"Nandito na tayo, Talya." Ani Phemie at lumabas na ng sasakyan. Nakaawang ang labing lumabas siya ng van habang ang tingin ay nasa malaki at malawak na mansyong nasa harapan niya. Hindi niya akalaing ganito kayaman ang mag-asawa. Nilapitan niya ang fountain at isinawsaw ang kamay sa tubig. May isdang lumalangoy roon na lalong nagpaganda sa fountain na naroon sa gitna. "Welcome to our house, Talya." Ani Primo at umakbay sa asawa. "Ha?" Napatanga siya. Minumura na naman ba siya? "Wala." Natawa si Primo bago humalik sa noo ng asawa. Napangiwi naman siya dahil sa ka-sweet-an ng dalawa. Sabagay, nakakakilig din naman ang dalawa. Parang teenager ang dalawa kung kumilos, may sparks pa rin kahit matanda na. "Let's go." Sabi ni Primo at inakay na ang asawa papasok. Napailing na lang siya. Pati asawa nito ay minumura. Sabagay, siya man din ay palamura. Hindi na dapat siya magalit kung mumurahin man siya ng mga ito. "Waahh! Tangina, bahay niyo ba talaga 'to?" Gulat niyang sambit nang makapasok sa loob ng mansyon ng mga ito. Umingos si Oddy na hindi niya namalayang dumaan sa likuran niya. Naupo ito sa may sopa sa hindi kalayuan. "You don't have to cuss if you're surprise, dimwit." "Odysseus." Mapagbantang tawag ni Primo sa anak. "Gago." Pabulong niyang sabi bago umirap. Nagulat siya nang hilahin siya ni Phemie. Nagmamadali siya nuting hinatak patungo sa malaking hagdanan. "Halika, dali! Punta tayo ng kwarto mo! Pinaayos na namin 'yon, eh!" Excited nitong saad habang hila siya. Sa third floor sila nagpunta. Hanggang ika-apat na palapag ang mayroon ang mansyong ito. Malalaki rin ang pasilyo kaya kung hindi mo kabisado ang lugar ay maaaring maligaw ka. Binuksan ni Phemie ang isang pinto roon. Binilang niya kung ilang pinto ang nadaanan nila dahil maaari nga siyang maligaw. Mamaya'y lilibutin niya ang buong mansyon at isasa-isip ang lugar nang sa gayo'y makabisado niya. "Wow!" Pumasok siya sa loob. Nakaawang ang kaniyang bibig. May kabinet, side table, kama, banyo, salamin na malaki at kung ano pa. Maganda rin ang bintana niya na tinernuhan ng magandang kurtina. Tinalunan niya ang kama at ilang beses na tumalbog ang pwet niya bago mapirmi, patunay lang na sobrang kapal niyon. "Nagustuhan mo ba, Talya?" Tanong ni Phemie na naroon lang sa pinto at pinagmamasdan siya. Nag-thumbs up siya. "Syempre naman, Phemie! Sobrang ganda ng kwartong 'to! Pero..." Huminto muna siya upang bumaba ng kama. "Talaga bang dito na ako titira sa inyo?" "Oo, Talya. Inaayos na ni Kylo ang mga papeles para maging guardian mo na kami ni Primo." Nakangiting sagot ni Phemie. "Saka matuto ka sanang mag-po at opo at dapat tita Phemie ang itawag mo sa 'kin." "Ha? Ibig sabihin kamag-anak pala kita kasi tita kita?" Gulat niyang tanong. Natawa ng mahina si Phemie. "Hindi. Tanda 'yan ng paggalang, hija." Napatango siya. "Hindi ba pwedeng boss na lang? Nakakahiya naman kung tatawagin pa kitang tita." "Ikaw ang bahala. Nasaan ang po at opo?" "Opo, boss." Sagot niya at sumaludo dito ngunit natamaan niya ang may bendang noo niya. Ngumiwi lang siya ngunit hindi ipinakitang nasasaktan. "Tara na sa baba. Siguradong nagugutom ka na." Anito. Muli silang bumaba at nagpuntang dining room. Sa bawat nadadaan nila ay napapamaang siya. May mga chandelier din kasi siyang nakikita sa itaas, mga portrait, paintings, at picture ng pamilya. Marami rin silang nadadaanang katulong na yumuyukod sa kanila, yumuyukod din siya sa mga ito pabalik. Pagdating sa dining room ay mahabang lamesa ang sumalubong sa kaniya. Naupo si Phemie sa tabi ng asawa habang hinila naman siya ni Cate paupo sa tabi nito. Nasa harap niya si Oddy na kumakain na, habang si Pollo ay pinaglalaruan ang pagkain nito. Hinawakan niya ang kutsarang nasa tabi at tinignan kung paano kumain si Cate. Hinawakan niya rin ang tinidor at sinubukang sumandok ng kanin sa kutsara, ginamit niya namang pantusok ng hotdog ang tinidor. Nang akmang isusubo na niya ang laman ng kutsara ay biglang nagsilaglagan ang kanin. Sa isip ay napapamura na siya. Hindi man lang nakikisabay ang mga pagkain sa kaniya, gutom na gutom na siya! Pinulot niya ang mga nalaglag na pagkain at kinain iyon. Napairap si Cate na nasa tabi niya. "Ugh! Stop that, Talya!" Naiirita nitong sabi na tila hindi nagugustuhan ang ginagawa niya. Magrereklamo na sana siya na minumura na naman siya nito nang maunahan siya ni Primo. Tumikhim ito. "Ate Talya, Hecate." Pagtatama ni Primo sa anak. "Talya." Madiing ganti ni Cate sa ama at muling sumalok ng kanin. Napailing siya. May pagka-matigas din pala ang ulo ni Cate. Kung siya ang magulang nito'y kanina niya pa ito binatukan. Natapos sila sa pagkain at nagpresinta siyang magligpit ng pinagkainan ngunit hindi siya pinayagan ni Phemie, bagkus ay dinala siya nito sa playground kasama ni Pollo. "Ilang taon na si Pollo?" Tanong niya habang nakatingin kay Pollo na nakikipag habulan kay Cate. Nang tignan niya si Phemie ay nakakunot ang noo nito. Marahil siguro sa isang salitang nalimutan niyang idagdag. "Po?" Dugtong niya sa itinanong. Napahinga ng malalim si Phemie bago sumagot. "4 years age na siya." Biglang lumapit sa gawi nila si Oddy upang humalik sa pisngi ng ina. "Mom, I need to go." "Wait, magdala ka ng baon. Naroon kay manang Thema." Ani Phemie. "No, thanks. I'm getting late." Dumako ang mata nito sa kaniya at napansin niya ang pagtalim ng tingin nito. Tumalikod na ito at tumakbo paalis. Tumingin siya kay Phemie. "Boss, nasaan ba ang baon niya?" "Ha? Bakit?" "Basta, boss!" Nangunot ang noo ni Phemie, nagtataka sa kung anong gagawin niya. "N-nasa kusina, kay manang Thema." Dali-dali siyang umalis at nagtungo sa kusina. Muntik pa siyang maligaw nang mapasok niya ang ibang direksyon. "Sino si manang Thema po?" Tanong niya. Hindi talaga siya sanay gumalang. Napatingin sa kaniya ang mga taong naroon sa loob ng kusina. Nagtaas ng kamay ang isang may katandaang babae. "Ako. Bakit, ma'am?" "Nasaan po daw iyong baon ni Oddy po?" Tanong niya. Nalilito kung tama ba ang lagay ng 'po' niya. "Ah, ito." Mabilis niyang kinuha sa kamay ni Thema ang paper bag. Tumakbo siya palabas. Nakita niyang nakasakay na si Oddy ng motorsiklo ngunit binilisan niya ang takbo at hinarangan ang daraanan nito. "What the fuck?! Do you really want to die?!" Naiiritang tanong ni Oddy na itinaas lang ang salamin ng helmet. Hinihingal na itinaas niya ang paper bag na hawak ng kanang kamay niya. "Baon mo." "What? I don't need that. Alis!" Tinignan niya ito sa mata at pinanlisikan. Ang naintindihan niya lamang ay alis. Malamang na minumura na siya nito. "Tangina mo rin." Malutong niyang mura saka lumapit dito, kinuha ang kamay nito, at isinabit doon ang paper bag. Bahagya pa syang natigilan nang may maramdaman. "'Wag kang makulit. Baon mo 'yan." Tinalikuran na niya ito at bumalik kung saan naroon si Phemie. Habang naglalakad ay tinignan niya ang kamay. Bakit may naramdaman siyang kuryente nang hawakan niya ito?
eujcm... tj, cfgl'trp';bnll]
29/10
0Pls diamond
27/10
0good
16/03/2025
0ดูทั้งหมด