logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Dinner Date

Kurt pov
    Nag-usap kami ni John na sa poder ko muna si Aizen habang hindi pa nagbabalik ang memorya niya. I said to him that I will make it sure na hindi ko pababayaan si Aizen. He also agreed and inisip niya na kung sa bahay niya mag stay si Aizen ay baka mabored ito dahil hindi naman niya makakasama ng 24/7. Hindi naman maaring isama niya ito sa hospital habang siya'y nagtratrabaho.
    Isasama ko si Aizen sa mga business trip ko and till he recovers ay pahahawakin ko din ng mga negosyong naiwan sa akin ni Papa. Dumating ang araw ng discharge ni Aizen kaya narito na kami sa labas ng hospital habang nag uusap kami ni John ay tumitingin si Aizen sa gallery ng mga paintings. Kasalukuyan kasing may exhibit ngayon sa hospital . Every month ay may ganitong event daw like food expo, bazaars para naman hindi stressful at melancholic ang atmosphere ng hospital.
     "Kurt ipangako mo sa akin na aalagan mong mabuti si Aizen, you know how much Aizen means to me." John said.
     "I will, kaya nga ako na muna mag aalaga sa kanya, I'll take care of him promise." Sabi ko.
     "Sana nga tuluyan ka na nagbago Kurt."
     It was like an insult to me pero dahil sa kagustuhan kong mapunta sakin si Aizen ay hindi na ko nakipag argument kay John..
     "Oo naman nagbago na ko John. Hindi na ko yun katulad dati."
     "Bisitahin niyo pa rin ako dito sa New York para naman may follow check up si Aizen sa lagay niya." Paalala niya.
     "Sure thing kapag okay na siya malay mo isusurprize ka na lang namin one time. I'm thinking of ipapahandle ko sa kanya ang pagpapalakad sa mga hotels because you said that he is a business genius." Sabi ko.
     "Mabuti yan para sa kanya para malimutan na muna niya pansamantala ang nakaraan niya, Hindi ko puwedeng kausapin ang family niya dahil mahigpit na ipinagbilin sakin ni Chairman Mao na wala dapat makakaalam na buhay pa si Aizen."
    "Yes tatandaan ko lahat ng ibinilin mo sakin."
     Habang kami'y nag uusap pumarada na sa harap namin ang 21 foot long four door black limousine na nagkakahalaga ng 1.3 million euro.
     Bumaba si Mr.John ang kanang kamay ni Papa na noon pa man kahit buhay pa si Papa. Siya na ang tumayong ama para sakin. He had done so much to me, siya pumunan ng pagkululang ni Papa bilang ama ko.
    "Master are you ready to go home?" tanong ni Mr. John.
    "Yes, We are ready Mr. John." sagot ko.
    Timing na nakalapit na samin si Aizen, marahil nakita niyang dumating ang sasakyan na susundo sa amin kaya siya lumapit
    "Handa na kami ni Angelo para umuwi, he is going with us." Utos ko kay Mr. John.
     "So long my bestfriend at napakasipag na Doctor na alam ko." niyakap ko si John at pagkatapos ay niyakap niya din si Aizen.
     "Aasahan ko ang pangako mo Kurt tuparin mo please." Mariing niyang sabi.
     "I will!" Sagot ko.
    Pinagbuksan kami ng chauffeur na nakauniform ng white mabilis namin biniyahe ang aming uuwian na mansyon.
     Pagkarating namin sa malaking gate ng malaking hektarya ng lupa ng Rutherford Village. Nang gilalas ang mga mata ni Aizen sa kanyang nakita.
    Tanaw na tanaw mula sa malayo ang mansyon na may halagang 23.5 million dollars nang minsan inestimate ito ng mga realtor. Ilang beses na rin itong na feature sa magazine at tv one of the most expensive house in the US.
    "Iyan ang bahay mo?" Tanong niya sakin.
    "Hindi lang yan Angelo ang pag aari ni Master, may mansyon din siya Las Vegas at sa California." sagot ni Mr.John
    "Ang yaman mo pala." bulalas niya.
    "Yaman ko? Mayaman tayong dalawa nakalimutan mo na ba boyfriend mo ko ang lahat ng pag aari ko, magiging pag aari mo n din." I said.
     "Pasensya na hindi pa rin nag sisink in sakin ang mga nalalaman ko tungkol sa sarili ko, pasensya na."
     Matapos akong tingnan ni Aizen ay ibinaling niya ang tingin niya sa wind shield ng sasakyan.
    "Its okay magbabalik din ang mga alala mo, matagal na tayong nagsasama dito sa malaking bahay na ito madalas tayong maghabulan dyan sa loob."
   "Hindi na ko makapaghintay na makita ang loob." Aizen said.
     Napapalingon si Mr. John sa mga sinasabi ko alam kong nagtataka siya pero wala naman siyang power para kuwestiyunin ako sa mga personal kong buhay at mga desisyon.
    Pagpark namin ay sinalubong kami agad ng mga maids at ni Bryce na tumatayong tagapamahala ko sa bahay.
    "Sino siya?" bulong sakin ni Bryce.
    "Siya si Angelo my boyfriend, mag uusap tayo mamaya tungkol sa kanya, I want to have a wonderful dinner tonight." Utos ko.
     "Masusunod." tugon ni Bryce.
     Pag pasok namin sa malaking bahay ay di maiwasan mapahanga ni Aizen kaagad siyang lumapit sa mga mamahaling painting na mga koleksiyon ni Papa.
    "Pamilyar ako sa painting na ito nakalimutan ko lang ang tawag dito, hindi ko maalala pero ito yun pininta ng Hari ng Espanya na nawala na noong 17th century na natagpuan lang nitong 19th century sa lumang kumbento."
     "Ito naman yun painting ng ballerina na umiiyak, ang pintor na iginuhit niya ang asawa niya bago ito namatay,"
    Fuck this can't be, Incredible posible kayang bumalik agad ang alaala niya.
   Masayang ibinaling ni Aizen sakin ang kanyang paningin bago pumunta ito sa mga mamahaling sculpture.
    "Master mukhang malalim ata ang iniisip ninyo." Bulong sakin ni Mr John.
     "Namoblema ako bigla magbabalik na agad ang alaala niya at ayaw ko mangyari yun Mr. John."
     "Master magagawan yan ng paraan." Wika ng tumayong tatay ko sa mahabang panahon.
     "What do you mean?" tanong ko kay Mr John.
   
     Ngumiti lang sakin si Mr. John habang nakapamulsa sa kanyang pantalon.
     Habang pinagmamasdan ko si Aizen na umupo sa napakalaking bintana marahil ay may ulap na nagdaan kaya natanglawan ng sikat ng araw ang kinauupuan ni Aizen. Very nostalgic ang namamasdan kong view.
     Diyan rin madalas maupo si Papa kapag pinagmamasdan ang kapaligiran. Favorite spot ni Papa ang kinauupuan ni Aizen.
     Nagniningning ang kaputian ni Aizen bagay na bagay na itawag sa kanya ang pangalan Angelo mukha siyang Anghel na aakyat na sa langit.
Sumapit ang gabi
      Nakatayo ako sa malaking balcony habang pinagmamasdan ang napakaganda at napakaraming bituin sa langit. Nakahanda na ang beautiful round table for two with candle light dinne. Nakahilera ang tatlong maid na magseserve para sa dinner namin kabila naman ay nagpapatugtog ang isang violinist ng napakaromantic european song na madalas na tinutugtog sa mga kalye ng Italy.
    "Master narito na po si Angelo."
    Una kong tiningnan ang black shoes na suot ng paparating na si Aizen, umakyat ang paningin ko pataas nakasuot siya ng black suit. Napa wow ako sa kapogian ni Aizen bagay na bagay sa kanya ang suot niya, very classy ang kanyang dating halatang sanay na sanay siya magsuot ng suit. Natigilan pa ko ng kaunti kayat hindi ko kaagad siya nasagit ng pagbati sakin ng magandang gabi.
     Kaagad akog lumapit sa kanya para igiya sa table na pinahanda ko, hemis tantalizing eyes are sparkling na gaya ng mga bituin sa langit, his lips are red gaya ng mga red roses sa napakalawak kong garden and skin are so flawless even his face ay napaka puti. Ive never could imagine ang taong walang malay sa hospital ay ngayon kasa kasama ko na.
     Lumapit samin ang mga maids para magserve ng wine and food namin, halos habulin ng paningin ko ang mukha ni Aizen sa tuwing matatakpan siya ng maids habang nagseserve samin.
     Chinese cuisine at may kunting filipino dish ang pinahanda ko para kay Aizen, according to my friend John may lahing chinese ang family niya. Masaya kaming kumakain unlike ng tatlong araw na nagdaan ay malimit lang magsalita si Aizen ngayon ay napakadami niyang tanong tungkol sakin.
     Malugod naman akong nagkuwento tungkol sa sarili ko na dalawa lang kaming magakasama ni Papa, ikinalungkot ng mukha niya ng wala akong maibigay na detalye tungkol saking ina.
     "Im sorry Aizen if I brought this topic, the feeling is mutual parehas tayong walang alam sating mga ina."
     "No, Ako nga dapat magsorry kasi nagtanong pa ko about sa Mama mo."
       "Anyway my childhood years hanggang sa mag binata ako was fun, nagagawa ko lahat ng gusto kong gawin, My Dad doesn't care about me, there are times in one week isang beses lang kami nagkikita dito sa Mansyon. Sa sobrang busy niya sa mga negosyo niyang hotels and casino halos hindi na kami nagkakausap ng matagal."
     "May most memorable incident nun bata pa ako is that time nang magkita ulit kami ex-girlfriend eh , may di inaasahan na nangyari eh alam mo kung ano yun, hulaan mo?"
    "Hmm ano ba nangyari nun?" Natatawang sabi ni Mr John.
     Napalingon ako kay Mr. John sabay tawa.
     "Nahulog si Mr.John sa hagdan sa kalasingan hahahaha,"
    "Thats the most embarrasing moment I've ever had in my life " dugtong ni Mr. John sabay tawa.
      "Pero malaki pasasalamat ko sa inyo Mr. John halos kayo na tumayong ama ko simula ng bata pa ako at si Bryce halos kapatid ko na turing ko sa kanya."
    "Mr. John why dont you join us here."
     "I have a lot of memories to share about the nasty things na mga ginawa noon ng bata pa yan si Master."
     "Gaya ng?" Mabilis na tanong ni Aizen.
      "Nahuli siya ng teacher niya na nakikipagtalik sa locker room."
     Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla sa kuwento ni Mr. John tungkol sakin. Pagtingin ko kay Aizen ay napainom ito ng tubig.
     "Im sorry." sabi ni Mr John.
    "Im sorry A-angelo kung nabigla ka sa nakuwento ni Mr.John."
    "Naintindihan ko naman lahat naman ng tao nagdaraan sa kakaibang experience,"
    "Lets go Angelo may ipapakita ko sayo siguradong matutuwa ka."
    Sabay tayo ko at lahad ng kamay ko sa kanya.
      "Saan tayo pupunta?" Halata sa reaksiyon ni Aizen na curious siya kung saan kami pupunta.
      "Ipapakita ko sayo kuwadra ng mga kabayo namin."
     "Hindi ba gabi na baka..."
      "Halika na!" Pagpupumilit ko
      Mabilis kong hinatak si Aizen upang lumabas ng mansyon pagkatapos ay sumakay kami ng club car, sasakyan ginagamit kapag naglalaro ako ng golf.
     Narating agad namin ang kuwadra nagulat si Aizen nang madatnan na namin naroon na si Mr. John.
     "Paanong nakarating na dito si Mr.john?
     Matanda na nga si Mr.john, matangkad, payat at puti na ang buhok ngunit maliksi pa rin itong kumilos.
     "Iniwanan niyo ko kaya gumamit na lang ako ng Zipline." sagot ni Mr. John
     "Zipline?" pagtataka ni Aizen.
     "Nakikita mo ba yun kable na yun, mula doon sa balcony na yun hanggang dito yun kable."
    "Kaya nakarating agad si Mr. John dito."
     "Aahhhh!" Reaction ni Aizen.
     "Hayaan mo bukas mag zipline tayo pero ipapakilala muna kita kay lightning at Speedy."
     "Mga pangalan ba yan ng kabayo mo kurt?" Pagkumpirma ni Aizen.
     "Maski pala sila nakalimutan mo na din."
     Napatingin si Aizen sa kuwadra mukhang inaaaalala niya nang maigi ang sinabi ko tungkol sa mga kabayo.
Pumasok kami sa kuwadra at ipinakita ko kay Angelo si Lightning at Speedy.
     Kaagad na lumapit si Aizen sa puting kabayo na si Lightning at hinimas niya ang katawan nito, kaagad naman inilapit ni Lightning ang ulo niya kay Aizen.
      "Niyaya ka niya Angelo na sakyan siya."
     Nagulat ako sa ikinilos ni Lightning, mailap ito sa mga taong hindi pamilyar sa kaniya kakaiba nga talaga si Aizen no wonder at labis na ipinakikiusap sakin ni John na ingatan ko si Aizen.
     "Bukas na bukas bago tayo mag zipline, maghorseback riding tayo Angelo."
      Nakapikit si Aizen habang nilalambing siya ni Lightning mukhang nakahanap na ng makakasundo ang kabayo ko.
     "Ito naman si Speedy, Angelo?"
      Tawag ko ng pansin kay Aizen na nakapikit pa rin.
      "Angelo?"
     "Pasensya na may naaalala lang ako."
     "Ano naalala mo Angelo?"
      "Naalala kong sumasakay din ako ng kabayo." Tugon niya.
      "Ah baka si Lightning naaalala mo."
      "Baka nga Kurt."
     "Halika na malalim na ang gabi bumalik na tayo sa mansyon para makapagpahinga na tayo."
Aizen pov
     Inihatid ako ni Kurt dito sa aking kuwarto, nakakapagtaka lang ay maayos naman ito kanina ng umaga at ngayon iba naman ang pagkakaayos ng mga kurtina at sapin ng higaat kutson.
    "Nag enjoy ka ba ngayon gabi mahal ko?"
     Dahan-dahan lumapit sakin si Kurt upang halikan ako ngunit mabilis akong yumuko kaya noo ko ang nahalikan niya.
     "Im sorry hindi ko dapat ginawa yun." Ani ni Kurt.
      Sabay muling paulit-ulit na halik sakin noo habang ginagawa niya iyon ay gumapang ang mga kamay niya sa braso ko at tumuloy iyon sa likuran ko.
     "Oo naman, hindi na ko makapaghintay para bukas." sabay kalas ng katawan ko kay Kurt.
      Naupo sa kama si Kurt nakatingin sa akin habang hinuhubad ko ang coat na suot ko.
     "Ayaw mo ba kong makatabi ngayon gabi."
     Bakit parang naasiwa ako sa mga paglalambing ni Kurt sadya nga bang ganito talaga ang hindi makaaalala kaya naiilang ako kay Kurt. O may iba pang dahilan?
     Lumapit ako Kurt sabay hawak ng kamay niya.
    "Napakasuwerte ko na ikaw ang naging boyfriend ko Kurt kaya nagapapasalamat ako sa lahat ng mga ginagawa mong tulong para sa akin."
     "Hayaan mo isang araw baka magbalik na lahat ng alaala ko at magiging okay ang lahat." Patuloy niya naramdaman kong hindi pa siya kampante sakin kaya hahayaan ko na lang muna siya.
      "Okay maghintay ako Angelo, kahit hindi na magbalik ang alaala mo ang importante kapiling kita."
    "Anong ibig mong sabihin na kahit hindi na magbalik ang alaala ko?"
     Nagtaka ko sa sinabing iyon ni Kurt ngunit imbis na kasagutan ang natanggap isang mabilis na halik ang ginawa niya.
     Matagal niya kong hinalikan tila na blangko ako sa ginawa niyang iyon hindi na rin ako nakatanggi dahil kakasabi ko pa lamang na nobyo ko siya kaya hinayaan ko na lang siya na halikan ako. Naramdaman kong tinatanggal ni Kurt ang butones ng bulsa ko. Nang biglang may bumukas ng pinto.
      "Pasensiya na!"
     Napatayo ako kaagad ng marinig ko ang boses ng nasa pintuan si Bryce pala ang nakapasok.
     "Next time Bryce kumatok ka naman!" inis na sabi ni Kurt.
     "Emergency kasi tumawag sakin yun manager ng isang hotel sa las Vegas nasusunog daw yun restaurant sa ibaba nito."
      "Oh nasusunog pala eh bakit kailangan istorbohin ako ngayon gabi, they should do something ako ba ang bumbero!"
     "Kurt, huwag ka na masyadong magalit." saway ko.
     "Naka hang pa po yun telepono."
     "Kahit kailan talaga istorbo sila!"
      Umalis si Kurt na nag init ang ulo naiwan naman si Bryce na nakatayo sa pinto ang mga kamay nito ay nasa kanyang likuran, nakatitig siya sakin.
     Lumapit siya sakin sabay labas ng maliit na kutsilyo sa kanyang kanang kamay.
     Nasindak ako sa ginawa ni Bryce bakit siya may hawak na kutsilyo.
     "Natakot ka ba pasensya na kumakain kasi ako ng apple sa kuwarto nang tumawag ang manager ng hotel, eh emergency kaya nadala ko itong kutsilyo." Sabi niya.
      Marahil totoo naman ang sinsabi ni Bryce dahil may balat pa ng mansanas ang dulo ng kutsilyo.
    "Magpapahinga na ko Bryce."
     "Heto nga pala ang susi ng mga drawer at mismong closet ng kuwartong ito, Kung may kailangan ka puntahan mo lang ako sa kwarto ko na malapit sa malaking hagdanan."
     "Salamat Bryce." sabay bigay sakin ng susi at iniwan na ko kaagad dito sa kuwarto.
     Biglang nag init ulo ni Kurt tapos kakaiba naman itong si Bryce may sumagi sa isip ko na di ko maipaliwanag.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (69)

  • avatar
    Jum Jay A. Rudinas

    I hope there's a book 3 😊😊😊

    03/08/2023

      1
  • avatar
    chalseu

    author angganda, waiting ako sa next part🤭❣️

    21/12/2022

      0
  • avatar
    Periwinkle

    nice

    19/07/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด