logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Ala-una ng madaling araw ay nagising si Cassey nang makaramdam ng pagkauhaw. Maingat siyang bumangon sa kama at nagtungo sa kusina para kumuha ng malamig na maiinom. Naginhawaan ang kanyang pakiramdam nang maramdaman ang pagdaloy ng malamig na tubig mula sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang sikmura. Pagkatapos niyang uminom ay agad na sana siyang babalik sa kanyang silid nang mapuna niyang nakatayo ang kaluluwa ni Dindy sa gilid ng kurtina at walang katinag-tinag habang nakatanaw sa labas. Nakatingin ito sa maliwanag na buwan ngunit halatado naman na wala sa buwan ang utak nito.
"Ano'ng ginagawa mo, Dindy? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Pukaw niya sa atensiyon nito. Saka lamang ito natinag nang marinig ang kanyang boses.
"Ikaw pala, Cassey,"anito nang tingnan siya. "Hindi ka ba natakot nang makita mo ako na nakatayo rito sa gilid ng bintana?"
Bahagya siyang ngumiti. "Kung sa ganoong sitwasyon tayo muling nagkita pagkatapos sa ospital ay malamang na natakot ako. Baka nga mahimatay pa ako sa sobrang takot sa'yo. But now is different. Sanay na akong makita kang pagala-gala dito sa loob ng bahay ko nang kahit na anong oras."
"I'm glad that you're not afraid of me anymore." ngumiti si Dindy pero hindi umabot sa mga mata. "Sorry pala kahapon. Bigla akong umalis ng hindi nagpapaalam sa'yo. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sumasakit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko si Jason."
Napatitig si Cassey sa kaharap. Di yata't pareho sila ng naramdaman pagkakita niya kay Jason. Bigla ring sumakit ang kanyang ulo ng walang dahilan. Ngunit hindi na lang niya sinabi rito na pareho sila ng naramdaman kay Jason kahapon. Ayaw niyang makadagdag sa mga iniisip nito.
"Bakit, Dindy? May problema ka ba?" hindi siya nakatiis sa nakitang hitsura nito na tila malungkot kaya nagtanong na siya. 
Humugot muna ito ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita. "Naisip ko kasi na walang mangyayari. Hindi natin malulutas ang problema ko kong wala tayong gagawin. I'm tired, Cassey. Gusto ko nang makatawid sa kabilang buhay at manahimik."
"Sorry, Dindy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para matulungan kita."
"No, Cassey. Wala kang kasalanan. If only I could remember what happened to me before I passed away, everything will be alright. But I'm useless. I really don't remember anything." nagsimulang maglandas sa magkabilang pisngi nito ang mga luha dala ng matinding frustration.
"Huwag kang umiyak, Dindy. Pasasa'n ba't maaalala mo rin ang lahat. Don't give up."
Walang magawa si Cassey kundi tingnan na lamang ang umiiyak na multo. Hindi naman niya ito mahawakan para mahaplos sa likuran o di kaya'y mayakap dahil isa na itong multo. Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim. Akala niya ay mga buhay lamang ang may kakayahang makaramdam ng frustration. Hindi pala. Dahil kahit patay na si Dindy ay nakakaramdam pa rin ito ng matinding frustration.
"Sige. Bukas ng umaga'y pupuntahan natin ang condo unit mo. Uumpisahan natin ang pag-iimbestiga sa condo unit mo."
Baka naroon ang kasagutan sa lahat ng kanilang mga katanungan. 
                           ###
Maagang nagpunta si Cassey sa condo unit ng hindi nakikita niyang kasama na si Dindy. Saka pa lamang niya nalaman na sa iisang condominium building pala ito at ng bestf riend niya nakatira. At malapit lang din ang kuwarto ng dalawa sa isa't isa. And she thought it's a weird coincidence. Her best friend's room number is three zero six while the actress' room number is three zero nine. And she found it more weird when Ate Dindy told her that the owner of the condominium they both lived was Marcus. And Jason was the one who managed it.
May gustong pumasok na ideya sa utak niya ngunit mabilis niya iyong binura sa kanyang isip. Hindi niya iyon hinayaan na tuluyang makapasok sa kanyang isip at makabuo ng hindi magandang hinala.
"Bakit hindi nakasarado ang pintuan ng unit mo, Dindy?" tanong niya sa kasama nang makitang nakaawang ng malaki ang pintuan ng unit nito.
"Huwag ka munang papasok, Cassey," awat nito sa kanya nang akmang papasok na siya sa loob.
"Bakit?"
"Titingnan ko muna kong may ibang tao sa loob. Baka si Marcus ang nandito, eh, mahihirapan kang magpaliwanag kung bakit ka naririto sa condo ko."
May point naman ito kaya hinayaan niyang ito muna ang maunang pumasok kaysa sa kanya.
"O ano'ng nangyari sa'yo at ganyan ang hitsura mo?" tanong niya nang kunot ang noo na lumabas ito ng kuwarto nito.
