logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kurt and Razzo, The Separated Twins

Spocky pov
Napabalikwas ako ng gising sa iyak ng isa sa mga kambal, dali-dali akong pumunta ng kwarto upang tingnan kung sino sa kambal ang umiiyak.
Pagpasok ko sa kuwarto nakita ko si Mama Mira na nagtitimpla ng gatas sa bote. Si Baby Aiken pala ang umiiyak.
"Bakit umiiyak ang Baby Aiken ko." Paglalambing ko sa pamangkin ko.
Nakita kong nakahiga sa kama si Papa marahil dito sila natulog ni Mama sa kuwarto ni Kuya Brent.
"Ma, nasaan si Kuya Brent?" Tanong ko.
"Wala pa nga eh di pa umuuwi, Hindi ba tumawag sayo o nagtext man lang?" Tanong sakin ni Mama.
"Saglit Ma check ko phone ko."
Pumunta ako sa kuwarto ko upang kunin ko ang phone ko, nakita kong maraming beses pa lang tumatawag sakin si Kuya at mga text.
"Naku nagpapasundo pala sakin si Kuya, Mama. Hindi ko narinig ang tawag niya ang lalim ng tulog ko dahil sa sobrang pagod." Paliwanag ko.
Kaagad kong nagmessage kay Kuya Brent upang malaman kung nasaan na siya. Matapos noon ay nilapitan ko ulit si Baby Aiken habang si Baby Brando naman ay tulog na tulog.
"Mama ako na magpapadede kay Baby Aiken."
Tinabihan ko si Baby Aiken para patahanin, kiniliti ng hintuturo ko ang kamay ni Baby Aiken kaya natigil ito sa pag iyak. Natuwa ako ng hawakan ni Baby Aiken ang daliri ko.
"Kilala mo ko Baby Aiken, Ako si Papa Aki mo, Love na love ka ni Papa Aki kasi love na love ko din Dada Aizen mo."
"Aki." saway sakin ni Mama.
"Sorry Mama, Di ko pa rin nakakalimutan si Aizen, hindi ko pa rin matanggap na wala n siya."
"Kayo talagang magkapatid parehas na parehas kayo ng Kuya mo, ganoon din sya hindi makalimutan si Aizen."
Tumabi sakin si Mama sabay lapag ng bote sa kama.
"Ma gusto ko buhatin si Baby Aiken." Hiling ko.
"Teka saglit, Ingatan mo maigi ah baka mapilayan si Baby Aiken."
Maingat na binuhat ni Mama si Baby Aiken para ipasa sakin, maingat ko naman din kinarga sa mga braso ko ang anak ng mahal kong si Aiken.
"Madaling Araw na ang bango-bango pa din ni Baby ah."
Pinadede na ni Mama si Baby gutom na gutom dumedede ng tsupon.
"Nak, wala na si Aizen sana maka move on na kayo ng Kuya Brent mo, panahon na para hindi na kayo malungkot, kasi ako ang nalulungkot kapag nakikita ko kayong ganyan." Malungkot na sabi ni Mama.
"Hayaan niyo na lang ako Mama hindi ko namam pinababayaan ang sarili ko, sadyang mahirap lang talaga kalimutan si Aizen."
Door knocking...
"Nariyan na ata ng kuya mo."
Tumayo si Mama upang pagbuksan ng pinto si Kuya Brent.
Maya-maya ay nakatayo na si Kuya Brent sa pinto.
"Kuya pasensya na kung nakatulugan kita kaya di ko na nasagot ang tawag mo. nagpapasundoka pala ng motor sakin." Paunmanhin ko kay Kuya.
"Okay lang naiintindihan ko, Bkit gising pa kayo ni Mama?" tanong ni Kuya.
"Nagising kasi ang cute na cute na Baby Aiken na ito," na halos pang gigilan ko ang pisngi niya.
"Nandiyan na si Daddy Brent oh."
Nawiwili talaga ako sa kanya.
"Maliligo lang ako saglit." aniya.
Napatingin ako kay Mama na inaayos ng higa si Baby Brando dahil napakalikot niyang matulog.
Saan kaya galing si Kuya Brent at inabot na siya ng madaling araw sa labas.
Kunting hele lang ay agad nakatulog agad si Baby Aiken, Na kani kanina lang ay nakatingin sakin wari'y nagiisip o nangungusap ang mga mata. Ang baby na ito parang malaki na ganitong ganito si Aizen kapag nakatingin sa akin noon.
Naalala ko tuloy.
Throwback
"Nakakapagod ang daming customer." sabay unat ko ng katawan at flex ng aking mga muscles.
"Oh nariyan ka pala Aizen." Bungad ko sa kanya pagkadating niya.
"Oo at kanina pa kita pinagmamasdan." aniya.
"Nagagwapuhan ka sakin nuh?" Nakangiti ako sa kanya pagkasabi ko.
"Oo na gwapo ka na lagi mo na lang pinangangalandakan na guwapo ka." Medyo masungit siya nun.
"Bakit guwapo naman talaga ako ah, di ba." Wiko ko sabay kindat sa kanya.
Mabilis kong niyakap si Aizen.
"Uy ano ka ba, baka makita nila tayo!" saway sakin ni Aizen.
"Bakit alam naman nila na mahal na mahal kita ah, at hindi ko ikinakaila sa kanila yun." Wika ko.
"Aki." bulong niya.
Nakatitig lang si Aizen ang mga mata niya ay parang nangungusap sakin. Napakasarap niyang pagmasdan at kailan man ay di ako magsasawa na halikan siya. Never ko naisip na kabawasan o question sa pagkalalaki ko ang mahalin siya.
End of throwback...
"Tulog ba siya Aki, Ako naman magbabantay sa kanya."
Si Kuya na nakatapos na pa lang maligo.
"Salamat sa pag aalaga sa mga anak ko Aki." Muling sabi ni Kuya.
"Wala yun Kuya Brent basta para sa inyo ni Aizen gagawin ko ang lahat, nagparaya nga ako sa inyo di ba yan pa kaya ang alagaan ko ang mga anak ni Aizen di ko kayang gawin." Saad ko.
"Salamat Aki." Maiksing sagot ni Kuya.
Hanep dami kong sinabi yun lang sagot. Hanep talaga si Kuya Brent.
Kasabay noon ay maingat kong ipinasa si Baby Aiken kay Kuya Brent, ang weird lang ng feeling yun mahal ko ang mga anak ng karibal ko at kuya ko pa pero dahil mahal na mahal ko si Aizen ay parang inaako na din silang mga anak.
Pagkalabas ko ng kuwarto muli kong tiningnan si Kuya katabi na niya ang kambal at nakatingala sa kisame. Kagaya ko rin ba siyang hanggang ngayon di pa rin matanggap na wala na si Aizen. Para siyang may pinoproblema.

***********
Kurt pov....
Im heading my car sa shop ni Brent, Im still in ecstasy what happened last night sa amin. That guy was really oozing with hotness, his sex hormones was raging that unbelievably can't imagine na makakaranas ako ng sobrang sarap mula sa kanya, hindi ko pa rin makalimutan how his arms hold tight on me, his strong legs and thigh keep on pumping behind my back at kung paano binusog ng kanyang pagkakali ang pang upo. Siya yun tipo na kahit sino ay hindi mo na mapapakawalan pa.
Pagkapark ko sa tapat ng shop bibit ko ang box of shoe na ibibigay ko kay Paul na nag install ng audio at lights sa kotse ko.
Nawala ang kaba at excitement ko ng makita ko ibang tao ang nasa counter na kasama ni Paul.
"Hi, Good Morning Paul heto oh gift ko para sa iyo." Sabi ko sa installer nitong shop sabay abot ng kahon ng sapatos.
"Naku Sir ang mahal nito ah nag-abala pa kayo." He said.
"That is for my gratitude at natuwa ako sa serbisyo mo." paliwanag ko.
"O nga pala nasaan si Sir Brent ninyo?" Sabay gala ng paningin ko sa loob ng car shop.
"Naku Sir hindi po pumasok eh, Si Sir Cedrick lang magdu-duty ngayon." He answered.
"Ah ganoon ba, bukas papasok na kaya siya?" Muli kong tanong.
Fu*k flight ko na bukas ng gabi.
"Hindi ko po sure Sir, tanong ko po pagdating ni Sir Cedrick, bakit po Sir?"
"Ah kasi kahapon when I came here siya yun nakausap ko."
Nakauwi ka na nga kaya si Brent.
"Oh ayan na pala si Sir Cedrick po."
Napalingon ako kung saan nakatingin ang installer. Guwapo din ang tinutukoy niyang si Cedrick kaso he's not my type, he kinda look like not serious at maloko.
"Ah sige nevermind alis na ko."
Parang nahiya na ko na marami na ang mapagtatanungan ko kay Brent.
"Yes, Ano po yun Sir?" tanong ng matangkad at pogi din lalaki papalapit samin.
"Ah tinatanong po kasi ni Sir si Sir Brent?" Mabili na sagot ng installer.
"Ah bakit po Sir may naging problema po ba?" Tanong sakin ng isa siguro sa kasyosyo ni Brent.
"Wala naman, hindi ko lang kasi siya nakita rito."
Grrr nakakainis ka Paul wala namang preno dila mo
"Sige alis na ko." humakbang na ko papalabas ng shop ng habulin ako ng nangngangalang Cedrick.
"Sir may sasabihin ba kayo sa kanya, ibigay ko po number niyo?" alok niya.
"Sorry I dont give my phone numbers to anyone." Sabi ko na medyo may pagkainis.
Im so irittated dahil parang nakakahalata na ata sila sa pakay ko kay Brent.
"O sige po ibigay ko na lang sa inyo number niya "
Biglang nagbago ang reaksyon ko na ikinangiti naman ng taong nasa harapan ko. Pero sa kabilang banda nagkaroon ako ng pag-asa na makausap si Brent.
Kaagad na humugot sa pitaka ang lalaking kausap ko sabay bigay ng business card ni Brent.
"Anyway thanks." sabay alis ko at sakay ng kotse.
Nang makalayo na ko ay kaagad kong kinontak ang number ni Brent.
Nang magring ito ay hindi ako kaagad ako nakasagot pinakinggan ko muna ang boses ni Brent na lalaking lalaki.
Naunahan ako ng kaba sa ginawa ko kaya muli kong tinawagan si Brent, this time magpapakilala na ko. Muli niyang sinagot ang tawag ko.
"Hi This is Kurt, kamusta Brent?"
Matagal siyang sumagot sa tanong ko.
"Oh napatawag ka, may naging problema ba sa kotse mo."
Tinig ni Brent na walang kabuhay buhay at parang casual lang, customer and relationship lang ang dating niya.
"Ah wala naman naging problema ahm tungkol sa nanyari kagabi..."
"Sir Kurt, Im sorry kailangan ko kasi ipacheck up mga anak ko kailangan ko ng ibaba itong tawag mo, pasensya na bye."
I knew it, alam ko na ganito ang mangyayari para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa manibela, kaya itinabi ko muna ang sasakyan sa tabi ng daan. Huminga muna ako ng malalim sabay sabing...
"Sayang mukhang galit siya sa nagawa ko hindi ko sana sinamantala ang pagkakataon, ewan ko ba sayo Kurt ba't ang dali mo ma fall." Bulong ko saking sarili.
Sabay hampas ko ng dalawang kamay ko sa manibela.
"Kahit sino naman ay kaagad na mamahalin ang isang tulad ni Brent pero siguro hanggang ngayon talaga mahal na mahal na niya partner niya."
Pinaandar ko na ulit ang makina at tumuloy sa susunod kong lakad.
"Hayys this is life, some people you've met is just like a passing car going off to somewhere."
Matamlay akong bumiyahe pauwi ng condo na pag aari ko para makapaghanda na sa flight ko bukas.
Business class plane

Buong biyahe ko sa business class plane ay hindi mawala sa isip ko si Brent. Nanghihinayang ako, naiinis, nanggigil akong itinapon ko ang phone ko sa kung saan.
Nabulabog ko pa ang mga kapwa pasahero ko na nakasakay din sa business class suite na inuukupa ko.
Tulirong hinanap ng mga flight attendant ang phone ko kung saan man ito napadpad.
"Ikaw lang ang lalaking nag reject sakin Brent Montecillo, ikaw lang!!! Babalikan kita pangako yan, babalikan kita!"
Pagkarating ko ng New York ay kaagad akong nagtungo sa Manhattan kung saan nakabase ang kaibigan kong duktor na si John. Nahagilap ko siya sa hospital kung saan siya resident doon.
"Oh so what's now, John."
Bungad ko kay John habang nakatalikod ito at nakatingin sa malaking medical bulletin na nasa dingding.
"Am i seeing a ghost?" aniya.
"Really now, I told you di ba I keep my promises." tugon ko.
"Mr. Kurt Andrews Rutherford let me remind you na first time mo tumupad sa pangako mo, naalala mo ba kung ilang beses mo ko pinaasa sa wala." paalala sakin ni Dr. John
"Grabe halungkatin ba ang nakaraan narito na nga ko eh, at least di ba sana matuwa ka na." Pambubuwisit ko sa close friend ko.
"Can't you see my smile." aniya pero nakangiwi ito.
"So whats your plan?" Tanong ko.
"Kita mong nasa trabaho ako di ba?"
Nagsasalita pa si Dr. John ngunit nakatingin naman ito sa malaking medical bulletin.
"Ganito kadami mga pasyente mo?" Tanong ko.
"Nabawasan na nga yan eh."
He smirked at me.
"Omg ang malas naman nila." Biro ko.
"Excuse me may mga pasyente akong madalas maagang nadischarge na at fully recover." He said.
Lumakad si Dr.John kaya napasunod naman ako sa kanya.
"Come see my patient."
Binigyan ako ng face mask ng kaibigan ko for protection dahil critical ang lagay ng ibang pasyente. Nakailang pasok kami ng kuwarto ngunit may isang kuwarto ng pasyente ang napalapit ako ng di ko namamalayan.
"Halika Kurt." Aya niya.
"Good morning Dr. John." Bati sa kanya ng may katabaang black american na nurse.
"Good morning too Nurse Peters." Bati din ni John sa kanya.
Inabot ng matabang negra na nurse ang medical record ng pasyenteng naroon sa silid na iyon.
"The Sleeping Prince is improving, I can't wait to see him walking around this room." Pa slang niyang salita.
"And it is possible in due time." aniya
Nilapitan ko ang pasyente dahil sa salitang tinuran ng nurse. Nang pagmasdan ko ang nakahiga at walang malay na pasyente, hindi ko maiwasang mapahanga ng sobra sa kanya.
He's like an angel sleeping in bed, napakaamo ng mukha niya, sobrang puti at may looks din na matutulala ka sa kanya ng sobra.
He got my attention and hindi ko mapigilan na titigan siya. Yes the nurse is right, he is indeed a Prince sleeping waiting for a time to be awaken.
"Kawawa naman siya, Anong nangyari sa kanya." tanong ko.
"He suffered from multiple disease and wounded by a gun shot but he is stable now, I keep on praying na sana gumising na siya." Sabi ni John.
Hindi ko mapigilan haplosin ang kanyang pisngi.
"Kurt, don't do that" pagpigil ni Dr. John
"Sorry di ko mapigilan, I feel love at first sight again, He is so cute, charming at most of all so adorable." I said na hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapahanga sa kanya.
"Kurt huwag siya, Kilalala kita, He is my treasured friend since we were studying in Harvard, Masalimuot ang pinagdaanan niya sa buhay so dont..."
"Ganoon pa rin ba tingin mo sakin, nagbago na ko, Im not the fuckboy you know nagbago na ko." Mabilis kong sagot.
(Talaga ba Kurt?? -author)
"Ewan ko sayo Kurt, huwag si Aizen please lang." Paalala sakin ni John.
"Baka naman John aside from being a friend, your in love with your patients. Like this cute guy here." Pang aasar ko kay John.
"Stop it, Maayos ako saking ipinangakong tungkulin alam mo yan Kurt, Oo i have old feelings with Aizen pero matagal na yun, It just so happen na nandito siya ngayon at ginagawa ko lahat ang para gumaling siya. Clear???"
Halatang napikon siya sa sinabi ko.
"Oh chill, relax, I was just kidding. alam mo dapat magbonding na talaga tayo mukhang hindi na tayo close eh katulad dati." Wika ko.
"Tawagan mo ko agad kapag nagising na siya, Im dying to meet him as soon as he awakes." Patuloy ko.
"Nakikiusap ako Kurt, huwag si Aizen." Saad niya.
"Im so deeply curious about him John please give me a chance na makilala siya." I said
"John you know how miserable my life is, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakadarama ng tunay na magmamahal sakin, Im so all alone in my life, Nariyan nga ang Papa ko noon but we live not like a family, an ideal family." Patuloy ko.
"Nagdadrama ka na Kurt, pinaaalahanan lang kita, lahatin mo na huwag lang si Aizen." Babala ni John.
"Ang bestfriend ko oh napaka init ng ulo halika nga mag breaktime ka na muna," sabay akbay ko kay Dr. John na at kinukulit kulit upang mabago ang mood.
Bago ako lumabas nasabi ko sa sarili ko.
I found the one, My Angel.
Kurt's Past
Yearly sa school na ito may recital, lahat ng mga estudyante sa paaralan na ito ay nagtatanghal upang ipakita namin ang aming mga talento.
Naiingit ako sa mga kaklase kong mga amerikano na kasa-kasama nila ang mga parents nila at tuwang tuwa na pinanunuod ang mga anak nila. Taon-taon parating wala si Papa busy sa mga negosyo niyang hotel at casino. Matagal ko ng tinatanong si Papa kung kailan siya magkakaroon ng oras para sa akin. Kung minsan tinatanong ko palagi ang mayordomo namin kung mahal ba talaga ako ng Papa ko , kung tunay nga ba akong anak ni papa, nasaan ang aking ina bakit wala kong mga kapatid, bakit kami lang ni Papa ang magkasama sa buhay?
Sa tuwing nagiisa ako sa malaking bahay si Bryce lang kasa-kasama ko buong araw hanggang gumabi bakit ganito ang buhay ko?
**************
Razzo pov
Naglalakad ako sa highway ng hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi malinaw sakin ang lugar kung nasaan ako, patuloy pa kong naglakad umaasang makakauwi ako, Ngunit narating ko ang dulo ng aking nilalakaran bakit hanggang dito na lang daan?
Lumingon ako saking pinang galingan ngunit maski itoy naglaho pagharap koy may tumatakbong lalaki na papalapit sakin, takot na takot siya at tila may humahabol sa kanya. Nagkabangaan kami.
"Tulungan mo ko, pakiusap!"
Tinig niya'y napakasarap sa pandinig, Napakaputi ng kanyang mukha tila isang anghel na bumaba sa langit.
Nawalan siya ng malay sa aking mga bisig, May kakaiba akong nadarama sa taong ito walang anu-ano ay hahalikan ko sa labi ang lalaking ito...
"Kuya Razzo, gising na tanghali na,"
Napabalikwas pa ko ng bangon dahil tunog ng kalderong hinahampas pa ng sandok ang gumising sakin.
"Ano ba khulet natutulog pa yun tao." Naiinis kong sabi sa kapatid ko.
"Eh Kuya Razzo pinapagising ka na sakin ni Mama."
"Eh tama ba yan kalampagin mo ko ng kaldero ha." Sabi ko sabay bangon. Napakamot na lang ako sa kakulitan ng kapatid ko.
"Ang tagal mo magising kaya yan ang ginawa ko sarap pa kasi ng tulog mo, nanaginip ka pa nga eh yun nguso mo gumaganito ganito pa."
Pambihirang batang to kanina pa ata ako pinapanuod na natutulog. Oo nga nanaginip nga ako pero bakit ganoon ang panaginip ko, kaagad kong pinunasan ang aking labi dahil nandiri ako sa napaginipan ko may kahalikan daw akong lalaki kadiri.
"Oh bakit ngayon Kuya parang diring diri ka na dyan, pero yun nguso mo kanina ganito oh."
Ipinakita pa sakin ng nakababata kong kapatid kong paano ang nguso ko kaninang nanaginip.
"Oh Anak Razzo bakit di ka pa nag gagayak diyan sabi mo di ba mag aapply ka ng trabaho,"
Sulpot ni Mama pagkahawi ng kurtina tumatakip sa napakaliit kong kuwarto.
"Opo Nanay kaso bumabawi pa ko ng tulog inumaga na ko sa pagkakargador sa palengke,"
"O siya kumain ka na, para makapaghanda ka na."
"Sige po Nanay kunin ko lang resume ko kay Tina maaga pa naman minamadali niyo ko tanghali pa kay pasahan sa aaplyan ko,"
"Aray ko Nay!!"
BbDaing ko ng hampasin ako sa mukha ng tuwalya naka alampay sa kanyang balikat
"Sasagot ka pa, sasagot ka pa ha,"
"Nanay naman huwag naman sa mukha yan na nga lang puhunan ko sa buhay ma dadamage pa,"
"Guwapo ka nga, wala ka naman permanenteng trabaho." talak ni Nanay.
"Heto na nga po Nanay kayo talaga laging masungit." Saad ko sabay akbya at nilalambing ko ang aking ina.
Pagkalabas ko ng bahay ay pinunasan ko lang ng tshirt ang mata ko ganito kaming mga guwapo wala ng hila-hilamos deretso labas ng bahay walk up like this nga di ba sabi nila.
Kaagad kong pinuntahan si Catherine ang maganda kong kaibigan para kunin ang pinagawa kong resume' . Nakatira siya sa parlor kaya heto na naman ang bakla sa parlor pagkakaguluhan na naman ako.
Pero hindi pa ko nakakarating kanila Catherine ay kung sino-sino ng mga tropa tumatawag sakin, mga tambay dito sa lugar namin na skwater.
"Hoy Buknoy saan ka pupunta?"
B"Tang in* mo leopoldo ayaw ko ng tinatawag ako sa palayaw ko, Razzo pangalan ko gets mo." Inis kong sabi kay Poldo.
"Weh porke mga binata na tayo tunay na pangalan na itatawag ko sayo." sabi ni leopoldo.
"Gag* lakas maka skwater ng Buknoy di ba kahit sa pangalan na lang maging yayamanin ako di ba,"
"Nangangarap ka na naman yumaman ayaw mo kasi tanggapin yun inaalok na trabaho ni Baklang Badet eh, tingnan mo Si Mark ibinahay na ng mayamang bading." Pang bubuska sakin ni Poldo
"Gag* ano sa tingin mo sakin desperado yayaman ako kay badeth barya lang kaya niy, dyan ka na nga inaabala mo ko." Sabi ko sabay tawa.
Nang marating ko na ang parlor agad na nagsipaglabasan ang mga bakla sa loob, Heto na naman tayo pagtritripan na naman nila ako.
"Razzo my loves ano ginagawa mo dito papagupit ka ba halika libre na kita."
Alok ng matandang bading na pinaka matagal nang naninilbihan sa parlor nila Catherine.
"Ui Razzo sama ka naman kay Poldo shot tayo ako taya." Sabi ng isang bading.
"Ah sige sabihan niyo lang si poldo kung kelan." Sagot ko naman.
"Pasok ka sa loob poldo." wika pa ng isa pang bading na aminadong crush na crush ako.
Pumasok naman ako para makita ko na din si Catherine, Hindi naman ako suplado at galit sa mga bakla sa totoo lang tropa ko ang iba sa kanila kaso hindi lang talaga pumapasok sa isip ko makipagrelasyon sa kanila. Sa akin kasi pag tropa tropa lang.
Pagkaupo ay nagsipagtilian pang lalo ang mga baklang parloristang nasa loob l, kaya halos mabingi na ko sa nakakaaliw na pagwawala nila pag upo ko sa sofa.
"Uy Razzo aga mo huh teka kunin ko lng yun resume' na pinagawa mo."
Si Catherine na sumilip lang sa pinto sa loob ng parlor.
Kaagad na tumabi aagad sakin ang ibang bading at nangungulit ang iba ay kinukunan pa ko ng litrato gamit ang cellphone nila.
"Ano ba kayo mga mamshie tigilan niyo nga si Razzo." saway ni Catherine.
"Bali madami kopya ang ginawa ko tapos may nakita ako sa internet hiring sila mag apply ka na kagad baka sakaling matanggap ka." Aniya.
"Salamat Catherine ha."
"Wala yun basta ikaw o bilisan mo na puntahan mo na ngayon yun." Sabi ni Catherine.
"Sige Catherine kaya nga maaaga ako pumunta dito eh para makalakad agad."
"Good luck, libre mo ko pag may trabaho ka na ah."
"Yun lang pala eh walang problema pano tuloy na ko." Wika ko naman.
"Bye Papa Razzo gudluck," paalam sakin ng mga beki sa parlor.
At kumaway naman ako sa kanila habang akoy papalayo. Tiningan ko ang brown envelope para malaman kung ano sinasabi ni Catherine na hiring paghugot ko ng kapirasong papel nabasa ko ang pangalan ng shop na aaplyan ko.
"JowaMoko Tea, Kakaibang pangalang ng milktea shop to ah" natatawa ako sa nabasa ko.
"Parang alam ko to sa Aluhan Mall to eh, Mapuntahan nga mamaya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (69)

  • avatar
    Jum Jay A. Rudinas

    I hope there's a book 3 😊😊😊

    03/08/2023

      1
  • avatar
    chalseu

    author angganda, waiting ako sa next part🤭❣️

    21/12/2022

      0
  • avatar
    Periwinkle

    nice

    19/07/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด