logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 13

Naglalakad si Cassey palabas ng kanilang school gate nang marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Nang lumingon siya ay natuklasan niya si Jeremy iyon. Ang ka-schoolmate niyang  nanliligaw rin sa kanya. Mayaman, guwapo at matalino ito pero hindi ito katulad ng ibang lalaki na mayabang porke't nagtataglay ng mga katangiang nakakaangat sa iba.
Hindi niya ito ma-prangka na wala itong aasahan sa kanya dahil mabait naman ito sa kanya. Kung natuturuan nga lang ang puso ay tinuruan na niyang umibig dito. Pero hindi, eh. Iba ang nilalaman ng kanyang puso. Ibang lalaki ang gusto niya ngunit hindi naman niya maaaring mahalin. Maliban sa may ibang babae itong gusto ay masasaktan pa niya ang damdamin ng kanyang kapatid kapag ipinagpilitan niya ang kanyang nararamdaman.
"Cassey, uuwi ka na ba?" hinihingal na tanong ni Jeremy sa kanya. Siguro malayo na siya nang makita nito kaya hinabol na lamang siya.
"Oo. Uuwi na ako," tugon niya.
"Puwede ba kitang maihatid sa bahay mo?" nahihiyang tanong nito sa kanya.
Tatanggihan na sana niya ang alok nito ngunit bigla niyang nakita sa sulok ng kanyang mga mata si Marcus na nakasandig sa kotse nitong nakaparada malapit sa gate ng kanilang school at masama ang tingin habang nakatingin sa kanilang dalawa ng kasama.
Magmula nang araw na hinalikan siya ni Marcus pagkatapos ay iniwang parang tanga ay hindi na sila muling nagkita pa. Pinilit din niya na huwag isipin ang mariing halik na ipinagkaloob nito sa kanya. Ayaw niyang masaktan niya ang damdamin ng kanyang Ate Dindy. Mabuti nga at wala doon ang kapatid kaya hindi nito nakita ang ginawa ni Marcus.
"Sure. Pero deretso tayo sa bahay ko, ha?" nakangiti niyang wika rito. Ang ibig niyang na deretso na sila sa bahay niya ay hindi na sila dadaan pa sa isang kainan para kumain pa. Nahuhulaan niya kasi na iyon ang gagawin nito.
"Pero siguro naman next time ay papayag kang sumamang kumain sa labas kasama ako, 'di ba?" tanong ni Jeremy. Umaasa ang ekspresyon nito sa mukha.
Tumango na lamang siya para hindi na ito mangulit. Saka na lamang siya mag-iisip ng palusot kung paano niya ito matatanggihan nang hindi ito nasasaktan.
"Yes!" malakas na sigaw nito na para bang sinagot na niya ang panliligaw nito sa kanya.
Bigla namang napatayo ng tuwid si Marcus nang makita ang reaksiyon ni Jeremy. Hindi na maipinta ng kahit sinong magaling na pintor ang hitsura nito.
Ang kotse ni Jeremy ay nakaparada sa likuran ng kotse ni Marcus kaya hindi maaaring hindi sila dumaan sa harapan nito.
"Cassey, can we talk?" bungad sa kanya ni Marcus nang matapat na siya sa harapan nito.
Saglit siyang huminto sa paglalakad at hinarap ang binata.
"Wala naman na tayong pag-uusapan pa, Marcus. Hindi ko naman na ipagpipilitan sa'yo na maniwala ka sa mga sinabi ko sa'yo dahil alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi ka maniniwala," prangkang sagot niya kay Marcus.
"Ginugulo ka ba ng taong ito, Cassey?" biglang singit ni Jeremy na akala mo'y kaya nitong makipaglaban sa lalaking kaharap. 
Sa liit nito ay kayang-kaya itong tirisin ni Marcus kung gugustuhin lang nito. Matangkad kasi ito at malaki ang katawan na halatadong batak sa exercise. Samantalang may pagkapayat naman si Jeremy at kahit ang tumakbo ng malapit ay hingal-kabayo na agad.
"Huwag mo na lang siyang pansinin, Jeremy. Alis na tayo."
Maglalakad na sana siya palapit sa kotse ni Jeremy ngunit bigla siyang pinigilan ni Marcus sa kaliwang braso.
"You'll not going with him, Cassey. You will go with me," mariing wika ni Marcus.
"At bakit naman ako sasama sa'yo? Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa. Iyon naman ang gusto mo, 'di ba? So, bakit lumalapit ka pa sa akin gayong isang masamang babae ang tingin mo sa akin. Mukha akong per, 'di ba?" matigas niyang turan. Hindi niya naiwasang langkapan ng hinanakit ang kanya boses.
"Hindi naman iyan ang pag-uusapan natin, Cassey. It's about the ki—"
Nanlaki ang mga mata ni Cassey dahil nahuhulaan na niya kung ano ng sunod na sasabihin ni Marcus. "kiss" Iyon sana ang sasabihin nito ngunit hindi natuloy dahil mabilis siyang nakalapit dito at agad na tinakpan ng isa niyang palad ang bibig ng binata. Nahihiya kasi siyang malaman ni Jeremy na nagpahalik siya sa isang lalaki na hindi naman niya nobyo.
Sinamantala naman ni Marcus ang pagkakataong iyon. Inalis nito ang kamay ni Cassey na nakatakip sa bibig nito at mabilis na ipinasok sa loob ng sasakyan bago pa man makapag-react si Jeremy. 
"Ano ba, Marcus! Pababain mo nga ako!" sigaw niya sa binata na minamani-obra na ang sasakyan paalis.
Shut up or I'm going to kiss you here," nagbababala ang boses na wika ni Marcus.
"I'm not going with you."
"Do you really want me to kiss in front of that guy?"
Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng kotse kahit umaandar na iyon nang marinig niya ang sinabing iyon ng binata.  Ilang segundo rin siyang napatitig dito bago nasigurong hindi nga ito nagbibiro. Tinapunan niya ito ng nakamamatay na irap bago umayos ng pagkakaupo sa upuan. Baka nga bumalik pa sila sa tapat ni Jeremy na nananatiling nakatingin sa papalayong kotse ng binata at bigla nga siyang halikan.
Hindi naman napigilan ni Marcus ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi nang makitang nanahimik sa kinauupuan ang kasamang babae.
"Marunong ka palang ngumiti ng  ganyan. Akala ko'y ngiting nang-uuyam at nang-iinsulto lamang ang kaya mong gawin," hindi napigilang komento ni Cassey nang makita ang isang naa-amazed na ngiti sa mga labi ng binata.
Sa unang pagkakataon magmula nang makilala niya ito ay ngayon lamang siya binigyan ng ngiting hindi nang-iinsulto o nang-uuyam na lagi nitong ginagawa sa tuwing nagkikita sila.
"I'm sorry."
Biglang napatitig si Cassey sa mukha ng binata. Totoo ba ang narinig niya? Marcus is asking her forginess? Baka naman nagkamali lamang siya ng dinig at hindi ito nagso-sorry sa kanya.
Dahil hindi kumikibo si Cassey at nanatiling nakatitig lamang sa sa binata kaya inihinto nito sa gilid ng kalsada ang sasakyan at hinarap ang hindi makapaniwalang dalaga.
"I said I'm sorry, Cassey," ulit ni Marcus sa paghingi ng tawad kay Cassey.
Sa pagkakataong iyon ay sigurado na si Cassey na hindi siya nagkamali lamang ng pandinig. Totoong humihingi nga ng tawad sa kanya ang binata. Seryoso ang mukha nang humarap siya rito.
"Sorry for what? Sa mga maling iniisip mo sa akin? Sa mga masasakit na salitang binitiwan mo? O sa mga pasakit na dinala mo sa aking ate?" tanong niya nang makabawi na siya sa pagkabigla.
Frustrated na naihilamos ni Marcus sa mukha ang mga palad bago muling nagsalita.
"For everything. For everything that I did and hurt your feelings."
"At bakit ka naman nagso-sorry sa akin ngayon? Ibig sabihin ay naniniwala ka na sa mga sinabi ko sa'yo tungkol sa ate ko? Na hindi talaga siya nagpakamatay kundi dahil sa pinatay siya? Naniniwala ka na ngayon na nakikita at nakakausap ko ang kakuluwa ng dati mong fiance?" pananalakab niya rito.
"I'm sorry about what happened to your sister. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na magkapatid kayong dalawa. At huwag kang mag-alala dahil ako mismo ang mag-iimbestiga kung talaga nga bang nagpakamatay o pinatay ang ate mo,"pahayag ni Marcus.
"So, iyon ang dahilan kung bakit ka nag-sorry sa akin?"
"No. It's not just because of it," mabilis na tugon ni Marcus. "I'm sorry that I treated you like that. Someday, you will know the reason."
Hindi nagsalita si Cassey. Hinintay niya na dugtungan ng binata ang sinasabi nito ngunit hindi na ito nagsalita at tumitig lamang sa kanya ng matiim.
"Then what? What's the reason why you asked for my forgiveness?" hindi makapaghintay na tanong niya. "Ano ba ang itinatago mo sa akin, Marcus Monteverde?"
Huminga muna ng malalim ang binata na tila ba nag-iipon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang anumang nais nitong sabihin.
"It's because I like you. Gusto kong patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa'yo dahil ayokong mamuhi ka sa akin. Ayoko na maging dahilan iyon para hindi ako magkaroon ng puwang diyan sa puso mo. At natatakot din ako na baka mahulog ang loob mo sa kaibigan ko kung kaya't gumawa na ako ng paraan na masabi ko sa'yo ang tunay kong nararamdaman."
Cassey was dumbfounded. Marcus likes me too? Am I dreaming right now?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    AntoloShirley

    Ang Ganda po Ng story....more powers po😍😍😍

    11/06/2024

      0
  • avatar
    RabinoErica

    waiting for the next updates! ♥️

    05/02/2022

      0
  • avatar
    Prince R-Jay Miranda II

    i love you

    05/02/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด