》Sasha's POV《 I woke up hearing the sound of bombing, battle cries and swords clashing. In a daze, I stood up, only to see my brethren fall. I instantly go outside only to see how outnumbered we are, and yes, umaga pa lang, walang ni ha ni ho o kung ano pa man basta nagising na lang akong ganto na ang nangyayari. Nakita ko ang ibang kapwa ko mágos na kalalabas din lamang sa kanilang mga bahay, hindi sila makapaniwala na ganto kabilis magsisimula ang laban. Dali-dali naman akong lumipad papunta sa Centro, and as I go up, nakita kong hindi na matatagalan ng mga gwardya na depensahan ang gate ng region namin kaya mas binilisan ko pa. Nakita ko naman ang ibang papalabas na, dala-dala nila yung mga espada nila samantalang spell book naman sa iba, ang mga batang mágos naman ay tumatakbo patungo sa dulo ng region namin. Malayo-layo pa ako ng konti pero natatanaw ko na si Garya, hindi rin sya makapaniwalang sa gantong paraan magsisimula ang laban. "Bakit wala man lang abiso?" Nakatulalang sabi nya ng makababa na ako. "Garya, this is war, hindi tayo dapat magexpect na aabisuhan nila tayo" Napatingin naman ako ng mapansin kong tumahimik ang lahat, is it done already? Are we annihilated? Nagkatinginan naman kami ni Garya kaya lumipad kami agad para malaman kung anong nangyari. Ng makababa na kami ay agad kong nakita ang Hari. Mataman syang nakatingin sakin, parang alam nyang nasa akin si Lyon. "I gave you two days" panimula nya. "Pero sa loob ng dalawang araw na 'yon ni anino ng batang yon o ng kahit sinong mágos ay hindi ko man lang nakita" "I'm giving you your last chance, ilabas nyo ang bata at ibigay sakin at titigil lahat ng 'to" he said while looking at me, napatingin din naman sa akin ang iba, alam namin pare-pareho na hindi ko ibibigay si Lyon. Ilang minuto pa kaming magkatitigan at mukhang doon ay nakuha na nya ang sagot ko. And we that, everything continues. Ang ibang mágos ay may dalang pana at palaso kung kaya't lumayo sila at ang iba'y lumipad, ang iba naman ay nagsisimula na ng engkantasyon habang ako? Bumalik ako sa bahay namin. Papalapit pa lamang ako ng mapansin kong nagbubukas ang pinto, si Via. Agad-agad ko syang hinila papasok ng bahay, naabutan ko naman si Lyon na dala-dala ang espada nya. "Via, listen, dalin mo si Lyon sa dulo ng mágoi region, andon nagtatago yung iba pang bata, itakas mo sila" madiing sabi ko habang nakahawak sa mga balikat nya, bumaling naman ako kay Lyon saka kinuha ang espadang hawak nya. "Ma, don't leave me" napatigil naman ako sandali dahil sa sinabi ni Via, first time. Tumango na lamang ako at saka umalis na. As I look around, I started to think that this would be my last. [Meanwhile, on Via's end] 》Via's POV《 "Owmygash Lyon, for Wilhealies' sake pwede bang sumunod ka na lang?" Naiiritang sabi ko sa kapatid kong babagal-bagal. Nasa forest part kami ngayon ng mágoi region dahil sa likod na kami dumaan, wala pa kami sa kalahati pero ngayon pakiramdam ko di na kami aabot ng kalahati dahil sa sobrang bagal ni Lyon, aabutan kami ng mga kawal. GOSH! "Anak ka ba talaga ni mama? Ba't ganyan ka?" Malamig na sabi nya, naparoll eyes na lang ako sa inis, duh, may war tas ganyan pa sya! Hindi ko na lamang sya pinansin, mas binilisan ko na lang ang paglalakad, and bago nyo sabihing ba't di na lang ako lumipad, hindi pwede. Napatigil naman ako ng mapansin kong parang sobrang tahimik, like parang wala na kong kasunod? Napatingin naman ako sa likuran ko and wala na don si Lyon. Wait what? Wala si Lyon? Lagot ako... 》Lyon's POV《 They just wanted me right? Pag pumunta ko sa kanila everything will be over right? Titigil na yung laban, wala ng mágos na mamamatay. Hinawi ko naman ang mga sangang madadaanan ko, babalik ako, bahala na si Via don kaya naman nya sarili nya. Unti-unti ko na ulit naririnig yung mga hiyawan ng mga mágos pati na rin yung mga pagsabog kaya mas binilisan ko pa. Nung makalabas na ko sa gubat ay parang sa ibang lugar ako napunta. Everything is on fire, dead bodies everywhere and mostly, those dead bodies are mágos, mágoi region is painted red that you won't even recognize it. If I'm correct, it's only 1:00 p.m but it looks midnight in here, siguro dahil na rin sa mga usok or maybe someone chants some spell para dumilim, di ko alam. I snuck quietly para hindi nila mahalatang nandito ako, given that I have black wings, mas hindi ako pansinin. I'm searching for the king, if I present myself, he will stop this right? Matagal-tagal na kong naglalakad pero hindi ko pa rin sya makita, palapit na ko sa centro at mas padami nang padami yung bangkay na nakikita ko. I started to feel angry knowing that this is all because of me. Ilang minuto pa, nakita ko na rin ang hari, I was walking towards him when someone hits me. Nilayo nya ko sa hari, I'm about to shout when I realize that it was my mother. "What the heck are you doing? Have you gone mad?" Naiinis na tanong nya sa akin. "I told you didn't I? Pumunta kayo sa dulo ng mágoi region dahil nandon ang iba! Sinabi ko diba? Bakit nandito ka pa?" Naiinis pa ring sabi nya. We're in the dark part kaya ok lang na mag-usap kami, nilipad nya kase ako papalayo and that's the reason why we're here, yey, great. "I just want everything to be over" sagot ko. "If I give myself, everything would be over right? Ititigil nya yung pag-atake" "Fool" mataman akong tinignan ni mama. "Do you really think na pag sumuko ka sa kanya, ititigil nya 'to? Do you really think that he will forgive us? We're already branded as rebels palagay mo mawawala agad yon?" Then it makes me think, would everything be really over? "BLACK WINGS!" napatingin kami ni mama ng may sumigaw bigla, sht. "Run!" Kasama ko na ngayong tumakbo si mama, patungo kami sa dulo ng mágoi region kung saan andon lahat ng batang mágos. We run and run and run until we reach it, andon na rin si Via na dala-dala lahat ng gamit namin and yeah masama ang tingin nya sakin. "Hand him over" tila tumigil ang oras at nanigas na lamang kaming lahat sa kinatatayuan, nandito na sya. ●●●
😘😘
27/09/2024
0nice
02/09/2024
0With twisted ending
09/08/2024
0ดูทั้งหมด