"There's someone inside my unit. And I don't know who is he," mabilis nitong sagot.
Maingat at dahan-dahan siyang pumasok sa nakabukas na pintuan. And she's telling the truth. There is a man inside her room. At mukhang hindi maganda ang pakay nito sa pagpasok doon dahil nakasuot ito ng itim na bonnet. Ayaw siguro nito na makita ng mga tao ang mukha para hindi ito makilala. Nagkalat kasi sa building na iyon ang mga cctv.
"Ano ang ginagawa niya?" mahinang anas niya sa katabing kaluluwa. Katulad niya ay nagtatago rin ito sa likuran ng isang divider kahit na hindi naman ito makikita ng kahit na sinong tao. Maliban na lamang kung ang taong iyon ay may third eye. 
Base sa ikinikilos ng lalaki ay mahihinuha niyang may hinahanap ito na kung anong bagay mula sa mga gamit ng babae. Mayamaya ay biglang kinuha nito ang apat na usb na nakita nitong nakakalat lamang sa tabi ng isang laptop. Mabilis ang kilos na kinuha nito ang usb at ipinasok sa bulsa ng suot nitong jacket. 
"Bakit niya kinuha ang mga usb mo? Ano'ng mayroon sa loob no'n?" nagtataka niyang tanong kay Dindy na katulad niya ay puno rin ng pagtataka ang mukha habang nakatingin sa ginagawa ng lalaki.
"Sshh. Huwag kang maingay, Cassey. Baka marinig niya ang boses mo," saway sa kanya ni Dindy.
Segurista ang lalaki dahil talagang ayaw nitong mag-iwan ng kahit anong ebidensiya na pumasok ito sa kuwartong iyon. Kung ano ang pagkakaayos ng mga gamit ni Dindy sa loob ng unit nito ay ganoon din ang pagkakaayos ng lalaki kapag ibinabalik nito ang mga nagalaw na gamit. At talagang nakasuot pa ito ng gloves sa mga kamay para masigurado na walang bakas ng finger prints nito ang maiiwan sa lugar na iyon.
Nang maipasok ng lalaki sa bulsa ang mga nakuhang usb ay kinuha nito ang isang itim na backpack at mabilis na ipinasok ang laptop. Pagkatapos ay mabilis na itong naglakad palabas ng pintuan.
Agad na nataranta si Cassey nang makitang lalabas na ang lalaki. Tiyak na makikita siya nito pagdaan nito sa tapat niya.
Hindi na niya hihintayin pa na makalapit ito sa tapat niya. She have to leave immediately. But before she could go out the room her phone suddenly make a noise. Someone is calling her.
Damn! Bakit ngayon pa nag-ring ang phone ko?
Tila nais nang lumabas sa kanyang dibdib ng kanyang puso sa sobrang lakas ng pagkabog dahil sa sobrang nerbiyos na kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Napahintong bigla sa paglalakad palapit sa may pintuan ang lalaki nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Naglumikot ang mga mata. Inaalam kung saan galing ang tumutunog na cellphone.
Oh God. Please, huwag naman sana siyang dumaan. Piping dasal ni Cassey na agad pinindot ang kanyang cellphone para hindi na tumunog pa. Laking pasasalamat niya nang hindi na iyon muli pang nag- ring. Halos mangatog na ang kanyang mga tuhod sa sobrang takot. Hindi na rin siya halos humihinga sa sobrang kaba at pinagpapawisan na siya ng malamig. 
Pakiramdam ni Cassey ay nalagay na siya sa ganoong sitwasyon at nakaramdam na siya ng ganoong takot noon. Hindi nga lang niya matandaan kung bakit. O baka may ganito ring eksena sa mga alaalang nakalimutan niya kaya ganito ang pakiramdam niya.
"Ano ang gagawin natin, Cassey? Paano kung bigla siyang lumabas ngayon? Tiyak na malalaman niyang may ibang tao rito maliban sa kanya. Paano kung gawan ka niya ng masama?"
Puno ng pag-aalala ang tono at hitsura ni Dindy habang nakatingin sa kanya.
Umiling lamang siya bilang tugon sa sinabi nito. Hindi niya makuhang magsalita sa takot na baka marinig ng lalaki kahit ang hininga niya.
Nakaramdam siya ng pag-asa nang hindi na tumuloy sa paglalakad palabas ang lalaki sa halip ay bigla itong tumalikod habang nakalagay sa baywang ang dalawang kamay. Kahit paano ay nagkaroon siya ng pagkakataon para makalabas ng kuwarto. At kung sakaling habulin siya nito ay makakahingi siya kaagad ng saklolo sa mga taong nagtatrabaho sa condo na iyon.
Nang inaakala niya na hindi pa haharap ang lalaki ay nag-ipon siya ng tapang para lumabas sa kanyang pinagtataguang divider.  Maingat at walang kilatis na naglakad siya patungo sa pintuan. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang siya ay bigla na itong lumingon.
"Sinasabi ko na nga ba't may ibang taong nakapasok dito," mapanganib ang boses na wika nito sa kanya. "At balak mo pa akong takasan, ha?"
Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang tila pamilyar na tinig na iyon ng lalaki sa kanyang likuran. Hindi niya maisip kung saan niya narinig ang boses nito ngunit talagang pamilyar iyon sa kanya.
Sa takot ay nanigas ang kanyang mga binti at hindi na niya magawang maihakbang pa ang kanyang mga paa. Pati yata paghinga niya ay tumigil din. Ang tanging nararamdaman na lamang niya nang mga sandaling iyon ay ang malakas na lagabog ng kanyang dibdib na tila sasabog na sa sobrang kaba.
"Takbo, Cassey! Takbo!"
Ang tinig na iyon ni Dindy ang gumising sa nakatulalang si Cassey. 
Pilit niyang hinamig ang kanyang sarili. Kung tatayo lamang siya roon at hihintaying lapitan siya ng lalaki ay talagang may masamang mangyayari sa kanya. Kinurot niya ang sarili ng pino para tuluyang bumalik sa tamang pag-iisip ang kanyang utak. Nakaramdam siya ng sakit subalit naging dahilan naman iyon para tuluyang bumalik sa tamang huwisyo ang kanyang pag-iisip. At nang tuluyan na siyang nakabawi sa takot na kanyang naramdaman ay bigla siyang tumakbo palabas ng pintuan. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng pintuan ay naabutan na siya ng lalaki at mabilis na hinila ng mahigpit ang kanyang mahabang buhok. Napatili siya ng malakas sa pinaghalong sakit at takot na kanyang naramdaman.
"Balak mong tumakas, ha?" isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kaliwa niyang pisngi. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay dumugo ang gilid ng kanyang mga labi at tumilapon siya sa gilid ng sofa. "Kung noon ay nakaligtas ka,ngayon naman ay sisiguraduhin kong tuluyan ka nang mamamatay," mabagsik ang boses na wika ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Cassey nang maglabas ng patalim ang lalaking kaharap. Pero hindi siya pinanghinaan ng loob kahit pa nakatutok sa kanya ang patalim nito. Mabilis niyang dinampot ang isang lampshade na nakatayo sa isang maliit na mesang katabi lamang ng sofa. Bago pa man mahulaan ng kaharap ang kanyang gagawin ay mabilis na niyang naihampas ng malakas sa ulo nito ang hawak niya. Dalawang beses niya itong hinampas sa ulo bago niya binitawan ang lampshade at mabilis na nagtatakbo palabas ng condo unit ni Dindy. Patakbo siyang nagpunta ng elevator at nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang pinipindot niya ang button ng elevator para bumukas.
Kahit nakalabas na si Cassey sa building ay hindi pa rin nawawala ang panginginig ng kanyang buong katawan na dala ng matinding takot na kanyang naranasan kani-kanina lamang. Balisa at hindi mapakali ang hitsura niya habang naghihintay ng masasakyang taxi pauwi sa bahay niya. Patingin-tingin siya sa kanyang paligid sa takot n baka nasundan siya ng lalaking nagtangkang pumatay sa kanya. Nang makarinig siya ng isang busina ng kotse ay napasigaw siya ng malakas at natumba sa sementadong kalsada. Hindi agad siya nakatayo sa sobrang pagkagulat. 
"Cassey! Are you alright?"
Nang mag-angat siya ng tingin ay mukha ng nag-aalalang si Marcus ang kanyang nabungaran. Sa sobrang relief na kanyang naramdaman ay bigla na lamang siyang napaiyak ng malakas. Wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng ibang tao. Hindi naman kasi alam ng mga ito kung anong klaseng panganib ang naranasan niya kanina. At wala rin siyang pakialam kung sabihin man ng binata na feeling close siya rito. Ang importante sa kanya ay ang pakiramdam na ligtas na siya.
"What's wrong, Cassey?" hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa tono ng boses nito. Sa halip na magsalita ay walang paalam na basta na lamang siyang yumakap sa kaharap at umiyak sa balikat nito.
Hindi siya tumutol nang buhatin siya ni Marcus at ipinasok sa loob ng kotse nito. At kahit nasa loob na sila ng kotse nito ay hindi pa rin siya kumawala sa mga bisig ng binata. Pakiramdam niya kasi ay secured siya habang nasa mga bisig nito. 
Hindi na muling nagtanong pa sa kanya ang binata na lihim niyang ipinagpasalamat. Hinayaan lamang siya nito na nakayakap dito para kumalma. Hindi nagtagal ay nakatulog siya ng mahimbing habang nananatiling nakayakap dito. Ngunit hindi siya nakatulog dahil sa pagod sa pagtakbo o sa takot na kanyang naranasan kundi dahil sa masarap na amoy ng pabango ng binata na nanunuot sa kailaliman ng kanyang ilong. At siyempre sa pakiramdam na safe siya habang kasama niya ito at walang masamang mangyayari sa kanya.
                         

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    AntoloShirley

    Ang Ganda po Ng story....more powers po😍😍😍

    11/06/2024

      0
  • avatar
    RabinoErica

    waiting for the next updates! ♥️

    05/02/2022

      0
  • avatar
    Prince R-Jay Miranda II

    i love you

    05/02/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด