa magkabila kung kamay. Hindi ko na narinig pa na nagsalita si Coser bigla ko na lang naramdaman ang biglaan nyang paghawak sa kamay ko. Hinila nya ako dahilan para mabitawan ko ang mop.
Nang makarating kami sa field ay saka lang ako nagpumiglas sa pagkakahawak nya. Tumigil sya sa paglakad kaya nahinto na rin ako.
"Are you okay?" Tanong ni Coser. Halata sa kanyang boses ang pag-aalala. Hindi ko sya sinagot ni tiningnan man lang. Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa marinig ko syang tawagin ang pangalan ko, "Slaine!" Sigaw nya.
Agad akong lumingon sa kanya. Kunot ang noo at kita sa ekspresyon ng aking mukha ang pagkainis, "what?" Tanong ko. Halata ang pagkainis sa aking boses, "I'm not okay, okay? stop acting like you care," sigaw ko sa kanya.
"I care," sigaw nya din pabalik. Naglakad sya palapit sa akin. Malalaki at mabibilis ang bawat hakbang nya. Bumuka ang kanyang bibig na parang may gusto pa syang sabihin pero hindi nya mahanap ang tamang salita o walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig.
"I know you don't," Saad ko. Nag-crack na rin ang boses ko. Tumingala ako para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko, "I know you're a playboy, you don't really care about me you just...you just want me to fall in love with you so that you can use me like the other girls," saad ko. Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
Kahit nanlalabo na ang mga mata ko ay kitang kita ko pa rin ang pagkunot ng noo ni Coser. Hindi nya yata naintindihan ang mga sinabi ko o talagang nagmamaang-maangan lang sya, "W-what? Slaine, what are you talking about?" Tanong nya. Pailing-iling. Kunot ang noo. Naguguluhan.
Hindi ko na sya sinagot. Muli na akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Dahil hindi ko rin naman alam kung anong isasagot ko sa kanya. Dala lang siguro ng pag-ooverthink ko kaya ko nasabi 'yong mga 'yon. Kasi kahit ako wala akong naintindihan sa mga sinabi ko. Siguro kailangan ko na talagang lumayo kay Coser habang maaga pa. Hindi ako sanay ng ganito e. Ayoko ng atensyon. Ayoko ng pinagtatawanan ako. Pakiramdam ko kasi ako na 'yong pinaka-katawa-tawang tao sa mundo. Baka hindi ko mapigilan 'yong sarili ko, makagawa ako ng mga bagay na pagsisisihan ko lang din. I have to stay away from Yella na rin kasi baka hindi ako makapagtimpi at mapatay ko talaga sya. Killing Yella in my mind is enough, I guess.
Hindi ko na tinapos ang paglilinis. Hindi na ako bumalik sa school. Naglakad na lang ako pauwi sa bahay saka ko lang naalala na naiwan ko pala 'yong bag ko sa corridor kung saan ako naglilinis kanina. Babalik na lang siguro ako bukas sa school. Sigurado namang may makakita nun at baka sakaling dalhin sa lost and found center ng school or baka may makakilala na bag ko yon at imbes na dalhin sa lost and found center ay itapon na lang. Nandun ang cellphone ko at ilang mahahalagang gamit pero ayoko ng bumalik. I don't want to see Coser's face right now.
Malamya akong umakyat ng hagdan. Nagbabad ako sa bathtub hanggang sa gumaan ang dibdib ko at makalimutan ang nangyare kanina. 8:44 ng gabi ng umahon ako sa tub at nagdesisyon na magbihis na ng marinig ko ang doorbell sa gate ng bahay ko. Maikling shorts at black na sando lang ang suot ko. Naalala ko na wala pala akong bra kaya nagsuot na rin ako ng roba bago ako lumabas. Sino naman kaya ang pupunta dito sa bahay ng ganito na kagabi? Ilang hakbang din ang layo ng bahay ko sa mismong gate kaya medyo natagalan ako bago makarating sa tapat ng gate namin. Binuksan ko ang gate pero wala akong nakitang tao. Lumabas ako at nagpalinga linga pero wala akong nakita. Tanging mga tao lang na abala sa paglalakad ang nakikita ko pero hindi ko naman sila kilala or hindi naman kahina hinala ang mga kilos nila. Pabalik na sana ako sa loob, dahil mukhang mga batang kalye lang na walang magawa 'yong nagdoorbell, ng mapansin ko sa isang gilid ang isang pamilyar na bagay. Sa tabi noon ay doon ko nakita ang isang cup ng kape. Kinuha ko ang bag ko kasama ang kape na mukhang kabibili lang dahil mainit pa iyon. Binasa ko ang nakasulat sa post-it na nakadikit sa cup ng kape. Napailing na lang ako at napagdesisyunan na pumasok na sa loob.
Humigop ako ng kape habang hinihintay ang reply ni Coser. Nakita ko 'tong phone ko sa loob ng bag ko. Hindi pa naman sya lowbat kaya naisip kung i-text si Coser dahil alam kong sya ang nag-iwan ng bag ko sa labas ng gate kanina. Dumagdag pa sa hinala ko ang nakasulat sa post-it kasama ng papel.
I'm Sorry!
Ilang segundo pa ay nakita ko ang pag-ilaw ng aking cellphone kasabay ng paglabas ng pangalan ni Coser habang nagvavibrate ang aking cellphone. Tumatawag si Coser. Agad kung dinampot ang aking cellphone at agad na pinindot ang decline button ng call. Ipinatong ko ang palad ko sa left part ng chest ko at doon ko naramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Napapikit ako. Bigla akong kinabahan. Ilang sandali pa ay muling tumunog ang aking cellphone. Coser texted me asking why did I decline his call.
Nagtype ako ng message. I hate phone call. And send it to him. I asked him why did he say sorry.
I'm saying sorry because I care. That was his answer. For the moment ay natigil ang pag-ooverthink ko about sa mga bagay-bagay na nagiging dahilan para masaktan ako at naniwala sa sinabi nya. Hindi dapat ako magpadala sa mga sinabi ni Yella sakin kanina. Wala namang mali sa ginagawa namin ni Coser. We're just friends. Wala naman akong natandaan na nilandi ko sya.
Hindi na ako nagreply pa. Nakinig na lang ako ng musika habang nagbabasa ng libro hanggang sa antukin ako at makatulog.
Naglalakad ako pauwi galing sa bookstore. Bumili ako ng libro kahit na hindi ko pa naman tapos basahin 'yong mga libro ko sa bahay or should I say hindi ko pa man lang nasimulan. Ewan ko ba, hobby ko na Ang pagbili ng bagong libro kahit na andami ko pang hindi nababasa sa bahay. Pakiramdam ko palagi akong mauubusan ng libro. Hobby ko na rin siguro ang pangongolekta nun. Siguro kung nakapagsasalita  ang mga libro ko sa bahay, matagal na nila akong sinigaw-sigawan. Nagmamakaawa na hawakan ko man lang sila. Bisitahin sa shelves at basahin kahit cover lang.
I was peacefully walking in a pedestrian lane with my earphones on---with a maximum volume when suddenly a black van stopped beside me. Bumukas ang pinto ng itim na van at dalawang lalaki ang lumabas mula doon. Hindi ko nakita ang mga mukha nila dahil nakasuot sila ng bonnet at tanging mata lang ang kita sa kanilang dalawa dagdag pa na sinakluban nila ako ng sakong tela sa ulo. Hinawakan nila ako sa magkabila kung braso at marahas na ipinasok sa loob ng van. Nagpumiglas ako pero mas malakas sila kumpara sakin. Nagpatuloy ako sa pagpupumiglas at pagsigaw pero tuluyan na nila akong napasok sa loob ng van. Narinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto ng van at ang mabilis na pagtakbo nito patungo sa kung saan ay hindi ko alam.
Pawisan at mahilo hilo ako ng biglang hilahin ng kung sino ang sakong tela sa ulo ko isa pang dahilan para sumabog ang mahaba kung buhok sa mukha ko. Malakas at malalim ang bawat paghinga ko dahil pakiramdam ko ay kinapos ako ng hininga habang nakasaklob ang sakong tela sa ulo ko kanina. Iniangat ko ang aking ulo at doon ko lang napagmasdan ang paligid. Nasa isang abandonadong building kami. Puro sapot ang dingding at maaamoy sa paligid ang mabahong singaw ng natapon na Gasolina. Kasunod kung pinagmasdan ang apat na tao sa harapan ko. Nakasuot sila ng maskara kaya hindi ko makita ang kanilang mukha but one thing is for sure, sa SIS sila nag-aaral dahil sa suot nilang uniporme. Marahil ay pinadala sila ni Yella para kidnap-in ako. Lahat sila ay nakatingin sakin na parang hinihintay nila ang paggising ko. Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila ng masama. Nasa likod ko ang dalawa kung kamay at ng subukan kung hilahin iyon ay tanging sakit lang ang naramdaman ko. Nakatali ang dalawa kung kamay at paa sa upuan. Ramdam ko ang matinding pananakit ng aking tiyan at ilang parte ng aking katawan dahil sa bugbog. May nalasahan din akong parang kalawang sa bibig ko. Marahil ay dugo na umagos mula sa aking sugat sa gilid ng labi ko.
Hinang-hina na lang akong napayuko. Iniisip kong pano ako makakaalis dito. Alam ko namang kahit sumigaw ako dito ay walang makakarinig sa'kin. Hindi naman siguro sila ganun katanga para dalhin ako sa lugar na isang sigaw ko pa lang ay maaalarma na ang mga tao sa labas.
Narinig ko ang yabag ng mga paang papalapit sa akin. Tumigil ang tunog ng mga yabag at doon ko lang nakita ang dalawang pares ng sapatos sa harap ko.
"Ahh-" ingit ko ng maramdaman ang sakit sa anit ko. Hinawakan ng kung sino ang buhok ko at pinuwersa ang ulo ko na itaas upang tumingin sa kanya. Nakita ko ang babae na humila sa buhok ko. Inalis nya ang kanyang maskara kaya nakita ko ng malinaw ang kanyang mukha. Hindi ko sya kilala. Payat sya pero ang tapang ng mukha nya. Meron din syang ahit sa kilay at mukhang nagsisigarilyo pa dahil naaamoy ko ang sigarilyo sa kanya lalo na ng ilapit nya ang kanyang bibig sa mukha ko. Mukha syang tomboy na gangster sa kanto.
Ibinuka ko ang bibig ko at pinilit na magsalita, "why...why are you doing this to me?" Tanong ko sa mababang tono. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. I can't stand physical pain.
Mas hinigpitan ng babae ang pagkakahawak sa buhok ko, wala akong magawa kundi ang mapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman, "tanga ka ba o nagmamaang-maangan lang?" Tanong ng babae sa'kin. Malakas at mataas ang kanyang boses na nagiging dahilan upang kumalat ang kanyang boses sa buong abandonadong building. Napapataas ang sulok ng labi nya habang nagsasalita at visible ang galit sa kanyang mga mata, "Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo kay Yella?" Dagdag nya pang tanong. Marahas nyang binitawan ang buhok ko. Saglit akong napangisi ng maalala ko ang nangyare kahapon. Naalala ko pa kung pano lumipad at tumama ang paa ko sa mukha nya at ang reaksyon ng mukha nya na gulat na gulat dahil sa ginawa ko. Ang pagdurugo ng ilong at bibig nya sa lakas ng pagkakasipa ko.
"She deserved it," saad ko. Sa mababang boses. Wala na akong lakas para makipaglakasan pa ng boses sa kanya.
"Ano?" Singhal ng babae sa harap ko.
"Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang talaga?" Panggagaya ko sa kanya kanina. Halos umikot ang ulo ko ng 360 degree. Sandaling nanlabo ang paningin ko at ramdam na ramdam ng kanang pisngi ko ang hapdi. Pakiramdam ko ay bumakat ang palad nya sa pisngi ko. Sinampal nya ako. Hindi ako nagpatinag. Ipinilig ko ang aking ulo. Iniangat ko ang aking ulo at tiningnan sya ng masama. Mata sa mata. Nagsalita ako, "she deserved it," pag-uulit ko sa sinabi ko kanina ngunit ngayon ay mas malinaw at mas malakas ang pagkakabigkas ko sa bawat salita. Wala pang dalawang segundo mula ng sabihin ko iyon ay nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa sahig. Kasama kung bumagsak ang bangko kung saan ako nakaupo at nakatali ang pareho kung kamay at paa. Sinipa nya ako dahil sa sinabi ko. Mas lalong tumalim ang kanyang tingin sa akin na para bang Isa siyang dragon at handa na akong bugahan ng apoy ano mang oras. Ang tatlo naman niyang mga kasama pa ay nakatayo lamang sa kanyang likod at pinapanood ang babaeng ito sa kung ano man ang gawin nya sakin.
Nananakit na ng sobra ang buo kung katawan. Parang gusto ko na lang mawalan ng malay. Umiikot na rin ang paningin ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kung maranasan ito. Ipinagtanggol ko lang naman ang sarili ko.
Napaubo ako kasabay ng pagtulo ng mga luha sa pisngi ko, "ta-tama na please..." Saad ko. Nagmamakaawa, "Please...I won't tell this to anyone, I didn't see anything and I'll forget what happened," dagdag ko pa. Nahihirapan na rin akong makahinga dahil sa pwesto ko. Nanlalabo ang paningin ko dahil na rin sa mga luhang sunod-sunod na pumapatak mula sa mga mata ko.
Naaninag ko ang babaeng lumapit sa akin. Naupo sya sa tapat ko at nagsalita, "apologize to Yella and cut ties with Zico, I'll leave you alone then," saad nya.
Sunod-sunod naman akong tumango kahit na nahihirapan ako. Sumenyas sya doon sa tatlo na nasa likod nya at lumapit naman ang mga ito. Tumayo na ang babae at lumayo ng kunti sa amin. Magkakatulong ang tatlo na binuhat ang bangko patayo kasama ako.
"I'll do as you say, p-promise..." Saad ko. Nanginginig ang boses ko.
Ngumisi ang babae. Ipinag-cross niya ang kanyang mga braso, "untie yourself then," saad nito na may halong pang-aasar. Umikot pa ang kanyang mga mata bago ako tinalikuran at naglakad na palayo. Sumunod naman sa kanya ang tatlo pa niyang mga kasama. Nagtatawanan pa sila habang naglalakad palabas nitong abandonadong building.
Sinubukan kung hilahin ang mga kamay ko paalis sa tali pero walang nangyare. Ilang beses kung sinubukang hilahin ang kamay ko mula sa pagkakatali pero walang nangyayare. Mas pinahihirapan ko lang ang sarili ko sa bawat paghila na ginagawa ko. Bagsak ang balikat na tumigil ako sa ginagawa kung pagpapahirap sa aking sarili. Ibinagsak ko na lang ang aking ulo at naghintay na mabulok dito. Hindi ko rin alam kung nasaang lugar ako. Wala sakin ang cell phone ko at wala din akong makitang matalas na bagay malapit sa akin ang pwede kung gamitin para naman kahit papano ay matulungan ko ang sarili ko na makaalis sa pagkakagapos kung ito. I'm hopeless.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Balak ko na lang sanang matulog ngunit wala pang ilang minuto ay may narinig na akong kalampag hindi kalayuan sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at magpapatuloy na lang sana sa pagtulog ng makarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Tumatakbo sila at wari ko'y nagmamadali. Wala na akong lakas na iangat ang aking ulo kaya hindi ko makita kung sino ang mga iyon. Baka bumaik 'yong mga alipores' ni Yella at nagdesisyon na tapusin na lang ako. Tahimik akong natawa sa naisip.
"Slaine?!" Tawag ng babae sa pangalan ko. Pamilyar ang boses na iyon.
"Slaine!!" Tawag muli ng kung sino. This time ay boses na iyon ng lalaki at mas lalong pamilyar na ang kanyang boses.
Anong ginagawa nila dito? Pano nila nalamang nandito ako? Gusto kung itaas ang aking ulo at tingnan sila pero hindi ko na magawa dahil pakiramdam ko ay sobrang bigat ng ulo ko.
"Slaine, you okay?!" Tanong ni Coser. Lumuhod sya sa harap ko at sinimulang alisin ang pagkakatali ng paa ko sa upuan. Si Nyx naman ang nagtanggal ng tali sa kamay ko. Inalalayan nila akong makatayo pero sobrang nanlalambot ang mga tuhod ko kaya muli akong bumagsak. Buti na lang at nasalo ako ni Coser sa mga braso nya. Nakahawak si Nyx sa likod ko. Sobra akong nanlulupaypay. Gusto ko na lang mawalan ng malay pero kahit yata anong bugbog ang gawin sakin hangga't hindi ako nalalagutan ng hininga gising pa rin ako 'yon nga lang hindi ko na kaya ang sarili ko. Naramdaman ko ang dahan dahang pagbaba ni Coser sakin sa sahig kasunod ng paglutang ko sa ere. Binuhat nya ako at naramdaman ko na lang na tumatakbo na sya palabas ng sirang building. Teka---pano 'yong mga alipores ni Yella? Nakaalis na ba sila bago pumunta dito sina Coser?
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse. Ipinasok ako doon ni Coser at naramdaman ko din ang pag-upo nya sa tabi ko.
"Is she okay?" Tanong ng isa pang boses ng babae. Halata sa kanyang tinig ang pag-aalala. Si Lee iyon.
"She's not," sagot ni Coser. Ipinatong nya ang ulo ko sa balikat nya. Gusto kung sabihin na okay lang ako pero walang lumalabas na boses sa bibig ko, "We need to take her to the hospital," dagdag pa ni Coser.
"Okay! Let's go!" Saad ni Lee. Narinig ko na lang ang pag-start ng engine at naramdaman ang pag-andar ng sasakyan paalis sa lugar na iyon. Nanatiling nakasara ang aking mga mata. Pinilit ko ang sarili ko na makatulog dahil hindi ko na kinakaya ang nararamdaman ko. Ang sakit ng katawan ko. At bago pa ako lamunin ng kadiliman ay may boses akong narinig.
"You're safe now," bulong ni Coser sa tenga ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด