"So, you mean Pilipina ka?" Nanlalaki ang matang tanong ni Cate habang namamanghang pinagmasdan ang kabuuan ng mukha niya. Umikot ang mata niya rito. "Oo nga." "But you look like a foreigner." Mahina nitong sabi. Nangunot ang noo niya at mabilis na pinaningkitan ito ng mata. "Minumura mo ba ako?" "No—I mean hindi!" Agap nitong sagot saka umirap. "Bakit hindi ka marunong mag-english? Ganoon ka ba ka-poor?" "Ba't ba ang dami mong tanong?" Naiirita niyang sabi. "Kasi may mouth ako. I can say whatever I want to say." Muling nanlisik ang mata niya rito. "Minumura mo 'ko?" "Hindi nga kasi!" Napasandal siya sa headboard ng kama. Nasa ospital pa rin siya, hindi niya nga nagugustuhan ang amoy rito. Parang gusto niyang masuka. Pero hindi niya rin maitatangging masarap higaan ang kama dahil malambot iyon. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang beses na nakahiga siya sa malambot na bagay. Nakapagpalagayan niya na rin ng loob si Cate kahit may pagka-maarte ito. Wala rin sa loob ng kwarto ang mga magulang at kapatid nito dahil nauwi na muna habang nagpaiwan si Cate. Gusto pa raw siya nitong makilala. Bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Phemie na kasama ang anak nitong si Oddy. "Hi, hija." Pabungad na bati ni Phemie sa kaniya. "Nagdala ako ng pagkain para sa 'yo." Tamad na ibinigay sa kaniya ni Oddy ang paper bag. Nang buksan niya ay naglalaman iyon ng tupperware. Sigurado siyang pagkain ang nasa loob niyon kaya't binuksan niya at umalingasaw ang mabangong amoy sa paligid. "Ano 'to?" Tanong niya at inamoy-amoy iyon. "Steak 'yan, hija." Sagot ni Phemie at umingos lang si Oddy na naupo sa hindi kalayuang sopa. Napatango siya. 'Stick'. Bagay dito dahil kakarampot lang naman. Sinong mabubusog sa ganitong klaseng pagkain? Mabuti na lang at may isip pa rin ang gumawa dahil pinangalanan itong Stick. "Mom, why Steak?" Tanong ni Cate na bumaling sa ina. "Luto ni uncle Azriel mo 'yan. Masarap 'yan." Sagot ni Phemie sa anak. "But where's mine?" "Sa bahay." Hindi na niya pinansin ang mga ito at dinampot na ang Steak. Kinagatan niya iyon at nginuya-nguya. Hindi na masama para sa isang Stick. Masarap din naman pala pero sigurado siyang hindi niya iyon ikabubusog. Pero atleast, magkakalaman ang kaniyang tiyan kaya't ayos na iyon kaysa wala. "What the—" Napatingin siya kay Cate at nakitang nakatakip na ang kamay sa bibig nito. Bakit? Ganoon na ba kabaho ang amoy ng hininga niya? Kahit sa layo nito ay maaamoy pa? Nang dumako ang paningin niya kay Phemie ay nakanganga naman ito. Tumingin din siya kay Oddy ngunit nakangiwi ito. Bakit ba? Dalawang kagat lang ay naubos na niya ang Steak. Itinaas niya ang tupperware at dinilaan ang sauce ng Steak. Masyado kasi iyong masarap saka isa pa, hindi uso sa kaniya ang magtira ng pagkain. Hangga't maaari ay kailangan niya iyong simutin dahil sigurado siyang kinabukasan ay wala na naman siyang kakainin. Narinig niya ang isang malakas na pagsinghap. Galing iyon kay Phemie at Cate. "Oh my g! I want to vomit!" Sigaw ni Cate na nanakbo na patungong palikuran. "Ah... Eh... Hija—" Mabilis niyang ibinaba ang tupperware nang masimot na niya ang sauce. Ibinigay niya iyon kay Phemie. "Salamat!" Pasasalamat niya. Kahit naman kasi hindi maganda ang una nilang pagkikita at kahit sumasama na ang ugali niya ay marunong pa rin siyang magpakita ng kabutihang asal lalo na sa mga mababait na tao. Mabait naman ang mga ito dahil dinala siya sa loob ng ospital na ni minsan ay hindi niya pa napasok. Nandidiring hinawakan ni Phemie ang tupperware at mabilis na ibinaba sa side table. "Hindi dapat—" Natigil ito nang makitang isinubo niya ang daliri. May natira pa kasing sauce sa kaniyang kamay. Sayang naman kung ipupunas niya lang diba? Mabilis na hinampas ni Phemie ang kamay niya at kinuha iyon, naglabas ito ng panyo at ipinang-punas sa kamay niya. Naupo din ito sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga. "Hindi mo naman kailangang kamayin, may tinidor naman." Napapalunok siyang nakatingin sa daliri. Sayang talaga. "Sa amin, walang kutsara-kutsara, tinidor pa kaya? Lahat kami nagkakamay. Minsan nga wala pang hugas ang kamay namin kapag kakain." Napangiwi si Phemie. "Bakit naman nagkakamay lang kayo? Ano ba ang palagi niyong kinakain?" "Kahit ano." Nagkibit-balikat siya. "Kung anong meron sa basurahan, 'yon na." "Ano?!" Napatalon siya sa gulat nang mapasigaw si Phemie. Problema nito? "Nasaan ang mga magulang mo? Naglayas ka ba?" Ngumisi siya. "Wala akong mga magulang, kung meron man hindi ko naman kilala. Saka hindi ako naglayas, pinalayas ako." Naaawang tinignan siya ni Phemie. "Bakit ka pinalayas?" "Pabigat daw ako sabi ni tiya Homeng. Hindi ko na rin naman gustong tumira sa kanila. Inaalila lang ako ng pokpok na 'yon, eh. Panay lang sila kadyutan ng asawa niya kaya dumadami anak!" Napangiwi si Phemie dahil sa kabulgaran ng bibig niya. "Ah... Saan ka nakatira ngayon?" "Saan pa ba? Edi sa kalsada!" Umingos siya. "Saka magnanakaw pala ako. Papanakaw ba kayo?" Nabigla si Phemie sa tanong niya. Kahit siya man ay nabigla. 'Ay, tanga! Sinong magnanakaw ang magtatanong ng gan'yan?' "A-ano pa lang pangalan mo, hija?" Iniba ni Phemie ang usapan. Ipinakita niya ang kwintas na gawa sa kahoy na nakaukit ang pangalan niyang 'Caoilfhoinn'. "Kawol---anong basa diyan?" Nalilitong tanong ni Phemie. "Caoilfhoinn." Aniya na ang basa ay Keylin. "Caoilfhoinn Tallulah Guatalamelana ang buo kong pangalan pero tawagin niyo akong Talya." Pagtatapos niya. "Weird name." Naisatinig ni Oddy ang nasa isip kaya't napatingin siya rito. "Minumura mo ba ako, lalaki?" Inirapan lang siya ni Oddy matapos ay sumandal ng maayos sa sopa. "Ang ganda ng pangalan mo, Talya." Nakangiting sabi ni Phemie. Ngumisi siya. "'Sing ganda ko ba?" Napaubo-ubo si Oddy sa upuan. Masyado kasi siyang mahangin. Nanlaki ang mata ni Phemie. "Ay, oo naman! Magkasing ganda rin tayo!" Bigla siya nitong niyakap na ikinagulat niya. Napairap si Oddy sa kawalan. Buhay pa rin pala ang kahanginan ng ina nito sa katawan. Akala nito ay wala na. Napasinghap ng malakas si Phemie na tila may naisip na maganda. Mabilis itong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. "Alam ko na, sa amin ka na lang kaya tumira? Kami ang magiging guardian mo!" "What?! Mom!" Napatayo sa kinauupuan si Oddy at bakas ang pagtutol sa mukha. Napaawang naman ang bibig niya. Ano daw? Tama ba ang pagkakarinig niya? Titira siya sa kanila? "What's happening here?" Tanong ni Cate na kalalabas lang ng banyo. "If's deal then. Sa amin ka na titira." Niyakap muli siya ni Phemie at niyakap na rin naman niya ito pabalik. Dumako ang tingin niya kay Oddy na masama na pala ang tingin sa kaniya at tila lalapain na siya. Bigla niya itong binelatan. Mukhang magiging masaya ang pagtira niya sa mga ito.
eujcm... tj, cfgl'trp';bnll]
29/10
0Pls diamond
27/10
0good
16/03/2025
0ดูทั้งหมด