logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Cassey sa loob ng kuwarto ni Marcus. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang nalaman na ito ang lalaking tumulong sa kanya dahil kuwarto nito ang nabungaran ng kanyang mga mata pagmulat niya. Bumangon siya sa pagkakahiga ngunit hindi siya umalis sa ibabaw ng kama. Nanatili siyang nakaupo habang hawak ang kanyang sikmura na hanggang ngayon ay masakit pa rin dahil sa ginawang pagsuntok sa kanya ng kidnapper. Nasa ganoon siyang tagpo nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang guwapong lalaki na ngayon lang niya nakita. May dala ito na isang mangkok ng sopas na umuusok pa sa init.
"Hi. Mabuti at gising ka na. I'm Alex Gonzaga, Marcus handsome bestfriend," matamis ang pagkakangiting bati nito sa kanya kasabay ng pagpapakilala sa sarili. Guwapo ito sa salitang guwapo. At mas nakadagdag pa sa pagiging guwapo nito ang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi na lumilitaw sa tuwing ito'y nagsasalita.Nakadama siya ng pagkailang nang walang pakundangang namasyal sa mukha niya ang mga mata nito. "Oh, I'm sorry. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na titigan ang buong mukha mo. Because you're very beautiful." humahangang pahayag nito.
Kahit sanay na siyang makarinig ng mga ganoong klaseng papuri ay hindi pa rin niya maiwasang pamulahan ng mga pisngi sa tahasang papuri at pagpapakita ng paghanga sa kanya.
"I'm okay now. Uhm, I thought Marcus was the one who saved me last night."
"The two of us saved you," singit ng isang pamilyar na boses. "Mabuti na lamang at naisipan kong doon dumaan sa kalsadang iyon para iwas-traffic. Kung hindi ay baka na-kidnap ka na ngayon ng mga taong iyon."
Mula sa mukha ni Alex ay lumipad ang tingin niya sa lalaking kapapasok pa lamang sa loob ng kuwarto. Nakasuot ito ng kupas na maong at puting t-shirt na medyo hapit sa matipunong pangangatawan. Napaka-guwapo talaga nito kahit na palaging seryoso ang hitsura ng mukha at hindi marunong ngumiti.
Umupo ai Marcus sa ibabaw ng kama malapit sa kanya. Napatitig siya sa mga labi nitong may putok. Na siguradong kagagawan ng kidnapper na nakaaway nito kagabi.
"You're hurt," mahina ang boses na sabi niya rito. Hindi niya napigilan ang sariling kamay. Umangat iyon at banayad na hinaplos ang labi nitong may sugat.
Pagkadikit ng kanilang mga balat ay tila libu-libong boltahe ng kuryente ang tumulay mula sa katawan ng lalaki patungo sa kanya. Hindi niya maintindihan ang kung bakit tila siya nakuryente dahil sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga balat. At tila naramdaman din ng binata ang kuryenteng naramdaman niya dahil bigla itong napatitig sa kanya at napakunot ng noo na tila ba nabigla at naguluhan din.
Hindi alam ni Cassey kung saan siya humugot ng lakas ng loob para maging pangahas. Para siyang wala sa kanyang sarili habang marahang hinahaplos ng kanyang daliri ang sugat nito sa mga labi. Hinawakan naman ni Marcus ang kamay niyang humahaplos sa labi nito at nakipagtitigan sa kanya. Pakiramdam niya ay silang dalawa lamang ang mga tao sa loob ng kuwarto. Hindi niya nakikita si Alex na bahagyang nakasimangot habang nakatingin sa kanila ng binata na nananatiling magkahugpong ang mga paningin.
Isang malakas na tikhim mula kay Alex ang pumutol sa tila mahikang bumalot sa kanilang dalawa ni Marcus. Parehong tila napaso sa isa't isa na bigla silang naghiwalay at naglayo ng distansiya. 
Walang makapagsalita sa kanilang dalawa kaya si Alex ang bumasag sa nakakailang na atmosphere sa loob ng kuwarto.
"May dala akong sopas, Cassey. Kainin mo habang mainit-init pa," ani Alex. Ito pa mismo ang kumuha ng sopas gamit ang kutsara't iniumang sa kanyang bibig. "Open your mouth, Cassey."
"A-ako na lang. Kaya kong kumaing mag-isa,"naiilang niyang sabi rito. Kinuha niya ang kutsara mula sa kamay nito at siya na ang kusang nagsubo ng sopas sa kanyang sarili.
"You are really prone to danger. Sa tuwing nagkikita tayo ay madalas na nasa panganib ang buhay mo. Did you offended someone, Cassey?" tanong sa kanya ni Marcus habang kumakain siya ng sopas.
Umiling lamang siya bilang sagot sa tanong nito.
"Bakit may nagtatangka sa buhay mo kung gano'n?"
"Malay ko,"nakalabing sagot niya. Hindi niya maaaring sabihin dito na iniisip niyang ang taong umatake sa kanya sa condo unit ni Dindy at ang nag-utos na kidnapin siya ay maaaring iisa lamang. Hindi naman kasi alam ni Marcus ang tungkol sa nangyari sa kanya noong unang beses na tinulungan niya ito. Mabuti na lamang at hindi na ito muli pang nagtanong kaya nag-concentrate siya sa pagkain ng sopas.
Pagkatapos niyang kumain ay nagpasalamat siya kay Marcus sa muling pagliligtas nito sa buhay niya. Hindi na rin siya nagtagal sa bahay nito at agad na siyang nagpaalam. Nag-alok si Alex na ihatid siya sa bahay niya ngunit magalang niya itong tinanggihan. Nahahalata niya kasi na may gusto na agad ito sa kanya kahit ngayon pa lang sila unang nagkita kaya tinanggihan niya ito. Ayaw niyang magkaroon ito ng pag-asa kapag pumayag siyang magpahatid. Lalo pa ngayon na tila nag-iba na ang pakiramdam niya kay Marcus. Mula sa inis na nararamdaman niya rito dahil mukha itong suplado at walang pakialam sa iba ay naging tila night in shinning armour na ang pagtingin niya rito. Night in shinning armour na siyang nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.
   
                       ###
Nakasimangot si Cassey habang naglalakad sa hallway kasama ang multo ni Dindy. Papunta na naman sila ngayon sa condo unit nito dahil na rin sa pakiusap nito sa kanya. Ayaw na nga sana niyang bumalik pa roon dahil natatakot siya na baka pagpasok nila sa loob ng unit nito ay naroon na naman ang lalaking umatake sa kanya. At paano kung sa pagkakataong iyon ay magtagumpay na ito sa maitim na binabalak nito sa kanya? Pero naaawa naman siya sa tuwing nakikita niya na nakatulala ito at sobrang layo ng tingin kaya pumayag na rin siyang bumalik sila roon.
Nang nasa tapat na sila ng unit nito ay pinigilan siya ni Dindy nang akmang bubuksan na niya ang pintuan.
"Bakit?" nagtataka niyang tanong dito.
"Katulad nang dati ay ako muna ang mauuna sa loob. Sisilipin ko muna at titiyakin na walang tao sa loob ng unit ko,"ani Dindy. Pagkatapos no'n ay bigla itong naglagos sa pintuan ng unit nito. Hindi nagtagal ay lumabas din ito. "Safe. Walang tao sa loob," anunsiyo nito.
Pagkatapos ipaalam sa kanya ni Dindy na safe sa loob ay agad na niyang binuksan ang pintuan.
"Ano naman ang gagawin natin dito sa loob? Hindi mo naman maala—" Bigla siyang napatigil sa pagsasalita nang makita niya ang nangyayari sa kasamang kaluluwa. Nakatayo lamang ito na tila ba may pinanunuod na kung ano. "Ano'ng nangyayari sa'yo, Din—" Napahinto ulit siya sa pagsasalita nang siya naman ang tila natigilan. Paano ba naman hindi siya matitigilan, eh, bigla na lamang may nag-flashback sa kanya isip. Para iyong eksena sa isang pelikula. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nag-concentrate sa kung ano ang nakikita niya sa kanyang isip.
Sa isip niya ay nakikita niya ang kanyang sarili na tumatakbo sa hallway na para bang hinahabol siya ng kung sinong tao. Ngunit nakapagtataka dahil wala naman siyang nakikitang tao na humahabol sa kanya. Nakita rin niya ang sarili na nasa taas ng hagdan at tila takot na takot. Ihahakbang na sana niya ang kanyang mga paa pababa ng hagdan pero biglang may humila sa buhok niya. Pagharap niya para alamin kung sino ang taong humila sa kanyang buhok ay saka naman biglang naputol ang flashback na kanyang pinapanuod.
Pagkatapos ng flashback na iyon ay biglang napaupo si Cassey sa sofa. Pakiramdam niya kasi ay bigla siyang nanghina sa nakita.
"Cassey, are you okay?" napatingin siya kay Dindy na sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi niya namalayang bumalik na pala sa normal ang pag-iisip at nakatayo na pala sa kanyang harapan.
Tumango siya. " I'm okay. How about you? I saw you earlier—"
"Don't worry about me, Cassey. I'm alright. But I saw a flashback on my mind. I don't know if it was a flashback of what happened before I died or it was just my imagination."
"No. I think it's not just your imagination. Just now, I also saw a flashback on my mind. It was vivid. Like I'm watching a short video clip of a movie," saad niya.
"You mean, you also had a flashback in your mind?"
Tumango siya. "I saw myself running in the hallway. As if someone was chasing after me. But I don't know who it is. I also saw myself standing at the end of a stair. And then someone pulled my hair when I was about to walked down the stairs. I didn't saw who did it. When I turned around to see who pulled my hair the flashback suddenly stops," pagkukuwento niya kay Dindy.
Umupo muna ito sa couch bago inumpisahang magkuwento. "Ang flashback naman na nakita ko ay ganito. I'm wearing a white bathrobe and I was ready to take a shower when someone pressed the doorbell of my room. I opened it and a man entered my room. I don't know who he is cause I couldn't see his face. I don't know why but I really couldn't see his face. Pero sa tingin ko ay kilala ko siya. Because if not why did I let him entered my room freely? I left him seated in this sofa and I went to take a bath. Pero bago ko pa naisara ang pintuan ng banyo ay biglang pumasok ang lalaki. And he struggled my neck. I don't know what happened after that. The flashback suddenly stops," pagkukuwento naman nito sa sariling flashback na nakita nito sa isip. "That flashback made me confused. If I died because that man struggled me to death then why did the police said that I died because of overdose? Bakit hindi man lang nalaman or napansin ni Marcus o kahit ng mga pulis ang markang nasa leeg ko?"
Hindi lang si Dindy ang naguluhan kundi maging si Cassey ay ganoon din. Paano nga ba ito namatay? Kung namatay ito sa sakal bakit nga ba ang findings ng mga pulis ay namatay ito sa overdose? At bakit hindi nakita ng mga pulis ang marka ng kamay ng lalaki sa leeg ni Dindy? At bakit nga ba walang ginawang aksiyon si Marcus tungkol dito?
"It's really confusing," sang-ayon niya rito. "But one thing is really sure. Someone really killed you. Hindi ka nagpakamatay kundi may pumatay sa'yo."
Napakuyom ang kamao ni Dindy nang marinig ang kanyang sinabi. Kaya pala hindi matahimik ang kaluluwa nito ay dahil pinatay ito. At patuloy na nakakawala ang kriminal hanggang ngayon. Kaya siguro hindi pa makatawid sa kabilang buhay ang kaluluwa nito ay dahil kinakailangan pa nitong tuklasin ang dahilan ng totoong pagkamatay nito at kung sino ang taong pumatay dito.
"Hindi kaya connected ang pagkakahulog mo sa hagdanan at ang pagkamatay ko?" napatayong bigla na wika ni Dindy. "Maybe you entered the wrong room because my room number and Clea's room number were confusing. And you accidentally saw what happened to me that day. The killer thought that you are a witness so he wants to get rid of you. Tumakbo ka palabas ng kuwarto ko at hinabol ka ng killer. And then you run towards the stairs. Naabutan ka niya nang pababa ka na sana sa hagdan. Hinawakan ka niya sa buhok para pigilang makababa and then pushed you down the stairs. Lalabas na aksidenteng nahulog ka lang sa hagdanan," pagtatagni-tagni ni Dindy sa mga pangyayari.
"Yes. You're right. Kaya noong unang pumunta tayo dito sa condo mo ay gusto akong patayin ng taong iyon dahil nakilala niya ang mukha ko. At malamang na utos ng taong pumatay sa'yo ang dalawang taong nagtangkang dumukot sa akin,"pagtatagni-tagni naman niya sa magkakasunod na nangyari sa kanya na naglagay ng buhay niya sa panganib.
Kahit hindi nila nalaman kung sino ang taong pumatay kay Dindy at kung ano ang motibo nito sa ginawang pagpatay ay hindi pa rin nasayang ang pagbalik nila sa condo unit nito. Atleast, nalaman nila na may ibang taong involved sa pagkamatay nito. At posibleng ang taong iyon din ang dahilan kung bakit siya nahulog sa hagdanan na naging dahilan ng pagkakaroon niya ng amnesia.
Hindi magtatagal ay matutuklasan din nila ang misteryong bumabalot sa biglaang pagkamatay nito. Ang kailangan nilang gawin ngayon ay alalahanin ang mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay na pareho nilang nakalimutan ni Dindy. Pero may importante rin siyang bagay na dapat gawin. Ang sabihin kay Marcus ang tungkol sa mga natuklasan nila ngayon. Oras na para malaman nito na nakikita at nakakausap niya ang kaluluwa ng yumao nitong fiancee. Nang sa gayon ay magkaroon siya ng katulong sa pag-iimbestiga sa mga tunay na nangyari. Pero ang tanong ay maniwala kaya sa kanya ang binata kapag sinabi niya rito na hindi nagpakamatay si Dindy kundi pinatay ito? At maniwala rin kaya ito kapag sinabi na niya rito na nakikita at nakakausap niya ang kaluluwa ng fiancee nito?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    AntoloShirley

    Ang Ganda po Ng story....more powers po😍😍😍

    11/06/2024

      0
  • avatar
    RabinoErica

    waiting for the next updates! ♥️

    05/02/2022

      0
  • avatar
    Prince R-Jay Miranda II

    i love you

    05/02/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด